Library
English
Chapters
Settings

Kabanata 9

"Señorita Maria, pinabababa na po kayo ni Don Solomon."

Napatingin ako kay Matilda na nakatayo sa may pintuan.

"Nandiyan na po ang mga panauhin..." Ngumiti siya na parang ewan. "Sino ba ang mga bisita?" tanong ko.

Mas ngumiti pa siya. Geez, ang weird naman ni Matilda ngayon. "Ang pamilya Antonio po, Señorita."

What? Mag-kasama lang kami kanina tapos nandito nanaman 'yung tikbalang na 'yun? Oh, gosh! Hindi ba pwedeng pahinga muna sa mukha niya? Hindi pa nga ako nakaka-recover sa mga pangyayari kanina—in which nag-blush siya at mukhang may crush kay Ate Gracia—tapos 'yan nanaman siya. Aish!

"Señorita, ayos lamang ba ang pakiramdam ninyo? Bakit tila para kayong nabuhusan ng malamig na tubig?"

"Ah, wala. Ayos lang ako." Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa harapan ng salamin. Kaya pala talagang pinaayusan ako nina Ama at Ina ha. Ano nanaman kayang meron? Gosh. Masama na ang kutob ko. Naka-white at black na baro't-saya ako ngayon at ang buhok ko ay may ipit lang sa side pero naka-lugay.

Sa totoo lang, ang ganda ko!

Nakakainis na.

"Napaka-ganda niyo naman masyado ngayon, Señorita Maria." Oh, sabi ko naman sa inyo e. Napa-smile naman ako sa loob-loob ko. Gosh, ang honest naman talaga ni Matilda.

"Binibini na lang, Matilda. 'Wag ng Señorita," sabi ko sa kanya. Mukhang nagulat naman siya.

"Pero Señorita—"

"Sige na, Matilda. Binibini na lang." Nginitian ko naman siya kaya napa-ngiti na din siya.

"Masusunod po, Binibining Maria!"

Bumaba na ako at agad kong nakita si Lienzo Antonio sa dulo ng hagdanan. Matangkad siya at mas maputi kay Pablo, 'yung itsura niya 'yung tipong friendly masyado kaya na-fafall ang mga babae tapos hindi naman sasaluhin. Ganong-ganon ang pa-style netong si Lienzo.

"Eres tan hermosa esta noche en el mundo, Binibining Maria." (You're so lovely tonight, Maria) aniya. Nag-bow siya at inilahad ang kamay niya. Napa-ngiti naman ako. Nasasanay na yata ako sa mga gentleman!

Tinanggap ko 'yung kamay niya at nginitian siya. "Gracias, Ginoong Lienzo." (Thankyou, Lienzo) ani ko. Sa totoo lang, hindi ko naman naintindihan 'yung sinabi niya. Pero feeling ko maganda 'yung meaning kasi naka-ngiti siya sa 'kin. Thank you lang naman 'yung alam kong sabihin sa Spanish. Aish.

Sabay kaming nag-lakad papunta sa dining room. Kumpleto naman na sila lahat doon, kaya napa-tingin sa aming lahat nung dumating kami ni Lienzo.

"Napakakisig mo naman ngayon, Binibining Maria." ani Leonardo Antonio.

"Salamat..."

"Napakagandang dilag talaga ng inyong bunso, Solomon at Aurora." Napatingin naman ako kay Donya Luisita. Ngumiti ako sa kanya bago umupo sa tabihan ni Ina.

"Kaya nga napakaraming binata ang gustong umakyat ng ligaw sa aming dalagitang ito."

What? Ano daw? Maraming manliligaw si Maria Yrratia? So, nasaan na 'yun? Nasaan na sila?

"Kami nama'y nagagalak dahil kami ang inyong napa-unlakan, Amigo at Amiga..." ani Don Filemino.

Paanong napa-unlakan?

"Maria..." si Donya Luisita.

"P-Po?"

May sasabihin na sana siya pero biglang sumingit si Ama. "Amiga, hindi pa namin nasasabi sa aming anak na si Maria..."

Ano 'yun? Ano'ng sasabihin niya?!

"Maria," si Ama na ngayon. "Nandirito ang pamilya Antonio ngayon, sapagkat nais naming ikaw ay makasal sa isa sa kanilang mga anak..."

"Po?!"

"Maria, huwag mong pagtaasan ng boses ang iyong Ama!" sabi ni Ina. Oh, gosh! Ako? Ikakasal? Galing ako sa present! It can't be, right?

"Pasensya na po..." Kasama ba 'to sa plano ni Joselito? Tyaka, bakit biglang ikakasal na lang ako?

"Ama, Ina, hindi ba masyado pang bata si Maria para rito?" si Kuya Emilio. Buti may kakampi ako! Twenty years old palang ako!

"Oo nga naman, Ama." si Ate Gracia.

"Huwag ninyong kwinekwestyon ang desisyon namin ng Ama ninyo," ani Ina. Ang taray niya naman ngayon. Grabe.

"Matagal na namin itong napag-desisyunan at matagal na rin itong kasunduan ng pamilya Antonio at ng ating pamilya..." si Ina.

"Kung ganoon, bakit ngangayon lamang namin ito nalaman, Ama, Ina?" tanong ni Lienzo kay Donya Luisita at Don Filemino.

"Anak, Lienzo, dahil kinailangang nasa tamang edad na si Binibining Maria para rito, isa pa, ngangayon nagkaroon ng pagkakataon na nandirito sa San Antonio ang ipinagkasundo..." si Don Filemino sa isang serious na tono.

So, hindi din alam ng mga anak na Antonio? Pati naming mga Alejandre? Grabe.

"Kung ganoon, Ama, ang ibig sabihin mo'y si—" Natigilan sa pagsasalita si Leonardo at napatingin kami sa tinitingnan niya.

No way...

"Pablo!" malakas na sigaw ni Don Filemino na dumagundong sa buong mansion.

Tumakas nanaman ang the great pasaway Pablo Tikbalang Antonio!

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.