Library
English
Chapters
Settings

8

DALA na rin siguro ng kondisyon kaya nakatulog na naman si Misha. Sa sasakyan pa lamang nang pauwi sila ni Duke galing sa ospital ay alam niyang naggawa na niya iyon. Naggising na siya ngayon sa kama nila na mag-asawa.

Nakakain sila ni Duke sa ospital kaya walang nararamdamang gutom si Misha. Ginawa nila iyon habang inaantay ang kumpirmasyon ng Doctor sa kondisyon niya. Inamin kasi ni Misha ang kanyang lagay sa Doctor. Kailangan nila na magpa-second opinion. Pero totoo nga na nagkakaroon ng milagro: buntis si Misha.

May araw pa naman ng maggising si Misha. Maayos rin ang pakiramdam niya. Bumangon siya ng kama. Hinanap niya si Duke. Mabilis naman niya itong nakita. Kasalukuyan itong nasa terrace ng kanilang kuwarto. Naninigarilyo ito.

Bihirang manigarilyo si Duke. Ginagawa lang nito iyon kapag natetensyon sa isang bagay. Hindi niya masisisi kung ginagawa nito iyon. Naiintindihan niya na natatakot ito sa naging sitwasyon. Masama nga naman iyon sa lagay niya. Nag-aalala ito sa kanya.

Nilapitan ni Misha ang asawa. Kinuha niya ang sigarilyo sa kamay nito. "Simula ngayon, hindi ka na puwedeng gumamit niyan."

"Alam mo na ginagawa---"

"Alam ko. Hindi kita masisisi. Pero alam mo rin ang lagay ko. Asawa kita. Palagi ka dapat na nasa tabi ko. Pero makakasama lalo sa kondisyon ko kung gagamit ka niyan."

Tumiim ang bagang ni Duke. Nagdilim ang mukha nito. Pero hindi nito itinapon ang sigarilyo. "Iwasan mo ako kung ganoon."

"Duke---"

Itinaas ni Duke ang kamay. "Iwanan mo muna ako, Misha. Kailangan kong mag-isip."

"Sa tingin ko ay mas dapat nating pag-usapan muna ang sitwasyon."

"Paano? Nakapag-isip ka na ba ng tamang gagawin? Nakapagdesisyon ka na ba?"

"Sa tingin ko ay hindi na kailangan pang pag-isipan ito na mabuti. Wala naman tayong choice. We have to face it."

"No." Matatag ang boses ni Duke.

"Ipagpapatuloy ko ang pagbubuntis na ito." Buo ang boses na sabi ni Misha. Seryoso siya sa sinasabi.

Magiging delikado iyon. Maaari niyang ikamatay iyon kagaya ng nangyari sa kanyang ina. Pero hindi na mahalaga kay Misha. Buhay ang pinag-uusapan ngayon. She couldn't let this baby go. Blessing ito ng Diyos sa kanila. May dahilan kung bakit ibinigay iyon ng Diyos. Buong akala niya ay wala siyang kakayahan na magbuntis. Pero lahat ng iyon ay aakala lamang niya. Totoo nga ang sinabi ni Duke: miracles do really happen.

Gusto ni Misha ang batang ito. Isa itong patunay na lahat ng bagay ay posible. Isa pa, kung ang Mommy nga niya noon ay isinakripisyo ang buhay para sa kanya, dapat lang rin naman na ganoon siya.

Pinapahalagahan na kaagad ni Misha ang sanggol na nasa sinapupunan. Nakakatakot pero masaya ang kanyang nararamdaman. Life wasn't really unfair after all. Ang akala nilang imposible ay hindi naman pala. Magkakaroon na ng katuparan ang pangarap niya. She doesn't care if her life is at risk because of it.

May history ang pamilya ni Misha tungkol sa mahirap na pagbubuntis. Namatay ang Lola at Mommy niya sa hirap sa pagbubuntis. It was like a curse. Bilang Doctor, alam niya na maraming mga bagay ang namamana. It sometimes run into the genes. Hindi niya lang sigurado kung ganoon rin ang sa kanya. Yet, she would have this baby. Kung kailangan na ibigay ang buhay niya rito, gagawin niya.

Namutla si Duke. Nabitawan nito ang sigarilyo sa gulat. "Y-you're not serious."

"Seryoso ako." Sinalubong ni Misha ang mata ni Duke para lalong iparamdam na seryoso siya sa sinasabi.

Umiling-iling si Duke. "Hindi mo pa napapag-isipan ang lahat. Naiintindihan ko. Nabibigla ka pa lang at---"

Hinawakan ni Misha ang balikat ni Duke. "I will have this baby no matter what."

"Tumigil ka, Misha! Ikamamatay mo iyon!" nahihindik ang boses ni Duke.

"Mas ikakamatay ko kung hahayaan ko na mawala ang batang ito."

Napamura si Duke. Nasabunutan nito ang ulo. Halatang gulong-gulo ang mukha nito.

Hinaplos ni Misha ang braso nito. "It's okay, Duke. Makakaya nating lagpasan ito."

Pumikit si Duke. Hurt was all over his face. "Hindi ko kayang mawala ka, Misha."

Tumulo ang luha ni Misha. Niyakap niya si Duke. Kahit siya ay natatakot rin naman sa kondisyon niya. Pero iniisip niya na pagsubok ito sa relasyon nila. "It will be okay, Duke. I trust you. Kapag nawala ako, alam ko na hindi mo papabayaan ang anak natin. Aalagaan mo siya."

Lumayo ito sa kanya. His face was now full of fear. He was horrified. "No!"

"Duke..."

"Hindi talaga maaaring mangyari ito, Misha. I can't take care of a child! We will find a way. Kanina ay may tinawagan na akong kaibigan. May alam siyang clinic na nagsasagawa ng abortion---"

Nanlaki ang mata ni Misha. "Iyan ang hinding-hindi natin gagawin!"

"I can't lose you. I don't want to have a child, too. Hindi ko gusto ng ganoong responsibilidad."

"Matutunan mo rin iyon---"

"You can't make me. No one could even make me. Hindi tayo magkakaanak! Hindi ako maaaring magkaanak. This is just a bad dream. God damn it!" galit na iniwan siya ni Duke pagkatapos.

Pakiramdam ni Misha ay bumalik na naman sila ni Duke sa dati. Naalala niya ang mga panahong pinag-awayan nila ang tungkol sa pag-aampon. Hindi nila naresolba iyon. Hindi ito pumayag. Nararamdaman niya na mas malala ang ngayon. Hindi lang ang pagkaayaw ni Duke sa responsibilidad ang problema nila. Kailangan rin nilang isaalang-alang ang kondisyon niya.

Pero balewala na kay Misha kung isasakripisyo man niya ang buhay sa bata. Iyon naman talaga ang tamang gawin ng isang ina. Ang problema lang talaga niya ay si Duke. Ano ba talaga ang mayroon at ayaw nito ng responsibilidad sa pagkakaroon ng anak? Anong issue nito sa buhay?

Isang malaking pagsubok ang hinaharap nila ngayong mag-asawa. Ang dating smooth-sailing nilang relasyon ay sinubok ng malaking alon. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi siya sanay. Ang buong akala ni Misha ay happily ever after na ang lahat ng pakasalan siya ni Duke. Pero mukhang ngayon pa lamang nag-uumpisa ang totoong problema.

Dalawang taon na silang kasal ni Duke kaya nakakatawang ganoon ang nangyari. Halos wala silang problema noon. O ganoon lang ang naiisip ni Misha dahil hindi naman lumalabas ang epekto noon? Siguro nga. Ngayon nagkakaroon ng epekto ang isang problema na hindi niya gaanong pinansin.

Sa tagal ng pagsasama nila Duke at Misha, hindi pa rin ganoong kilala ni Misha ang asawa...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.