Library
English
Chapters
Settings

9

Two Years Ago

HINDI nakikipagsosyalan si Misha. Bihira siyang dumalo ng mga parties. Exception nga lamang ang parties na may kinalaman sa kompanya na pagmamay-ari ng kanyang ama---The Silver Hotels. Hindi puwedeng hindi siya dadalo bilang nag-iisang anak ng may-ari. Lalo na ngayong ika-silver anniversary rin ng kompanya.

Bongga ang event. Pero dahil hindi sanay si Misha sa ganoong sitwasyon, nabo-bored siya. Ano namang gagawin niya roon? Wala siyang masyadong kaibigan, lalo na ang mga tao sa alta-sosyalidad. Madalas kasi ay nasa bahay lang siya. Ganoon rin ang nahihiling niya sa ngayon. Magugustuhan niya pa na magbasa ng libro o 'di kaya ay manood ng TV kaysa ang tignan ang mga nagniningningan na kasuotan at paligid.

Gusto ng tumakas ni Misha. Hindi naman kasi siya maka-relate sa usapan ng kanyang ama at sa kung sinu-sinong colleagues ng ama. Pero sinigurado ng ama na hindi niya iyon magagawa. Hawak-hawak siya ng kanyang ama. Siya raw ang date nito sa event.

"Chance mo na rin ito para makakilala ng lalaking mapapangasawa mo," biro ng ama kay Misha. Kinindatan siya nito.

"Daddy!" namula si Misha.

"Hindi ka na bumabata, Anak. Paano ka kapag wala na ako?"

Napaikot ni Misha ang mata."Ang lakas-lakas niyo pa para maisip'yan."

"Hindi rin. Nasabi ko na naman sa 'yo na balak ko ng mag-retire next year 'di ba?"

"But that doesn't mean that you are getting weaker. Gusto niyo lang magpahinga. Tama lang naman iyon. Higit kalahati ng buhay niyo ay ibinuhos niyo sa kompanya."

"Oo na. Pero 'yung totoo, may gusto talaga akong ipakilala sa 'yo. Isa siya sa mga business partners ko. Siya ang napipili ko at ng majority ng board na pumalit sa akin kapag nag-retire na ako."

Tinaasan ni Misha ng isang kilay ang ama. "Baka naman DOM na 'yan, Daddy?" ganoon ang madalas na business partner ng Daddy niya.

Tumawa ang ama. "Thirty five lang siya and I'm very sure he's a bachelor. Ipapahamak ba naman kita? And wait, here he is!"

Napatingin si Misha sa direksyon na tinitignan ng ama. Gusto niyang mapasinghap sa nakita. The man was gorgeous! Tumigil ang mundo ni Misha. Ang tanging naririnig lamang niya ay ang malakas na tibok ng puso niya nang magsalubong ang kanilang mga mata.

"Duke, meet my only daughter, Misha. Misha, meet Duke, one of my business partners,"

Inilahad ni Duke ang kamay sa harap ni Misha. Hindi kaagad natanggap iyon ni Misha. Natulala kasi siya sa lalaki. Kulay Pilipino ang balat nito pero makikita sa mukha na may lahing banyaga ito.

Duke had gray eyes and a high-bridge nose. Manipis ang labi nito at mapuputi ang ngipin. Napakaganda rin ng tindig nito. Intimidating ang katangkaran nito para kay Misha dahil halos umabot lang sa leeg nito ang katangkaran niya. Pero plus points iyon sa kanya. Gusto niya ng ganoong lalaki. Pakiramdam kasi niya ay ligtas siya. Mas mukha itong artista kaysa isang business man.

Mga twenty seconds rin siguro na nakatulala si Misha kay Duke bago niya tinanggap ang pakikipagkamay nito. "H-hello,"

Pinisil ni Duke ang kamay ni Misha. Lalo pang nagwala ang puso niya. Parang may mga nagliparan rin sa tiyan niya at may dumaloy na kuryente sa kanyang balat. Ano bang mayroon sa lalaking ito? Ngayon lang siya nakaramdam ng ganoon katinding emosyon.

"Hey, it's nice to meet you, Misha."

Hindi pa kaagad binitawan ni Duke ang kamay ni Misha. Sa halip, hinalikan pa nito iyon.

Napatingin si Misha sa ama. Alam niya na pulang-pula ang pisngi niya sa atensyon na ibinigay sa kanya ng binata.

"See? Guwapo pa 'di ba?" bulong pa ng ama ni Misha sa kanya.

Hindi makapagsalita si Misha. She couldn't agree less.

Tumikhim ang ama ni Misha. Binitawan siya nito. "May naalala pala akong kailangang gawin. Duke, if you don't mind...can you please take care of my daughter for a while?"

Her father was acting as a matchmaker. Hindi alam ni Misha kung ikakatuwa niya ba iyon o ano. But when Duke smiles, she knew it should be a positive feeling.

"It will be my honor to have your very beautiful daughter as my date tonight, Mr. Cabiscuelas."

"I know," kinandatan pa silang dalawa ng ama bago umalis.

Natutuliro si Misha. Bago sa kanya ang mga emosyon na ito. Paano niya hahawakan iyon? Ang hawak, ang halik at kahit ang pagsasabi nito na maganda siya ay pinag-iinit sa kilig ang katawan niya. Napakalakas ng charm ng lalaking ito. Kahit siya na hindi naman gustong asikasuhin ang sariling love life ay napapaisip tuloy.

Dinala ni Duke si Misha sa garden ng hotel. Lahat ay abala sa pakikipagsosyalan sa loob. Sila lamang ang tao sa lugar. Madilim ang paligid pero pareho nilang hindi alintana. Mas nagustuhan pa nga iyon ni Misha. The night sky made the moment more intimate. Naaaliw na kinakabahan si Misha sa damdamin.

"So Misha, anong pinagkakaabalahan mo sa buhay?" umpisang tanong ni Duke.

"I'm a Doctor. Ikaw?I mean, bukod sa pagiging business partner ni Daddy ay---"

"I also have my own chain of hotels. You know Jacques?"

"Of course." May limang branches ng five stars hotel ang Jacques Hotels sa Pilipinas. Ang main branch noon ay nasa Paris, France.

Ngumiti si Duke. "That's mine."

"You're French?"

"Half-French, Half-Filipino, ma Cherie."

"Oh..." kaya naman pala pinagpala ang features!

"And you? What kind of Doctor are you? I want to know more about you."

Mukhang interesadong-interesado ang lalaki. Ang ganda ng ngiti nito habang nakatingin sa kanya. Bahagyang naiilang si Misha pero pinilit niya na huwag. Ayaw niyang masira ang moment.

"I'm a pediatrician."sagot ni Misha.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Duke. "I see. You love kids?"

"So much."

Tumango-tango ito. Parang nawala bigla ang interes. Bahagyang kinabahan si Misha. Was that a turn off for him?

"M-may problema ba?"

"Ha? Wala naman. It's just that, I'm not really into kids. But it's fine." Nagkibit-balikat ito.

"Mahilig ako sa bata kasi wala naman akong kapatid."

"Yeah. Matagal na raw na patay ang asawa ni Mr. Cabisuelas."

"Namatay siya sa panganganak sa akin. Isa pa rin na dahilan ang pagkamatay ni Mommy kaya mahilig ako sa mga bata." Napakuwento na si Misha.

"Hmmm....?"

Huminga nang malalim si Misha. "I shouldn't be talking these things with you."

"Go on. I don't mind. May problema ba?"

"M-may problema sa akin. Gaano ko man kasi gustong magkaroon ng bata sa pamilya, kahit ako ay hindi kayang bumuo noon. I-I'm infertile."

Masamang balita iyon pero parang nakahinga pa nang maluwag si Duke. "Really?"

Doon bumalik ang interes ni Duke. Hindi na muling nawala ang ngiti sa labi nito habang kinakausap siya. Mukhang walang kaso sa lalaki ang kondisyon niya. Sa halip, parang ikinatuwa pa nito iyon.

Nasundan pa ang unang pagkikita at pagkakilala nila ni Duke. Kinuha nito ang number niya. He texted and called her. Ilang beses siyang niyaya nito na makipag-date. Hindi rin miminsan na sinundo siya nito sa trabaho. Minsan ay pinadalhan pa siya nito ng mga bulaklak. Mas nahulog ang loob ni Misha rito. Sa unang pagkakataon sa buhay niya, naamin niya sa sarili na in love na siya.

Iniiwasan sana ni Misha na ma-in love. Natatakot kasi siya dahil sa sitwasyon niya. Sa kasal patungo ang isang pag-ibig. Bakit ba nagpapakasal ang dalawang tao? Para bumuo ng pamilya. Hindi makakabuo ng isang kompletong pamilya si Misha dahil hindi siya maaaring magkaanak. Natatakot siyang hindi maibigay sa asawa niya ang gusto ng halos lahat ng mag-asawa sa mundo---anak.

Alam ni Duke ang sitwasyon niya. Wala naman itong reklamo. Tanggap siya nito. Pero teka, tama ba na isipin niya na may pag-asa para sa kanilang dalawa?

Walang kahit anong sinasabi si Duke. Masaya naman ito kapag kasama siya. But there are no words of love from him. Isa pa, napakabilis pa lang rin siguro ng lahat. Mahigit isang buwan pa lamang sila na nagkakilala. Masasabi pa nga niya na hindi niya pa lubos na kilala si Duke. Paano kasi kapag magkasama sila ay palaging siya ang pinagsasalita nito. He always said he wanted to get to know her more. Kung may ikinukuwento man ito, palaging business lang iyon o kaya ay ilan sa mga kaibigan nito.

Isang araw ay niyaya siya ni Duke na magpunta sa Tagaytay. Pinasyal nila ang lugar sa loob ng isang buong araw. Nang gumabi na ay dinala siya nito sa ranch house na pagmamay-ari nito roon. Bahagyang kinabahan si Misha pero pinili niya na kumalma. Pinagkakatiwalaan naman niya si Duke.

"You're trembling." Puna ni Duke nang hawakan siya.

Pinilit na ngumiti ni Misha kahit kinakabahan siya. "M-malamig kasi rito sa Tagaytay."

Kumibot-kibot ang labi ni Duke. "Really? Or are you scared?"

"B-bakit naman ako matatakot?"

"Nararamdaman ko."

Nagtitigan sina Misha at Duke. Kakaiba ang isinukling tingin nito sa kanya---nang-aakit. Mas lalong lumala ang tensyon sa puso at katawan ni Misha. Napaamin na rin siya. "B-bakit dinala mo ako rito? Bakit hindi mo ako inuwi sa bahay?"

Duke cupped Misha's face. Inilapit rin nito ang mukha sa kanya. "Hmmm....we've been going out for a month now, Misha."

"And...?"

"And I am a man with needs. Sa totoo lang, gusto ko na ngang palakpakan ang sarili ko, eh. Sex is a weekly practice for me..."

"Duke..."

Kumabog pa lalo ang puso ni Misha nang hawakan ni Duke ang labi niya. "I'm very much attracted to you, Misha. I want to explore more of you. Papayagan mo ba ako?"

Misha was close to surrender. Ilang beses na siyang nahalikan ni Duke. Kahit siya ay ilang beses na naiisip ang paano kung lumalim at pumunta pa iyon sa iba. She felt sparks and fireworks every time. Pero tama ba na pagganahin niya ang sensual na bahagi ng kanyang isip?

"I-I don't think its the right time yet." Sa halip ay sagot ni Misha.

Nagkaroon ng frustration sa mukha ni Duke. "Then?"

Hinawakan ni Misha ang kamay ni Duke na para bang sa pamamagitan noon ay mapapakalma niya ito. "Ikaw lang ang tanging lalaki na dumaan sa buhay ko, Duke. Alam mo na ang ibig sabihin ko."

Napaawang ang labi ni Duke. "B-bakit?"

Inamin na ni Misha ang mga dahilan niya. "Isa pa, gusto ko rin na ibigay ang sarili ko sa taong mahal ko."

"Kung ganoon, anong nararamdaman mo sa akin?"

Napakagat-labi si Misha. Tama ba na siya muna ang umamin? But then...kaya ba niyang pigilan ang damdamin? "I think I love you, Duke. Pero natatakot ako,"

Bahagyang natawa si Duke. "Bakit ka naman natatakot? I'm happy about it, actually."

"What if you don't feel the same way. Baka nag-a-assume lang ako or something. Sabi rin nila ay player ka raw. Pinagkakatiwalaan naman kita. Pero natatakot akong masaktan..."

"I promise you I won't. Pero para maniwala ka na gagawin ko iyon, alam ko na kailangan kong bigyan ka ng isang bagay..." may dinukot si Duke mula sa bulsa nito.

Napasinghap si Misha nang makakita ng maliit na kahon. Naglalaman iyon ng singsing na may diamond na palamuti. Hindi pa man sinasabi ni Duke ang tunay na purpose ay napaiyak na si Misha.

"Marry me, Misha Cabiscuelas." Nakangiting wika ni Duke.

Tanging iyak lang ng saya ang nasagot muna ni Misha. Masyado siyang na-overwhelm at nagulat.

"Say something," maya-maya ay ungot ni Duke. Hawak-hawak nito ang kamay niya pero hindi pa mailagay ang singsing.

"Sigurado ka ba rito? Hindi pa natin lubusan na kilala ang isa't isa."

"We have forever to know each other. Saka kailangan ba talaga na kilalang-kilala natin ang isa't isa para magpakasal? The only thing we need is what we feel for each other."

"Y-yeah. May point ka naman. Pero---"

"Ano pa ba ang gusto mo na malaman sa akin, Misha?"

"Something about...like your family?"

Nawala ang ngiti sa labi ni Duke. "Wala na akong pamilya. Matagal na akong ulila."

"I'm sorry." Nagulat si Misha. Kaya siguro wala itong nababanggit sa kanya. "Pero puwede ko bang malaman kung bakit?"

"I don't think its the right time to talk about my past. Isa pa, hindi na mahalaga ang nakaraan ko dahil wala na naman tayo roon. Tapos na iyon. All we should think about is the present and the future. So now, I am asking you again. Will you be Mrs. Duke Jacques?"

May punto muli si Duke. Bakit pa nga naman nila papahalagahan ang nakaraan? Nasa kasalukuyan sila ngayon. Iyon ang importante at ang hinaharap nilang kahaharapin. At iyon nga, may habang buhay sila para makilala ang isa't isa.

Hindi na inisip ni Misha ang mga takot. Tumango na siya at binitawan ang salitang alam niyang lubos na makakapagbago sa kanyang buhay....

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.