Library
English
Chapters
Settings

7

"I'M SORRY," hinging paumanhin ni Duke kay Misha nang maggising. Pumasok kaagad sa alaala ni Misha ang mga nangyari. Nawalan siya ng malay. Ngayon ay naggising siya na nasa isang pamilyar na paligid---sa emergency room ng St. Alexander's Hospital.

Pinakiramdaman ni Misha ang sarili. Hindi maganda ang gising niya kahit tanghali na rin naman iyon. Ngayon na siya lubusang nag-aalala sa sarili. Noon kasi ay kinokonsidera lang niya na dala ng stress ang lahat. Ayaw niyang isipin na may sakit siya dahil noong nakaraang general check-up naman niya may tatlong buwan ang nakalilipas ay maayos ang lahat sa kanya.

Tumingin si Misha kay Duke. Mukhang nag-aalala at sincere naman ang pagkakasabi nito ng "sorry". Pero hindi niya maiwasan na mapaisip. Para saan ang sorry nito? Tungkol ba sa hindi magandang pagtrato nito sa kanya kaninang umaga? Iyon siguro ay mapapalampas niya. Kahit papaano ay guilty rin naman siya sa ginawa niya. Hindi niya naggawa ang responsibilidad. Sensitive pa man rin si Sean pagdating sa pagkain. Hindi rin siya nakapagpaalam rito. Pero ang mga narinig kagabi, mukhang hindi iyon basta-basta makukuha ng salitang sorry.

Kailangang komprontahin ni Misha si Duke sa narinig. Malaking issue iyon para sa kanya. Ngayon niya lamang nalaman ang lahat ng iyon. Ginusto siya ni Duke dahil hindi niya ito kayang bigyan ng anak? Anong klaseng sagot iyon? Mukhang marami pa siyang bagay na hindi alam sa asawa. Pero hindi pa ngayon ang tamang oras.

"Anong nangyari? Matagal ba akong nawalan ng malay? May diagnosis na ba ang Doctor sa akin?"

"Wala pa naman na isang oras. They did a check on you. She said she will be back later. May hinala na ang Doctor kaagad sa lagay mo. Kaibigan mo ang tumingin sa 'yo."

Napaisip si Misha kung sino ang tinutukoy ni Duke. Ang pinakaunang pumasok sa isip niya ay si Doctor Betty. Ito ang pinakamalapit sa kanyang Doctor sa ospital. Isa itong OB-Gynecologist.

Tama ng hinala si Misha. Wala pang isang minuto nang maggising siya ay sinilip siya nito. Naging maganda ang ngiti nito at niyakap pa siya.

"I'm so happy for you, Misha."

"Ha?" naguluhan si Misha. Hindi ba dapat ay kapag nasa ospital ay kadalasan na may masamang nangyari? Bakit masaya ito? "Anong mayroon sa akin, Betty?"

"Sinabi sa akin ng asawa mo ang nangyari. Nagkaroon na kaagad ako ng hinala pero hindi ko pa muna gustong sabihin sa kanya. Napapansin ko rin naman na nitong mga nakaraan ay may kakaiba sa 'yo. Palagi kang nagrereklamo na masakit ang ulo, mabigat ang katawan at nangangayayat ka rin. Those symptoms...'wag mong sabihin na hindi mo pa rin naiisip iyon?"

Umiling si Misha. "'Wag ka ng magpaligoy-ligoy pa,"

Nakangiting umiling-iling si Betty. "You are good with kids, Misha. Alam ko na magiging mabuting ina ka at gugustuhin mo rin iyon. So it is really good news for you. Congratulations! You're ten weeks pregnant!"

Pinaglipat-lipat pa ni Betty ang masayang tingin sa kanilang mag-asawa. Pareho silang natulala ni Duke. Higit pa sa gulat ang naramdaman ni Misha.

Sigurado ba si Betty sa pinagsasabi nito? She couldn't be pregnant. Infertile siya.

Paanong nangyari iyon? Paano rin siya sa hinaharap? Maaaring manganib ang buhay niya sa pagbubuntis. History repeats itself. Nasa lahi nila ang nahihirapan sa pagbubuntis at ikinamamatay iyon. Napakaraming tanong na bumagabag kay Misha. Pero sa ngayon, iisa lamang ang nagningning na paano.

Paano naggawang sumigaw ni Duke ng ganoon kalakas pagkatapos ma-digest sa isip ang nangyayari?

"No!!!" binulabog nang malakas na sigaw ng asawa ang buong St. Alexander's Hospital.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.