8
ANG BUONG akala ni Precious ay magiging masaya si Price dahil pumayag at sabi pa nga nito ay kayang-kaya nitong tuparin ang mga wish na nilagay niya sa notebook. Pero nang makita nito ang mga sinusukat niyang damit na gagamitin niya sa pinakaunang wish niya ay hindi naman maipinta ang mukha nito. Para tuloy gusto na niyang bawiin ang sinabi niya na mabait ito dahil mukhang joke lang iyon.
Alam niyang wala naman siyang karapatang magreklamo rito. Ito ang nag-volunteer na gawin ang mga iyon sa kanya. Ito ang nagpahalaga sa damdamin niya. Ito ang gagawa ng paraan para maging masaya siya kahit papaano. Pero hindi niya maiwasang mairita sa reaksyon nito sa tuwing lumalabas siya ng dressing room nang boutique na pinuntahan nila. Ilang beses niya itong nakitang nakangiwi o di kaya nakasimangot sa mga suot niya. Naiinis na siya dahil nakasampu na yata siyang sukat ng damit, ni isa ay wala man lang itong nagustuhan sa mga iyon. Napapansin niyang pati ang sales lady ay naiinis na rin sa kaartehan nito. Mag-iisang oras na sila roon ay wala pa itong nagugustuhan.
Dahil ito ang magbabayad ng "activities" niya ay hindi naman niya magawang makapagreklamo rito. Kahit naman inilabas na rin niya ang kaartehan niya rito nang mga nakaraang araw, ngayon naman na na-realize niya ang mga efforts na ginagawa nito sa kanya ay nahihiya siya rito. Hindi niya maisaloob ang gusto niya. Pero sadya yata talagang nawawala na ang ugali niyang mahabang pasensiya nitong mga nakaraang araw. Nang nasa ika-labing-dalawang damit na sila at hindi pa rin nagbabago ang reaksyon nito ay naputol na ang pisi niya.
"Ano ba talaga? Tutulungan mo ba akong maging masaya? Eh sa mga pinapakita mo ngayon, binibigo mo na ako, eh!"
Halatang nagulat ito nang mag-init na ang ulo niya. Napaawang ang labi nito. Kahit naman ang saleslady ay ganoon rin. Paano kanina ay para lang siyang maamong tupa na sunod-sunuran sa gusto nito. Kapag ayaw nito ay ibinabalik niya nang maayos ang damit. Pero dahil hindi na niya mapigilan ang sarili niya sa kaartehan nito ay nagiging maarte na muli siya.
Nang makahuma naman ito sa biglaang reaksyon niya ay napabuntong-hininga ito. "Honey, ayaw ko lang kasi niyang mga damit na gusto mong isuot. Lahat na lang yata ay sobrang iikli!"
Pinamaywangan niya ito. "And what do you want me to choose? 'Yung damit na kasinghaba ng mga sinusuot ni Maria Clara noong panahon niya? Gosh, Price! Sa Casino tayo pupunta at hindi sa simbahan!"
Ang unang inilista niya sa notebook ay ang maranasang mag-Casino at magparty. Napaka-odd isipin na ilang taon siyang nakatira sa America pero ni minsan ay hindi man lang niya nagawa iyon. She always want to. But because she was always thinking of the people that needs her help, isinasantabi niya ang sariling kagustuhan niya. She was all work and no play. Maraming mga kasamahan niya noon sa trabaho ang niyaya siya pero sa halip na sumama ay pinipili na lamang niyang humanap pa ng ibang raket para mas marami ang maipadala niya sa Pilipinas. Pero dahil ngayong naubos na rin ang timpi niya sa lahat at nabigyan pa ng pagkakataon na gawin ang gusto niya ay wala ng makakapigil pa sa kanya na gawin iyon. Iyon nga lamang, ang taong mismong nagsasabi pa sa kanya na tutulungan siya ay siya rin yatang pipigil sa kanya.
Kahit hindi pa siya nakakapunta sa ni isa mang branch ng Casino ay hindi naman siya tanga para hindi malaman kung anong klase ng damit ang sinusuot ng mga taong nagpupunta roon. Pumipili naman siya ng mga damit na bagay para sa lugar pero ang lalaking siyang kukuhanan niya nang mas malaking opinyon dahil ito ang magbabayad noon ay siya namang hindi makapili nang ayos sa kanya. Sa lahat na lang ng damit ay palaging may reklamo ito. At kung pagsasama-samahin ang lahat ng komento nito, darating sa isang konklusyon ang lahat ng iyon: Masyadong maikli ang damit na napili niya.
Kung tutuusin ay hindi na nga ganoon kaiklian ang mga pinipili niya. Umaabot lamang ng kalahati ng hita niya ang haba ng damit na pinipili niya at hangga't maari ay humahanap siya ng damit na hindi ganoon kababa ang neckline. Pero ang gusto yata nito ay pumunta ng Pilipinas at bumili ng Filipiniana na iko-cover ang lahat ng bahagi ng katawan niya.
Tumingin si Price sa sales lady at sa kabila ng pagkagulat ng babae ay halatang na-relieve din ito na sa wakas ay nagsalita na rin siya. Mukhang pagod na rin kasi ito at kagaya niya ay hindi naman ito makapagreklamo sa kaartehan ng lalaking "boss" niya.
"Okay fine. I'm so sorry! Its just that...parang hindi ko yata kayang makita ka na magdamit ng ganoon, eh," nakangiwi pa ito nang sabihin iyon.
"What? Bakit naman?"
"I-I don't know. I just have this odd feeling na ayaw ko,"
Tumaas ang isang kilay niya. "Or baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil hindi bagay sa akin ang pinipili ko?"
"Ha?! No!" sagot nito. "You're actually more than beautiful. You're gorgeous, that's the right term. I don't actually tell it a lot to other girls but you're it. Kahit hindi ka bumili ng mga ganyang damit, kaya kong sabihin 'yan sa 'yo. Ang hindi ko lang talaga kaya ay kapag nagdamit ka pa ng mas maganda sa simple ay pagkaguluhan ka ng mga tao doon. Ayaw kong mabastos ka kung sakali,"
Napamaang siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing iyon pala ang gustong iparating nito kaya ang daming kaartehan nito. Somehow ay na-touch siya sa sinabi nitong iyon. Bakit ba palaging masasama na lang ang naiisip niya rito samantalang lahat ay para sa sake rin naman pala niya?
"But anyway, tutal ay malapit na rin maggabi at pagod na ang sales lady, kailangan na rin natin talaga sigurong makapili. Bakit kasi hindi ka nagsalita kanina pa na naasar ka pala sa akin? 'Yan tuloy ay nagtagal pa tayo. I'm sorry na sa ganitong mga sitwasyon ay nagiging maarte talaga ako," tumingin ito sa sales lady. "I'm so sorry for being so picky. What do you think is the best for her?" kinausap pa nito ang sales lady tungkol sa mga ilang bagay tungkol sa damit.
May kinuha ang babae mula sa mga isinukat nila kanina. It was a red halter dress. Katamtaman lamang ang haba noon pero may kababaan ang neckline. Iyon ang damit na gusto rin niya kanina dahil bumagay iyon sa kulay ng balat niya. Pero dahil hindi nga siya makapagreklamo rito ay isinaloob na lang niya ang nararamdaman kanina.
Tinignan ni Price ang damit saka tumingin sa kanya na tinitignan ang reaksyon niya. Tumango siya dahil iyon nga ang gusto talaga niya. Bahagyang kumunot ang noo nito habang tinitignan ang dress at siya. Bumuntong-hininga ito saka umiling-iling. Pero sa huli ay ngumiti rin at iyon ang binili.
Pansin niyang hindi nito gusto ang ginawa at nakumpirma nga niya iyon nang makaalis na sila ng boutique at binulungan siya nito.
"Honestly, I don't like the dress for you. Masyadong mababa ang neckline. Aaminin ko, gusto kong makakita ng mga babaeng nakasuot ng ganyan. Pero pagdating sa 'yo? I don't know. I'm so sorry dahil hindi ko naman dapat maramdaman ito para sa 'yo. But I have the urge that I don't want to share you from the other guys. Iniisip ko pa lamang ay naiirita na ako. Pero naisip ko, wala naman akong karapatan na maramdaman iyon kaya hayaan na lang dapat kita. Isa pa, mukhang masaya ka sa damit na ito kaya rerespetuhin ko ang desisyon mo. I want to put first your happiness. After all, that was the most important part of all of these. For you to be happy,"
Hinawakan niya ang dibdib niya. Nalaglag yata ang puso niya sa mga sinabi nitong iyon.