9
"IS THIS for real?!" halos lumuwa ang mga mata ni Precious nang makitang tatlong stars ang lumabas sa screen ng slot machine na nasa harapan nila. Kahit ilang beses na siyang nakakarinig ng singhap ng mga tao sa paligid niya dahil sa pag-iingay ng slot machine nila ay hindi pa rin siya makapaniwala. She won on the Casino's slot machine!
"You see it now so believe it," naaliw pang wika ni Price na halatang tuwang-tuwa rin naman sa nakitang pagkapanalo nila.
It was her first time to try those slot machines and it seems that it was really her day. Sabi niya noon kay Price ay ite-testing lamang niya iyon. Pinagbigyan siya nito kaya naman naka-try siya. But luck was on her side dahil first try pa lamang niya ay nanalo na agad siya. And to think that the night was still young. Kakapasok pa lamang nila sa Casino pero binuhusan na siya agad ng suwerte.
Akalain mo nga naman, sa isip-isip niya. She can't help but smile. Kung alam niya lamang na masuwerte pala siya sa ganoon ay hindi na sana niya d-in-eprive ang sarili niya sa kagustuhan niyang iyon noon pa. Sana ay matagal na siyang nag-try na mag-Casino nang sa ganoon ay baka nabigyan pa siya ng importansya ng tinuturing niyang pamilya dahil malaki ang maibibigay niya sa mga ito. Masyado kasi niyang inisip ang iba at ang siguradong paraan para makatulong sa mga ito. Hindi niya akalain na kapag inuna niya pala ang kagustuhan niya ay susuwertihin siya ng ganoon.
"Happy now?" tanong pa sa kanya ni Price nang papuntahin sila sa mismong office ng Resorts World and Casino New York City para kuhanin ang cheke para sa napanalunan nila. Ang Casino na iyon nila nausuhang pumunta dahil iyon ang pinakamalapit na Casino sa lugar sa apartment nito. Naisip rin nito na magandang lugar rin iyon dahil bukod sa Casino ay may bar rin sa loob noon.
"Of course. Sino ba naman ang hindi matutuwa na first time kong gumamit ng slot machine at nanalo pa ako ng ganito kalaking premyo?" sabi niya habang hindi pa rin makapaniwalang tinitignan ang tseke na hawak niya. It costs 13,500 dollars. Noon lang yata siya nakahawak ng ganoon kalaking halagang tseke. "Pero hindi lang naman ito ang ipinunta natin rito kaya hindi pa rin ako ganoon kasaya,"
Nang makalabas sila ng office ay hinanap niya ang karatula ng Bar 360 sa loob rin ng establishment. Nagkatinginan sila ni Price nang sabay na makita iyon. "Party now?"
Tumango siya. Aside from entering into a Casino, bar-hopping is also one of her wish. She wanted to experience how good the feeling was if you dance wildly. How those cocktail drinks that seems to be so temptating is great to taste. Tonight, she can do it because of Price. She had given a chance to those things she deprived herself of.
Pagpasok nila ng bar ay inuna muna nilang uminom ng cocktail drinks na s-in-erve sa kanila. Hindi niya alam ang tungkol sa mga ganoon kaya hinayaan niyang si Price ang mamili ng mga iinumin nila. Tutal ay kahit sandaling panahon pa lang naman sila nagkasama nito ay tiwala na siya rito. While drinking ay pinanood nila ang mga taong nagsasayawan sa loob rin ng bar. The people dancing are like wild animals. Napakagagaslaw ng mga itong sumayaw at karamihan pa sa mga babae ay parang panyo lamang ang tela ng damit. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil tamang lugar naman iyon para sa mga ganoong activities. Ganoon pa man, parang tumutubo tuloy ang hiya sa dibdib niya na magsasayaw rin siya ng ganoon sa harap ng maraming crowd. Akmang sasabihin niya kay Price ang observation niya nang may isang blonde na babaeng lumapit dito.
"Hey you, handsome. Wanna dance?" mapang-akit ang tinig ng babae. Ang damit rin nito ay kagaya ng sa karamihan, luwa na ang mga kaluluwa. Napansin niyang napangisi si Price nang makita ito. Tumingin ito sa kanya, nagpapaalam. Kahit parang may kumurot sa dibdib niya sa kaalamanang may makakasayaw itong iba ay tumango rin siya. Naisip niya, kagaya nito, ay wala naman siyang karapatan para rito kaya sino siya para pigilan ito?
Naiwan siyang mag-isa sa kinauupuan nila pero ilang sandali ay may isang lalaking lumapit sa kanya at niyaya siyang magsayaw. Kahit hindi niya kilala ang lalaki, nakaramdam naman siya na "okay" naman ito base na rin sa paraan ng pag-aaya nitong isayaw siya. Magalang kasi itong nagpaalam sa kanya. At dahil ayaw naman niyang maging wallflower doon habang nagngingitngit ang loob sa isiping may kasayaw si Price ay sumama na siya rito. Nagsayaw sila sa gitna ng dance floor.
The guy was not that handsome but he was good on the floor. Hindi siya ganoon kagaling sumayaw pero pakiramdam niya ay gumaling siya nang makasayaw niya ito. It was the first time she dance like that but she felt happy. Parang gumaan ang loob niya habang sumasabay sa malakas na musika. She also enjoyed the company of the guy. Pero nang mapatingin siya sa lugar kung nasaan si Price na mukhang enjoy na enjoy rin habang kasayaw ang blonde na nagyaya rito. Habang nakatingin rito ay hindi niya maiwasang mas ma-e-enjoy niya rin siguro ang pagsasayaw kung ito ang kasayaw niya. Nakaramdam siya ng kalungkutang hindi siya ang kasayaw nito. Na hindi siya ang kasama nito. Para siyang nagseselos.
But why, Precious?
---
DAHIL may hangover sa nangyari nang nakaraang gabi ay nang sumunod na araw na lamang ginawa nina Precious at Price ang sunod na nakalista sa notebook niya. Masyado kasi silang naging wasted nang nagdaang gabi at hapon na sila nagising. Naisip ni Price na kung itutuloy pa nila ang susunod na plano niya ay baka hindi lang daw niya iyon ma-enjoy kaya ipagsabukas na lamang daw nila lahat. Sumang-ayon naman siya doon. In-spend na lamang nila ang natitira pang araw sa apartment nito na sa totoo lang ay parang dumaang araw lamang din naman sa kanilang dalawa. Paano kasi, pagkatapos nilang kumain nang halos sabay silang maggising ay natulog muli silang dalawa. Hindi na rin kataka-taka iyon dahil sa naging pagod nila nang nagdaang gabi, lalong-lalo na siya na hindi naman sanay sa mga ganoong klaseng kasiyahan.
Last night is an amazing experience for her. Marami nga siguro ang magtataka na isang kagaya niya na sa America pa nagtatrabaho na malaman na iyon ang unang beses niyang mag-party pero totoo iyon. And she enjoyed it like there was no tomorrow. Well, iyon naman talaga ang plano niya dahil kakaunti na lang ang bukas na natitira sa kanya. Kahit medyo masama ang loob niya dahil hindi sila gaanong nagkasama ni Price nang gabing iyon, ay naging masaya pa rin siya. Nakita rin naman niyang nag-enjoy rin ito at pakiramdam niya ay masaya na rin siya sa kaalamanang masaya rin ito.
She felt free that night. Parang kahit anong gawin niya nang mga sandaling iyon sa bar ay walang ku-question sa kanya. Isama pang masarap rin na kasama at kasayaw ang lalaking unang nagyaya sa kanyang sumayaw na nakilala niya na si George. Hindi kagaya ng mga tipikal na Americano sa bar na madalas ay nambabastos kapag nakainom, hindi ganoon si George. Kahit napapansin niyang marami na itong nainom ay matino pa rin itong kausap. Marami itong alam na jokes at wala yata itong sinabi na hindi siya tumawa. He was a nice guy and a nice dancer. Pinakilala rin siya nito sa ilan sa mga kaibigan nito na naki-party rin sa kanila. It was the first time that she did something like that, ang maki-party, ang makakilala ng ganoong klase ng lalaki at makipag-socialize na rin sa mga taong ni pangalan ay hindi man lang niya kilala. George also told her if they can meet some other time because like her, he admitted that he enjoyed her company, too. He also admitted to her that he would do that because he likes her and he will surely love to date her if she agrees. Kung sa ibang pagkakataon siguro, malamang ay papatulan niya ang gusto nito. Pero dahil may plano na siya sa buhay niya, naiisip niyang next life time na lamang siguro. Kung mayroon man ganoon.
O talaga, Precious? Baka naman dahil mas may iba kang gusto kaya hindi mo pinatulan 'yun? Bulong ng isang bahagi ng isip niya.
What? You mean si Price? N-no! Plinano ko na ang lahat 'di ba? Sagot naman ng isa pa.
Pero aminin mo, dahil sa mga ginagawa niya sa 'yo...parang nag-iiba ang isip mo, bulong ulit ng naunang bahagi.
Nais niyang mapabuntong-hininga sa mga naiisip. Nitong mga nakaraang araw ay natutuwa siya dahil nag-e-enjoy siya sa mga ginagawa sa kanya ni Price. Pero naiinis rin siya dahil nasisira ang mga plano niya.
Hindi niya ugaling sumira ng mga plano niya sa buhay. Simula bata siya, kapag pinaplano niya ang isang bagay, sinusunod niya iyon. One of her examples is her standing in life right now. She said then that she will be a nurse someday. She planned it even if she knew she will face a lot of struggles fighting for it. Naging successful naman siya at nagawa niya iyon dahil plinano niya iyon. Kahit ang mga schedule ng mga gawain niya ay pinaplano rin niya. She believed that you should plan things to avoid failures. Ayaw niyang pumalpak kaya naman ginagawa niya iyon. Even the most important people in her life think she was always a failure; she's trying her best to prove that she is not. Lahat ng plano niya sa buhay ay sinusunod niya para patunayan niyang hindi siya papalpak.
But they said, the greatest moments comes unplanned, bulong ulit nang makulit na bahagi ng isip niya.
These things that are happening to her are great moments which come unplanned. She wanted to enjoy every moment of it. And if possible, she wanted every moment of it everyday. Kahit kagaya kagabi ay hindi sila masyadong nagkakasama ni Price, basta nakikita niya ito ay okay siya. Masaya siya. Pero alam niyang may hangganan rin naman ang lahat. Walang sinabi sa kanya si Price kung hanggang kailan siya nito sasamahan. Walang kasiguraduhan ang lahat. Ni hindi pa rin ganoon kalinaw sa kanya kung bakit siya nito tinutulungan.
So just enjoy every moment of it. Saka mo na isipin ang tungkol sa plano mo. Kapag sa tingin mo ay unti-unti mo nang nakukuha ang wish number three mo,
Siguro nga ay iyon na lang ang dapat niyang gawin ngayon.
Kinalma niya ang isip niya habang nakatingin sa lugar kung nasaan sila ni Price ngayon. She felt great while looking at the place she was dreaming to go with since she was a kid. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa pagkabata dahil sa excitement na nararamdaman niya ngayon. Parang namamasa rin ang mga mata niya dahil sa tuwa.
They are in an amusement park today. Iyon ang second wish niya. Bata pa lamang siya ay gustong-gusto na niyang makapunta roon. Pero dahil sa katayuan niya sa kinalakihan niyang pamilya, ni hindi man lang niya naranasan na makapunta roon kahit sa mga fieldtrips. Matagal na niyang gustong makasakay sa mga rides doon, kahit sa carousel man lang. Ngayon, ni hindi lang carousel ang masasakyan niya. Mas marami pa roon. Mas marami pa siyang ma-e-experience. Surely, some of them were dangerous to ride on. Pero ano pa ba ang ikakatakot niya ngayon? Nagawa na nga niyang magpakamatay, ang sumakay pa kaya sa mga nakakatakot na rides? Hindi na dapat siya matakot pa. Ang kailangan na lang niya ay ang magpasalamat sa lalaking nagdala sa kanya rito. At least, once in her life, she experienced this. And that is because of this guy she didn't even really know.
Napatingin siya rito. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Nagtaka siya.
"May problema?" hindi niya maiwasang magtanong dahil sa ekspresyon ng mukha nito.
Umiling ito. "Wala naman. Its just that..." hindi nito natuloy ang sasabihin at napailing-iling ulit.
"It's just that ano?"
"Parang may nagbago sa 'yo," sabi pa nito sa kanya.
"Huh?" kinapa tuloy niya ang mukha niya dahil doon ito nakatingin. Wala naman siyang binago sa sarili niya nang magkakilala sila. Well, kahapon na lamang siguro dahil nag-ayos siya dahil na rin sa lugar na pinuntahan nila. Ngayon ay balik na muli sa dati ang istura niya---ordinaryo. Kaya anong sinasabi nitong may nagbago sa kanya? Nako-conscious tuloy siya.
"You look better than the other days,"
"Ah. Akala ko naman kung ano. Pero bakit nakakunot 'yang noo mo? Hindi mo ba nagugustuhan 'yun?"
"Gusto ko. Naiisip ko lang, ano kayang dahilan kung bakit gumaganda ang aura mo?"
"Dahil natutupad mo ang mga gusto ko?"
"Hmmm..." hinawakan nito ang baba at tinitigan siyang mabuti. "'Di kaya dahil kay George?"
Kumunot ang noo niya. "What about George?"
"I heard he asked you for a date," sa sandaling iyon ay nag-alis na ito ng tingin sa kanya. Parang may itinatago ito sa kanyang kung ano.
"So?" aliw na sabi niya. Kung naiiba ang pagkakataon, malamang ay iisipin niyang nagseselos ito. Pero ayaw niyang mag-assume.
"Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit ganyan ang aura mo. Masaya ka dahil niyaya ka niyang mag-date,"
Tumawa siya. "I actually turned him down,"
Doon ito muling tumingin sa kanya. "What? Bakit?"
"You know I have other plans. Bakit ko pa siya palalapitin sa buhay ko kung lalayo rin naman ako sa kanya? Kahit kailan ay hindi ako sumira sa plano ko, Price. Kapag plinano ko ang isang bagay, ginagawa ko iyon,"
Dumilim ang mukha nito. "You---"
Ngumiti siya. "Please, ayaw kong pag-usapan natin ang tungkol diyan sa ngayon. 'Di ba dapat nag-e-enjoy tayo ngayon?"
Matagal bago ito nagsalita at nakatitig lamang sa kanya. Pero sa huli ay napabuntong-hininga ito at tumango na lamang sa sinabi niya. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila sa loob ng amusement park. Dahil natutuwa naman siya sa ginawa nito kahit alam niyang may pagka-abnormal iyon sa relasyong mayroon sila ay hinayaan na lang niya. Bakit pa ba niya palalampasin ang mga ganoong moments? Masarap ang pakiramdam niya sa ginagawa nito. She must save it while its still there. Kailangan niya noon.
Una nilang sinakyan ang carousel. Habang nakasakay ay pinagtitinginan sila ng karamihan dahil para silang mga bata habang umaandar iyon. Mahahalata sa bawat kilos niya na first time lamang niya na makasakay roon. Pero wala siyang pakialam. She was happy right now. Si Price naman ay tila hindi rin alintana ang kataka-takang tingin sa kanya ng mga tao. Mas maganda pa nga sigurong sabihin na mukhang amused na amused pa ito sa nakikita sa mukha niya.
Sumunod sa carousel ay ang flying swing naman ang sinakyan nila. Katulad sa carousel ay para rin siyang bata roon. Kulang na lamang ay itaas niya ang mga kamay habang umaandar iyon dahil pakiramdam niya ay lumilipad siya. Pati ang mga water related rides ay sinakyan nila kahit nabasa ang mga damit nila. Nag-try rin sila ng ilang indoor rides kagaya ng bump car. Nang maghahapon na ay sumakay naman sila sa ferris wheel. Mula sa tuktok ay kitang-kita nila ang kabuuan ng amusement park. Napakaganda ng mga ilaw ng mga ilang buildings na katabi ng amusement park. Pakiramdam niya ay kitang-kita niya ang mundo. Ramdam na ramdam rin niya ang lamig ng panahon mula doon. And it just like last last night, it felt oh so great.
Nang mag-aalas nuwebe na nang gabi at kakaunti na ang tao sa loob ng amusement park ay saka siya nito pinasakay sa pinakamalaking roller coaster sa naturang park. One look and you can spell danger. Ramdam niyang ganoon rin ang mga nararamdaman ng mga tao sa paligid nila. Sa isang hindi maipaliwanag na kadahilanan ay parang kinakabahan rin siya samantalang kanina ay game na game naman siya. Naramdaman iyon ni Price at tumingin sa kanya.
"Nervous?" nakangisi ito. Cool na cool ang itsura nito. Kahit marami na silang nasakyang nakakalulang ride ay ni hindi man lang ito masasabihan ng "haggard". Parang normal na yata rito na maging disente at cool kahit ibilad sa araw at pagbalintong-balintungin. He's still handsome as ever. Minsan ay nahihiya siya dahil pakiramdam niya ay sabog-sabog na ang buhok niya dahil na rin sa mga pinagagawa nila maghapon. Para siyang basahang nakatabi sa isang ginto.
"B-bakit naman ako matatakot?" pilit na pinatatag niya ang boses.
Lumawak ang ngisi nito. "Feeling strong, hindi naman," pumalatak ito. "Ganyan ba ang may balak na may magpakamatay pa? Mukhang takot ka naman talaga. Malakas lang ang loob mo noong araw na 'yun,"
"Shut up! 'Di ako takot 'no!"
"Hmmm... You are. Ayaw mo lang i-admit. Natatakot ka na ngayon kasi nakikita mong marami ka rin mami-miss kapag nawala ka. Sa mga naranasan mo nitong mga nakaraang araw, nakikita mo na hindi lang problema ang mayroon sa mundo. The irony of life is like this. If we are in joy, we see life is very beautiful. But when we are in sorrow, we looked at it as a disaster. Noong mga panahong naisip mong magpakamatay ay malungkot ka kaya malakas ang loob mo. Ngayong masaya ang nararamdaman mo, nababawag ang buntot mo. Tama ako 'di ba?"
She just blinked on what he said.
Dinutdot nito ang ilong niya. "'Wag mo kasing pakaisipin 'yung mga problema mo. Kapag nasasaktan ka, think of another remedy to make you happy. But that suicide thing? Its a no, no. Life is precious. Bigay 'yan sa atin ni God kaya dapat ay pahalagahan mo. 'Yung mga problema? Bigay rin 'yan sa atin ni God. Siguro ang iba ay inis na inis kapag nagkakaroon ng problema, na hindi naman dapat 'yun pinapahalagahan katulad ng iba niyang binibigay. Pero palagi dapat nating isipin na hindi naman 'yan ibibigay sa atin ni God kung hindi natin 'yan kaya. Ang kailangan lang natin ay gumawa ng paraan, kahit mahirap, para ma-resolve ang mga 'yun,"
Ilang sandali rin siyang natulala. "Sabi mo sa akin, consultant ka sa business. Pero sa mga sinasabi mo sa akin, puwede ka ng pumasa bilang writer ng isang inspirational book, ah. Saan mo nakuha 'yan?"
Nagkibit-balikat ito. "I learned it from experiences," pasimpleng sabi nito. "But anyway, tama na ang drama. Ginawa ko talagang last ride itong roller coaster para sa 'yo. Because I want you to spill out all your problems or hatred while riding it. O kung hindi mo man sabihin, isipin mo na lang habang sumisigaw ka. Makakagaan 'yun ng loob, promise,"
Naguguluhan man sa mga sinasabi nito ay sinubukan niya ngang gawin iyon habang nakasakay sa ride. Pumikit siya at inisip ang mga bagay na nagpapahirap sa kalooban niya. Inalala niya ang mga dahilan kung bakit niya ninais na tumalon sa tulay at maglaho na lamang na parang bula. Pumasok sa isipan niya ang tungkol sa kinalakihan niyang pamilya, kung paano lamang siya inalipin ng mga ito sa kabila ng mga sakripisyo niya sa mga ito. Kung paano siya winalanghiya ni Marvin, ang tanging taong akala niya ay nagmamahal sa kanya. Kung ano ang kinahinatnan ng buhay niya nang mga nakaraang taon.
She screams out loud on every downs the roller coaster encounters. Nang matapos iyon ay ni hindi niya namalayan na may luha na rin palang lumabas sa kanyang mga mata. Masyado yata siyang nadala ng mga emosyon niya kaya ganoon na lamang ang nangyari sa kanya. Pero nag-iba naman ang pakiramdam niya pagkatapos ng lahat. Parang nawala ang mga tinik sa dibdib niya pagkatapos ng ginawa. Napatingin muli siya kay Price at nakita niyang malawak ang ngiti nito sa kanya. Hindi na niya maiwasang maggaya na rin sa ngiti nito. And for the first time in her life, pakiramdam niya ay iyon na ang pinakatotoong ngiting inilabas niya sa labi niya.
Nang makita naman nito ang ngiti niya ay mas lalo pa iyong lumawak. Kinurot siya nito nang marahan sa pisngi. "Glad that you've managed to smile like that. Ang galing ko 'no?"
Lumawak rin ang ngiti niya. Hindi niya maiwasang yakapin ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya pero pakiramdam niya ay mas nagulat siya sa reaksyon ng katawan niya nang dahil doon. But it was good. Very good. Just like what she felt right now. "Thank you, Price. Everytime people felt my problems; they are always telling me to smile, like smiling is going to just take away all the hurt and pain. I did it and by that, I've learn to hide my sorrows so that they will not notice again. Ayaw ko sa lahat kasi 'yung ganoon, eh. Ayaw kong mapansin nila na may problema ako dahil kapag sinabi ko 'yun, siguradong kakaawaan nila ako. Pero mahirap talagang i-cover iyon 'no? Nakakabadtrip 'yung pinipilit kong ngumiti para hindi nila mapansin 'yun. But today, iba ang pakiramdam ko. Dahil sa pinaggawa mo sa akin, nagawa kong ilabas ang sama ng loob ko kahit sa sigaw ko. And I feel great. I feel happy and I can smile truly because of that. Thank you so much,"
Kumawala siya sa yakap nito pagkatapos dahil pakiramdam niya ay maiiyak naman siya. Nakakahiya kung mababasa niya pa ang damit nito. Ang dami na nitong nagawa sa kanya upang bigyan pa niya ito ng kahit kaunting perwisyo. "You're welcome. I'm always willing to help. Sana ay ganoon ka rin. Sana ay i-open up mo rin 'yung sarili mo sa akin,"
Tinitigan niya ito. Her mind is screaming why not?
"By the way, my name is Precious Magpantay," pag-uumpisa na niya.