7
NAALIW na tinignan ni Precious ang mukha ni Price habang binabasa nito ang mga isinulat niya sa notebook na ibinigay nito kagabi. Kasalukuyan silang nasa dining room ng oras na iyon at nag-aalmusal ng ibinigay niya rito ang pinapalista nito sa kanya. Natatatawa siya sa reaksyon nitong napapatango, napapailing at napapakunot-noo sa mga isinulat niya roon.
"Dalawang pilas ng papel ang nagamit mo sa notebook na ito at dalawa lang din naman ang wishes mo. Pinahaba mo lang dahil sa bawat wish na 'yun ay ang daming naka-bullet na "rules" sa lugar na 'yun,"
Napangiti siya sa isip nang sabihin nito ang conclusion ng mga isinulat niya roon. Dalawang bagay nga lamang isinulat niya sa notebook na iyon. Pero sa dalawang bagay na iyon ay marami naman siyang rules kaya napuno rin ang dalawang pilas na papel na nagamit niya mula sa notebook.
"But I'm glad na sinunod mo ang sinabi ko sa 'yo na huwag ang pagpapakamatay ang bagay na ilalagay mo rito. You see, may mga bagay ka pa rin naman na gustong makamit kaya naman bakit gusto mo ng tapusin ang buhay mo? Marami ka pang bagay na dapat gawin, na dapat bigyan ng importansiya. You should value your life,"
Hindi niya masyadong pinansin ang sinabi nitong iyon. She knew Price is right. She needs to value her life. But because of all the things that happened to her especially these past few days, she felt a big cue of giving up.
Pumayag siya sa sinabi ni Price na mag-break muna dahil na rin nga sa kagustuhang kahit sandali ay maging masaya siya. But it doesn't mean that she had the assurance of not leaving her life after that. Iyon pa rin ang plano niya. Gusto niya lamang na bago niya tapusin ang buhay niya ay maranasan man lang niya ang gusto niyang maranasan. Iyon lang 'yun.
'Yun nga lang ba talaga, Precious? O gusto mo lang mas matagal pang kasama ang lalaking ito? Bulong ng isang bahagi ng isip niya.
Hindi 'no, sagot naman ng isa. Kahit naman nagaguwapuhan siya rito ay hindi ibig sabihin noon na gusto na niya ito. Na ito na ang magiging dahilan kung bakit gugustuhin niya pang tumagal sa mundo. Sa totoo nga lamang ay ayaw niyang makaramdam ng ganoon dahil ayaw na niyang makalapit sa kung sino. Natatakot na kasi siyang kagaya ng mga taong napalapit sa kanya ay maging ganoon rin ito. Lalong-lalo na at isa itong estranghero para sa kanya. Nagtataka man siya sa mga ginagawa nito sa kanya ay ayaw niya pang mag-isip ng tungkol doon. Tinatatak niya sa isip niya na concern lang talaga ito sa kanya. Case closed.
Sinabi na rin naman nito kaya siya nito tinutulungan ay may naalala ito sa kaso niya. Hindi man niya alam ang tungkol doon ay hindi na rin niya iyon binibigyang pansin. Nagiging masaya na lang siya na kahit papaano ay tumutulong sa kanya. Na kahit sandali ay may gustong magpasaya sa kanya. Ayaw na niyang mag-isip pa lalo na at pakiramdam niya, kahit hindi pa niya ito lubusang kilala ay mataas ito sa kanya.
With his looks and the place of his apartment, may feeling siya na mayaman ito. Maybe his family is one of the richest in the Philippines. Maari nga rin na isa itong artista roon at dahil hindi naman siya updated sa Pinas ay hindi niya ito kilala. Masyado siyang busy noon para makibalita pa tungkol sa latest sa bansang kinalakihan niya. Kaya kung isa man sa kinikilalang tao Price Torres na ito sa Pilipinas, lalo lamang siyang nagkaroon ng dahilan para sabihan ang sarili niya na huwag mag-isip ng kakaiba tungkol sa ginagawi nito sa kanya. They were worlds apart. Kung mayaman ito, mahirap lamang siya. Malaki na siya at nakita na niyang sa mga teleserye at pocketbook lamang nangyayari ang mga ganoong klase ng kuwento. She shouldn't think of too much. Maging kontento na lang siya na nagmamalakasakit ito sa kanya.
Muli nitong ininom ang natitirang kape sa tasa nito at tumingin sa kanya. "Are you sure na ito lang ang gusto mong gawin? Wala ka ng iba pang dagdag?"
"Actually, I have three wishes," pag-amin niya.
"Kung ganoon, bakit dalawa lang ito? O hindi ko pa lang nabubuklat lahat?" binuklat nito ang ilang pages ng notebook.
Umiling siya. "Hindi ko isinulat diyan 'yung pangatlo,"
"Ha? Bakit naman? 'Wag mong sabihin na kaya hindi mo isinulat ay about na naman 'yun sa pagsu-suicide mo?"
Muli siyang umiling. "Naisip ko lang na masyadong ambitious 'yung pangatlo kong hiling kaya hindi ko muna inilagay. Pinag-iisipan ko pa siyang ilagay,"
Totoo ang sinasabi niya kay Price na may tatlo nga siyang hiling. Pero dahil ang pangatlo ang pinakagusto niya at alam niyang pinakamahirap abutin sa tatlong bagay na makakapagpasaya sa kanya, hindi niya muna inilagay iyon doon. She just keeps it to herself. Pero pinag-iisipan niya rin kung sakaling aaminin niya ang pangatlong wish na iyon kaya inamin na rin niya na may pangatlo pa rin siyang wish. Kakaiba kasi ang wish niya na iyon at ambitious pa. Hindi niya lubos maisip ang magiging reaksyon ng lalaki kung sakaling malaman nito iyon. Baka pagtawanan siya nito at iyon ang huling bagay na gusto niyang mangyari. Kumpara naman kasi sa una't pangalawa niyang hiling ay mas mahirap makamtan itong third at "secret" wish niya.
"If you say so. But I do wish its a good thing. Tutal, mukhang okay naman itong mga wishes mo at kayang-kaya kong tuparin ito," sabi nito sa kanya at pinakatitigan na naman siya. Hindi naman niya maiwasang ganoon rin ang gawin dito. Nakakataba ng puso na isipin na sa kabila ng pagtataboy niya rito ay handa pa rin siyang tulungan ng lalaking ito. Kahit na ba nagpapakapasaway siya rito na unang beses niyang gawin sa isang tao ay kakatawang ito pa ang unang nagpapakita sa kanya ng malasakit. Samantalang ang mga taong pinakitaan niya ng kabaitan noon ay siya pang nang-walanghiya sa kanya.
It felt like she had found a love from a stranger rather than her so-called family.
Sa kabila naman pala ng pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon, makakatagpo rin pala siya ng suwerte sa buhay. At iyon nga ay ang pagdating ng lalaking ito sa buhay niya. Kahit hindi man niya ito kilala, nararamdaman niyang wala naman itong gagawing masama sa kanya. Paano pa ba siya mag-iisip ng ganoon eh halos puro kabaitan lang naman ang pinakita nito sa kanya sa kabila ng mga kalokohan niya? At ngayon ay tutulungan pa siya nito na makamit ang ilang bagay na akala niya noon ay pangarap na lamang para sa isang taong kagaya niya. Nakakatuwa ang kabaitan nito. Kung puwede nga lamang na makasama niya ito habang-buhay. Pero alam niyang hindi puwede iyon. Nakapagdesisyon na siyang pagkatapos ng lahat ng iyon ay susuko na talaga siya. She wants to be happy for the meantime. Alam naman kasi niyang kahit maging masaya pa siya kahit sandali, babalik at babalik pa rin ang bangungot sa isip niya.
"T-thank you," sabi niya habang patuloy pa rin na titigan ito. Ngayon ay parang gusto niyang maniwala sa fairytale dahil pakiramdam niya ay natagpuan niya si Prince Charming sa katayuan nito. Napakakisig nito, mabait pa at parang lahat ay kayang gawin para sa kanya. Too bad nga lamang at hindi siya prinsesa para sa isang kagaya nito. Malayo siya para roon. Marami siyang flaws at hindi iyon bagay sa isang taong kagaya nito.
"Anything for you," nakangiti namang sabi nito sa kanya. Mas lalo itong gwumapo sa tingin niya. Nag-palpitate na naman ang puso niya. Sa ngayon, iyon na lamang ang tanging ikinaiinis niya rito.
Natatakot kasi siyang baka kapag nagpatuloy pa iyon ay magbago ang desisyon niya...at muli na naman siyang masaktan kapag pinagpatuloy niya pa ang buhay niya.