Library
English
Chapters
Settings

4

"YOU did a very heroic act yesterday, Mr. Torres. Jumping off from that bridge is a very dangerous thing to do," ang boses na iyon ng isang lalaki ang nagpagising sa diwa ni Precious. Pero dahil gusto muna niyang marinig ang pag-uusap ng dalawa habang akala ng mga itong tulog pa rin siya dahil sa in-injection sa kanyang pampakalma ay nakiramdam na lang muna siya. Malayo ang tinig ng lalaking nagsasalita pero malinaw pa rin ang boses nito sa pandinig niya. Sandali niyang iminulat ang isang mata niya upang ma-satisfy ang curiousity niya kung sino ito. Sigurado siya na hindi ito ang pesteng lalaki kahit malayo ang tinig nito. Nang imulat niya ang mata ay tiyempong nakatalikod ang mga ito sa kanya kaya hindi nang mga ito nakita na gising na siya.

Pinagmasdan niya ang mga lalaki sa kuwarto niya. Ang lalaking nagsalita ay nakasuot ng coat. Siguro ay Doctor ito sa ospital. Kausap nito ang lalaki na ngayon ay nalaman niyang puwede rin palang tawaging Mr. Torres dahil sa sinabi ng Doctor. Ito ang lalaking peste. Hindi na ito nakasuot ng puting damit kagaya niya. Sa tantiya niya ay ayos naman ang lagay nito dahil mukhang pinayagan na ito ng ospital na makalabas. Mukhang wala naman itong natamong malala sa pagliligtas sa kanya.

"I know what I am doing, Sir. The bridge maybe dangerous but swimming is my thing when I am in college,"

"But you still may die even if you are good with it. New York's weather these days are artic. You can die because of cold,"

"Let's just be thankful that it didn't happen. Besides, a coast guard team saw what happened so they immediately rescued us. Good thing that their vessel has some few mechanical problems a few meters away after they passed the bridge. Their guards and their extra rescue boat saved us from the cold of Hudson River,"

Nakita niyang tumango-tango ang Doctor. Nakita niyang ikiniling nito ang leeg papunta sa direksyon niya kaya naman pinikit niya muli ang mga mata niya. Ayaw niyang malaman ng mga itong gising na siya dahil wala siyang balak kausapin ang mga ito. Sigurado naman siyang kapag nalaman ng mga itong gising na siya ay tatanungin lang muli siya ng mga ito tungkol sa lagay niya. At kapag nag-umpisa ang mga ito, malamang sa malamang ay mag-umpisa rin ang inis niya at makapagwala na naman siya sa harapan ng mga ito. Ayaw na niyang mangyari iyon dahil baka mas lalo lamang siyang mapansin ng mga tao sa ospital at magtagal pa siya roon. Hindi dapat siya magtagal roon dahil hindi naman niya gustong gumaling. Kahit nakaligtas siya sa unang pagtatangka niya, hindi ibig sabihin noon ay hindi na niya uulitin iyon. Kapag nakatakas siya sa ospital na iyon ay hahanap muli siya ng ilog na aanod sa katawan niya upang mamatay na siya at hindi na muling makita pa ng kahit sino. She wants to vanish immediately.

At sisiguraduhin kong sa susunod ay wala ng magliligtas sa akin kagaya ng pakialamerong nag-a-ala-Superman na pesteng lalaking 'yun!

"It was somewhat a miracle that she just fainted after falling and breaks a neck with what she did. It was a very stupid stunt. But maybe God still have a mission for her that is why all of this happened. I am a Doctor and I believe in Science, not God. But whenever I handled a case like this, those are the times that make me want to believe. I hope beyond her problems, she would see how beautiful life is."

"I believe in God and I strongly praying for that, Sir." Wika naman ng pesteng lalaki. Gusto niyang mapaismid ng dahil doon.

Narinig niyang nag-usap pa ang dalawa hanggang sa magpaalam ang Doctor. Narinig niyang bumukas ang pinto. Sandaling iminulat niya ng kaunti ang isang mata upang makita kung nasaan naman ang pesteng lalaki. Nakita niyang nagpunta ito sa banyo sa loob ng kuwarto kung nasaan siya. Agad na pinagana niya ang utak niya. Mabilis na inalis niya ang dextrose na nakakabit sa katawan niya at sinuot ang tsinelas na nakita niya sa paananan ng kama. It was her chance to get away in the room. Wala na naman kasing ibang nagbabantay sa kanyang iba pang tao bukod sa pesteng lalaki.

Naglakad siya papunta sa pinto at tagumpay namang nakalabas siya. Sa paglabas niya ay wala siyang nakitang tao sa corridor na ikinatuwa naman niya. Mabuti na lamang pala at malalim na ang gabi nang magising siya kaya kakaunti na lamang ang tao sa ospital. Ang Doctor siguro na nagpunta sa kuwarto niya ay isang Doctor lamang na naka-night shift at nakiusisa lamang tungkol sa nangyari sa kanya. Hindi naman niya ito masisisi dahil talaga namang nakaka-usisa ang nangyari sa kanya. Most doctors want to know more about cases like that. Alam niya iyon dahil nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang sikat na ospital sa California.

She moved her head and looked at the fire exit of the hospital. Muntik na siyang mapasigaw sa tuwa nang makita naman agad niya iyon. With the fire exit of the mall, she can escape without people noticing about it. Ngunit kahit nagmamadali na siyang umalis dahil na rin baka may makakita sa kanya habang tumatakas ay pinanaig niya pa rin ang pagiging alerto niya dahil baka may makakita sa kanya.

Tagumpay naman na na nakarating siya sa fire exit ng ospital. Sa kung anong kadahilanan ay mukhang sinusuwerte rin siya dahil bukas iyon. Sinilip niya ang labas at nakita niyang wala rin katao-tao sa labas noon. She smiled widely. She can escaped and continue with her plans now.

Lumabas na siya ng tuluyan sa ospital sa pamamagitan ng hagdan sa fire exit. She tried her very best to be faster in walking through it. Pero muntik naman siyang mapasigaw nang bigla na lamang siyang may naapakang kung ano habang bumababa. When she looked at it, she saw a cigarette lighter. Sandaling napatigil siya. Kinuha niya ang lighter.

Ano kaya kung ang apoy na lamang ang gamitin niya sa plano niyang pagkitil ng buhay niya at hindi ang pagtalon sa tulay kagaya na lamang ng ginawa niya noong isang araw? Pero naisip naman niyang paano kung may makakita sa kanya muli habang nasusunog siya at dalhin na naman siya sa ospital? Baka hindi lamang ang pagkabali ng leeg ang matamo niya. She might just suffer more. Isa pa, puwede pang ma-identify ang bangkay niya kung mamatay siya dahil sa magiging remains ng buto niya. Puwede pa iyong dalhin sa pamilya niyang wala namang pakialam sa kanya. Isa iyon sa mga ayaw niyang mangyari kaya mas ginusto niya na magpakamatay na lamang sa tulay. Gusto niyang bukod sa buhay niya ay mawala rin ang bangkay niya. Na hindi na ito makita. Nang sa ganoon naman ay magkaroon naman siya ng isang bagay nagawa na alam niyang ikatutuwa ng mga ito. Ganoon rin ang dahilan niya kaya hindi siya umiinom ng pills o iba pang klaseng paraan ng pagsu-suicide.

She wouldn't do that way or the others. Mas okay kung sa George Washington Bridge na lang muli siya tumalon tutal ay malapit lang naman iyon sa NYP. Malaki kasi ang chance na hindi na makita ang bangkay niya at iyon ang gusto niya. Ayaw naman kasi niyang isipin ng mga taong pagpupuntahan noon kung sakali na patay na nga siya ay poproblemahin pa siya ng mga ito. She knew it would be like that. And who would like to hear that anyway?

Kaya sana lang ay wala akong makitang tao kagaya ng Torres na 'yun na pakialamero para matapos na ang lahat ng ito!

Akmang ibababa na muli niya ang cigarette lighter na nakita nang makarinig siya ng ingay mula sa may pinto ng fire exit. Nanlaki ang mata niya nang makita ang pesteng lalaki. Tarantang tumakbo na siya pababa ng hagdan upang huwag mahabol ito. Mataas ang palapag kung nasaan ang kuwarto kung saan siya naka-admit kaya naman malayo rin ang itinakbo niya pababa upang hindi siya mahabol nito. Pero kahit ginamit na niya lahat ng lakas na natitira sa kanya ay mas maliksi at mabilis ito sa kanya. Naabutan siya nito nang nasa ikatatlong palapag na siya ng gusali. Napatili siya nang hawakan nito ang braso niya at sa gulat ay na-out of balance tuloy siya.

Mukhang pati ito ay nagulat dahil sa lakas ng tili niya. Nabitawan siya nito sandali kaya naman lalong nagtuloy ang pag-splash niya. Mabuti na lamang at isang hakbang na lamang at nasa platform na sila ng hagdan. Nadulas siya at napahiga roon. Tinangka siya nitong iligtas sa pamamagitan ng paghawak sa kanya pero mukhang ito rin ay nadulas at napahiga sa ibabaw niya.

Nanlaki lalo ang mga mata niya nang maramdaman ang bigat nitong nakukubabaw sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi siya makahinga. She was bearing his weight and it hurts. Pero hindi iyon ang pangunahing dahilan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya.

Mas ikamamatay niya yata ang lakas ng tibok ng puso niya sa lakas ng pagkiliti ng lalaking iyon rito dahil lamang sa puwesto nila kaysa ang pagtalon sa tulay!

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.