3
I AM really in hell, nasa isip-isip ni Precious nang maramdaman ang matinding pananakit ng leeg niya. Pakiramdam niya ay may kung anong matigas roon nang mga sandaling iyon. Kung totoo ang after life, expected na niyang ganoon ang mangyayari sa kanya lalo na at napakalaking kasalanan ang ginawa niya. Siguro ay ang pananakit ng leeg niya ang parusa sa kanya ni Santanas nang i-welcome siya nito sa kaharian nito. She was a sinner and she deserves it. At least, the only thing she will bear starting her first day in after life is only physical pain. Wala na siyang mararamdaman pang emosyonal dahil tapos na ang buhay niya bilang taong nakakaramdam. In her case, taong palaging nakakaramdam ng sakit.
Unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata upang makita kung ano ang mayroon sa impiyerno. Pero napakunot ang noo niya nang makitang hindi puro apoy ang nakita niya. In fact ay parang nasa langit pa nga siya dahil puro puti ang nakikita niya.
Or wait, baka nga nasa langit siya? Baka kahit sa kabila ng pagkitil niya ng sariling buhay niya ay naawa sa kanya ang Diyos at pinatuloy siya nito sa kaharian nito? At ang parusang natanggap lamang niya ay ang sakit na iyon sa leeg niya.
Edi okay!
Inilibot-libot niya ang tingin niya upang tignan kung may kakaiba pa roon. At lalong mas lumaki ang gatla sa noo niyang nang makitang hindi naman iyon kagaya nang pagkakaintindi niyang description ng langit gaya na lamang nang naririnig niyang sinasabi ng Pari noong mga panahong banal pa siya. Paano ba naman kasi ay parang nasa isang kuwarto lamang siya at amoy alcohol pa. Nakita rin niya na may nakakabit sa kamay niyang dextrose. Kinapa-kapa ng isang kamay niya ang sarili niya ang leeg niya na siyang tanging sumasakit sa kanya at naramdaman niyang parang may benda lamang iyon. Iginalaw niya ang mga paa pero hindi naman ganoon kasakit iyon. The only physical pain is the neck.
But why? There's a huge chance that I would die on that bridge! I've researched about that!
Plinano niya ang pagtalon sa tulay. She committed suicide. She knew it was a sin. But she had enough of life tragedies. She wanted all the pain to go away. And the only way she thought is ending her own life. She was currently in New York when she felt that her world is finally shattered.
Pinili niyang magpakamatay sa tulay na iyon dahil na rin sa dalawang kadahilanan. Una ay dahil nalaman niyang marami ang nagpapakamatay roon at karamihan ay nagtatagumpay. She wanted it to be like that. Ayaw na niyang mabuhay pa kung sakaling pinatay na niya ang sarili niya. Alam niyang mas lalo lamang madadagdagan ang sakit na dinadamdam niya kung sakali. Pangalawang dahilan naman niya ay kapag sa tulay niya ginawa iyon ay malaki ang chances na hindi na muli makikita ang bangkay niya. Maaring lumubog na lamang siya at mag-disappear basta dahil mahirap hanapin ang katawan niya sa ganoong klaseng ilog. Iyon ang gusto niya lalo na at lahat naman ng taong nasa paligid niya ay gusto ng mawala siya. Tinupad lang niya ang gusto ng mga ito.
George Washington Bridge is the most common place for people who want to commit suicide. There were a lot of people who died by jumping off and a few survive. Mga madalas pang nakaka-survive roon ay ang mga taong nakikita ng coast guard na tumalon bago ang pagtangka ng mga ito. But she made sure she won't. Kaya nga sandali pa siyang nagtagal bago niya itinuloy ang plano niya. Nakakita kasi siya ng coast guard nang una siyang makarating roon. Pinalampas niya muna iyon at ipinagpatuloy niya ang pag-inom ng natitirang beer na binili niya bago niya gawin ang planong pagtalon. Iyon tuloy ay may nakilala pa siyang lalaki bago siya nagpakamatay. Pero kung mayroon man siyang magandang naranasan sa araw na iyon, ang pagkakita niya sa lalaki na iyon.
Masasabi niyang lasing siya sa mga huling sandali niya sa mundo pero alam niyang malinaw pa rin ang isip niya na nagsasabing ang lalaki ay isa na sa pinakaguwapong taong nakita niya sa buong buhay niya. She could feel then that he wanted to commit suicide like her. He looked extremely sad and the way he moves, ramdam niyang kagaya niya ay may dinaramdam rin ito. Sandali niyang in-obserbahan ito. Narinig niya itong nagsalita ng tagalog kaya nakumpirma niya na kagaya niya ay Filipino rin ito. He also had some features of a common Filipino. He had brown complexion and dark brown eyes, halos kagaya ng sa kanya. Tindig Filipino rin ito. Ang tanging kaibahan lamang nito sa karaniwang Filipino ay matangos ang ilong nito at may height na parang pang-Americano. Over all, he had the perfect features of a tall, dark and handsome man. Ire-rate na niya sana ito ng ten over ten kung hindi nga lamang niya nagustuhan ang lungkot sa mga mata nito. Nakakabawas kaguwapuhan kasi ang sakit na nakita niya roon.
She instantly liked him the first moment she saw him. But too bad that her eagerness to die is more powerful than that attraction. And now she is dead. Hindi na siya magkakaroon ng pagkakataon rito. Depende na lang siguro kung itinuloy rin nito ang pagpapakamatay at puwede pa rin umibig o ma-attract man lang sa kung nasaan man siya ngayon. Pero kung sakali man, siguro ay hindi na rin niya susubukan na mas lalo pang ma-attract rito. She had learn her lessons well. Minsan na niyang ginawang ma-attract at ibigay ang puso sa isang lalaki, pero ano nga lang ba ang nangyari sa kanya? With just one moment, he left her. She got no reason to live because she already gave his life to him. She is nothing without him.
And now she is really nothing. She is already dead.
Nakarinig siya nang pagbukas ng pinto sa kuwartong kinaroroonan niya. Dumako ang tingin niya roon. Nakita niya ang lalaking kanina lamang ay iniisip niya. Kagaya niya ay nakaputi rin ito. Tumingin ito sa kanya at nang makitang gising siya ay ngumiti ito. Her heart skipped a beat. But why the hell that happened?
"I'm glad you're finally awake," wika nito nang makalapit sa kanya. Hinila nito ang silya na nasa tabi niya. Gusto niyang magtaka. Nasaan ba talaga siya? She was supposed to be dead. Pero bakit parang...parang nasa ospital yata siya?
"Nasaan ako? Nasaan tayo? Nasaan si Santanas? Bakit ganito ang---"
"You're not dead, Miss, kung iyon ang isusunod mong itatanong. We're in New York Presbyterian Hospital. And you are very much alive,"
Umiling siya. Sa oras na iyon ay gusto niyang maghisterya. Why did her plan failed? Patay na dapat siya!
"No! I should be dead! I should be dead!" iwinagwag niya ang kamay niya para magwala. Lumarawan sa mukha ng lalaki ang pag-aalala lalo na nang magsimula nang dumugo ang kamay niyang may dextrose. Masakit iyon pero mas masakit ang nararamdaman niya ngayong nalaman niyang buhay pa siya. It means that she could still feel. She can still feel that unbearable pain.
"Stop! Please stop! Or tatawag ako ng nurse!" sigaw sa kanya ng lalaki. Hinawakan nito ang magkabilang kamay niya upang pigilan siya sa pagwawala. Pero hindi pa rin siya nagpapigil. Pilit na tinanggal niya ang kamay nito. Nagngalit ang mga ngipin nito dahil sa inis sa kanya. Lumayo ito sa kanya at lumabas ng pinto. Pilit na pinagtatanggal naman niya ang dextrose niya habang wala ito. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at akmang isusuot na ang tsinelas na nakita niya sa baba ng kama nang bumalik ito kasama ang ilang nurse. Nag-aapoy ang mga matang tinignan niya ito pero parang balewala lamang iyon dito. Sinalubong pa nito iyon at tinapatan ang pag-aapoy ng mga mata niya.
"Damn you! Bakit mo ba ako pinipigilan sa gusto ko, ha? Hindi ba't gusto mo rin naman na mag-suicide? Bakit kailangan mo pa akong pakialaman?!"
Tumingin dito ang mga kano na nurse na tinawag nito, waring nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga sinasabi niya. Tr-in-anslate naman nito sa Ingles ang mga sinabi niya.
Naguguluhang tumingin sa kanya ang isa sa mga nurse. "But this guy didn't try to do suicide, Ma'am. He actually saved you,"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng nurse. Naiinis siya sa sarili niya at sa isip-isip niya ay pinuri-puri niya pa ang kaguwapuhan nito kanina samantalang ito pa pala ang nagpatagal sa paghihirap niya. Hindi pala totoo ang akala niya na kagaya niya rin ito ng iniisip habang nasa tulay na iyon. Tinangka niya pa itong kausapin, iyon pala ay mas lalo lamang mapapalagay sa masama ang lagay niya. Napansin tuloy siya nito at sa hindi niya malaman na kadahilanan ay naging "concern" pa pala ito sa kanya at iniligtas siya.
"He jumped off on the bridge just to save you, Ma'am. He risked his life for you. You should be thankful to him,"
Ni hindi niya magawang ngumiti kahit marami pang sinabi ang mga nurse sa pagiging "heroic" daw ng lalaking iyon. Wala siyang pakialam kung sa buong buhay niya ay ito lang ang natatanging tao na nagpakita ng ganoong klaseng concern sa kanya. Hindi na niya kailangan iyon sa buhay niya. Nabuhay siya ng halos walang nagpapakita ng concern sa kanya kaya aanhin niya iyon ngayong gusto na niyang tapusin ang buhay niya?
"I should die! Why the hell didn't I? That bridge was high and the Hudson River is so deep! I should die!" himutok pa rin niya pagkatapos. Wala na siyang pakialam kahit ang mga nurse ay nagigimbal dahil sa mga pinagsasabi niya. Dapat naman talaga ay patay na siya. Gusto na niyang mamatay. Gusto na niyang tapusin ang buhay niya. Tinignan niya ang lalaki. "You're such a pest! You shouldn't help me! I should die!"
"Will you just stop saying that?! You should love your life!" iritang-irita na ang mukha ng lalaking nagligtas sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya. Halatang hindi talaga nito ang katotohanang gusto na niyang tapusin ang buhay niya. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Ramdam niya hanggang sa hawak nito ang pagkairita. Pero kung malala ang pagkainis nito sa kanya dahil sa mga ginagawa niyam mas malala ang sa kanya dahil sa mga pangingialam nito. At dahil hindi na siya nakapagtimpi, kinagat niya ang braso nito ng ubod ng lakas! Pero kasabay rin naman ng pagkagat niya ay ang ang parang pagkagat ng langgam sa braso niya na siyang unting-unting nagpadilim sa paningin niya.
Ah, peste talaga!