2
"YOU ARE given this life because you are strong enough to live it, Price,"
Kung gaano kalalim ang gabi ay ganoon rin kalalim ang hiningang hinugot ni Price. He was currently in the famous George Washington Bridge and holding on to it safety barriers. The view of one of the famous landmark in New York is breathtaking. He could see the New York City's skyline lights. Pero kung gaano naman kaganda ang nakikita niya nang mga sandaling iyon ay ganoon naman kalungkot ang nararamdaman ng dibdib niya.
Sanay siya na kapag pumupunta siya ng America ay masaya siya. Kapag ginugusto niyang magbakasyon ay palaging doon ang pinipili niyang destinasyon. Bakit naman hindi? America is a very beautiful place to stay to. Liberated ang mga tao roon na siyang mga taong gustong-gusto naman niyang makasama. Most girls living there are his type. They all got the "B's" he always wanted in bed. Big boobs and butts. For him, it was the land flowing with milk and honey. Ngunit ngayon ay katawa-tawang ni hindi man lang niya ma-enjoy ang bakasyon niya roon.
Everytime he went there, he was looking for fun. Kung malala na ang lifestyle niya sa Pilipinas ay mas malala kapag nasa New York siya o sa iba pang city sa America kagaya na lamang ng Las Vegas at Los Angeles na siyang mahilig puntahan roon. He was known in the Philippines as a wild playboy. Siya ang bunso sa tatlong anak ni Bill Torres na isa rin sa pinakakilalang malaro sa mga babae noong kabataan at hanggang ngayong matanda nito. He and his half brothers are branded as the Philippines infamous Playboy Millionaires. But in America, he was branded more than that. Most girls said he was a lady-killer. They kill them in his stunts in bed. He made sure he killed it with pleasure. More than willing naman ang mga ito sa ginagawa niya. Mas marami kasing experiences ang mga babae roon kumpara sa mga babae sa Pilipinas at mas nasisiyahan ang mga ito sa "harsh" ways na alam niya. And because he loves "harsh" things when it comes to bed, he loved it there, most especially if he stays in Las Vegas which was branded as the sin city of the world. Right now, he wanted to have the "fun", too. Lalo na at pakiramdam niya ay masyado siyang na-stress sa mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang linggo sa Pilipinas. Pero kahit anong gawin niya, kahit gaanong kaganda pa na babae ang lumalapit sa kanya, walang "excitement" siyang nararamdaman ngayon sa America. All he feels right now is pain.
Ilang beses na niyang kinukumbinsi ang sarili niya na kaya niyang mabuhay ng wala ito sa kanya. Hindi nga ba't naipapakita niya rito na kaya niya iyon? He went looking and play with girls just like the habit of his real father's family to let her see that all she did to him was nothing. That she can still be happy without Hannah. But why he is like this? Nasa America na siya at lahat para hindi na siya makarinig pa ng balita tungkol sa naganap na kasalan nito pero nasasaktan pa rin siya. Lumayo na siya at lahat pero kahit hindi naman niya nakita ay hindi niya maiwasang ma-imagine ang masayang mukha ni Hannah habang naglalakad ito sa altar at inaantay ng lalaking mahal nito. For the nth time, he was wishing he could be that man. But as the popular saying goes, "you can't have it all". Malupit lang sa lagay niya dahil ang pinakaimportanteng tao pa sa buhay niya ang hindi mapapasakanya. Lalong-lalo na ngayong kasal na ito.
Hannah had been so special to him for so many years. Bata pa lamang sila ay magkakilala na sila. She was the best friend of her little sister, Queencie. Kapatid niya si Queencie sa kanyang ina. He loved and adored her sister and so was she to him. Close silang dalawa at dahil na rin doon ay nakilala niya si Hannah na siyang kapitbahay nila sa exclusive subdivision kung saan sila nakatira. Palaging nasa bahay nila si Hannah dahil gusto nitong kalaro si Queencie. Minsan ay isinasali siya ng mga ito sa laro ng dalawa. Gustong-gusto naman niya iyon dahil bata pa lang si Hannah ay crush na niya ito. She looks so sweet and adorable. Kahit malayo ang pangarap nito sa pagmomodelo ay masasabi niyang mas dadaigin pa ang mga ito nang dalaga kapag iniharap sa mga iyon. She was not just pretty, she was beautiful. Hanggang sa lumaki ito ay crush niya pa rin ito at binalak niyang ligawan nang dumating na ito sa edad na pinayagan na nang mga magulang nitong magnobyo. But when he finally told her his feelings, she didn't accept it and told him she was already in love with someone else.
Sinabi niya sa sarili niya na bubuo siya nang masayang pamilya kagaya nang nangyari sa Mommy niya nang matagpuan nito ang Tito Kingsley niya. Pero nawala ang pangarap niya dahil binasted naman siya nang unang babaeng minahal niya. Si Kingsley Sarmiento ay isa sa mga pinakamagaling na lawyer sa Pilipinas na pinakasalan ang Mommy niya kahit may anak na ito sa iba. Walang pakialam ito sa kung anong mayroon sa nakaraan ng Mommy niya at tinanggap pa nang bukal sa loob ang existence niya. He treated him as his own child and gave everything to him including Queencie. Naniwala siya na totoo ang pag-ibig dahil na rin sa mga ipinakita nito sa kanya. Kung ang dalawang kapatid niya ay "idol" ang kanilang biological father, siya naman ay idol ang Tito Kingsley niya.
Pero masyado siyang nangarap. Masyado niyang inidolo ito sa pag-aakalang magiging ganoon rin katagumpay ang buhay pag-ibig niya kagaya ng nangyari rito. In the end ay nasaktan siya dahil sa mga pinangangarap niya na iyon. It was his first time to love and he thought he would have a happy ever after like what he had seen on his mom and step dad. Masyado siyang nag-expect na magkakaroon rin siya nang ganoon kaya naman masyado rin siyang nasaktan. Pati ang pride niya ay ganoon rin lalo na kapag nakikita niya si Hannah na parang naawa sa kanya pagkatapos siyang basted-in nito. Nang dahil doon, humanap siya ng paraan para maka-move-on. Nang mga sandaling iyon naman ay siyang pagdalaw sa kanya ng mga kapatid niyang wagas na ang pagkababaero kahit nasa early twenties pa lamang ang mga ito. Nakita niya na masaya ang mga ito sa ginagawa ng mga ito. He saw that as a way to be happy, to forget Hannah. Naging maayos naman iyon. Nawala ang sakit ng ginawa nito dahil sa mga babaeng iyon. Nakalimot siya rito. Pero akala lamang pala niya iyon. Dahil kung talagang nakalimot na siya, bakit siya nasasaktan ngayong kasal na ito? Bakit pakiramdam niya ay pinapatay siya? Bakit pakiramdam niya ay parang ayaw na niyang mabuhay dahil walang-wala na talaga siyang pag-asa rito?
"But I won't give up. This too shall pass. Kaya ko ito," bulong na naman niya sa sarili niya pagkatapos. Ilang beses na niyang kinukumbinsi ang sarili niya na ayos lamang siya. Ilang araw na simula nang magpakasal si Hannah. Pinipilit niyang tanggapin iyon pero kagaya rin nang nangyari sa kanya sa pagtanggap na hindi siya nito mahal ay ganoon rin ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi niya kayang tanggapin. Napakahirap. Napakasakit.
Napapikit siya. Ilang beses na niyang pinapalakas ang loob niya pero parang wala lamang nangyayari. Lalong napadiin ang hawak niya sa safety barriers. Kasabay noon ay ang pagkarinig niya ng malakas na tinig sa tabi. Napamuglat siya.
"Ano? Bakit ayaw mo pang tumayo sa itaas niyan? Alam na alam ko na ang nasa isip mo, Mister," diretsong-diretso ang pagsasalita nito nang Tagalog. Nang tumingin siya rito ay nang-iinis na ngumisi ito sa kanya. Pero sa halip na mainis sa ngising iyon ay na-amuse pa siya. Lalo na at may kung anong humaplos sa puso niya nang makita ang itsura nito.
On one look, no doubt that she is a Filipina. She had the common features. Almond ang hugis ng mga mata nito at kakulay naman ng mata nito ang buhok nito. Her eyes and hair had a shade of the darkest brown or he could say it was almost black. Hindi ganoon katangusan ang ilong nito. It was somewhat a rounded tip. Fair ang kulay ng balat nito at may kaliitan ito. Gayunpaman, pakiramdam niya ay may something dito na hindi niya maintindihan.
Nakaupo ito sa barrier ng tulay habang pa-sway-sway pa ang paa. Matagal siyang nakatanga lamang rito hanggang sa matawa at magsalita muli ito sa kanya. There were something to her that indulge him. Okay naman ang paghinga niya kanina. Pero nang makita niya ito ngayon, parang naging abnormal yata iyon.
"May dumi ba ako sa mukha? Bakit ganyan ka makatitig sa akin? Parang gulat na gulat ka," tinitigan rin siya nito. Bumaba ang tingin nito sa kanya. "Nagtataka ka ba kung bakit ganito ang language ko? Oh, I'm sorry then. I thought you are a Filipino,"
Umiling siya. "Pilipino ako at naiintindihan kita,"
"Just as I thought," bumalik ang ngisi nito. "Pero payo lang kababayan. Kung gusto mong tumalon sa tulay na ito, hindi na dapat pinag-iisipan 'yan."
Kumunot ang noo niya. "Anong sinasabi mo? Akala mo ba ay---"
"Oh, no doubt my friend. Kitang-kita ko sa mukha mo na gusto mong mag-suicide rito. You look so extremely sad. Ano pa ba ang maaring gawin ng isang taong ganyang kalungkot sa ganitong lugar? Besides, George Washington Bridge is the most frequently chosen sites in this place to commit suicide. Bakit kailangan mo pang itanggi? Well, kung natatakot kang baka sabihin ko sa iba na 'yun ang pakay mo at pigilan ka, don't worry, I wont. Susundan rin naman kita, eh," mas lalo pang lumapad ang ngisi nito at uminom ng beer na ngayon niya lamang napansin na hawak pala nito.
Nanlaki ang mata niya. "Anong susundan? You mean---"
Hindi na naman siya nito pinatapos magsalita. Ikinumpas nito ang kamay na para bang sinasabing ipagpatuloy lamang niya ang nasa isip niya. "Tama na ang dada. I know you would jump, nagdadalawang-isip ka lang. So let me help you sa pagde-decide. Isa akong nurse riot sa America. At 'yung mga pasyente kong bata, ayaw na ayaw nilang uminom ng gamot. Hindi ko naman sila masisisi dahil bata sila at mapait talaga ang mga gamot. Pero palaging kong sinasabi sa kanila na mawawala rin raw 'yun pagkatapos. Ganyan rin ang pagsu-suicide, Mister. Natatakot tayo pero sa huli ay mawawala rin 'yun at magiging magaling rin tayo dahil wala na ang lahat ng sakit na kinikimkim natin. Emotionally o physically man. Kaya kung ako sa 'yo, talon na! After jumping you'll never gonna feel something because you're already dead. No more pains because you are finally out of your disastrous life,"
"Miss, I won't commit suicide, okay? At kung ikaw ay may balak na gawin 'yun, please, don't dare to! I am begging you!" sigaw na niya.
Tumawa na naman ito. Base sa itsura at pagtawa nito ay parang lasing na ito. Lalo siyang kinabahan sa naisip na iyon. Alam niyang kapag lasing ang mga tao ay mas lalong lumalakas ang loob ng mga ito. Paano kung magpakamatay ito base na rin sa mga sinabi nito? Sa isiping iyon ay kinikilabutan siya.
"Why would I listen to you? You're a total stranger. Isa pa, hayaan mo na ako. I'm done with my life. I've had enough of problems. Maraming problema, eh. Ang hirap mabuhay habang kimkim ito. Mabuti nga siguro na magpakamatay na ako, tutal ay wala namang may gusto na mabuhay ako. Wala naman akong kuwenta, eh. But anyway, it was nice meeting you. Ubos na ang beer ko kaya mauuna na ako sa 'yo. Hope we'll meet again too. In hell. Ciao Babe!" tuloy-tuloy na sabi nito at sa harap niya ay tumalon nga talaga ito sa tulay.
"Shit!"
Pakiramdam niya ay lumabas na sa ribcage ang puso niya dahil sa nasaksihan. Nanlamig ang lahat ng mga kalamanan niya. But he knew he have to do something. Hindi lang dapat niya pinanood ang lahat.
Tumalon rin siya sa tulay.