Library
English
Chapters
Settings

1

"PESTE kang bata ka! Wala na nga tayong pera, gusto mo pang mag-aral?!" dinaig pa ang kulog sa lakas ang boses na iyon ng Tita Anna niya nang sabihin niya rito ang tungkol sa kagustuhan niyang makapag-aral. Limang taon pa lamang siya ng isaboses niya ang tungkol roon.

"Gusto ko po makapag-aral, Tita. Dali na po. 'Wag po kayong mag-alala, tutulong pa rin naman po ako sa gawaing bahay," mangiyak-ngiyak na wika pa niya sa kinalakihang pamilya.

Kinurot siya nito sa tagiliran. "Kuh! Subukan mo lamang na hindi at papalayasin naman talaga kita rito! Wala kang dinala rito sa bahay namin kundi kamalasan!"

Kamalasan. Iyon na lang ang palagi niyang naririnig sa mga taong kumukupkop sa kanya nang mamatay ang mga magulang niya.

Sa buong durasyon yata ng buhay niya ay walang araw na hindi niya naririnig ang mga iyon sa Tita niya bukod sa salitang "alipin".

"Precious, may pasa ka na naman. Ano bang nangyayari sa 'yo?" naalala niyang isang araw ay sinabihan pa siya ng kaklase niyang bakla noong highschool siya. Hindi niya masasabing kaibigan niya ito dahil wala naman siyang tinuturing na kaibigan noon. Sa sobrang abala niya sa pagbabalanse ng oras niya sa pag-aaral at mga responsibilidad niya sa bahay ay wala na siyang oras pa para magkaroon ng kaibigan. Pero dahil may mga taong mausisa kahit hindi naman niya pinapansin ay pinansin siya ng kaklaseng bading.

"Ah, w-wala ito," pag-iiwas niya sa kaklase at pinilit na inabala ang sarili niya sa pag-aaral dahil may quiz sila ng araw na iyon. Ginawa niya rin na dahilan iyon dahil ayaw na niyang malaman pa ng mga ito na sinasaktan siya ng mga kamag-anak niya. Na-late kasi siya ng uwi dahil kinailangan nilang gumawa ng group project sa bahay ng isa sa mga kaklase niya. Nang dahil doon ay napagalitan siya ng Tita niya at sinaktan pa nga siya sa galit sa kanya. Hinampas siya nito nang tambo pagkarating na pagkarating niya. Ang akala kasi nito ay kumekerengkeng na raw siya. Marami raw gawain sa bahay at late-late pa raw siya ng uwi. Umuwi kasi ng lasing ang Tito niya at nagkalat raw ito sa bahay. Nag-away pa ito at ang Tita niya at nagkabasagan ng ilang gamit. Katulad ng dati ay wala siyang naggawa kundi tapusin ang gawaing bahay. Umaga na nang matapos niya ang lahat ng gawain. Ni hindi na siya nakapag-aral kahit may exams siya kinabukasan sa sobrang pagod.

Ang akala niya ay manhid na siya sa lahat ng sakit na ibinibigay sa kanya ng taong kumukupkop sa kanya. Bata pa lamang siya ay inaalipin siya ng mga ito. Sinasaktan siya ng mga ito kapag nagkakamali siya sa mga pinapaggawa ng mga ito sa kanya o 'di kaya ay hindi siya sumunod. Ginawa niya ang lahat para maging perpekto. Ininda niya ang lahat ng mga iyon. Ang mga pag-aalipin at pananakit. Tanging ang mga ito na lamang ang natitira niyang pamilya sa mundo. Kaya kahit ituring siya ng mga itong muchacha ay pumayag siya.

Nagpunta siyang America para magtrabaho. Doon niya masasabing naumpisahan niya ang lahat ng ginawa ng mga ito sa kanya. Gusto rin niyang gawin iyon dahil ang akala niya ay magiging masaya ang mga ito ng lubusan sa ginagawa niyang pagbibigay ng pera sa mga ito. Tama naman siya noong una. Kitang-kita niya ang saya sa mukha ng mga ito nang una siyang magpadala ng pera sa mga ito.

"Damihan mo pa sa susunod, ha? Saka padala ka na rin ng maraming gamit sa susunod? 'Yung mga imported na pabango at bag! Tiyak na magugustuhan 'yun ng pinsan mo,"

Pinsan mo. 'Yun ang unang beses na narinig niya sa Tita Anna niya na pinsan niya ang anak nito. Palagi kasi siya nitong sinasabihan na hindi niya pinsan ang anak nito dahil muchacha raw siya ng pamilya. Ganoon rin naman ang pinsan niya na parang nandidiri pa kapag kasama siya.

Natuwa siya nang dahil doon. Mas lalo niyang pinagbutihan sa susunod. Kapag tumatawag siya sa mga ito at nararamdaman niya na natutuwa ito sa ginagawa niya ay masaya siya. Pakiramdam niya kasi ay unti-unti na rin siyang tinatanggap ng mga ito bilang pamilya ng mga ito. Halos wala ng natitira sa kanya para lang maging masaya ang mga ito. Ginawa niya ang lahat ng mga iyon dahil gusto niyang matanggap siya ng mga ito.

Isang araw ay may dumating na lalaki sa buhay niya. Si Marvin---pasyente sa ospital kung saan siya nagtatrabaho. Siya ang naging nurse nito. Mabait ito sa kanya at guwapo ito. Inamin nito sa kanya na nahulog raw ang loob nito sa kanya. Pinaramdam nito sa kanya na mahal siya nito. Niyaya siya nitong magpakasal. Pumayag siya.

Umuwi siya sa Pilipinas para sabihin sa pamilya niya na magpapakasal na sila ni Marvin. Excited pa man rin siya dahil na rin iyon ang unang uwi niya sa Pilipinas makatapos ng ilang taong pananatili niya sa America para magtrabaho. Inaasahan niya na sa wakas ay tatanggapin na rin siya ng pamilya niya dahil sa mga naggawa niya. Pero nang dumating siya at sinabi ang para sa kanyang magandang balita ay nawala lahat ng pasensya niya.

"Ano?! Ni wala ka pa ngang matinong naipundar, mag-aasawa ka na agad?!" galit na galit na sabi ng Tita Anna niya.

"Pero Tita...'di pa ho ba sapat ang mga naipadala ko? Sobra-sobrang pera na po 'yun kung maituturing. Kung iniipon niyo lang sana ay may maganda na sana kayong bahay ngayon at---"

"At sinisisi mo pa ako ganoon? Matapos ka naming patirahin rito, manunumbat ka pa, ha?" hinawakan nito ang buhok niya at sinimulang sabunutan siya.

Namangha siya dahil sa ginawa nito. Ang akala niya ay okay na ang lahat sa pagitan nilang dahil na rin sa mga binibigay niya. Nagkamali siya. Galit na gumanti rin siya. Kinalmot nito ang mukha niya. Nagsimulang tumulo ang luha niya.

"Que nakapunta ka lang ng America, ang laki-laki na ng ulo mo, ha? Lumalaban ka na?!" napaupo siya. Sinipa siya nito. Dinuro pa siya nito. "Hoy! Kung alam mo lang kung gaanong kamalasan ang dinala mo sa pamilya ko simula nang ipinanganak ka! Hindi pa sapat ang lahat ng naibigay mo para bayaran ang lahat ng pera na nawala sa pamilya ko dahil sa pagkawala ng magulang mo! Saka ang batang-bata mo pa, nangangati ka na? Ipagpapalit mo kaming pamilya mo para sa lalaki? Hah! Ang kapal kapal rin ng mukha mo! Kapag umalis ka dito, 'wag ka ng babalik! Napakawala mong kuwenta!"

Marami pang masasakit na salita ang narinig niya mula sa Tita niya. Nang dumating ang asawa nito pati ang anak nito ay ganoon rin ang nangyari. Sobrang sama ng loob niya sa mga nangyari. Nagmahal lang naman siya pero binigyan pa ng malisya ng mga ito iyon. Hindi na niya natiis ang mga nangyari. Kung ganoon rin naman siyang tratuhin ng mga ito dahil lamang ginusto niyang magpakasal, mas mabuti pang bumalik na lamang muli siya sa America kasama si Marvin. Hindi na siya maniniwala sa blood is thicker than water dahil sa mga ginawa ng mga ito. At least, kay Marvin ay nakaramdam siya ng totoong pagmamahal at alam niyang hindi siya sasaktan kagaya ng ginawa ng mga ito sa kanya.

Or so she thought...

Dahil pagbalik niya ng America, nalaman na lamang niya na wala na pala siyang babalikan. O mas magandang sabihin na wala naman talagang babalikan dahil ang akala niyang sa kanya ay pagmamay-ari na pala ng iba.

Marami ang nagsasabi sa kanya na siya raw si Cinderella dahil sa pamilyang kinalakihan niya. 'Wag daw siyang mag-alala dahil pasaan ba't magkakaroon rin siya ng happily ever after kagaya ng mga fairy tale. Pero ngayon ay napatunayan niyang hindi totoo ang kuwentong iyon. Hindi siya si Cinderella. Hindi totoo ang Prince Charming dahil niloko lang siya nito. Hindi naging mabait ang mga stepmother at stepsisters niya.

She wouldn't be love after all. What she had is a story that comes with a happily NEVER after ending.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.