Library
English
Chapters
Settings

5

DALAWANG araw nang halos hindi nagsasalita si Precious at kahit ngayong araw ay nakalabas na siya ng ospital ay wala pa rin siyang balak. Galit siya. Galit na galit siya dahil ilang araw ng napo-postpone ang plano niya. Kung bakit ba naman kasi kailangan pang gumawa ng Diyos ng mga taong pakialamero, 'yun tuloy ay lalo lamang nadagdagdan ang paghihirap niya. Bakit ba parang gusto pang dagdagan ng Diyos ang paghihirap niya? Nagdesisyon na siya at siguradong-sigurado na siya roon. She doesn't want to have this life anymore. She wanted to quit.

Gusto na niyang tapusin ang buhay niya pero palagi namang umeepal ang lalaking iyon sa plano niya. Ni hindi niya nga ito kilala pero daig pa nito ang mga nagpalaki sa kanya kung makialam sa buhay niya. Kung ang iba siguro ay matutuwa dahil sa "pagpapahalagang" pinapakita nito sa kanya kagaya na lamang ng madalas na sabihin sa kanya ng mga nurses at doctor na pumupunta sa kuwarto niya, siya ay malayong-malayo sa pagkatuwa ang nararamdaman.

Those people said she was lucky to have a guy like him. They knew he was a total stranger but he cared for her more than a family. Isama pa raw doon na hindi lang daw ito bastang lalaki dahil napakaguwapo nito. Kung nurse raw siguro ito ay agad na gagaling ang pasyente nito. But in her case, it was the other way around. Paano naman siya gagaling kung parang may kakaibang nararamdaman siya sa lalaking ito kapag hinahawakan siya nito?

Naalala niya ang araw kung saan siya nito nahuling tumatakas sa ospital. Dahil tumatakbo siya at nahuli siya nito, natural lamang na malakas ang tibok ng puso niya nang mangyari iyon. But when she slipped in the platform and he fell on her, pakiramdam niya ay hindi na natural ang pagkalakas ng tibok ng puso niya. Sigurado rin siya na hindi lang dahil sa nagulat siya kaya naging ganoon iyon. It was more than that. And because of that, she can conclude that there was something abnormal that happening to her. Sa pag-iisip niya noon, paano siya lalong gagaling?

Maraming nagsasabi na naloloka na raw siya dahil sa kagustuhan niyang mamatay. Naiintindihan niya ang mga ito sa sinasabi ng mga ito against sa kanya dahil hindi naman alam ng mga ito ang pinagdaananan niya. Pero ang hindi niya maintindihan ay mas lalong nakakaloka ang nararamdaman niya dahil sa lalaking iyon. He was handsome, she would totally agree with that. But he was also dangerous to her. Hindi lang kasi ang buhay niya ang pinapakialaman nito, pati na rin yata ang puso niya.

But damn! Hindi puwede!

She already had enough. Hindi na niya kailanman pa ng bagong tao sa buhay niya. Lahat naman kasi ng darating roon ay lagi siyang sinasaktan. Nang minsang akala niya ay dumating na ang taong akala niyang magpapabago ng buhay niya ay umasa lamang siya. Nasaktan lang siya. Kaya naman naiinis siya ngayong may bagong tao na namang dumating sa buhay niya. Kahit nakakatuwang isipin para sa iba na concern ito sa kanya kahit estranghero silang dalawa sa isa't isa, tinitikis niya. Hindi siya puwedeng mapalapit sa iba dahil natatakot siyang kapag ginawa niya iyon ay magkaroon pa siya ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay niya at sa huli ay masaktan pa lalo siya.

She was trying to avoid him. Kaya nga pinipilit niya ang sarili niyang huwag magsalita lalo na kapag ito ang kumakausap sa kanya. Nahahalata niyang naiinis ito sa ginagawa niya pero hinahayaan niya lang ito. Iyon ang gusto niyang mangyari, ang mainis ito sa kanya. Umaasa siyang kapag nagtuloy-tuloy ang ginagawa niyang kalokohan rito ay magalit na ito nang tuluyan sa kanya at lumayo na sa buhay niya. Pero ito na yata ang taong nakilala niyang may pinakamahabang pasensiya dahil pinagtitiyagaan pa rin siya nito.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang itong ka-concern sa kanya. Nalaman niya dahil sa ilang araw na pananatili niya sa ospital ang tunay na pangalan nito. It was Price Torres. Sigurado siyang wala siyang nakilalang tao na may ganoong pangalan kaya estranghero sila sa isa't isa.

Minsan ay naiisip niyang dahil sa kababayan niya ito kaya siguro ganoon na lang ito ka-concern sa kanya. It was a common trait of the Filipino's in abroad. Iyon nga lamang, pakiramdam niya ay sobra-sobra na ang para rito. Iniligtas na siya nito, inalagaan at pinagpapasensyahan pa ang mga kamalditahang ginagawa niya rito. Todo rin ang pagbabantay nito sa kanya noong nasa ospital pa siya. Talagang nag-request pa ito ng nurses na magbabantay sa kanya twenty four hours para lamang masiguradong hindi na niya ulit gagawin ang pagtakas. 'Yun tuloy at kahit naiisip niya muling gawin ang umalis ay hindi na niya magawa iyon dahil sa pakikialam ng lalaki. Kulang na lamang ay palagyan nito ng guards ang kuwarto niya upang hindi siya makatakas. Inis na inis na siya dahil sa mga ginagawa nito.

Pero kahit yata magreklamo siya ay wala rin. Dahil ang lalaking iyon lamang ang nakasama niya sa ilang araw na pananatili niya sa ospital. Sa kanya siya ng mga ito pinaubaya. Iyon tuloy ay parang ang lalaki ng iyon ang nagpapaandar sa buhay niya dahil ngayon naman ay dinala siya nito sa tingin niya ay apartment nito. The place was big. Sa tingin niya ay mga mayayaman lamang mga Pilipino ang puwedeng makakuha ng ganoong klase ng apartment sa New York. Pero kung may ikatutuwa man siya sa "pag-uuwi" nito sa kanya sa apartment nito ay iyon ang nakita niyang ni wala itong kasama ni isa sa apartment nito.

Pero may ESP yata ito dahil kahit hindi niya ipinahalata rito na natuwa siya sa kaalmanang wala itong kasambahay man lang doon ay dumilim ang mukha na mukhang nabasa ang naiisip niya. "If you think you can escape with me because I don't have other companion here, you're wrong, Babe. Kahit kaya kong kumuha ng battalion nila, ayaw ko ng may kasama sa bahay dahil na rin sa ilang personal reasons. But I do have some alarms here to secure if someone went to my house and leave without my permission," may itinuro ito sa kanyang kulay pula na ilaw sa may kanan ng sala ng apartment. "See that? Everytime the door or the window opens, tumutunog 'yan. It means kahit hindi ako nakatingin sa 'yo, malalaman ko kapag nagtangka kang umalis,"

Hindi niya mapigilan ang sarili na hindi mapasimangot dahil sa nalaman niya. Sasabog na rin ang inis niya sa pakikialam nito. Ayaw niyang magsalita nitong mga nakaraang araw dahil alam niyang kahit naman magsalita siya ay hindi siya pakikinggan nito. Paano, ang lagi naman niyang sasabihin ay gusto na niyang magpakamatay. Alam niyang hindi ito papayag doon at baka mas lalo pa siyang paghigpitan kung sakaling umatungal siya nang ganoon. Pinili na lang niya na maging tahimik kahit kinakausap siya nito para huwag nitong malaman ang tunay na saloobin pa rin niya tungkol sa issue ng pagpapakamatay niya.

"And what? Hanggang expression pa rin ba ng mukha mo ang magiging reaksyon mo sa mga sinasabi ko? You know Miss, kahit hindi ka nagsasalita alam ko ang tinatakbo ng isip mo. You are being quiet so I can't read your mind. But I know you are just doing that because you still have other plans. Ganyan naman ang madalas na ginagawa ng tao, eh. You still want to get rid of me, right? Nang maituloy mo na ang pagpakamatay mo,"

Napaawang ang mga labi niya sa sinabi nito. At dahil ilang araw na rin niyang tinitimpi ang inis dito ay hindi na niya napigilan ang sarili niya. Pinamaywangan niya ito. "Dahil mukhang may ESP ka naman, sige aamin na ako! I'm still pursuing my plan, masaya ka na? At oo! Gustong-gusto na kitang paalisin sa buhay ko dahil hindi ko kailangan ng mga kagaya mo! Kahit ano ang gawin mo, hindi mo ako makukumbinsi na huwag ituloy ang gusto ko. This is my life and I have the full right of doing what I want with it! I am not giving a single damn if you are concern on me or what! I don't need that! I don't need anybody in my life, especially right now!"

Matamang tinitigan siya nito. Sinalubong naman niya ang tingin nito. Pilit niyang pinatigas ang sarili niya dahil ayaw niyang magmukhang mahina rito lalong-lalo na sa estado niya. Pero ngayong tinitigan siya nito ay parang natutunaw lahat ng tapang niya. Parang nangangatog pa ang tuhod niya. She felt weak. And she hates it. Bigtime.

Ito ang unang beses na mangyari iyon sa kanya. Kahit kay Marvin ay hindi niya naramdaman ang ganoong kalakas ng pakiramdam kapag tinitignan siya nito ng diretso sa mata. Kahit ang intense na tibok ng puso niya kapag nagkakalapit sila ng Price na ito ay hindi niya kailanman naramdaman kay Marvin. Mas lalo siyang nainis sa isiping iyon. Ganoon ba talaga ang epekto ng muntik ng tumalon sa tulay, nahimatay at ngayon ay may benda ang leeg? O talagang kakaiba lang ang dating sa kanya ng lalaking ito kaya naman nagiging abnormal siya rito?

Nang hindi na niya makaya ang titig nito ay naglihis siya ng tingin. Kulang na lang kasi talagang humawak siya sa pader ng apartment nito dahil parang may laser beam ang mga mata nito at buong katawan niya ay nanghihina na rin. Narinig niyang bahagyang tumawa ito pagkatapos.

"You're weak," nagyayabang pa ang tono ng boses nito.

Nag-apoy ang mga mata niya sa inis. Kung may nag-iisang salita man siyang kinaiinis na sasabihin sa kanya ng tao, iyon na ang pinakaayaw niya. She did her best to be strong for the past few years para lamang hindi makita ng mga tao na mahina siya.

Pero may mga pagkakataon lang talaga na hindi ko na kaya.

"You don't have the right to say that to me. Hindi mo alam lahat ng pinagdaananan ko,"

"'Yun ay dahil hindi mo sinasabi sa akin,"

"We're not close, bakit ko naman sasabihin 'yun sa 'yo?"

"Maybe. But I am willing to listen. Kahit buong maghapon pa,"

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "And what are you? A psychologist? A counselor to say that?"

"Hmmm... Not really. But I am a great consultant in business,"

Kumunot ang noo niya. Ano namang kinalaman ng pagiging consultant nito sa problema niya? Hindi niya kailangan ng isang kagaya nito dahil malayo ang sinasabi nito sa kagaya niya. Kung consultant ito sa business, well, malayo ang business sa problema niya. "If so, you can't help me,"

"Malay mo naman 'di ba? I'm still a person. I can be your friend if you want. You can tell me everything and I won't mind,"

Umismid siya. "Hindi ko kailangan ng isang pakialamerong kagaya mo sa buhay ko! Tigilan mo na ako! I've already had enough!"

Tumawa ito. "You already had enough? Of problems? And what? You want to die because of that?" mas lalong lumakas ang tawa nito. "Then that proves that you're really weak. Weakest person that I encounter, I can say,"

Nagngitngit siya sa pangungutya nito. Parang umakyat lahat ng dugo sa ulo niya sa sinabi nito. "H-hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko...." nanginginig na ang boses niya sa sinabi nito sa kanya. Parang sandali na lang ay may pipitik na ang ulo niya.

"Then tell me what it is. O ano? Wala ka rin courage na sabihin sa akin ang lahat ng iyon?"

Kinalma niya ang sarili niya. Inisip niyang defense mechanism lang ang ginagawa ng lalaking ito sa kanya. Pinilit niyang huwag papasukin sa utak niya ang mga sinasabi nito. Inaasar lang siya nito.

Hindi siya nagsalita. Umupo siya sa sofa ng sala nito at nagpaka-feel at home sa bahay nito. Bahala ito sa buhay niya.

"See? Ni wala kang courage na pati iyon sabihin sa akin. That means you are really weak,"

Tinakpan niya ang tainga niya para hindi na marinig muli ang paglilitanya nito. She hated being called like that. She hated him. She hated her life. Bakit ba kasi siya iniligtas nito? Bakit ba kasi kailangan niya pang mabuhay pa? Ano pa ba ang hindi niya pa nagagawa? She had enough of her bullshit life and even if she decides to start a new life, the past will haunt her.

Tumabi naman ito sa kanya at talagang inilapit pa ang sarili nito sa kanya. Gusto niyang mapasinghap ng talagang isiniksik siya nito sa dulo ng sofa at pinaharap pa ang mukha niya rito. And again, nagtagpo na naman ang mga mata nila. Gusto na niyang sapakin ito dahil sa mga ginagawa nito pero kagaya kanina ay parang nawawalan na naman siya ng lakas. God, what was really happening to her?

"A-ano ba ang ginagawa mo? Bakit ba ginagawa ito? Bakit ka ba nakikialam pa sa akin? Ni hindi kita kilala!"

"I know. I don't know you either. But you know, I hate people who are weak. I hate a person like you that's why maybe I am doing this,"

"Kung ganoon, bakit kailangan mo pa akong tulungan nang ganito? Bakit kailangan mo pang maging concern sa akin kung galit ka pala sa mga taong kagaya ko?"

Sandaling natigilan ito saka umiling. "I actually don't know. But I have this feeling I have to save you from what you are gonna do," pagkatapos noon ay tila natigilan ito at tumingin sa malayo. "Y-your case reminds me of someone,"

Tinignan niya ito nang mataman. Na-curious siya bigla sa sinabi nito. "Who?"

Ngumisi ito. "Its a personal question. Sasagutin ko 'yan kapag sinabi mo rin sa akin kung ano ang pinakadahilan mo kung bakit ginagawa mo ang lahat ng ito,"

Humalukipkip siya. "Okay. Then I will not ask,"

Kahit curious siya, hindi naman noon mapapantayan ang kagustuhan niyang itago ang dahilan niya kung bakit gusto niyang magpakamatay. Hindi niya kailangan pa ng taong maawa sa kalagayan niya.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin sa akin?"

"Because I don't want you to know me personally,"

"Ang arte mo naman. Ni pangalan mo, hindi mo sinasabi akin. Ikaw na nga ang tinutulungan ko, ikaw pa ang may ayaw,"

Kahit ilang araw na silang nagkakasama ay ni hindi pa rin nito alam ang pangalan niya. Kahit ang ilang staffs sa ospital ay ganoon rin. She doesn't give a damn kung ano ang ginawa nito para lagyan siya ng records ng ospital dahil kahit sa mga staffs doon ay hindi rin niya sinabi iyon kahit pintukate siya ng mga ito ng tanong. Mabuti na lamang at walang nakakilala sa kanya ni isa sa mga empleyado roon kahit dating sa ospital rin siya nagtatrabaho. Sabagay ay sa ibang State ng America nga pala ang ospital na pinagtatrabahuhan niya. She just went to New York to meet someone until she decided to end her life.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Hindi ko kailangan ng kahit sino o kahit ano. Hindi pa ba malinaw sa 'yo ang lahat ng 'yan?"

"Malinaw. Pero bakit kasi ayaw mong magpatulong? The one you did, it will put you on fires of hell. Kung nagsa-suffer ka sa buhay mo rito, kapag ginawa mo 'yun, siguradong mas magsa-suffer ka sa after life mo,"

"It's okay. At least, fires will only be a physical pain," balewalang sabi niya.

"Hindi mo 'yun sigurado,"

Naiinis na siya sa dami ng pinagsasabi nito sa kanya. Hindi na niya maiwasang magtaas muli ng boses. "Wala akong pakialam! At wala ka na rin pakialam doon! Kaya puwede ba, maputol na 'yang pasensiya mo at 'wag mo na akong kulitin sa kagustuhan ko?!"

Umiling ito. "I will not allow it. Maybe you suffer right now, but your present situation is not your final destination. Always think that the best is yet to come. People do something stupid when they are temporarily upset. I think you shouldn't be like those people,"

Lalong nag-init ang ulo niya. Temporarily? Hah! If he just know. "At sa tingin mo ay temporarily lang ito? Hindi ako ganoon kababaw, Mr. Price Torres, para lamang kitilin ang buhay ko kung temporary lamang ang lahat ng problema ko,"

Sandaling tinitigan ulit siya nito. Waring tinitignan ang lagay ng kanyang mga mata. "Hmmm... Maybe. Pero bakit hindi mo muna lutasin ang mga problema mo bago ka mag-decide ng ganyan?"

"Sa tingin mo hindi ko rin sinubukan 'yun? I've tried. Many times. But I always fail,"

Parang may tumusok sa puso niya sa pag-aalala kung gaano niya sinubukang lutasin ang problema niya noon. Kung gaano siya sumubok na maging matatag at 'wag papatalo sa mga problemang ibinigay sa kanya. Nararamdaman niyang tila may tubig na namumuo sa mga mata niya. Itinaas niya ang kanyang tingin para hindi matuloy ang paglabas noon.

Nanahimik ito. Halatang nararamdaman nito ang dinadala niya kahit hindi pa man niya ilahad ang lahat rito. Tila sandali rin itong napaisip sa gitna ng katahimikan dahil hinawakan nito ang baba nito.

"I think you need a break in trying," wika nito kapagkuwan.

Tumingin siya rito. Nakita niyang may kinuha ito ang isang maliit na notebook mula sa center table ng sala at ballpen rin na nakapatong doon. Ibinigay nito sa kanya iyon.

"List the things that will make you happy and I will do my best just to get that. Sa tingin ko, ang gagawin kong ito ang puwedeng magpabago sa isip mo,"

Napatanga siya sa sinabi nito.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.