Library
English
Chapters
Settings

7

Naisip ni Charity na tamang ayusin na muna niya ang problema niya bago sila mag-usap ni Angelo. Magulo ang sitwasyon ngayon at kung sakaling isama niya pa sa problema niya ang pakikipag-ayos kay Angelo ay baka lalo lamang sumakit ang ulo niya. She already had enough problems because of what happened yesterday. Lalo na nang malaman ng pamilya ni Cash ang tungkol sa kanila.

Tinawagan siya nito kaninang umaga at sinabing gusto daw siyang makilala ng pamilya nito dahil sa nabasang article. Dahil ang tanging may alam lang sa pamilya nito ay ang Tita Petty nito, nagulat ang mga ito dahil sa nangyari. Pero kahit ganoon, nais pa rin daw siyang makilala ng mga ito lalong-lalo na ang dalawa pang half brothers nito na sina Stock at Price.

Ayaw niya sanang pagbigyan ito dahil kapag nangyari iyon, malamang na humaba pa ang oras na asawa niya pa rin ito. Pero dahil tinakot siya nitong kakaladkadin sa bahay nila kapag hindi siya nakipag-dinner sa pamilya nito, napapayag na rin siya. Isa pa, alam niyang sa sobrang kulit ni Cash ay hindi talaga siya tatantanan nito kahit maputol pa ang ulo niya sa pag-iling dito. Sinabi naman nito sa kanya na pagbibigyan lang daw nito ang pamilya niya at di kalaunan ay sasabihin dito ang sikreto ng kasal nila at ang balak niyang makipag-divorce dito. Hindi lang daw nito maamin ang totoo sa pamilya nito dahil masyado daw madaldal si Price. Palaging kapag may fresh news sa kanilang magkakapatid, ito palagi ang nagli-leak sa press. Duda daw ito at isa pang kapatid nitong si Stock na kaya ganoon ito ay dahil secretly in love ito sa best friend ng half sister na isang alagad ng media. Hindi daw ito nagtitiwala kay Price sa mga ganoong ka-confidential na sitwasyon dahil kapag nalaman daw ng media ang lahat, malamang ay lalo pang lumaki ang issue at makasama pa sa kanya. Bagay naman na sinang-ayunan niya dahil ayaw na rin niyang lumaki ang issue pa. Palalabasin na lang daw nitong kakasal lamang nila para hindi na magtaka ang mga tao sa pambabae nito.

Umuwi siya ng bahay nila at nakita niyang nandoon na si Cash at kausap pa nito ang Mommy niya na sa kung anong dahilanan ay kumikinang ang mata habang kausap ang lalaki. Hindi niya alam kung sadya bang tipo talaga ng Mommy niya ang mga playboy dahil mukhang tuwang-tuwa pa ito habang kausap si Cash. Hindi iyon ang unang pagkakataon na nakausap ito ng Mommy niya pero palagi na lamang itong masaya kapag kausap si Cash. Kaya naman hanga talaga siya sa karsima nito dahil pati ang matatanda at naka-firsthand na sa kamay ng playboy ay naakit nito.

"Oh, nandito ka na pala, Anak," wika ng kanyang Mommy nang makita siya.

Ngumiti siya saka nagmano at hinalikan ito sa pisngi.

"Ako ba, hindi mo hahalikan?" biro sa kanya ni Cash.

"Magpahalik ka sa aso!" singhal niya dito. Naiinis pa rin kasi siya dito. Kung hindi na sana siya binigyan pa ng kondisyon bago ito pumayag na maghiwalay sila, hindi na sana sila aabot pa sa ganito. Hindi na sana parang sasabog ang ulo niya dahil sa problema sa buong Pilipinas lalong-lalo na kay Angelo. Tahimik na sana ang buhay niya.

Tumawa ito. "Wala naman kayong aso dito kaya wala akong hahalikan. Sige na, halikan mo na ako," kulit pa nito sa kanya at lumapit.

"Humalik ka mag-isa mo!" sabi niya saka tinalikudan ito. Pero hinawakan nito ang kamay niya dahilan para mapalapit siya dito. At hindi pa man siya nakakapiyok dahil sa kapangahasang ginawa nito sa kanya ay mas matindi pang kapangahasan ang ginawa nito. Dahil sa isang iglap ay bigla na lamang lumapat ang labi nito sa labi niya!

Nanlaki ang mga mata niya at pakiramdam niya ay ganoon din naman ang puso niya. Hindi iyon ang unang beses na nahalikan siya sa labi pero iyon ang unang beses na hinalikan siya nito doon. Gustong magwala ng puso niya, pero nagulat siya dahil hindi iyon dahil sa nainis siya sa ginawa nito. Parang iyon ay dahil biglang pinasaya nito ang kaninang malungkot na puso niya dahil sa naging resulta ng pag-uusap nila ni Angelo.

Pero kahit ganoon, hindi siya nagpaapekto sa damdamin niya. Sinikap niyang sipain ito para matigil na ito sa ginagawa nito.

"Aray ko!" react pa nito dahil sa ginawa niya.

"Dapat lang sa 'yo! Walang hiya ka, hindi ka na nahiya sa Mommy ko!"

Tumingin ito sa Nanay niya. "Okay lang naman po na halikan ko si Charity dahil asawa ko naman po siya, 'di ba, Nay?"

Nay... Hindi rin iyon ang unang beses na tinawag nito ang Mommy niya ng ganoon pero kung dati ay naiinis siya kapag naririnig iyon sa bibig nito, ngayon naman ay tila nagiging musika iyon. Nagtataka tuloy siya kung bakit ganoon na lang ang biglang naramdaman niya. Iyon ba ay dahil sa halik nito? Ganoon ba talaga ang epekto ng halik sa labi ni Cash? Para siyang nagayuma bigla nito...

Napatingin siya sa ina niya pero tila ito ay naapektuhan din ni Cash. Dahil sa halip na magalit ito---katulad na lamang ng nangyayari dito kapag nakikita nitong hinahalikan siya ni Angelo---ay nakangiti ito na parang sang-ayon pa sa sinabi ni Cash.

"Uggh! Asawa mo nga ako pero maghihiwalay na tayo! Soon!" sabi niya saka pumasok sa kuwarto upang magbihis. Sa pagsara niya ng pinto ay napasandal siya sa likod niyon at hinawakan ang dibdib.

Bakit kaya ganoon ang naramdaman niya dahil kay Cash? Sigurado bang anak talaga ito ng isang milyonaryo? Dahil sa ngayon, parang paniniwalaan niya pa kung anak ito ng mangkukulam at minana nito ang pangungulam. Sa lagay niya kasi, parang kinulam nito ang puso niya dahil sa simpleng paghalik lamang nito sa kanya.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.