9
HINDI pa man nakakaupo si Charity sa loob ng formal dining room nila Cash, pakiramdam niya ay busog na busog na siya. Busog na busog na siya sa pandidiri dahil tila hindi man lang nahiya sa harap ng pakain ang dalawang half brothers at pati na rin ang ama ni Cash na maghalikan sa harap na iyon. Halos magkakasabay pa ang galaw ng tatlo habang kahalikan ang kani-kaniyang partners ng mga ito. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mapangiwi at mapahawak nang mahigpit sa braso ni Cash dahil sa nakita. Naramdaman niya na mahinang tumawa ito kahit hindi man ito nakaharap sa kanya at nakita ang maasim na mukha niya.
"Masanay ka na sa mga 'yan, Charity," tatawa-tawang wika ni Cash.
Kasing-asim pa rin ng suka ang mukha niya nang sumagot. "'Can't take it, Cash. Can I get out of here?"
Mukhang narinig naman ng isang kapatid nito---na sa pagkakatanda niya base sa mga nabasang magazines ay si Price---ang sinabi niya. The tall, dark and handsome Torres guy stopped what he was doing with his date and looked at her. "Of course you can't. You're Cash's special girl and you are also our special visitor of the night," ngiting-ngiti pang sabi nito sa kanya. Hinampas nito ang lamesa at iyon ang naging dahilan para matigil ang dalawa pang lalaki sa paghahalik sa mga partners nito.
"Oh I'm sorry!" napatayo naman si Stock---na siyang chinito look sa tatlo. Mukhang na-caught off guard ito dahil nakita siya. Pulang-pula ang mukha nito na parang nalangoy sa alak dahil sa pakikipaghalikan sa tila reyna rin ng mga langgam dahil sa sobrang pula ng damit. Pero hindi kagaya ng isang reyna ang klase ng damit nito. Kung ang mga reyna kasi sa mga kastilyo at madalas na pinapakita sa fairytale ay mahahaba ang damit, ito naman ay kakabugin pa ang damit ng babaeng nakita niyang lumabas noon sa opisina ni Cash. Para lamang iyong panyong itinali sa katawan nito. Mukha naman itong mayaman at classy, pero dahil sa suot nito, para na itong pokpok na nirentahan lamang ni Stock sa kanto.
Nilapitan siya ni Stock. "Nice meeting you, Miss Charity,"
Akmang hahawakan pa nito ang kamay niya nang biglang tumikhim si Cash. "Stock, its Misis Charity Torres. And please, back-off brother." Naka-hint siya ng possessiveness sa boses nito. Diniinan pa nito ang salitang "Misis."
Natawa naman si Stock dahil sa ginawa nito. "Fine. First time mo yatang maging possessive sa babae mo, brother?"
"Siyempre! Asawa niya 'yan, eh." Singit naman ng lalaking kahit may kaputian na ang buhok ay matikas at charming pa rin na tignan. Tantiya niya nga ay mas bata pa at "mas mahal" kung tutuusin sa mga babaeng date nina Stock at Price ang kasama nito. "Good to finally meet you, Hija. I'm Mr. Bill Torres, Cash's Father," sabi nito at nilahad ang kamay sa kanya.
Tinanggap naman niya ang pakikipagkamay nito. "Hello po, Mr. Torres,"
"You can call me Tito or better yet, call me "Dad"," nakangiti pang sabi nito.
Parang gusto niyang mapangiwi na tawagin itong "Dad". Pero dahil nahihiya naman siya dito, sinunod na rin niya ito. "Thank you po, Dad,"
Ngumiti ito at giniya silang dalawa ni Cash sa upuan nila. Ipinakilala siya nito sa lahat ng mga lamesa, pati na rin sa mga babaeng ka-date nito at ng anak nito. Katabi niya sa kaliwa ang babaeng kaulayaw kanina ni Stock na napag-alaman niyang Demi ang pangalan at sa kanan naman niya ay si Cash. Ngumiti ito sa kanya na hindi niya mawari kung ano bang timpla---kung matamis ba iyon o maasim---dahil "Tupperware" ang ngiti nito.
"I'm glad I got the chance to meet you, Mrs. Cash Torres. You are the latest talk of the town, you know? Especially in the elite class," wika ni Demi sa kanya.
Hindi niya alam kung kailangan niya bang ma-flatter dahil sa sinabi nito sa kanya. Pero dahil ayaw na niyang makipag-chikahan pa man dito, ginaya na lamang niya ang "Tupperware" na ngiti.
Nagsimula na silang kumain. Natuwa naman siya nang hindi na muli gumawa ng kamunduhan ang tatlong lalaki at mga partners nito. Si Cash naman ay mukhang tuwang-tuwa na asikasuhin siya habang nakain. Hindi tuloy maiwasang ma-amuse ng ilang kapatid at ama nito.
"Sweet," wika pa ni Price.
"'Kalain mo 'yun? Parang noong isang araw lang ikaw ang inaasikaso ng babae mo samantalang ngayon..." napailing-iling si Stock. "You got it bad, brother,"
Napangisi si Cash at inakbayan pa siya. Hindi na naman siya pumiyok dahil kasali sa pagpapanggap nila na puwede siya nitong akbayan o di kaya hawakan ang kamay upang maging kapani-paniwala daw ang acting nila na totoo nga silang mag-asawa. Pero kahit ganoon, pakiramdam niya ay nagpalpitate na naman nang malakas ang puso niya. Naiinis siya dahil kakaiba iyon kaysa sa mga nararamdaman niya kay Angelo kapag inaakbayan siya nito.
"Well, sorry na lang kasi hindi pala ako immune kay Kupido," nakangisi pa rin na sabi ni Cash. "Right, Babe?"
Pati dito ay na-practice niya ang "Tupperware" na ngiti.
"I don't believe you," kontra naman ng "reyna ng mga langgam" na si Demi.
Tumaas ang kilay niya at ganoon din naman si Cash. Sabay-sabay rin na tumunog ang mga kubyertos mula sa kamay ng mga kasalo nila sa lamesa dahil sa sinabi nito.
"Kung mahal mo talaga siya, dapat hindi mo sinisikreto ang relasyon. Dapat matagal mo na siyang pinakilala,"
"Actually, Miss, kakasal lang namin ng asawa ko kaya hindi ko agad siya naipakilala," Hinawakan ni Cash ang kamay niya para ipakita sa lahat ang suot niyang wedding ring. Dahil hindi naman niya sinusuot ang wedding ring na ibinigay sa kanya ni Cash noon, parang bago pa rin iyon. Kumikinang-kinang pa iyon na talagang fli-na-unt ni Cash sa harap ni Demi. "At isa pa, hindi ko sinisikreto ang relasyon namin. Sa America kami nagpakasal dahil doon ko siya nakilala. It was a love at first sight that happened to both of us. It's the first time that I felt it and I don't want to lose it that's why I marry her then and there. I love her so much," tumingin pa ito sa kanya at pinuno ng adoration ang mga mata na parang in love na in love nga ito sa kanya. Mas lumakas pa yata ang tibok ng puso niya nang dahil sa ginawa nito. Nais rin niyang mapalunok dahil parang natutuyuan ng laway ang lalamunan niya dahil sa mga pinagsasabi nito.
"Mukha ngang tinamaan ni Kupido ang panganay ko, ah," nakangiting komento pa ng ama nito. "Alam niyo namang lahat na hindi ako nagseryoso pagdating sa pag-ibig dahil hindi ako nakapag-asawa. Pero hindi ibig sabihin noon na gusto kong ganoon rin ang mangyari sa inyo, aking mga anak. Gusto ko rin namang maranasan niyo ang ma-in love katulad ng nararanasan ngayon ni Cash. Mukhang masayang-masaya siya. Walang duda na mahal na mahal talaga niya si Charity,"
Kaya ganoon kasi magaling talagang artista ang anak niyo, gusto sana niyang sabihin. Hinawakan pa nito nang mahigpit ang kamay niya at kung siguro ay hindi niya lamang talaga ito pinagbantaan na kapag hinalikan siya nito ay babanatan niya ito, malamang ay nahalikan na rin siya nito para ipakita ang 'pagmamahal' nito sa kanya. Kitang-kita rin niya na tila kumikinang pa ang mga mata nito. Parang in love nga kung makatingin ito sa kanya. Kung hindi lang talaga niya alam na drama lamang ang lahat ay puwede rin siyang makumbinsi nito.
Mukhang natameme naman ang ka-date ni Stock at hindi na muling nagsalita ito. Nagpatuloy na muli sila sa pagkain. Hindi na muli inungkat ng mga ito ang nangyari sa kasal nilang dalawa kaya naman nakahinga na siya nang maluwag. Nakapagsinungaling na lang siya nang tanugin siya ng mga ito tungkol sa trabaho niya sa America dahil sa ginawang kuwento ni Cash.
Nakita niyang kahit malaro sa babae ay mabait naman ang mga ito. Aaminin niyang nag-enjoy rin siyang kausap ang mga ito lalo na ang dalawa pang half-brothers ni Cash. Hindi na naman kasi gumawa ng mga makamundong bagay ang lahat ng nasa hapag kainan. Kagaya rin ni Cash ay makulit din ang mga ito. Siguro ay nature na talaga ng mga playboy ang pagiging makulit at charming. At pakiramdam niya ay isa rin siya sa mga na-charm ng mga ito. Lalo na ng panganay sa tatlo na siyang wala ng ginawa kundi ang asikasuhin siya sa buong durasyon ng dinner.
Kahit na 'its complicated' ang status nilang dalawa ngayon ni Angelo, mali pa rin na mag-iba ang tingin niya kay Cash. Isa pa, alam naman niyang kunwa-kunwarian lang ang ginagawa sa kanya ni Cash. Dapat ay magkaroon na siya ng shield dito dahil katulad ng kanyang ama ay playboy din ito. Sasaktan din lang siya nito katulad ng kanyang ina. Kailangan niyang i-deny sa sarili niya ang nararamdaman niya dito dahil sa dulo, alam niyang sa impyerno lang mapupunta ang puso niya kung sakaling mahulog iyon dito kahit kasal pa silang dalawa. Hindi dapat siya maakit dito kahit kaunti.
Kahit kaunti? O matagal mo na talagang nararamdaman iyon, Charity? Ayaw mo lang talagang i-admit sa sarili mo? Wika ng isang bahagi ng isip niya. Pero pinalis na lang niya iyon.
Hindi siya naakit sa asawa niya. Hinding-hindi!