Library
English
Chapters
Settings

4

"WHAT?! No way!" malakas na sigaw ni Charity kay Cash. Ang lakas ng loob nitong kailanganin pa siya sa oras na kailangan na niya itong itakwil. Kakadating pa nga lang ng order nilang pagkain ay nakarinig na siya ng isang hindi inaasahan dito. Ano kaya ang nakain nito kanina at kung kailan gusto na nga niyang putulin ang relasyon nila ay kung kailan kailangan pa siya nito?

"Totoo ang sinabi ko sa 'yo na mamatay na ako, Charity. Mamatay na ako kung hindi mo ako tutulungan. Gusto akong ipakasal ng ama ng isa sa mga naging babae ko! Kailangan kita para sabihing hindi na kami puwede dahil kasal na ako!"

"Cash, itatapon na talaga kita sa Ilog Pasig! O sa crocodile farm na lang kaya para siguradong buto ka na lang after? Kung kailan gusto ko ng matapos ang lahat sa atin, kung kailangan mo naman ako guguluhin! Huwag mo na akong pakinabangan, please!"

"Hindi puwede! Alam mo namang ikaw lang ang babaeng ginusto kong pakasalan 'di ba? Hindi ako magpapakasal sa babaeng iyon. Kailangan na kitang ipakilala sa public para tantanan nila ako!"

"Puwede ba, Cash, problema mo na 'yan. Ilabas mo na ako,"

"Hindi ako papayag! Hindi ako magpapa-divorce sa 'yo kung hindi mo ako tutulungan!" mariing sabi nito.

Nanlaki naman ang mata niya. "Huwag mo akong gamitan ng blackmail, kukutusan talaga kita!"

"Nabatukan mo na nga ako kanina kaya hindi na ako natatakot na kutusan mo, okay? Sa totoo lang ay pupunta na talaga ako sa 'yo ngayong araw para sabihin ito. Naunahan mo lang ako. Kaya nga nagulat ako nang makita kita sa office ko. Akala ko, may ESP ka at nabasa mo ang iniisip ko kaya pinuntahan mo ako!"

"Pupunta eh busy ka pa nga sa pambabae mo! Naku, 'wag mo akong lokohin, Cash Torres, huling-huli ka sa akto! Alam mo bang puwede ko 'yang maging ground para makipag-divorce sa 'yo?"

"Oo. Pero kung sakaling mag-file ka pa, mahihirapan ka lang dahil tatanggi pa ako kahit alam kong marami kang ebidensya. Isa pa, magastos iyon kaya hayaan mo na lang ako. And about naman doon sa pagkahuli mo sa akin," Ngumisi ito. "Can't resist, Babe. Maganda, eh!"

"Oo, kaya naman ngayon, nasabit ka sa malaking problema dahil sa tawag ng laman mo! 'Buti na lang at hindi ka nakakabuntis 'no? Mas malaking sabit iyon kapag nagkataon,"

Tinapik nito ang dibdib. "Maingat ito 'no! Hindi rin makakabawas sa kayamanan ko kung araw-araw akong bumili ng kahon ng condoms,"

"At nandito ka na naman sa mga makamundo mong litanya. Puwede ba, Cash!"

"Oops! Nakalimutan ko, virgin pa nga pala ang asawa ko," ngingising sabi nito.

"Manahimik ka! I'm soon to be your ex-wife kaya huwag mo na akong tatawag-tawagin ng related man doon, okay?"

"Not until I get what I want, Sweetheart,"

Bumuntong-hininga siya. "Stop it, Cash. Hindi talaga ako natutuwa. Nagsusumamo ako, pakawalan mo na ako,"

Tumaas ang isang kilay nito. "Nagsusumamo ba ang lagay na 'yan?"

"At anong gusto mong gawin ko, lumuhod sa 'yo? Oy, hindi ka Diyos para luhudan ko,"

"Hmmm... They say I'm a God, a Greek God because of my face and body kaya ganoon na rin iyon,"

"Excuse me, hindi ako kasali sa "They" na iyon kaya 'wag mo akong isama, okay? Isa pa, tama na nga itong kaguluhan natin. Basta, kailangan nating magpa-divorce. Tapos,"

"Edi magpa-divorce kang mag-isa mo. Tignan lang natin kung kaya mo,"

"Cash!" inis na sabi niya.

"If you're not going to be with my plan, then I'm not going to deal with yours, too,"

Nangigil na napalo niya ang lamesa. Parang ngayon niya talaga gustong pagsisihan na nakipagkasundo siya kay Cash. Oo, nakakaranas rin siya ng kulit nito noon sa mga araw na naiisipan nitong dumalaw sa kanya o makipagkita. Pero wagas ang kulit nito at hindi pa niya magawang matuwa dahil sa mga pinagdadakdak nito.

"Pero may kasunduan tayo na kapag ayaw na ng isa, tigil na, 'di ba? Ayaw ko na. Ibigay mo na sa akin ang freedom ko,"

"Wala tayong written agreement tungkol doon. Ang tanging written agreement lang natin ay ang tungkol sa pera. Oral agreement lamang ang nagkaroon tayo about that at wala pa tayong witness kundi ang sarili natin kaya naman mahihirapan ka na mapatunayan na may kasunduan tayong ganoon. Isa pa, hindi mo ba talaga ako matutulungan? Kailangan mo lang namang magpanggap ng kaunting panahon. Maano ba naman iyon 'di ba? Ni hindi mo na nga ginampanan ang pagiging asawa ko physically---"

"As if namang kailangan mo pa ako eh sa dami ng mga bebot na pinaparada mo? Eh kung pumili ka na lang kaya ng isa sa mga kanila para gamitin mo sa pangalawang pagpapanggap mo?"

Mahirap na, Charity. Mamaya kapag naghanap pa ako, ma-fall pa sa akin ang babaeng iyon. Mabuti na iyong sa 'yo na lang. Legal na, hindi pa ako magsisinungaling at ikaw lang din ang babaeng kayang i-resist ang charms ko,"

"Ay naku, Cash! Nakakainis ka talaga!"

"Okay lang. Tanggap ko na. 'Wag kang mag-aalala, bibigyan naman kita ng pera pagkatapos nito,"

"Dapat lang! Kasi mag-didivorce na tayo pagkatapos 'no!"

"Talagang pera pa rin ang katapat mo 'no?"

"Magpapakasal na kami ni Angelo," simpleng sagot niya.

Nalukot ang mukha nito. "Fine. Basta tulungan mo ako,"

Wala na siyang nagawa pa kundi pumayag sa gusto nito. Kahit naman kasi ganoon si Cash, malaki ang utang na loob niya dito. Kung hindi niya nakita ito, malamang ay mag-isa na lamang siya sa buhay ngayon. Hindi niya sana mapapagamot ang kanyang ina nasa bingit ng kamatayan nito noon. Maliit na pabor lang naman kung tutuusin ang ginawa niya dito noon kumpara sa ginawa nito sa kanya. Hindi naman siya nito ginalaw physically o sinaktan man lang. Naging mabait pa nga ito sa kanya dahil higit pa sa inaasahan niya ang tulong na ibinigay nito sa kanya. Kaya maano ba naman na tulungan niya ito?

Isa pa, kahit inis siya sa mga katulad nito, may isang bahagi pa rin ng puso niya na parang hindi kayang pabayaan ito. Siguro iyon ay dahil kahit papaano ay may pinagsamahan sila. At kahit papaano ay may puwang naman ito sa puso niya.

Kahit papaano, Charity? O malaki? Na hindi mo lang maamin sa sarili mo?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.