3
"SO ANO naman ang naisipan mo at dinalaw mo ako, Mrs. Cash Torres?"
Kung nasa isang restaurant lamang sila ng punong-puno ng tao, malamang ay minura na naman niya ang lalaking kaharap niya ngayon. Hindi na naman bago sa kanya na sabihan siya nito ng ganoon kapag magkikita sila pero hindi na rin bago para sa kanya na mainis tuwing naririnig iyon. She was Mrs. Cash Torres by name but not physically and most of all emotionally. Isa pa, ni hindi nga niya iniisip o ipinagsasabi na siya lang naman ang asawa ng isa sa mga prominente at pinakasikat na 'bachelors' daw sa buong Pilipinas ngayon. Tanging sila lamang ni Cash, Tita Petty, Mommy niya at ilang mga hindi naman niya kilalang witnesses ang may alam ng pagpapakasal nilang dalawa.
More than a year ago, sa Las Vegas ay nagpakasal sila ni Cash Torres. But they are not the type of couple who married because they are truly, madly and deeply in love with each other. Kabaligtaran noon ang dahilan kung bakit nila pinakasalan ang isa't isa. Ni isa ngang katiting sa salitang 'pag-ibig' ay wala siyang naramdaman dito. Alam niyang playboy ito and she resisted and hated to the core the likes of him. Kaya nga kahit kasal sila legally, hindi pa rin siya pumayag na magsama sila. Nanatili pa rin siyang si Charity Aragon na siyang kilala nang marami hanggang ngayon.
Nang mga panahong nakilala niya si Cash ay ang panahong kinakailangan niya nang malaking pera at ito naman ay kinakailangan ng mapapangasawa. Inalok siya nitong maging asawa nito---kahit sa pangalan lamang---para makuha nito ang lupang kinakailangan nito. Nagkasundo silang magkaroon ng marriage for convenience para mapunan ang pangangailangan ng isa't isa.
Bata pa lamang siya ay naging mature na ang isip niya dahil sa nakita niya sa mga magulang niya. Isinumpa nga niya noon na hindi na siya mag-aasawa kaya naman pumayag na rin siya sa inalok sa kanya ni Cash. Mag-asawa lang naman sa papel ang naging kasunduan nila ni Cash. Kailangan lamang nitong ipakita sa Tita nito na nakapag-asawa na ito para ibigay nito ang lupang kinakailangan nito para ipatayo ang ngayon ay sikat ng "Golden Cash Clubhouse and Resort" na pangarap nito. Walang mawawala sa kanya dahil hindi naman sila magsasama sa iisang bubong. Malaya pa rin siyang gawin ang nais niya at ganoon rin naman ito. Pagkatapos kasi ng kasal nila ay hindi na ito ginulo ng Tita nito dahil ang balita niya ay nagkasakit ito at nanatili na lamang sa America upang doon magpagamot.
Nasa Pilipinas ang buhay niya kaya naman kahit pa sabihin ng Tita nitong siya rin nagpalaki dito na manatili silang dalawa sa America upang doon manirahan, hindi pa rin siya pumayag. Ang alam niya ay si Cash ang pumupunta-punta sa America upang dala-dalawin ang Tita nito. Hindi niya nga lamang alam kung ano ang sinasabi nitong dahilan sa Tita nito kapag pumupunta ito doon at hinahanap siya. Pero kung anuman iyon, wala na siyang pakialam doon. Ang mahalaga lang naman sa kanya ay ang perang nakuha niya nang pakasalan niya ito.
Kailangan niya ng pera nang mga panahon na nagtagpo ang mga landas nila ni Cash dahil sa operasyon ng kanyang ina. When she found out about the disease of her mother, she was so afraid to take the risk to let her go for a surgery. Isa pa, ang sabi naman nang Doctor na unang pinuntahan nila ay nakukuha naman daw sa gamot ang sakit na iyon ng kanyang ina. But as the years passed ay hindi nangyari iyon at nang magsimulang makaramdam ng kakaiba at intense na sakit ang kanyang ina, ay saka lamang sila nagpa-consult sa ibang Doctor at sinabing hindi na daw makukuha sa gamot ang sakit nito. Kailangan na nitong ipaopera iyon sa lalong madaling panahon.
Hindi sila galing sa isang mayamang pamilya at hindi rin kataasan ang suweldo niya bilang secretary sa isang sikat na flower shop noon. Kaya naman problema niya noon ang pera. Wala rin ipon ang kanyang ina at wala rin namang iniwan ang kanyang ama para sa kanila. Nasa puntong hindi niya alam ang gagawin niya nang magtagpo ang landas nila ni Cash. Ang Mommy na lang niya ang natitira sa kanya dahil hindi na siya nagkaroon ng kapatid pa. Kung sakaling mawala ito sa kanya ay hindi niya alam ang gagawin niya lalo na at wala naman siyang ka-close na kamag-anak nila dahil nasa probinsya ang lahat ng kamag-anak nito at wala na rin pamilya ang kanyang ama. Mag-iisa na lamang siya sa buhay sa oras na mawala ito.
Pero sinadya yata talaga ng tadhana na magkita silang dalawa ni Cash nang oras na pasan niya ang buong daigdig. Naipagamot niya ang kanyang ina sa tulong ng pera na kapalit ng pagpapakasal niya dito at binigyan pa siya nito ng business para kung sakaling kailangan niya pa ng pera ay hindi na siya maghahanap pa. He gave him a flower shop business. Dahil hindi naman siya impokrita para tanggihan ang grasya, tinanggap niya iyon. Gusto rin naman niya ang business na ibinigay nito sa kanya dahil sa flower shop siya unang nagtatrabaho. Sa ngayon ay pinag-iisipan na niyang magtayo ng isa pang branch noon gamit ang malaking profit na ibinabalik ng flower shop.
Pero pinag-iisipan niya pa lamang iyon dahil baka hindi niya rin magawa dahil sa mga susunod na araw ay magiging busy na siya. Totoong wala siyang plano na mag-asawa noon. Pero nagbago iyon nang dumating sa buhay niya si Angelo. At ito rin ang dahilan kung bakit nakipagkita siya kay Cash ngayon.
"Gusto ko ng mag-file ng divorce," sagot niya sa tanong ni Cash.
Tumaas ang isang kilay nito. "Come again?"
"Gusto ko ng kumawala sa 'yo dahil magpapakasal na ako sa iba,"
"Really? Akala ko ba, wala kang planong ma-in love o magka-asawa man lang? Kaya ka nga pumayag sa gusto ko noon 'di ba? Ano namang nakain mo ngayon?"
"I fell in love,"
Malakas na tumawa ito. "Love? Hindi ba't ikaw ang nagsabi sa akin na 'love is just for silly people?'"
Umirap siya. Naalala niyang sinabi nga niya iyon dito nang minsang lokohin siya nito na baka ma-in love daw siya dito nang isang beses silang nagsama sa iisang kuwarto dahil sa kunwariang 'honeymoon nila'. Iyon ang katagang binitawan niya dito dahil hindi naman talaga siya naniniwala sa love noon. Tanging sa pagmamahal lamang ng isang ina siya naniniwala dahil iyon lang naman ang naramdaman niya. Pero nag-iba ang paniniwala niya nang magkita sila ni Angelo.
"Nagkakilala kami ni Angelo nang minsang bumili siya ng bulaklak sa flower shop para sa kliyente niya---"
"Hep! Am I asking you about how do you and that angel of yours met?" parang naiinip pang sabi nito.
"Kinukuwento ko lang! Masama ba 'yun?" kahit kailan talaga, panira si Cash sa mga ginagawa niya. Bukod sa isinusuka niya ang ugali nitong babaero, palagi rin siya nitong binabara o di kaya ay iniinis.
"Wala akong pakialam diyan sa boyfriend mo, okay?"
"Pero siya ang dahilan ko kung bakit kailangan kong makipag-usap sa 'yo. Gusto na niyang magpakasal kami,"
"Okay," parang bale-wala lang na sabi nito. Sumubo ito ng garlic bread na unang s-in-erve sa kanila sa restaurant na iyon.
Hindi niya maiwasang mairita na naman dahil sa reaksyon nito. Kahit hindi sila palaging nagkakasama ay alam na niya ang ugali nito. Minsan talaga ay wala itong sense kausap. Kaya naman hindi niya ba alam kung paano nito naging magaling pagdating sa negosyo. Pero dahil sabi nila ay madalas daw nadadala sa charms ang pagiging matagumpay, iyon na lamang ang sumasagot sa tanong niya. Malakas naman talaga ang charm ni Cash pati na rin ang tatlong kapatid nito. Ganoon din ang ama nitong kilala rin sa pagiging babaero. Pero dahil she already had the first hand because of her playboy father, immune na siya sa ganoon, lalo na sa mga babaerong kagaya pa ng mga ito. Ang charm lang talaga ni Angelo ang hindi niya na-resist dahil malayong-malayo ang personalidad nito sa Tatay niya at kay Cash.
Angelo was a very responsible man. Hindi man ito galing sa mayamang pamilya na kagaya ni Cash, masipag ito kaya ng di kalaunan ay guminhawa ang buhay nito at ng pamilya nito. If Cash is Mr. Playboy, he is Mr. Nice Guy. Graduate ito ng Civil Engineering at ngayon ay project engineer na ng isa sa mga pinakamalaking engineering firm sa bansa. Ito ang breadwinner, nag-iisang lalaki at panganay sa tatlong kapatid nito. Thoughtful at may sense itong kausap kaya naman nang sumunod na araw na dumalaw ito sa flower shop niya ay in-entertain niya ito hanggang sa araw-araw na itong pumunta doon at nilagawan siya. Dahil kakaiba ito sa mga lalaking nakasalamuha niya, pakiramdam niya ay nahulog ang loob niya dito.
Limang buwan na niyang boyfriend ito nang iparamdam nito sa kanyang gusto na daw nitong magpakasal sa kanya. He was already thirty years old at gusto na daw nitong magkapamilya ng sarili nito. Pero dahil secretly married siya, hindi muna niya inintindi ang kagustuhan nito. Gumawa muna siya ng kung anu-anong alibi para mapahindian ang gusto nito. Hindi nito alam ang tungkol sa pagiging kasal niya sa ibang lalaki. Ang alam nito ay single ang civil status niya nang makilala siya nito. Hindi na naman niya pinagkaabalahan pang sabihin iyon dito dahil naging kasunduan na nila ni Cash na isesekreto lamang iyon sa kahit na sino.
Kaya naman para maputol na ang pagsisinungaling niya kay Angelo, kinausap na niya si Cash tungkol sa divorce nila. Nang magkasundo sila ni Cash, naging usapan nila na kapag ayaw na ng isa ay puwede ng ibigay ang annulment na hinihingi nito. Pero may kalakip ang agreement nilang iyon na kung sakaling humingi ng divorce ang isang party, magbabayad ang party na siyang hindi humingi ng divorce.
Malaki ang perang kinailangan niya nang magpaopera ang kanyang Mommy kaya naman malaking pera rin ang ibinigay ni Cash sa kanya. Isama pa roon ang ibinigay nitong business sa kanya. Kahit self-admitted na makapal ang mukha niya, kung gugustuhin niyang magkaroon ng malaking pera, napakadali lamang ng kanyang paraan. Kailangan niya lamang makipagkalas sa papel na ginawa nila ni Cash. Pero dahil kahit papaano ay may kahihiyan namang tumubo sa kanya, hindi niya pa rin ginagawa iyon. Ayaw namang abusuhin si Cash dahil hindi rin naman siya inaabuso nito. Pagkatapos ng kasal nila, hindi na naman ito nangulit sa kanya. Minsan ay tumawag-tawag o nagkikita sila pero hanggang ganoon lamang iyon. He made her free as she let him, too.
Minsan nga ay ipinagtataka rin niya kung bakit nito ginawa ang kasunduang iyon nila. Hindi niya lubos maisip na gusto siya nitong huthutan ng pera kapag naisip nitong makipagkalas na sa kanya. Mayaman na ito kaya naman bakit kailangan pa nitong kuhanan siya ng pera? Kahit naman playboy ito, may posibilidad pa rin naman na makipag-divorce ito sa kanya kung sakaling may nakilala na itong babaeng gusto nitong pakasalan. Kaya naman kahit malaki na ang kita ng flower shop niya ay hindi pa rin siya gumagasta nang malaki dahil nag-iipon siya nang pera kung sakaling mauna itong maghain ng annulment sa kanya. Pero ang inipon niyang iyon ay mapupunta rin naman sa kanya dahil hindi na niya nakaya.
Mahalaga sa kanya si Angelo at handa na siyang magpakasal dito kaya naman kailangan na niyang makipagkalas kay Cash. Pero mukhang hindi ito interisado sa sinasabi niya.
"Cash, are you taking me seriously?"
Tumingin ito sa kanya. "Tell me, Charity, is it about the money that you will have if you'd get divorced with me? Dahil hindi ko nakikitang makikipagkalas ka sa akin dahil na-in love ka sa iba."
"Hindi ko ba puwedeng kainin ang mga sinabi ko noon, Cash? Nahulog ako sa kanya unexpectedly,"
"Ows?" sabi nito at kinagat na naman ng isang garlic stick.
"Wala akong oras para makipaglokohan sa 'yo, Cash,"
"At doon sa nag-a-anghel-anghelang 'yun, marami ka? Ang sakit naman 'nun, Charity! Ako ang asawa mo tapos wala kang oras sa akin? Mas mataas na ba ang level ng boyfriend ngayon kaysa sa asawa?" mala-Famas pa ang dating ng drama nito habang sinasabi iyon. Kahit alam niyang peke iyon, magaling ang pagkakaarte. Parang totoong nasasaktan nga ito. Noon niya napagtanto na hindi lang pala magaling na businessman si Cash. Puwede pala itong maging artista.
Pinaikot lang niya ang mga mata dahil sa sinabi nito. Nang ilang sandali ay hindi siya nagsalita ay sumeryoso ang mukha nito.
"Charity, are you taking me seriously?" Ginaya pa nito ang tono ng pananalita niya kanina.
Binatukan niya ito dahil sa kakulitan nito. "Ikaw ang hindi nagte-take seriously sa akin, Cash! Itatapon na kita sa ilog Pasig, isa pa!"
"Isa pang Chicken Joy? Pasensya na, nasa Pizza Hut tayo. Walang Chicken Joy dito. Pero hayaan mo, ipagda-drive thru kita doon mamaya," dugtong pa nito.
"Mga banat mo, wala sa uso. Tigilan mo na ako dahil gusto ko ng itigil ang lahat ng ito,"
"Paano kung ayaw ko?"
"Wala kang magagawa dahil gusto ko. Kasunduan natin iyon 'di ba?"
Hinimas-himas nito ang baba. "Sigurado ka na ba talaga? Kasi ako hindi pa, eh," kapagkuwan ay bumuntong-hininga ito. "I have a problem, Charity,"
Tumaas ang kilay niya. "At ano naman iyon? Paano ka magkakaproblema eh napakamayan mo na? Hindi naman nagkakaproblema ang mayayamang tulad mo. In case...mamatay ka na? May taning na ang buhay mo?! Hah! Buti naman at mababawasan na rin ang mga demonyong namumuhay sa mundo---"
"Oo, Charity. Mamatay na ako," malungkot na sabi nito.
Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. Kahit naiinis siya dito at tingin niya ay demonyo ito dahil sa pagiging babaero nito, may puso pa rin siya para maawa dito. Lahat ng mga sinabi niya kanina ay sinabi niya lamang dahil sa pang-iinis at panloloko nito sa kanya kanina. Hindi naman talaga niya gusto ang lahat ng iyon.
"C-cash, bakit hindi mo sinabi sa akin?" Nakaramdam siya nang matinding awa at kaba lalo na nang nagyuko ito ng mukha. Hinawakan niya iyon at nang unti-unti nitong itinaas muli ang mukha ay pagkaaliw ang nakita niyang reaksyon doon. Nanlaki ang mata niya nang maintindihan na niloloko lang siya nito dahil nakangiti ito!
"Lintik ka talaga, Cash! Sa lahat ng biro, bakit ganoon pa ang kailangan mong gawin. Alam mo namang---"
"Takot ka 'no?" tatawa-tawang sabi nito. "Pero paano kung totoo ngang mamatay na ako, ha?"
"Edi matutuwa ako! Araw-araw pa akong magsusuot ng pula dahil sa sobrang saya!"
"Kunwari ka pa eh nakita kong paiyak ka na kanina!"
"Ewan ko sa 'yo! Magsama kayo ng Tatay at mga half brothers mong babaero!" sabi niya at tumayo na. Pikon talaga siya lalo na kapag mga birong patay pa ang sasabihin sa kanya. Kahit naman galit siya sa mga kauri ni Cash, concern pa rin siya dito. Kahit naman kasi ganoon ito, mabait ito.
"O, bakit aalis ka na? 'Di ba kailangan mo pang makipag-usap sa akin? 'Di pa tayo tapos, Mrs. Torres. 'Sorry na," pagpigil naman nito sa kanya.
"Ay oo nga pala!" bigla rin naman niyang naalala kaya napaupo muli siya. "Pumayag ka na kasi ng matapos na ang lahat. Sa Vegas tayo nagpakasal kaya naman mabilis lang ang divorce. Hindi na tayo mahihirapan pa,"
"Hindi puwede. May problema nga kasi ako ngayon,"
"Ano ba naman kasi ang problema mo? Sinabi ko na sa 'yo, wala akong oras para sa lokohan. Diretsahin mo na---"
Naputol na naman ang pagsasalita niya dahil unti-unting nilapit ni Cash ang mukha nito sa mukha niya. Sa kung anong kadahilanan, parang bumalik muli ang kabang naramdaman niya sa puso niya nang lokohin siya nito kaninang mamatay na ito. Parang nagpalpitate na naman ng hindi normal ang puso niya, lalo na nang malapit na malapit sa labi niya na kulang na lang ay halikan siya.
"Kailangan ko muli ng asawa,"