Chapter 8 : REVELATION
"Thank you very much for coming. Please enjoy" pagkatapos ng speech ni Mr. Cardenas ay agad na pumalakpak ang mga bisita. Sa mansyon ginanap ang pagdiriwang at andito lahat ng mga naglalakihang tao sa iba't ibang larangan ng industriya. Agad siyang bumaba at lumapit sa akin.
"Ms. De Mevius, you look stunning" pilyong bati ni Mr. Cardenas at pagpuna niya sa aking red dress.
"You look younger in your outfit Sir" I said politely na agad niya namang tinawanan.
"Wala ka paring bang nobyo?"
"Wala pa po"
"Magiging matandang dalaga ka na lang ba talaga? Bakit hindi mo paunlakan itong si Mr. Gador. Balita ko'y gusto ka niyang ligawan" pabiro niya.
"Masyado po ako kaseng busy at hindi ko naiisip ang makaroon ng kasintahan"
"Ikaw pa e puro ka trabaho" natatawang sabi niya. "Are you waiting for Mrs. Villafuentes?" dugtong niya.
"Yes, sir"
"Buti naman at maayos na ang kalagayan niya. Hindi noon na halos napapabayaan na niya ang kaniyang kompaniya dahil sa pagkawala ng kaniyang anak dahil sa ambush. Kung ako rin naman ay mahihirapan din ako" parang naghihinayang na sabi niya. Agad akong napabitaw sa baso na may wine na hinahawakan ko. Kailanman ay hindi sinabi sa iba ni Mrs. Villafuentes ang pagkamatay ng kaniyang anak. Sa pagkupkop niya sakin ay sinabi niyang hindi niya ito ipinapaalam sa ibang tao kahit sa mga kasamahan niya sa kompaniya. Bigla siyang nagpaalam para kausapin ang iba pa niyang bisita.
Nang biglang sumulpot ang isang medyo may katandaan na lalake sa aking harapan agad siyang yumuko. Sa tabi niya ay si Mrs. Villafuentes ang kumupkop sa akin. Agad akong yumuko at bumati.
"By any chance Mrs. Villafuentes. Kayo po ba yung nagbigay ng impormasyon na patay na ako sa magulang ko?"
"Hindi ko hahayaan na madamay sila. Alam mo ang mundong pinasok mo. Kapag alam nilang pamilya mo sila, gagamitin nila na ito laban sayo"
"Mrs. Villafuentes alam po ba ni Mr. Carderas ang tungkol sa pagkamatay ng iyong anak? "
"Hindi na ako magugulat kong alam niya. Alam kong marami siyang nalalaman. Mag-iingat ka. Hindi rin kami magpapatagal dito."
"Sige po, masaya po akong makita ka ulit Mrs. Villafuentes" agad naman siyang ngumiti. Ngayon alam ko na, na hindi lang basta basta extra si Mrs. Villafuentes sa buhay ko dahil isa siya sa malaking parte sa pagkatao ko. At hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya at kinupkop niya ako.
Habang nag-iisa akong sa aking table ay agad namang bumati at lumapit sakin si Ms. Alonzo ang mahinhin na sekretarya ni Mrs. Villafuentes. Halos magkasing edad lang kami ngunit simple lang siyang manamit at may suot siyang makapal na salamin.
"Good evening Ms. De Mevius, Ceo of the second team" magalang at mahinhin na wari niya.
"Don't be so formal Ms. Alonzo we're not in office right now. You should celebrate and have fun" natatawang sabi ko.
"Sorry po Ma'am nasanay lang" nahihiyang sabi niya.
"It's okay, mag isa ka lang ba? Sinong kasama mo?"
"Kasama ko po si Gale Ma'am" ang kasamahan niya sa kompanya ang tinutukoy niya.
"I see, did you already saw Mrs. Villafuentes?"
"Andito po ba siya ngayon?" agarang nagliwanag ang mukha niya. Agad kong sinabi kung saan nagtungo si Mrs. Villafuentes at agad naman siyang nagpaalam sakin para puntahan ito.
Ilang minuto ang nakakalipas ay mas dumadami parin ang mga bisita. Ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kinapa ko ito sa bulsa ng aking simple ngunit kumikinang na red dress ng may iba akong nakapa. Isang maliit na red note agad na kumalabog ang puso ko ng mabasa ko ito.
Hello Miss D.
Agad kong inilibot ang aking mata para tignan kung sino ang naglagay dito ng biglang nahagilap ng aking mata ang isang tattoo ng waiter. Hindi ito pangkaraniwan na tattoo lang dahil nakita ko na ito noong...
Agad kong hinawakan ang aking bibig dahil sa aking napagtanto. Asan na ang mga babaeng kasambahay kanina? Iginala ko ulit ang aking mata ng makita ang mga maraming naka suit na waiter at naka suit na mga bodyguard.
'What the hell' napamura ako sa isip ko. Agad akong nagtipa ng mensahe pero bago ko pa man iyon matapos ay agad na namatay ang ilaw at ang aking paningin ay biglang nagdilim rin ng hindi na nalalaman, naramdaman ko lang ang panyo sa aking mukha at isang braso para hindi ako tuluyang bumagsak. At tuluyan ng nagsara aking talukap ng aking mata.
(to be continued)