Library
English
Chapters
Settings

Chapter 7 : EXPLANATION

Sunday morning.

Different faces that familiar to my eyes yet unfamiliar now to my heart. Different eyes with lying sparks. Tears weren't true, they are just there only for the show. I wonder if they regretted it too. I wonder if everytime I think of them, they think of me too. Yet, the memories of them was ephemeral to me.

Gulat.

Lungkot.

Paghihinayang.

Ang nakita ko sa mukha nila.

"Hindi ko alam na pinaglalamayan na pala ako. Oh, I'm sorry I should greet all of you first. Your daughter is back but you all seem sad. Sino ba ang namatay at iniiyakan niyo? Bakit andyan yung litrato ko?" nanatili ang gulat sa mukha ng aking mga magulang tanging si Kuya lang hindi nagulat. Agad na tinakbo ni Manang Esther ang distansya naming dalawa at agad niya akong niyakap.

"Totoo ka ba? Oh Diyos ko. Hindi ka ba multo? Okay ka lang ba? Bakit sinabing patay ka?" nag-aalalang sabi niya. I smiled. Manang Esther, I forgot that she became a mother to me.

"Okay lang po ako. Ako po to"

"Salamat sa Diyos. Bakit ngayon ka lang nagpakita?"

"Mahabang kwento po"

I was like a stone beside the ocean and my fate is abluvion. I wasn't part of their lacuna. They seem to be happy without me.

"Ae-" nahihirapang tawag sa akin ng aking ina.

"Mom, Dad you tried to whelve my real identity. And I understand now why you aren't calling my name."

"K-kailan mo nalaman?" gulat na tanong ng aking Ama.

"It doesn't matter Dad."

"I'm sorry. Kailangan ka naming protektahan " at hindi na nakayanan ng aking ina at nagsimula ng tumulo ang luha sa kaniyang mata

"Protektahan? Bakit? Para saan?"

"Dahil nangako ako, kami ng papa mo sa isang tao. Sa totoong mama"

"Totoong Mama? So kilala niyo ang Mama ko? Bakit niya ako iniwan sa inyo? Bakit niya ako ipinamigay ng ganun ganun lang? Hanggang kailan niyo balak ilihim sa akin na ampon ako at nakilala niyo pala ang totoo kong magulang! " nagagalit na unsad ko.

"Huminahon ka muna iha" biglang sabi ni Manang Esther. Nakita kong nilapitan ni Kuya si Mama upang alalayang umupo.

"Pwede bang pakinggan mo muna kami?" hindi ako nagsalita at hinayaan siya na magpaliwanang kahit andami kong katanungan ngayon. Madaming bakit.

"Malakas ang ulan noon. Late na ng umuwi si Edgar at tulog na ang mga kasambahay maging ang guwardya kaya ako ang nagbukas sa kanya ng gate. Papasok na sana ako kaso nakita ko si Ellen ang matalik kong kaibigan, itinuring ko siyang kaibigan dahil siya ang tumulong sa amin noong malapit ng magsara ang kompanya. Naging kaibigan ko si Ellen pero hindi ko siya lubusang nakilala ang tanging alam ko lang ay may-ari siya ng kompanya at nag-iisa sa buhay. Nilapitan ko siya at nagulat akong sugatan siya ngunit mahigpit ang yakap niya sa isang bata ayaw niya itong maambunan at malamigan. Agad akong sumigaw ng tulong kaso dahil sa lakas ng ulan walang nakakarinig sakin. Nang hindi na na kaya ni Ellen ipinaubaya ka niya sa amin at sinabing alagaan ka. Ilayo ka sa dahas at lalong lalo na sa mundong tinahak niya noon. Kaya hinigpitan ka namin ng hindi namin nalalaman na nasasaktan ka na pala namin. Maniwala ka sa amin ginawa lang namin ang lahat ng ito para sayo. Para sa kinabukasan mo dahil hindi na rin nakakaya ng kompaniya natin noon yun. Alam namin na hindi tama ang pilitin ka sa isang kasal na ayaw mo ngunit kung babagsak ang kompaniya hindi ka namin mabibigyan ng magandang buhay at hindi namin lahat maibibigay ng panganagilangan mo. Akala namin noong tinakot ka namin noong araw na iyon ay pipiliin mo kami. Ngunit hindi. Noong bumalik ka para pagbintangan kami na may kinalaman kami sa nangyari. Nadurog ang puso namin. Maaaring nagkulang kami at masyadong naging mahigpit sayo pero hindi kami papatay ng inosenteng tao. Handa na sana kaming tumulong ng biglang sinabi sa amin na wala na daw ang pasiyenteng iyon. Nag-alala kami. Nang pumasok kami ng kwarto noon humagulgol ako sa harap ni Edgar. Hindi namin nakaya at hindi ka namin matiis, agad ka naming hinanap pagka-alis mo ngunit hindi ka na namin nakita at macontact pa. Hindi namin alam ang gagawin naming ng umabot ng ilang buwan na hindi ka na namin mahanap hanggang isang araw may nagbigay sa amin ng impormasyon. Nakita namin ang damit mo noong araw na umalis ka sa bahay, yung cellphone mo at sapatos mo. Umiiyak kami dahil hindi kami naniniwala na ang patay na babae sa harap namin noon ay ikaw. Hindi namin matanggap. Pero kinumpirma ito ng pulis kaya nagluksa kami ng lubos. Aeni anak ko, kahit ano pang sabihin mo sa akin samin anak parin kita hindi yun magbabago. Patawarin mo kami sa lahat" nilapitan niya ako at agad na niyakap. Sa di malaman na dahilan napahagulgol ako sa kaniyang balikat. Lumapit rin ang aking ama upang daluhan kami.

"Masayang-masaya kami na buhay ka. Patawarin mo sana kami alam namin na marami kaming kasalanan sayo ngunit minahal ka namin anak" sabi ni Papa.

Life isn't perfect. There are no perfect parents and prefect family. No perfect human.

Alam ko na nagkulang sila ngunit ginawa lang nila ito para sa pagmamahal sa paraang hindi natin naiintindihan ngunit ag gusto lang naman nila ay para sa ikakabuti mo. Agad akong humingi ng tawad at ikwinento sa kanila lahat ng pinagdaanan ko. Ngunit hindi ko sinabi na hanggang ngayon ay naghahanap parin ako ng hustisya para sa taong mahal ko. Gagawin ko ang lahat dahil ginawa rin lahat ni Jacob lahat para sakin. Siya yung nandyan noong walang-wala ako. Siya yung tumanggap sakin ng buo at minahal niya ako. Ng dahil rin sa kaniya, ng dahil sa paghahanap ko ng hustisya para sa kanya unti unti kong nahahanap ang aking sarili. Muli kong nahahanap ang mga nagpira pirasong pagkatao ko.

(to be continued)

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.