Chapter 6 : THE NEWS
"Sino nga ba itong misteryong babae na ito na nagngangalang Death?"
"Mahigit kumulang na anim na libong tao ang kanyang natulungan mapabata man hanggang mapatanda"
"Kasalukuyan na nahihiwagahan ang mamamayan, dahil ang iba ay sinasabing itong babae raw ito ay isang sindikato ngunit kung siya ay isang sindikato bakit tumutulong siya sa mga nangangailangan? At ang iba naman ay sinasabing hindi ito sindikato dahil ang tinutugis niya ay ang mga masasamang tao"
"Miss Death, kung asan ka man, hinihiling ng taong bayan na ipakita mo na ang iyong–"
Agad kong pinatay ang tv. Halos isang linggo na ang nakakalipas ngunit ito parin ang ibinabalita. Hindi ko alam kung kailan sila magsasawa. Hinilot ko ang aking noo at taimtim na tinignan ang mga kasama ko sa headquarters.
"Miss top 1 trending ka parin–" matalim kong tinignan si Jazz para patahimikin siya at hilaw naman siyang tumawa.
"I already told you to stay anonymous. We don't need fame. Nakakaabala na sila"
"Miss D, tama lang naman yun kahit si Miss Death nalang ang makilala ng tao." nakangising sabi ni Mitch.
"Wala munang operasyon ang magaganap dahil hindi pa umuhupa ang balita tungkol sa Miss Death na yan, Jazz at Roy kayo muna ang manguna sa pagtre-training sa mga bagong salta. Mitch check their backgrounds and plan our next move . May pupuntahan lang ako ngayong araw. "
"Yes Miss" they said in unison.
Pagkatapos ng aming maikling pagpupulong ay agad-agad akong umakyat sa aking kwarto upang maligo at magpalit. Because the weather is not that good today. I decided to wear a black jacket, a high waist pants and I partnered my outfit with a white sneaker shoes. Bumaba na ako at agad na pumara ng taxi.
"Bayad ko ho. Salamat Manong"
"Ay, salamat rin Ma'am" malawak na ngiti ni manong siguro dahil sa pinasalamatan ko siya.
Sinuway ko ang aking mga magulang pero hindi ibig sabihin nun na kakalimutan ko na ang mga magagandang asal na itinuro nila sakin at isa na yun ang magpasalamat, maliit man o malaki ang nagawa o naitulong sayo, driver man yan, yaya man yan o janitor dapat marunong paring rumespeto at magpasalamat sa kanila. Even the smallest kind act can change the world.
"You look great" bungad niya. I smiled.
"You too. You didn't even age Kuya" tumawa si Kuya sa sinabi ko at agad niyang ginulo ang buhok ko kagaya ng ginagawa niya noong mga bata pa kami. Dos Horald Alkayde, my brother.
Dinala niya ako sa isang restaurant sa central.
"Sana andoon ako noong kailangan mo ako" agad akong napaangat ng tingin at nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya.
"Kuya, maayos ang kalagayan ko tsaka nilibre mo na ako oh, bayad ka na" natatawang biro ko. Agad naman niya akong tinignan ng seryoso.
"Ae, kung hindi mo ako tinatawag na Kuya hindi kita makikilala. You've changed a lot. And there isn't any scintilla of the Ae I know, no single trace of you"
"Kuya, everything change. And sometimes it is not just because we want to change, it is because we needed to change. There is no permanent in this world Kuya" agaran kong sabi. Noon pa man si Kuya ang mas nakakakilala sakin. Siya ang naging totoong pamilya ko kahit hindi niya ako kadugo. Alam niya lahat ang nangyari.
"Do you stil hate them?"
"For what Kuya?" pagmamaangan ko.
"You know that even we are not blood related we loved you and we will always love you" he said sincerely.
"Kuya itinago nila, and yeah ikaw lang naman ang tumuring sakin na pamilya"
"Ae, I'm sorry. I know that I shouldn't interfere to your business. But will revenge give you satisfaction?"
"Do you think that this is just a revenge? Kuya this is justice!" medyo galit na bigkas ko.
"Hatred can blind you. And eventually can fool you that your pure justice can turn to revenge. Habang may bahid parin ng galit ang puso mo hindi ito magdudulot ng kabutihan kundi kasakiman. Wag mong ilagay sa kamay mo ang batas Ae" malungkot na saad niya.
"Kuya, alam kong nag-aalala ka sakin. Pero hindi ko hahayaan na magyari iyan. If this is just a revenge, then you can put me in jail. " I smiled bitterly.
"I can't" umiiling na sambit niya.
"Ae, wala kang makikita na masamang puno na nagbubunga ng mabuti. Hangga't nababalot ng dumi ang puso mo papahirapan ka nito"
Napabuntong hininga nalang ako. At hindi na nagsalita pa.
Hapon na noong hinatid ako ni kuya sa aking tinitirhan na subdivision.
"Take care yourself" pagpapaalam niya. Kumaway lang ako habang paalis ang sasakyan niya.
'I' m sorry Kuya' I thought to myself. Pumasok na ako ng bigla akong binati ni Manang Sery.
"Magandang hapon Ma'am, inbitasyon po para sayo galing kay Mr. Cardenas. Pumunta po siya dito kaninang umaga at tinanong kung asan ka po Ma'am sinabi ko pong may meeting ka"
Nagpasalamat ako at kinuha iyon. It's a grand celebration for the success of his company. I know Mr. Cardenas, he is one of the highest board member of Divina Company. Agad kong kinuha ang aking telepono.
"Manang Sery, maghanda na po kayo ng hapunan. Maliligo lang ako"
"Sigi Ma'am"
Agad akong umakyat sa aking kwarto at sinuguradong nakalock iyon. My room is well decorated, a bit spacious and a white and gray theme. It just a simple room with big flat screen tv , small sofa, refrigerator, bookshelves beside my king size bed. I have my own bathroom, I have my personal table, where I usually work.
I went beside the big bookshelves and push the side of it. Yes, I have a secret room. This is where I'm connected to the Headquarters, it is also my training room and I have these different cabinets containing all deadly weapons.
Ipinakita ko sa screen ang invitation. Agad naman nilang ipinakita ang natanggap rin nilang mga invitations.
"I think it is not just a simple celebration, what do you think?" sabi ni Mitch in the screen.
"We don't know what will happen but we need to be ready" sabi naman ni Jazz.
"I think we have to plan first. A good one" patango-tangong sabi ni Roy.
"I know Mr. Cardenas. He's up to something. Just be careful. By the way, tuloy ako bukas" unsad ko sa kanila tinignan naman nila ako ng may pag-alala. I smiled for assurance.
'I can handle this'
(to be continued)