Chapter 9 : A MONSTER BEHIND THE MASK
Nagising ako dahil sa mga kaluskos at mga boses. Pinilit kong imulat ang aking mata kahit masakit pa ang ulo ko. Agad kong naramdaman ang tali sa aking kamay at sa paa. I can only see a dim light but when I can finally open my eyes I saw a young man in front of me.
Napansin ko rin na nasa abandonado kaming pasilya. Agad na inilibot ko ang aking mata, alam ko na kahit nasa dilim ay may mga tao doon. Ang tanging maliit na ilaw ang nagsisilbing liwanag para makita ko ang lalaking nasa harap ko at para makita niya ako. May mesa sa aming pagitan.
"I didn't expect to meet you like this Ms. De Mevius or should I call you Miss D?" agad kong kinuyom ang aking kamay dahil kilala niya ako. Agad ko siyang tinignan ulit at hindi ko mawari kung nakita ko na ba siya noon o hindi.
"O, nagkakilala na tayo sa Tarlac" nakangiti niyang sabi. Tama, isa siyang businessman na ipinakilala noon sakin ni Mr. Ferez isang attorney. Ibig sabihin? Magsasalita sana ako ng biglang napunta ang atensyon ko sa isang ilaw pa na bumukas at isang intsik ang naglalakad papalapit.
"Hi" maikli niyang sambit. Agad na umangat ang kaliwa kong kilay. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang mesa at may nakahilera rin mga upuan sa harap ko at dalawa palang ang napupunan. May kasama pa sila.
"Don't forget that she killed Jeffrey" may galit sa kaniyang boses, agad ulit akong napatingin sa isa, kagaya nila ay agad din siyang umupo. Sinong Jeffrey? Ano bang ginagawa nila?
"Maaga pa para magalit ka Gray" natatawang sabi ng isang lalaki na papalit din. Marami siyang suot na alahas at mukhang mahilig itong mang inis at pilyo.
"Don't forget why we are here" malumay naman na sabi ng isang kadadating na wari mo'y nasa isang business meeting dahil sa kaniyang formal suit.
"What do you need from me?" agad na sambit ko. Pinagmasdan ko ang limang lalake sa harapan ko, hindi nagkakalayo ang aming agwat. Napansin ko na may isang bakanteng upuan sa mismo kong harapan. Siguro' y meron pang isa. Hindi ganoon kahigpit ang tali kaya unti-unti kong iginagalaw aking aking kamay ng hindi nahahalata. Maraming beses na akong napunta sa ganitong sitwasyon.
"Ano nga ba?" mapaglarong sabi ng isang may maraming alahas.
"Hindi ba't ikaw si Miss D? Ang palaging humahadlang sa plano namin" agad din sabi ng isang nakasuit. There's no way that I will tell my real identity.
"How can you be so sure? Isa lang akong businesswoman na nadukot"
"Playing dumb? Do you think that we don't have any evidence? Of course we have" agad na inilabas niya ang kaniyang telepono at iplinay ang isang video. Isang mukha ng lalake ang unang nagpakita ngumiti ito ng mapang-asar. Agad kong naalala ang lalake sa nakaraang ambush. At may sinabi yung lalake sa video tapos ibinaling niya ang kanyang telepono sa ibang direksyon at nakita ko ang sarili kong nakikipaglaban noon.
"Miss D talagang matinik ka kahit nadukot ka na at maaari kang mamatay nakataas parin ang noo mo" galit na bulyaw ng isa sa kanila.
"Wala naman kase akong atraso sa inyo" matalim ko siyang tinignan, "kayo meron!" biglang tumayo ang isa para lapitan ako ngunit dahil kanina ko pa natanggal ang tali sa aking kamay at paa agad-agad kong hinawakan ang mahabang mesa at itinapon sa kanila. Dahil sa biglaang kong paggalaw ay natabunan sila ng lamesa. Mga malulutong na mura ang lumabas sa kanilang bibig. Hindi fitted ang red dress ko kaya malaya akong nakakagalaw at may suot akong cycling kaya hindi abala sakin ang aking dress.
May isang agad na tumayo sa kanilang lima kaya naman inipakan ko ang nakataklob na mesa at agad na umikot para tadyakan siya. Napaupo siya sa sahig at hinawakan ang nagdudugo niyang labi.
"Tangina ka! " malutong na mura niya.
"Ano ba!" nakita ko ang apat parin natabunan ng lamesaan kung saan mas nadiinan pa dahil sa bigla kong pag apak. Agad akong bumaba. Nang biglang lumalapit na ang mga tauhan nila ngunit pinigilan sila ng lalaking tinadyakan ko kanina.
Agad na tumayo ang apat, nagpagpag ng damit ang nakasuit at itinaas ang kaniyang kamay sa kaniyang kasamaan at bigla akong sinugod ng tatlo. Agad kong iniangat ang kanan kong paa at agad na tinamaan ang isa sa tyan at umikot pa ako para sa ikalawang sipa ngunit agad na nahawakan ng isa ang paa ko. Kaya naman inikot ko ang aking paa at maging ang aking sarili sa direksyon hindi sang-ayon ang kaniyang kamay. Agad kong narinig ang kaniyang buto na nabali.
"Puta!" napaindang siya sa sakit. Agad namang sumugod ang isa pa ng isang suntok kaya agad akong umilag at sinutok sa pailalim.
'uppercut'
Agad na nagdugo ang kaniyang labi at ilong. Agad ko siyang tinadyakan sa kanyang dibdib para matumba siya. Ngunit may isang hindi ko namalayan na sinakal ako at binalot niya ang aking leeg ng kaniyang siko. Agad na sumakit ang aking lalamunan at naramdaman ang sakit at ang unti unting pagkawala ng hangin sa akin. Agad kong iginalaw ang aking paa at tinadyakan ang kanyang tuhod agad siyang napabitaw sakin ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay at binali iyon. Ngunit agad akong napahawak sa kaliwa kong braso dahil sa sakit na natamo ko. Agad kong nakita ang daplis ng kutsilyo.
"Tumigil ka na dahil hindi mo kami kaya" agad na sabi ng isa sa kanila. Nakita ko ang paglapit ng mga alagad nila hindi lang iisang daang armadong tao ang nakikita ko. Tinignan ko ang mga kasamahan niya na iniinda ang mga binali kong parte ng katawan nila. Agad kong kinuha ulit ang aking upuan at inayos iyon. Agad akong umupo. Alam ko na hindi ko sila kaya. Sana ay alam na ni Roy ang nangyari sakin. Alam kong bago ako mawalan ng malay ay natawagan ko pa si Roy.
"Mga bobo! Tulungan niyo nga kami! Huwag kayong basta tumunganga lang diyan at igapos niyo yang babaeng yan" galit na bulyaw ng isa. Nakita kong tinulungan nila ang mga boss nila. Agad naman akong nilapitan ng limang tauhan nila ng may pag-aanlinlangan sa kanilang mata habang lumalapit sila sakin dahil sa nasaksihan nilang pangyayari. Nakalapit narin sila at mahigpit nila akong hinawakan at mahigpit akong tinalian. Dahil sa higpit ng pagkakatali namumula ang aking paa at tiyak na ganun din sa aking mga kamay.
Pagkatapos magpunas ng dugo sa kanilang mukha at ayusin ang mga damit nila ay umupo ulit ang dalawa sa aking harapan at ang tatlo naman ay hindi ko alam kung saan sila dinala para gamutin.
"Talagang tama nga ang mga sabi-sabi" sabi ng isa.
"Tangina Gray dapat pala barilin natin yung isa niyang kamay at paa" naiinis na sabi rin ng isa sa kaniyang kasama. Matalim na tingin ang iginawad ko sa nagsalita.
Agad namang may pumalakpak at napunta doon ang aking atensyon.
Sa buhay marami akong pinagsisisihan. Isa na doon yung madali akong maniwala sa pisikal na anyo ng isang tao at sa mga gusto nilang ipakita. Pagmaganda ka at gwapo ka ang unang sasabihin nila sayo mabait ka. Pag may tattoo ka sasabihin nila sayo adik ka. Pag pangit ka sasabihin nila masama kang tao.
Not knowing that everyone is hiding in their own mask. And in every mask their is either a monster or an angel behind it.
Nakita ko ang isang magandang babae na nakasuot ng maiksing fitted na black dress, pula ang labi, maayos na tignan, hindi na siya nakasuot ng malaking salamin at hindi na pangmanang ang kaniyang damit. Hindi ko agad siya nakilala sa unang tingin.
"Hello Ms. De Mevius, CEO of the second team" magalang na sabi niya sa akin at agad na sumilay ang malademonyo niyang ngiti. Agad na nanikip ang dibdib ko at sumiklab ang galit sa aking puso at maging ang katanungan.
"Ms. A-Alonzo" nangangatal at gulat na sambit ko.
(to be continued)