CHAPTER 4 : AMBUSH
My sweats are dripping all over my body. I remove the dirty dust in my hands. I picked up the notes and crumpled it. My left arm was cutted by a swiss knife. My long biker jacket and my fitted truck pants were slightly ripped. We're on isolated place. No neighborhood only an abandoned buildings. It is not just a simple fight, it is a war. I saw their faces...
Desperadong-deperado silang lahat, walang boses ng tao ang sisigaw ng 'may kaguluhan' bagkus ang maririnig lamang ay ang mga sigaw at hiyaw ng mga taong may kaniya-kaniyang galit na bitbit. Mga pagputok ng iba't ibang klase ng mga baril. Walang umaatras sa aming lahat dahil may kaniya-kaniya kaming ipinaglalaban. At hindi ito ang oras para sumuko.
"Miss!" biglang sigaw ni Jazz.
Agad-agad akong umikot at itinaas ang aking kanang paa. At tumama ito sa lalaking gusto akong sugurin patalikod. Kaya agad-agad kong binunot ang M1911 Pistol at ipinutok sa kanya.
'head shot'
Naghanda akong muli dahil parami ng parami na naman ang mga dumadating para sugurin kami. I quickly reached for my another gun placed on my boots. I'm partnering my M1911 Pistol with my Revolver. Nang biglang may sumugod gamit ang kutsilo kaya agad agad akong yumuko at sinuntok siya pailalim at nang natumba na siya'y hindi ako nagdalawang isip na iputok ang aking mga baril sa kanya.
'bullseye'
Ng may susugod na naman kaya noong nakalapit siya ay agad - agad akong umikot at umakyat sa balikat ng kalaban. Ang ulo niya ay nasa gitna ng dalawa kong hita at agad ko itong tinapos ng walang palya. Ng biglang may humila sa aking buhok at natanggal ang aking tali. Hinarap siya at inihipan ko muna ang mga buhok na tinatakpan ang aking mga mata.
"No one dared to touch me–not even my hair" agad kong ibinulsa ang aking mga baril at sumugod sa kanya. Pinaulanan ko siya ng suntok ganun rin siya ngunit hindi ko hahayaang matamaan ako. Nang nakita kong libre ibabang parte ng katawan niya ay inipon ko ang aking lakas at sinuntok siya. At bigla siyang napatumba.
"Kung gusto mong manalo kailangan mong gamitin ang utak mo" matigas na sabi ko at inilabas ang aking baril at pinaputukan siya.
Ng nakita kong wala ng sumusugod sakin. Agad kong tinapon ang aking revolver at pinulot ko ang handgun. Lumapit ako sa taong kanina pa nanonood sa labanan. Walang galos at masayang humihigop sa kaniyang sigarilyo.
"You think that you will win this fight because you brought your hundred men. How sure are you?" matatas na bigkas ko. Agad naman niya akong tinignan at dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang sigarilyo na parang nagambala ko siya.
"I am sure of that. Because failure is just an excuse for the weak" mayabang na sabi niya.
"Well then, I'm gonna crush you and your men. The victory will be mine and failure will be yours" ngisi kong sabi at agad agad naman kumunot ang kaniyang noo dahil sa aking sinabi.
"Ha! Dada ka ng dada" ng bigla niyang hinugot ang kaniyang baril at agad na ipinutok sa akin. Agad-agad akong umilag ngunit nakailag nga ako gumulong naman ako sa buhangin at nabitawan ko ang aking hawak na baril. Agad siyang lumapit at handang apakan ako. Kaya naman agad agad ko siyang sinipa sa pribadong parte ng katawan niya na alam kong manghihina siya. Tumayo siya ng may naghihingalong mukha. Pinulot ko naman ang aking baril at itinutok sa kanya.
"Tapos ka na--" hindi natapos ang aking sasabihin dahil agad siyang kumilos. Agad niyang sinipa ang aking baril at nabitawan ko na naman ito at isang sipa pa na tumama sa aking mukha. Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa aking kaliwang mata at putok ang aking labi.
" Hindi ko hahayaan na matalo ako! HAHA babae ka lang!" natatawang sabi niya. Agad na nagdilim ang aking paningin dahil sa sinabi niya.
'babae ka lang' nagpaulit-ulit ito sa aking utak.
....
5 years ago
Dahil sa paghahanap ko ng hustisya. Iba't ibang naglalakihang mga sindikato ang hinarap ko at oo palagi akong sugatan na uuwi sa tinitirhan ko. At ito ang palagi nilang sinasabi.
"babae ka lang!"
"babae ka lang anong laban mo?"
"pasensya pero hindi ako papatol sa babae"
"maawa ka sa sarili mo, babae"
...
Kinuyom ko ang aking dalawang kamay.
"Hindi ako basta-basta babae lang!" sigaw ko at agad agad na sumugod sa kaniya. Sipa, tadyak at suntok ang iginawad ko sa kanya. At noong nakita kong nawawala na ang kaniyang dipensa ipinagpatuloy ko at dinoble ko pa ang aking tira upang mapagod siya. At ng tuluyan na siyang napagod agad akong napangisi at inilabas ang nagiisang dagger na nakasukbil sa aking hita. At agad ko itong itinira sa kaniya.
'head shot'
Nakita ko pang nakamulat ang kaniyang mata kaya agad akong lumapit sa kanya, "walang masasayang sa mga taon na dinanas kong paghihirap. Hindi ako basta babae lang tandaan mo yan sa impyerno" at tinapakan ko ang dagger na nasa kanyang noo para dumiin ito. Pagkatapos nun ay agad akong napaupo dahil sa pagod.
"Miss!" nag-aalalang sigaw ni Jazz. Agad siyang lumapit sakin, "tapos na Miss, patawad nahuli ako ng dating" agad akong tumingin sa kanya nakita ko ang mga sugat sa katawan niya, putok rin ang kaniyang labi at nagdudugo ang noo. I raised my arms and I gently pat his head with my small hand. Nagulat siya sa aking ginawa kaya ngumiti ako sa kanya para sabihin na okay lang. Kung tutuusin mas matanda parin ako kaysa sa kanila. Naghihina man ngunit inilabas ko parin ang aking telepono.
"Mitch, ituloy niyo na" agad naman akong nakatanggap ng sagot sa kabilang linya.
"Miss, kung nagbabalak pa kayo na pumunta doon, pakiusap 'wag na kayong pumunta. Andoon si Roy at si Mitch magtatagumpay tayo. At alam kong lahat ng ipinadala nilang tauhan nila ay ang mga magagaling at ang mahihina ang ipinunta nila doon" mahabang paliwanag ni Jazz.
"Don' t worry, I will not go there"
Tinulungan niya akong tumayo at ipinunta sa kotse.
Habang papunta na kami sa aking opisina ay hindi ko maiwasang ngumisi at alalahanin ang pagpla plano namin.
...
"Miss," huwag muna tayong lahat ang magsama sama" sabi ni Roy.
I raised my left eyebrow, "Why?"
Nang bigla siyang napatingin sa pintuan ng aking opisina. Tumingin din ako doon and I saw this petite girl wearing a black biker jacket, a loose truck pants and a brown boots.
"Mitch" agad na tawag ko. "Bakit ngayon ka lang?" I asked
"Miss D, I have so many things to do you know" natatawang sabi nito. "Btw, I have a gift for you" she politely said. As I opened the box I saw the same clothes. I raised my eyes towards her.
"Twinnieeee" she slightly shout.
"Kami wala?" tanong ni Roy.
"Of course... " there's a long pause before she continue, "wala" at humalgak siya ng tawa at napasimangot naman si Roy at Jazz kay Mitch.
"Miss, I have something to tell you"
...
At agad na sinabi ni Mitch ang planong pagkikita na naman ng mga sindikato dahil sa transactions nila tungkol sa droga. At sinabi ni Mitch na balak nilang magpadala ng mga tauhan na pipigil sa amin. Kaya naman nagplano kaming hatiin ang grupo sa dalawa. Sila ni Mitch at Roy ang pupunta sa nasabing pagkikitaan ng mga drug dealers at kami naman ang nagsama ni Roy upang harapin ang mga ipapadalang tauhan nila kasama ang mga magagaling rin mga tauhan ko. Bigla kong inilabas yung note na ginusot ko kanina at binasa ulit ito at 'ambush' ang nakalagay doon. Ngumisi akong muli.
'You called that ambush? I' m not even surprise'
(to be continued)