CHAPTER 3 : NIGHTMARE
6 years ago...
I woke up early in the morning because I will be meeting Jacob, I still remember the last time that we met he promised me that he will bring me to Laguna. I am so excited, after I finished taking a bath I retouch my face and put some lipstick. I decided to pick a simple white dress for this day.
'Tsk. Baka sabihin pa niya na pinaghandaan ko talaga ng bongga' I thought to myself.
I look again in the mirror to check myself and once I'm contented I went down stairs to ask permission to my parents. When I saw Manang Esther walking towards me.
"Hi Manang Esther, goodmorning" I greeted.
"Buti naman at maaga kang nagising at nagbihis. Bumaba ka na't ikaw nalang ang hinihintay" malumanay na sabi niya.
"Is there any occasion?" I curiously asked. Kase sa pagkakaalam hindi na nila kailangan papuntahin si Manang Esther sa taas para pababain ako unless we have visitors or emergency. 'Whatever'
"Goodmorning my daughter" Dad was the first one who greeted me. I smiled at him. Tinignan ko ang mga kasama nila sa hapagkainan.
"Hija, you should greet our visitors" Mom said. Hindi ko alam kung bakit andito sila pero sinubukan ko paring ngumiti at batiin sila.
"Goodmorning Mr. and Mrs. Zamora" at tinignan ko lang ang kanilang anak na si Gio. Hindi ko alam kung bakit andito sila pero may ideya na ako.
"You are so formal hija, please have a seat, this is your house" medyo natatawang sabi ni Mr. Zamora.
"Thank you for coming Mr. and Mrs. Zamora, let's eat first" pagkatapos ay itinaas ni Mom ang kaniyang kamay upang sabihin na ihain na ang mga pagkain. I looked at my watch it's 9:35 am. I hope Jacob is still not there.
9:45 am
I took some courage to speak to Dad.
"Dad, can I ask for permission –" at bago ko pa maituloy ay agad na nagsalita si Mommy.
"Stop being rude hija, we still have some visitors" medyo galit na saway niya. Huminga ako ng malalim dahil ayokong magalit sila sakin at ayoko silang suwayin.
"Sorry for that, let's start now?" Mom asked to our visitors.
"Of course, bilang isang ama ng lalake kong anak nararapat lang na kami ang pumunta rito upang pormal na hingiin ang kamay ng iyong anak at pormal na hingiin ang inyong pagpayag"
'Teka lang, tama ba ang narinig ko?!'
"Ano ka ba Mr. Zamora, hindi kami tumututol" natatawang sabi ni Mommy.
'Arrange Marriage?'
"Gio, anak, kahit ipapakasal na kayo liligawan mo parin ang anak ni Mr. And Mrs. Alkayde." sabi nito sa kanilang anak. Kilala ko si Gio at minsan na siyang nagtapat sakin ng kaniyang damdamin dahil magkapareho lang kami ng paaralang pinapasukan. Hindi ko akalain na gagamit sila ng kapangyarihan para lang sa kaniyang kagustuhan.
Bigla akong tumayo at lahat sila ay napatingin sa akin. Hinihintay na magsalita ako. Huminga ako ng malalim, ito ata ang kauna-unaang susuwayin ko ang pinakamamahal kong mga magulang.
"Mom, Dad, Tito, Tita, hindi na po kami bata para kayo ang magdesisyon sa aming buhay, hindi ko po gusto si Gio, may iba po akong gusto" dire-diretso kong bigkas.
"Ano bang sinasabi mong bata ka!" handa na sanang lumapit sakin si Mommy pero pinigilan siya ni Daddy.
"Ako'y humihingi po ng paumanhin Mr. and Mrs. Zamora pero hindi po ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal" matigas na sabi ko.
"Hija, you are still young. At matututunan mo ring mahalin ang anak ko" agad naman na sabi ni Mrs.Zamora.
"Sa pagkakaalam ko po hindi pinipilit ang pagmamahal dahil kapag ito ay pinilit hindi po iyon pagmamahal"
"Talaga kang bata ka!" tinignan niya ako sa mata at waring sinasabi na dapat ako'y tumigil na, kung hindi ay malilintikan ako sa kanya, "Sorry for my daughter. Let's meet some other day. Kami na ang bahala sa anak namin" humihinging paumanhin na sabi ng aking ina.
"Mrs. Alkayde, masyadong matatas ang kaniyang dila but that makes her an Alkayde. We are going now, thank you for the food" at pagkalabas na pagkalabas nila ay agad akong sinampal ng aking ina.
"Kailan ka pa natutong sumuway sa amin huh?! Itinuro ba lahat sayo nyan ng Jacob na yun?! Ano bang ipinagmamalaki mo? Ni wala ngang maayos yun na tirahan!" bulyaw niya.
"Ma, Pa kung mahal niyo ko hahayaan niyo kong maging masaya" lumuluhang sabi ko.
"Saya? Anong saya? Bubuhayin ka ba ng saya huh?! Mag isip isip ka dahil it's for your own good!"
"Ma, hindi naman para sakin ito, para ito sa kompanya niyo!" sigaw ko.
"At talaga na–"
"Tumigil na kayo!" biglang pagsigaw ni Daddy.
"D-dad" pagsusumamo ko.
"Sige magdesisyon ka ngayon. Pipiliin mo ba siya kaysa sa amin? Pagpinili mo siya wala ka ng babalikan pa. Kakalimutan kong may anak ako, sa oras na umapak ang mga paa mo sa labas ng ating bahay yun ang oras na may pinili ka na" diretsong sabi ng aking ama.
"D-dad huwag, huwag niyo namang gawin sakin to. Kahit ngayon lang. Kase buong buhay ko lahat ng gusto niyo sinunod ko" pagmamakaawa ko.
"Wala akong magagawa, dahil ikaw ang pipili sa kapalaran mo" matigas na sabi niya. Pinunasan ko ang mga luha sa aking mata at nagsimula akong maglakad.
"So, pinipili mo siya?" sigaw ni Mommy. Tinignan ko siya sa mata pagkatapos kay Daddy na nag iwas ng tingin.
"Ma, may isa lang akong tanong bago ako umalis dito, anak niyo ba talaga ako? Kase kahit kailan hindi niyo ko tinawag sa aking pangalan" bigla na naman lumabas ang mga luha na ayoko na sanang lumabas dahil nagmumukha akong mahina.
"Huli na ang lahat, huli ka na. Hindi dapat siya ang pinipili mo. Kami dapat" hindi ko na siya pinansin at dali dali akong lumabas para pumara ng taxi. Ng biglang tumunog ang aking telepono at pangalan ni Jacob ang nakalagay agad ko itong sinagot.
"Jacob!" sagot ko.
"Magpaalam ka muna sa mahal mo bago namin siya patayin" nagulat ako sa nagsalita.
"Sino ka?!" nanginginig na sabi ko.
"Huwag niyong sasaktan si Jacob. Ibibigay ko lahat, pakiusa-"ng biglang namatay ang tawag.
'Shit!'
Ng biglang bumukas ulit ang aking telepono at may mensahe doon. Dali-dali akong pumara ng taxi at sinabi ang lokasyon.
"Ma'am sigurado po ba kayong dito iyon? Ma'am mukhang abandonado na po ang lugar na ito" sabi ng driver. Tumingin ako sa labas at tama siya nakakatakot ito, liblib at walang katao tao. Ngunit mamatay si Jacob kapag hindi ako pumunta.
"Okay lang Manong, may titignan lang ako." agad kong inabot ang bayad at agad na lumabas.
"Jacob!" sigaw ko upang marinig niya ako. Diniretso ko aking lakad ng may mapansin akong medyo bukas na malaking pintuan.
Pumasok ako dito at nakita ko ang walang malay na si Jacob. Maraming siyang sugat at pasa. Agad akong tumakbo papunta sa kaniya ngunit may pumigil sa akin.
"Bitawan niyo ako!" pagpupumiglas ko. Agad naman akong sinampal ng taong pumigil sakin.
"Tumahimik ka!" sigaw niya sakin.
"Hoy, andyan na pala yung mahal mo, magsalita ka na dyan para naman matapos na ito" sabi ng lalake na may baril at hinampas si Jacob sa ulo.
"Ano ba!? Wag niyo syang saktan! Pakiusap!" umiiyak na sabi ko.
"HAHA! Ang sarap talaga pag nakakarinig ng pakiusap" tawa-tawang sabi ng lalake.
"Pasensya na hija pero napagutusan lang kami" sabi niya. Tinignan ko siya ng diretso sa mata.
"Sino?! Sino! Sabihin mo sakin kung sino!?" galit na sigaw ko. Tinignan niya lang ako at nginitian.
"Ae—" isang naghihinang boses
"Jacob! Pakiusap huwag ka ng magsalita, lumalabas lahat ng dugo sayo" umiiyak na sabi ko. "Anong kailangan niyo?! Pakiusap pakawalan niyo na kami. Wala kaming ginagawa sa inyo! Hindi namin kayo kilala!" determinadong pagmamakaawa ko.
"Patawad pero trabaho lang" sabi niya at agad niya itinutok ang baril kay Jacob.
"Wag! Pakiusapppp! Huwag" napalunod na sabi ko. "Bakit? Bakit? Ang baril ay para sa proteksyon ngunit pinipili mong pumatay gamit nito! Hayop ka!" galit na sigaw ko.
Sa mga oras na iyon, andami kong pinagsisisihan. Paano nangyari ito? Kung ba hindi ko tinalikuran ang mga magulang ko hindi ba mangyayari ito? Kung sinabi ko ba kay Jacob na hindi muna kami matutuloy, mangyayari pa ba ito? Kung sana mas naging mabait pa akong anak, hindi ba hahayaang mangyari ito? Kung sana marunong lang akong lumaban, baka kaya ko pang iligtas si Jacob.
Bakit ba ang hina ko?
'Pakiusap tulungan niyo kami' pikit mata kong dasal.
"Tatapusin ko na ang pahihirap niya" ang noong mga oras na yun biglang bumagal ang takbo ng mundo maging ang tibok ng puso ko. Itinutok niya ang baril sa tapat ng puso ni Jacob. Naging malabo ang aking paningin dahil sa mga luha ko. At sa mga oras na nahulog sa sahig si Jacob ay binitawan na ako ng kasama niya. Agad-agad akong tumakbo papunta sa kaniya.
"Jacob! Wagggg!"
Hinagkan ko siya at pilit na ginigising. Wala akong pakialam kung mabahiran man ng dugo ang aking puting damit. Nakita kong umalis na ang mga armadong tao.
"Jacobbb! Pakiusap wag mo akong iwan!" umiiyak na sambit ko.
"Ae-" pilit niyang binibigkas ang aking pangalan.
"Wag ka ng magsalita, pakiusap pilitin mo lang na idilit ang iyong mga mata. Tatawag ako ng tulong" umiiyak na sabi ko. Pinilit niyang hawakan ang kamay ko at pinilit niyang ngumiti.
"Ma-mahal k-kit-a" ito yung kauna unahang narinig ko galing sa kaniya.
"Oo alam ko, sasabihin mo pa ulit yan diba? Kaya tiisin mo muna" ng bigla siyang ng iwas tingin sakin.
"J-jacob wag ka namang ganyan, tignan mo ko at sabihin mong gusto mo pa mabuhay" umiiyak na sabi ko.
"Pa-patawa-d" ng biglang pumikit ang mga mata niya.
"Omg, Jacobbbbb! Wag mo akong iwan!" umiiyak na sigaw ko, "tulong! Tulungan niyo ko!"
Ng biglang may dali daling tumakbo papunta sa direksyon namin.
"Ma'am! Ayos lang po ba kayo?" sa mga oras na yon nagpapasalamat ako na binalikan ako ni Manong Driver.
"T-tulong, pakiusap tulungan mo kami" nagulat siya ng makita ang taong nasa bisig ko at agad-agad niyang kinuha ang kaniyang sasakyan. At agad-agad niya kaming ipinunta sa malapit na hospital.
"Unahin niyo siya pakiusap" sabi ko sa mga nurse na lumapit sa amin. Nakita kong ipinasok sa Operating Room si Jacob kaya dali-dali agad akong pumunta sa sasakyan.
"Manong, dalhin mo ako sa amin" sabi ko.
'Galit. Galit ang laman ng puso ko'
"Andito na po tayo Ma'am"sabi ng driver. Agad kong tinakbo papasok ang aming tahanan. Nagulat si Manang Esther sa akin at pati na rin ang iba namin kasambahay.
" O, dyos ko! Anong nangyari sayo hija! " dali dali niya akong nilapitan ng may pag alala.
" Asan sila?!" medyo galit na sabi ko.
" Anong ginagawa mo pa-" tinignan ko ang nagsalita, tinignan niya rin ako na waring nag aalala.
"Kayo ba ang may gawa?" galit na sabi ko kay Mommy
"Anong pinagsasabi! At anong nangyari sayo?" sabi niya.
"Kayo po ba ang may gawa? Nabaril si Jacob!" umiiyak na sabi ko.
"Aba! Tignan mo naman ang iyong sarili, are you saying that we are criminal?" inis na sabi niya.
"Oo! Dahil ang mga mayayaman ay handang pumatay para sa tagumpay nila!" sigaw ko at agad niya akong nilapitan at sinampal.
'ilang sampal na ba ang natanggap ko ngayong araw na ito? Tsk'
Pinunasan ko ang gilid ng aking labi dahil nalasahan ko ang aking dugo.
" Wala kang mudo! "galit na sabi nito.
" Kung hindi kayo ang gumawa patunayan niyo. Tulungan niyo siya! " matigas na sabi ko ng biglang lumabas si Daddy sa kaniyang kwarto.
" At anong ginagawa mo dito? "sabi nito.
"Dad"lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Tinignan niya ako ng diretso sa mata.
" Da-dad please h-help me! Tulungan niyo akong iligtas si Jacob, nasa hospital siya ngayon at nag aagaw buhay"pagsusumamo ko.
"Hindi ka namin matutulungan, pinili mo na ang iyong landas" mapait na sabi nito.
"Dad!" sigaw ko, "nakikiusap ako, tulungan mo siya pangako gagawin ko ang lahat ng sasabihin niyo" umiiyak na sabi ko.
"Para saan pa? Kung nakaya mo kaming suwayin, gagawin mo ulit iyon!" pagkatapos niyang sabihin iyon ay tinalikuran niya na ako.
"Mom! Dad! Pakiusap!" ngunit hindi nila ako pinakinggan. Lumapit sakin si Manang Esther at pinatayo ako.
"Andito lahat ng gamit mo, magpalit ka at pumunta ka na sa kanya" naaawang sabi niya. Kinuha ko ito at agad akong tumayo. Alam kong naririnig nila ako.
"Tatandaan ko ang araw na ito! Pagbabayarin ko ang lahat ng sangkot dito!" ito ang huling sinabi ko at kailanma'y hindi na ako bumalik doon.
Pumunta ako sa hospital at hinihiling ko na sana pala hindi na lang ako umalis sa tabi niya. Na sana pala mas inuna ko muna siya. Umiiyak akong pumasok sa hospital at hinanap siya ngunit sinabi ng doctor na wala na daw siya. Halos mawalan ako ng lakas ng narinig ko iyon.
....
"Patawad hija, napagdesisyunan na namin na ilibing agad siya, dahil ayaw namin na magdusa pa si Jacob" mugto mugtong sabi ng Nanay niya. At ngayon ay kakatapos lang ilibing ang bangkay ni Jacob. Mahirap lang ang pamilya ni Jacob at hindi nila kaya ang gastusin kaya kailangan nilang ilibing si Jacob.
Ilang araw na noong mangyari ang mga ito ngunit yung galit at sakit mas lalong nabubuhay sa aking puso. Hindi ako kumakain at hindi ako nagsasalita. Nag imbestiga ang mga pulis ngunit tumigil din.
Pagkatapos ilibing si Jacob ay umalis na ang lahat ng tao maliban sakin.
Wala ng luha ang kayang ilabas ng aking mga mata. Ngunit sa loob ko alam kong durog na durog ito.
'Patawarin mo ako Jacob sa pipiliin kong landas'
....
Dali-dali akong napabangon sa aking higaan at habol-habol ang aking hininga. Tagaktak ang pawis sa aking noo. Tinignan ko ang aking orasan at ngayon ay alas dos palang ng madaling araw, nanginginig ko itong ibinaba. Palagi akong binabangungot ng nakaraan. At mas lalong nabubuhay ang galit at pagkamunghi sa aking puso.
Tumayo ako at kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig pagkatapos kong uminom ay hindi parin nawawala ang nararamdaman ko sa aking puso. Kaya naman sa inis ay diniinan ko ang pagkakahawak sa baso hanggang sa mabasag ito at dumiin ang bubog sa kamay ko. Tinignan ko ang dugo sa aking kamay.
'Life made me this –merciless and cruel'
(to be continued)