CHAPTER 2 : MISS D
Sa isang malawak at tagong pasilyo. Makikita mo ang pagtitipon ng iba't ibang tao na waring nagtatalo.
"Bakit nangyari ito? Bakit tayo pumalpak?!" sigaw ng isang matanda sa pinakagitna ng lamesa.
"Hindi ko nga rin po alam Chairman. May nakatunog sa ating plano" sabi ng isa sa nakaupo na nakasuot ng magarang damit.
"What do you think?" maarteng sabi naman ng isang lalake na puno ng alahas sa kaniyang mga daliri.
"Shut up! Kung wala kang maayos na sasabihin!" sigaw ng isang lalake na may malalim na mata.
"Bèipàn (betrayal)" sabi ng isang sopistikadong chinese.
"Tumigil nga kayo" isang malalim na boses ang dumating, "Chairman, andito po ang isa sa mga nakaligtas noong gabing pagsalakay."
Dumating ang dalawang guwardiyang nakasuot ng itim kasama ng isang lalake na sugatan.
"Sabihin mo!" sabi ng guwardiya.
"Sinalakay po kami. Isang babae at kasama ang tauhan niya"
"Babae?" takang tanong nila, "pinatumba kayong lahat ng isang babae lang?" tumatawang sambit ng Chairman.
"Sino itong babae?"tanong ulit ni Chairman.
"Hindi ko siya nakilala ngunit ang matatandaan kong sinabi niya kay Mr. Ry ay siya daw si kamatayan. "naghihinang sabi ng lalake.
Katahimikan ang bumalot sa lahat. Waring lahat sila ay natakot sa kanilang narinig.
" Paul "sumenyas ang Chairman sa isang lalake na ngayon ay nakaharap sa laptop. At tumayo siyang muli ng natapos niya ang kaniyang ginawa.
" Walang larawan o litrato niya. Ngunit madami na ang napatay at nakaharap niya. Kinakatakutan at iniiwasan ng mga malalaking drug lords at dealers. Magaling sa iba't ibang larangan lalo na sa paghawak ng mga baril, asintado lahat ng mga binabato niyang mga daggers, gamay na gamay niya ang mga iba't ibang kutsilyo at alam niya kung saan niya ito isasaksak, at hindi siya takot sa mga bomba. Sinasabi nilang pinapatay niya lahat ng sindikato,
Mr. Ry
Mr. Tan
Mr. Reyes
Mr. Alonzo
Mr. Zad
Mr. Tiann
Mr. Hemra
Mr. George
Mr. John
Mr. Gustor
Mr. Thomas
Listahan ng mga dati nating kasiyu-siyu, siya lahat ang pumatay sa kanila. Lahat sila ay nakaharap na ang sinasabing "Miss D" and D stand for death. " mahabang paliwanag nito.
" Ngunit Chairman, naniniwala akong hindi siya naiiba sa atin. Naniniwala akong isa rin siyang sindikato" sabi ng may malalim na boses na si Gray.
"Paano mo masasabi yan! Anong katulad? Hindi mo ba nakita ta pinapatay niya ang mga sindikato? Paanong magiging katulad natin siya?" inis na sigaw ng lalakeng may maraming alahas sa daliri na si Darwin.
"Ilang taon na tayong nakikipagsagupa sa mga sindikato. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan at ang plano natin dahil lang sa isang babae" galit na sambit ng Chairman.
"Anong hitsura niya?" biglang singit naman ng lalakeng may magarang damit na si Dan.
"Isang babae na matangkad at maiksi ang buhok" sabi ulit ng sugatan na lalake
"Siya ba ang may gawa niyan sayo?" tanong ulit ni Dan.
"Oo, mabilis syang kumilos bago pa man ako makalapit sa kanya sinipa niya ako at sinaksak sa tagiliran ng hindi ko namamalayan. Hindi siya natakot dahil magaling siya" may takot sa tinig ng lalaki.
"Hěn bàng (awesome)" singit naman ng sopistikadong chinese na si Chan.
"Ibig sabihin lang niyan hindi siya basta-basta" sabat din ng lalakeng may malalim na mata na si Jeffrey.
Biglang tumikhim ang kanilang Chairman at lahat sila ay nagsitahimik.
"I chose the best people in this clan. I chose all of you and are you afraid now? Hindi ko kayo basta pinili para magpayabang lang. It's the action that I trust. Make a transaction again and make sure that no one will interrupt us. We lost billions of money because of Mr. Ry's failure. You all know my favorite quote "Failure is just an excuse for the weak. Huwag niyong hahayaan na masayang ang dati nating plano. " pagkasabi niya ay agad agad na siyang umalis.
(sa kabilang dako)
"Miss, eta na po ang lahat ng papeles" iniabot ni Roy ito sa kaniya.
"Buhay pa ba yung isang lalaki na nasaksak sa tagiliran?" tanong ng babae habang inaabot ang papeles.
"Opo Miss, at nakakasiguro po akong hawak nila ito at pinagsasalita na nila" sabi ni Roy.
"Good. I want them to know that they will be the next." ngising sabi ng babae. "Jazz, sabihin mo ng bumalik ang ating tauhan at umalis na sa lugar na iyon dahil alam kong nakatunog na rin sila na may nagtraydor sa kanila. Let's make another move." matatas na bigkas niya.
"Opo Miss, nasabihan ko na po sila at sa ngayon po ay pupunta na sila dito." agad na sagot ni Jazz.
"Roy, napirmahan ko na lahat. Ikaw na ang bahala na ibigay ang mga perang iyan sa mga iba't ibang charity na nangangailangan ng tulong. Make sure to be an anonymous" sabi ulit ng babae.
"Yes, Miss" at sabay na lumabas si Roy at Jazz sa opisina.
Naiwan naman ang babae na sa ngayon ay nakatanaw sa malawak at mga naglalakihang mga gusali. At napatitig siya sa isang larawan na nakalagay sa kaniyang lamesa. Isang larawan ng lalake at babae na masayang-masaya sa larawan.
'Pagbabayarin ko silang lahat, pangako ko yan sayo'
(to be continued)