9
Two Weeks Later…
NANGANGAMBA si Sarah na baka masira ang tablet niya dahil wala yatang katapusan ang paghalik ni Charlotte sa screen. Kasalukuyan nitong ka-video chat si Cloud. Ilang araw pa lang na nawala ang asawa niya sa tabi ng bata ay miss na miss na kaagad ito.
It was kind of funny to look at the situation. Noong una ay hindi magkasundo ang mga ito pero ngayon ay parang hirap na hirap na magkahiwalay. Mas hinahanap rin ni Charlotte si Cloud kaysa sa totoong ama nito. Halos wala ngang indikasyon na nami-miss ni Charlotte ang namatay na ama.
“Okay, enough for that…” wika ni Sarah at kinuha sa kamay ni Charlotte ang tablet. Hinalikan niya ang bata. “Time to sleep…”
Lumabi ang bata pero nakinig rin naman ito sa kanya. Mabilis na nakatulog ito. Kinausap niya si Cloud pagkatapos noon.
“She missed you so much…” Hindi maintindihan ni Sarah kung ano ba ang dapat niyang maging reaksyon. Masaya siya na nagba-bonding ang dalawa kahit malayo. Pero malungkot siya na hanggang sa teknolohiya lang ang mga iyon sa ngayon.
Umungol si Cloud sa kabilang linya. “I missed you both so much…”
“Hmmm…”
“It’s hell without you, Sarah.” Parang naiiyak si Cloud.
Napapikit si Sarah. “It’s the same with me too…”
Mabigat ang mga gawain ngayon ni Sarah. Malaking responsibilidad ang pamamahala sa farm, lalo na at halos nangangapa siya sa lahat. Maraming pagkakataon na naiisip niya na sana ay naroroon si Cloud pag-uwi niya. Papakalmahin siya nito, aalagaan hanggang sa mawala ang pagod niya. Pero pinili ni Sarah ang buhay na ito.
Bumuntong-hininga si Cloud. Iniba nito ang usapan. Nagkuwento ito tungkol sa araw na ito. Nakangiti ito habang nagkukuwento. Doon masasabi ni Sarah na wala talaga siyang dapat na pagsisihan.
Masaya si Cloud sa trabaho nito. His job will keep him going. And so was her life in the farm. Iisipin na lang niya na pagtitibayan ng distansya ang relasyon nila. On all the conflicts, love will always be prevail in the end.
Sana nga ay ganoon sa lagay nila ng asawa. Sana nga ay makaya niya at ni Cloud ang pagsubok ng milya-milyang distansya.
ILANG beses na napakurap si Cloud nang makita ang mga pinadalang pictures ni Sarah. Hating gabi na sa Pilipinas kaya kahit gustuhin man niya na magtanong sa asawa tungkol sa mga larawan na pinadala nito, ayaw na rin naman niyang istorbohin ito. Hindi niya maintindihan kung ano ang mararamdaman niya sa nakita: nakipagkita si Sarah sa Mommy niya.
May isang bahagi niya ang naiinis. Hindi nagpaalam sa kanya ang asawa na makikipagkita ito sa Mommy niya. Pero hindi rin naman niya sigurado kung papayag ba talaga siya na makipagkita rito kung nagpaalam man si Sarah. May sama pa rin siya ng loob sa ina. Kaya nga pagkatapos niyang bisitahin ito ay hindi na niya ulit ito binalikan. Hindi rin nila pinag-uusapan ito ni Sarah. Hindi na rin naman ito binabanggit ni Sarah. Kaya nakakagulat ngayon na nagkita ang dalawa.
Pero may isang bahagi rin niya ang parang masaya sa nakita. Both looks so happy in the photo. It touches his heart everytime he sees that Sarah is happy. At ang Mommy niya ay mukhang masayang-masaya rin.
Nakaraan na naman ang lahat… nasa isip ni Cloud. Siguro nga, kailangan niyang matutong magpatawad rin. After all, mukhang iyon naman ang gusto rin ng Mommy niya. Ilang beses rin naman kasi siya nitong sinubukang contact-in simula nang bisitahin niya ito. Hindi lang niya pinansin ang mga tawag nito dahil sa sama pa rin ng loob rito.
Pero dapat ay na-realize na ni Cloud na kung si Sarah nga na nabalewala niya na noon at inilagay sa buhay na hindi nito gusto ay naggawa siyang intindihin at patawarin, bakit hindi ang Mommy niya? Malaki na siya. Naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay.
Sa huli, iisa lang ang naramdaman ni Cloud. Nalungkot siya. He wanted to be in the Philippines. He wanted to be with the both of them…
Napapikit si Cloud. Humiga siya sa sofa. Sa tuwing uuwi siya sa trabaho, cell phone ang palaging hinahanap at inaasikaso niya. Kahit madalas na kapag umuuwi naman siya ay tulog na ang mga mahal niya sa buhay sa Pilipinas, madalas pa rin niyang kinakalikot ang cell phone. Tinitignan kung may message ba si Sarah bago matulog o kung wala man, tinitignan ang mga dati pang ipinadala na larawan nito.
Missed na missed na ni Cloud si Sarah.
Ilang linggo na rin na nakabalik si Cloud sa trabaho. He was still doing and going well. Pero pakiramdam niya, palagi na lang na may kulang. Isang bahagi niya ang nagsasabing baka nag-a-adjust pa rin siya. Pero parang malaking bahagi ang nagsasabing baka naman kasi hindi na talaga siya masaya…
Baka mali si Sarah. Hindi na dapat siya nito binigyan ng pagkakataon pa para makaalis sa tabi nito. At siya, hindi na dapat nagulo pa. Dapat ay naging matatag siya sa desisyong manatili na lang sa Pilipinas.
Aminado na si Cloud na mahal niya si Sarah. And because of that, he could find a way. Love will find a way to make both happy…
Nasa ganoong pag-iisip na naman si Cloud nang may kumatok sa pinto ng bahay niya. Nagtataka man dahil wala namang madalas na pumupunta sa kanya kapag ganoong oras ay binuksan pa rin niya ang pinto. Lalo siyang nagtaka nang makita ang colleague na si Joey. Ilang araw na niya itong hindi pumapasok sa trabaho.
At ngayon ay mukhang lasing pa ito. May hawak-hawak itong bote ng alak sa kanang kamay.
“I-I just want someone to talk to. Please let me in…”
Pinapasok naman niya ang lalaki. Pinaupo niya ito sa sala. Nilagok muna nito ang alak bago nagsalita ulit.
“Do not let go of your wife…”
Kumunot ang noo niya. “I do not let go of her. We just compromised…”
Umiling si Joey. “Go back to the Philippines…”
“What are you talking about, Joey?”
May luhang pumatak sa mata ni Joey. “She left me, Cloud. My wife left me…and she had found another man when I was away because of our fucking job. It hurts a lot…”
Nakisimpatya si Cloud kay Joey. Nakinig siya rito, sumubok na magbigay ng payo. Pero kahit madaling araw na at nakatulog na ang lalaki sa sofa niya ay bumabalik pa rin sa dati ang utak niya.
Sa Pilipinas. Sa farm. Sa piling ni Sarah…
Nasasaktan si Cloud sa nangyari kay Joey. Pero masasabi niyang gumaan rin ang pakiramdam niya. Natauhan siya. Naging buo ang desisyon sa utak niya.
Hindi gagaya sa nangyari sa pamilya niya si Cloud. Hindi siya magagaya kay Joey.
Babalik si Cloud sa Pilipinas. Susundin niya ang payo ng kaibigan. Hindi niya gagawin ang pagkakamaling naggawa ng Mommy niya at ganoon rin ni Joey.
Magiging malaking pagbabago ang lahat sa buhay ni Cloud kapag pinili niya si Sarah. His dream of travelling the world will not come true. But then he should also know that the only constant thing in life is change….