Library
English
Chapters
Settings

10

NANGABAYO si Sarah papunta sa tabing ilog. Napagdesisyunan niyang mag-almusal sa lugar. She feels like she needs to have some alone time for herself. She wanted to feel peace. Sa lugar lang siya madalas na nagkakaroon ng ganoong pakiramdam. Pero sa pagkakataong iyon, pakiramdam ni Sarah ay lalo yata siyang nagulo.

Pinaalala ng lugar si Cloud. Missed na missed na talaga niya ang asawa.

Pero kasalanan niya ang lahat ng ito. Siya ang nagtulak kay Cloud para umalis. Kaya lalo siyang nahihirapan. Sarili niya lang ang puwede niyang sisihin sa sitwasyon. Gustuhin man niyang bawiin iyon ay nakapagdesisyon na siya. She has to bear with the consequences of her actions.

Sinusubukan naman na maging okay ni Sarah. Iniisip niya na baka nasa state of adjusting pa rin siya. Magiging okay rin siya. Pero bakit sa pagdaan ng mga araw, parang lalo siyang nalulungkot kaysa sa nasasanay?

Dina-divert ni Sarah ang atensyon niya sa ibang bagay. Pero lahat yata ng bagay ay nakakapagpaalala kay Cloud. Parang sa bawat puntahan niya, nakikita niya ito. Para siyang pinapatay sa lungkot. Kaya naman nang makitang pati ang inihanda na almusal ng mga kasambahay nila ay tuyo at itlog na pula ay parang naiiyak na naman siya. Hindi niya alam na ganoon ang pagkain. Sinabihan lang kasi niya ito na ipag-pack siya habang nasa banyo siya at nag-aayos ng kanyang sarili.

Hindi lang lugar, pati pagkain ay pinapaalala pa sa kanya ni Cloud. It was the exact food they have ate on the exact place they once go.

Pero kailangan na mag-move on ni Sarah. Hindi siya dapat palaging ganoon. Kinain pa rin niya pagkain na iniluto ng kasambahay.

Para iluwa lang rin iyon…

Napabuntong-hininga si Sarah. Inilayo niya ang pagkain. She felt really frustrated and fucked up. At nasa malalang level na iyon.

Totoo nga ang sinasabi ni Cloud. Gumaganda at sumasarap ang isang bagay kapag may espesyal na tao kang kasamang ginagawa iyon…

Hindi na napigilan ni Sarah ang mga luha niya. Naiyak siya. Sinubsob niya ang mukha sa dalawang kamay niya. Hinayaan na rin niya ang sarili niya. After all, makakatulong rin naman ang pag-iyak. Sabi nila, nawawala raw ang bigat ng loob kapag naiiyak mo ang mga sakit. And that’s what she is doing right now…

Matagal rin na umiyak si Sarah. Pero kahit na natapos ay masama pa rin ang pakiramdam niya. Sumakit ang ulo niya. Inisip niyang isa rin sa mga dahilan ay ang hindi niya pagkain. Kahapon pa kasi siya hindi nakakain ng ayos. Hindi rin siya kumain ng dinner kagabi. Gutom na siya.

Kinuha ni Sarah ulit ang pagkain na iniwan niya kanina. Pero nagulat siya nang makitang ubos na ang tuyo. Tumingala siya, hinanap ang salarin ng pagkaubos ng pagkain niya. Pero iyon ay para lang mas magulat siya.

There she found the most beautiful thief she had ever encountered. Hindi lang ninakaw nang salarin ang pagkain niya. He also had stolen his heart…

“I am dreaming…” Ilang beses na kumarap si Sarah. Gusto ulit niyang mapaiyak nang makita si Cloud.

Ngumisi si Cloud. Unti-unti rin siyang nilapitan nito. Hinaplos nito ang pisngi niya. “And I think I am, too. Hindi ganitong babae ang asawa ko, eh. Alam kong mahilig iyon sa tuyo…”

“I-I just can’t eat it without you…”

Natawa na ngayon si Cloud. “Now you can’t really eat because I already have ate of it. Sorry na. Na-miss ko lang kumain noon. Pero `wag kang mag-alala, mas miss kita. Missed na missed na kita…”

“Pero hindi na ngayon `di ba?”

Kinindatan siya nito. “Hinding-hindi na…”

Niyakap niya ang asawa. “Oh, Cloud! I don’t know what to say anymore. I am miserable without you. I pushed you away and that seems to be the worst decision I have made in my life…”

“It’s okay. Ang mahalaga, ginawa ko ang best decision sa buhay ko.”

“At iyon ay?”

“Ang balikan ka…”

Lumunok si Sarah. “I didn’t ask for it...yet. Kakayanin ko naman siguro---“

“Siguro pero hindi sigurado. Pero iisa lang ang sigurado ko, Sarah. At iyon ay ang hindi ko na kayang mawala pa sa tabi mo. You are more important than my dreams. Being with you forever is the only dream that I want and need…

“Sabi nila, kapag totoong mahal mo, babalikan mo. But I guess, that’s not really applicable in all things. Sabi ko noon, ang mahal at ang priority ko lang ay ang pangarap ko. But things changes. You came and before I realized, I have love you more than and everything else in this world. I can’t keep up without you in me. I don’t just want you. I also need you in my life. I will never be contented and complete without you in my life…”

“Oh Cloud…” parang nag-uumapaw ang emosyon sa puso ni Sarah. Wala na siyang masabi dahil pakiramdam niya, hindi na siya ang dapat na magdesisyon dito. It was Cloud’s life. Ito lang ang mas makakaalam kung ano ang mas makakabuti rito. O baka kaya ganon ay dahil na-realize rin niyang hindi rin niya talaga kayang palayuin sa buhay niya ang asawa niya.

Hinalikan siya ni Cloud. Pagkatapos ay ipinagkiskis nito sa ilong niya ang ilong nito. Hinaplos rin nito ang kanyang pisngi. “You were a mistake, Sarah. But you were the best mistake that I have ever made. You came into my life in the wrong time and siutation. But I realized, love is not about the right time or situation. It’s all about the right person…”

“And you are my Mr. Right, Cloud. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka. Sa kabila ng mga pagsubok at pagod, tanging ikaw pa rin sa huli. Siguro nga ay napagod ako sandali. Pero kahit kailan, hindi ka mabubura sa puso ko. I will always choose you. I can’t live a good life without you…”

“And I can’t even live a life without you. I love you, Sarah. And I will always be thankful that even after all the pain I’ve put you through, you still keep up with me…”

“You are the most welcome man in my life…” wika ni Sarah at hinalikan ulit ang asawa niya.

Lahat ng mga mahal ay pinapatawad. Lahat ng mga mahal ay binabalikan. Lahat ay gagawin ng isang tao para sa taong pinakamamahal.

The End

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.