Library
English
Chapters
Settings

7

NAPAKAGAAN ng loob ni Cloud nang sa wakas ay payapang nakatulog na si Charlotte. Proud rin siya dahil siya mismo ang nagpatulog sa bata. Ang ganda ng ngiti niya. Hinalikan niya ang bata pagkatapos ay hinayaan na itong matulog mag-isa sa duyan na dinala at kinabit nila sa resort kung nasaan sila ngayon. Sinabihan niya ang isang kasambahay na tignan-tignan na lang ito.

Nilapitan ni Cloud si Sarah na abala sa pagluluto ng barbeque. They are celebrating today because it is Charlotte’s 10th month-birthday. Niyaya niya ang lahat ng mga na mag-swimming sa isang resort na hindi naman ganoon kalayuan sa farm. Pumayag ang mga ito lalo na at na-guilty rin si Sarah at hindi nabilihan ng regalo si Charlotte kahapon.

Kasama nila ang mga kasambahay sa resort. Pati ang bago nilang aso na pinangalanan nilang Snoopy ay isinama rin nila sa resort. Tahimik lang naman ito at tila kontento sa panonood ng mga ginagawa nila. Hindi nga lang nakasama ang ina ni Sarah dahil may importanteng lakad ito kasama si Herman tungkol sa business. Pero ipinangako naman ng dalawa na susunod ang mga ito sa resort kapag natapos iyon.

Niyakap ni Cloud sa likuran si Sarah. Napatigil ito sa ginagawa. “Cloud…”

Hinalikan niya ang pisngi ng asawa. “Hayaan mo na ang mga kasambahay ang tumapos niyan. I want to dip,”

“Sandali na lang ito,”

“Hmmm… But I missed you already,”

Humarap si Sarah sa kanya at tinaasan siya ng isang kilay. Natawa naman siya. Napakamot siya ng ulo. “Inuubos ni Charlotte ang oras ko,”

“Ginusto mo iyon,”

“Yeah,” Napangiti si Cloud nang maalala ang pag-aalaga niya kay Charlotte. Sa totoo lang ay sinubukan lang talaga niya. Ni hindi pumasok sa isip niya noong una na mag-e-enjoy pala siya. Hindi siya mahilig sa bata, bukod pa sa alam rin naman niya na hindi siya gusto ni Charlotte.

Pero maaga siyang naggising at naabutan niya ang pagdadala ni Herman kay Charlotte para paalagaan muna. Abala ang kasambahay kaya nakiusap ito na kung puwede daw na sana ay siya ang mag-alaga sa bata. Dahil napapaisip na rin naman ng mga bagay na gusto ni Sarah, sinubukan niyang gawin ang pakiusap. Nakuha niya ang amor ni Charlotte nang laruin niya sa harap nito ang rattle na dinala ng ama nito. Nakuha rin naman nito ang loob niya nang unang beses siyang nginitian nito.

“Charlotte is cute and adorable. But she drained my energy so I want it back. You’re the only one who could do it. Your presence, kiss and touch is like an energizer to me…” wika niya at inilapit ang mukha sa mukha nito. He kissed her.

Namula si Sarah. “Oo na. Maliligo na rin ako. Pero patapusin mo na muna ako sa ginagawa ko, please?”

“I’m not a patient man, Sarah…”

“Then do for sometime…” wika ng asawa at tinalikuran na siya. Pero pinairal ni Cloud ang katigasan ng ulo niya. Hinawakan niya ang baywang ng asawa at binuhat ito. Tumili ito pero hindi pa rin siya pinatigil ng plano. Tumalon siya sa swimming pool kasama nito.

As expected, nakasimangot si Sarah. “Nakakainis ka! Hindi pa ako handa na maligo,”

“But surely you are always ready for this?” wika ni Cloud at hinalikan ulit ang asawa.

“Ang landi-landi mo ngayon. Anong meron?” Nakataas ang isang kilay ng asawa nang matapos ang halik.

“Hmmm…just some realizations…”

“Kagaya ng?”

“That I have missed out a lot in life. Or maybe, I have really missed out my life…” wika ni Cloud.

Napatitig si Sarah sa kanya at nagaya rin naman siya. For a while, he felt like melting by looking at those beautiful eyes. Parang may mainit na kamay na humaplos rin sa puso niya.

Sarah is my life now… Pumasok sa isip ni Cloud.

Tama ang Mommy niya. No one is complete in life. Kahit gaano man natin kagustong pagsabayin ang dalawang bagay, mahirap iyon. Kailangan nating mamili sa buhay. Kailangang may bigyan siya ng priority. Kailangan niyang mamili lalo na at contradicting ang dalawang bagay na gusto niyang gawing priority.

Kapag pinili ni Cloud ang buhay niya bilang diplomat, masasaktan pa rin si Sarah. She wanted a comfortable and simple life. Hindi niya maibibigay iyon kung magpapatuloy pa siya sa trabaho niya. Walang komportable sa isang bagay na palagi na lang na may naiiwan.

Hindi gusto ni Cloud na saktan at tuluyan na siyang iwan ng asawa. Kailangan niyang subukan ang buhay na gusto nito.

He might regret trying…but at least he did. Hindi niya malalaman ang isang bagay kung hindi niya susubukan. He already did try a life that he wanted. Now, he will try a life that Sarah wanted.

“WHAT is really happening, Cloud? Bakit ba kailangan mo pa akong i-surprise?” wika ni Sarah sa asawa. Hindi niya maintindihan ang dapat niyang maramdaman. Bilang isang asawa na hindi naman ganoong nabibigyan ng oras, isa sa mga pangarap niya ang masorpresa. Pero mahirap rin pala na kumalma. Na-e-excite na siya at gusto na niyang malaman kung saan ba siya dinala ng asawa. Naka-piring kasi ang mga mata niya.

“Sandali na lang. Be patient, okay?”

“Hmmm…” May isang bahagi ni Sarah ang masasabi niyang natatakot rin. Bagaman nagugustuhan naman niya ang mga inaasal nito sa mga nakalipas na araw, hindi niya pa rin maiwasan na kabahan. First time siyang i-surprise ng asawa. What could it be? Ikakatuwa ba niya iyon?

Pero mukhang masaya ang aura ni Cloud. May giliw ang boses nito. Dahil masaya ito, hinayaan na lang niya na ang excited na bahagi niya ang manaig. Gusto niyang maniwala na magiging masaya rin siya sa sorpesa nito.

Naramdaman ni Sarah na tumigil ang sasakyan. Bumaba si Cloud at binuksan ang pinto. Inalalayan siya nitong makababa pero matagal-tagal pa rin bago tinanggal ang piring sa mga mata niya. Nang makita ang sorpresa ay hindi kaagad nakapagsalita si Sarah. Ilang beses siyang napakurap.

“How was it?” Excited pa rin si Cloud.

Namumutlang tinignan niya ito. “Ano ito?”

“It’s quite obvious. It’s a house…” Hinawakan ni Cloud ang balikat niya. Minasahe nito iyon nang kaunti. “Maganda `di ba?”

Napalunok si Sarah nang makita ang bahay. Maganda ngaiyon. It was almost a dream one---hindi ganoon kalakihan pero may magandang garden. Maaliwalas rin ang lugar.

“Yeah. Pero para saan ang bahay na ito?”

“Para sa atin,” Kinuha ni Cloud ang kamay niya. “Let’s come inside so you will see…”

Nag-aalinlangan man si Sarah ay sumama na rin siya kay Cloud. Lalo siyang nagandahan nang mapasok iyon. Everything seems to be on the right place of what she wanted it to be. Masaya siya na mapasok ang bahay at maramdaman na para sa kanila nga ang bahay na iyon. Pero kasabay rin ng saya ay ang takot. Alam kasi niya na mababalewala lang naman ang bahay na iyon kung ang balak ni Cloud ay bilhin iyon.

Cloud’s job never settles. Habang buhay na palipat-lipat sila ng lugar hanggang sa mag-retired ito sa trabaho. Kung bibilhin ni Cloud ang bahay, baka uugod-ugod na sila bago permanenteng matirahan iyon. Sayang lang ang bahay.

“Nagustuhan mo ba? I’m planning to buy it.” Malaki ang ngiti ni Cloud.

“Yes. Maganda. Pero hindi ang plano mo. You will just waste your money.”

Umiling si Cloud. “I don’t think so. As a couple, we need space of our own. Hindi puwedeng habang buhay ay nakatira tayo sa bahay niyo sa farm.”

“Pero hindi naman tayo habang buhay na titira doon `di ba? Nakabakasyon ka lang sa trabaho mo. And we both know that your job is---“

“I’m going to quit,” putol ni Cloud sa sasabihin niya.

Napakurap si Sarah. “Pardon?”

“You heard me right. I’m planning to send my resignation letter soon.”

“Mahirap paniwalaan ito…”

Bumuntong-hininga si Cloud. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Naiintindihan ko. At naiintindihan ko rin ang gusto mo, Sarah. You wanted a comfortable and simple life. Maibibigay ko lang iyon sa `yo kapag tumigil ako sa trabaho ko…”

Napalunok si Sarah. “Pero paano ka?”

“I’ll find a way. I’ll find another job o kaya tutulungan kita sa farm niyo. Papayagan mo naman ako `di ba? As a diplomat, I’m good in talking and convincing people. I guess, those qualities of me will help your family business more. Kung ayaw mo naman na pasalihin ako sa business mo, I can build a new one. May ipon naman na ako. We will see…”

“Gagawin mo ang lahat ng ito dahil gusto ko?”

Tumango si Cloud.

“Pero paano ang gusto mo? I know from starting that you love your job so much…”

Tumango ulit si Cloud. Mas diniinan pa nito ang pagkakahawak sa pisngi niya. “But I love you, too, Sarah. Ayokong mawala ka sa akin kaya gusto kong sa pagkakataon na ito ay piliin na kita…”

“Cloud…” Parang natunaw ang puso ni Sarah sa mga narinig. Bihira lang na magsabi si Cloud na mahal siya nito. Maraming beses na naiisip nga niya na baka hindi, lalo na at nakikita niyang hindi naman siya ang priority nito. So what he had said right now gave an ecstactic feeling on her heart.

“Ayokong maging kagaya ng Mommy ko. I knew it was a bit late to realize it, but still, bibigyan mo pa naman ako ng chance `di ba? I should choose you than my job. May nararamdaman ka. Mas mahalaga ka…”

“What happened, Cloud?”

“About my mom?” Naging mapait ang ngiti ni Cloud. “We are the same, Sarah. Mana ako sa kanya. Pangarap rin niya na malibot ang mundo. Pero napigil ang pangarap niya nang mabuntis siya sa akin. Kinailangan niyang mag-settle down dahil iyon ang gusto ng Daddy ko. Pero hindi niya kinaya. Nang anim na taong gulang na ako, iniwan niya kami ni Daddy. Sinunod niya ang pangarap niya…”

“I-I’m sorry…”

Masasabi ni Sarah na sumama ang loob niya nang malaman niya na nagsisinungaling si Cloud. Pero sa mga narinig ay naiintindihan niya ang lalaki. Masama ang loob nito sa ina kaya kinonsidera nito na hindi na ito parte ng pamilya nito.

“I’m sorry, too, Sarah. Dahil sa totoo lang, ilang beses ko rin na plinano noon na iwan at hindi ka panagutan. Kagaya nga ng sabi ko, naniniwala ako na mana ako sa kanya. Mataas ang pangarap ko. Ayoko ng distraction. And you did that to my life…”

Napatitig si Sarah sa asawa. “Pero hindi mo ginawa…”

Tumango si Cloud. “I couldn’t afford to hurt you. Ayoko man na i-consider na mahalaga ka sa akin, hindi ko naman maggawang hindi maipakita at maramdaman. Naiinis man ako pero ayokong mawala ka sa buhay ko. Gusto kong palaging nasa tabi lang kita. It gives me a good feeling whenever you around…”

“I-I do not know what to say…”

“You don’t have to. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang katotohanan. Because I knew you deserved it. You deserved every beautiful thing in this world. You deserved to be a priority that’s why I am choosing you. Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko, Sarah…”

Hindi na nga nagsalita si Sarah. Napatitig na lang siya sa asawa. Kung noong una ay nagdududa pa siya na sumusubok ito, ngayon ay nasisigurado na niyang seryoso na ito.

Gustong maging masaya ni Sarah sa desisyon ni Cloud. Pero may pumipigil sa kanya. Paano siya magiging masaya samantalang alam niyang hindi ganoon si Cloud? Gusto niyang maging priority nito. Gusto niyang maibigay nito ang buhay na pinapangarap niya. Gusto niyang piliin siya nito.

Pero ayaw rin naman niyang mamili ito…

“WE’RE not teenagers anymore, Cloud…” nakataas ang isang kilay na wika ni Sarah sa asawa nang makitang dinala siya nito sa isang sikat na amusement park sa Laguna. Niyaya siya nitong lumabas ngayong araw. Dahil Linggo at wala naman siyang gagawin, pumayag siya. Wala ang Mommy niya dahil may date ito kasama ang mga kaibigan nito. Day-off naman ni Herman kaya magkasama ang mga ito ni Charlotte.

Nagsimba muna sila ng asawa bago siya nito dinala sa amusement park. Taliwas naman sa reaksyon niya ang kay Cloud. Nakangiti ito. Inakbayan siya nito. “Mga teenagers lang ba ang may karapatan na pumunta sa amusement park?”

“Siyempre, hindi. Pero hindi mo maiiwasan sa akin na magtaka…”

Bihira lang siyang yayain na mag-date ni Cloud simula nang maging mag-asawa sila. Kung nagde-date man sila, madalas ay manonood lang sila ng pelikula o kaya kakain sa labas. Pero ang pinakamadalas ay kapag may party na may kinalaman sa trabaho nito.

Bumuntong-hininga si Cloud. “I’m trying to change, Sarah. Kaya sana naman, bigyan mo ako ng pagkakataon para patunayan sa `yo ang sarili ko…”

Napatingin si Sarah kay Cloud. Nakonsensya naman siya nang makitang sincere ang mga mata nito. Nakagat niya ang ibabang labi. “I-I’m sorry. Nabigla lang ako. I should appreciate and do not ask for more…”

“No. Ako ang dapat na mag-sorry. Pakiramdam ko, ang dami kong pagkukulang sa `yo. So let me make it up to you, okay?”

Kinuha ni Cloud ang kamay niya. Tumango siya at magkahawak kamay silang pumasok sa amusement park. Bagaman hindi maiwasan na mailang ni Sarah dahil parang ang tanda na nila para magkaroon ng ganitong klaseng date ay nag-enjoy rin naman siya. She felt so young. Game rin naman kasi si Cloud na sakyan ang lahat ng rides na gusto niya.

Gabi na nang mapagpasyahan nilang sumakay sa Ferris Wheel. Iyon na ang plinano nilang huling sakyan dahil maganda raw iyong sakyan tuwing gabi. Totoo naman dahil makikita ang ilaw mula sa siyudad at malamig rin ang hangin.

“Ang ganda…” wika ni Sarah habang tinitignan ang paligid.

Kinindatan siya ni Cloud. “Mas maganda ka,”

Itinirik niya ang mga mata nito. “Napakagasgas na ng mga ganyang linyahan,”

Tumawa si Cloud. Hinawakan nito ang pisngi niya. “Pero hindi pa naman tayo ganoon katanda para hindi ka kiligin `di ba?”

“Hmmm…”

Hinalikan ni Cloud ang labi niya. Pagkatapos ay inakbayan siya nito at tumingin sa scenery sa ferris wheel. “Maganda nga ang scenery. Maganda ang mundo. Mas maganda kung malilibot mo ang lahat ng iyon. Pero ang pinakamaganda sa lahat ay ang pakiramdam ko sa piling mo…”

Napatingin si Sarah sa asawa. She felt sincerity in his voice. Tumingin ito sa kanya at nakita rin naman niya ang sincerity sa mga mata nito.

Nakagat ni Sarah ang ibabang labi. Nakonsensya na naman siya. Bakit nga ba sa halip na i-appreciate niya ang mga sinasabi ni Cloud ay nagdududa pa siya?

Pero naisip niyang dahil sa naninibago nga talaga siya sa inaasal nito. Ganoon pa man, gusto niyang panghawakan ang sinabi nito. Gusto nitong magbago para sa kanya. Pero ang pinaka-gusto niyang panghawakan ay ang kani-kanina lang na sinabi nito: na ang pinakamagandang pakiramdam para rito ay sa piling niya.

Binibigyan siya ng pag-asa ni Cloud na tama siya na pumayag siya na manatili ito sa tabi niya at iwan ang pangarap nito para sa kanya. But still, she felt that she wanted more…

NALAMAN ni Sarah na maagang nagpunta si Cloud sa stable. Nauna itong maggising sa kanya kaya wala siyang kaalam-alam. Isa lang sa mga kasambahay niya ang nagsabi tungkol sa kalagayan ng asawa.

Handa na ang breakfast pero hindi pa rin bumabalik si Cloud. Hindi siya makakain ng wala ito kaya naisipan na lang niyang magdala ng breakfast para sa kanilang dalawa. Nagpunta siya sa stable at nakita roon ang asawa. Nakita niya itong kausap ang isa sa mga stable boy na inaayos naman ang isang kabayo.

“Anong ginagawa mo?”

“Hmmm… I’ve been here for a while. Chine-check ko lang ang lugar at mga kabayo. I think it’s good na makialam rin naman ako `di ba? After all, I’m going to be in this life forever…” Nakangiti naman si Cloud. Nilapitan siya nito at hinalikan. “Good morning, Love…”

“Good morning. May dala akong breakfast para sa `yo,” Itinaas niya ang dalang baunan.

Nagningning ang mga mata ni Cloud. “Really? That’s great. Gutom na nga ako at pauwi na sana ako ng bahay,”

Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Ganoon nga ba? Mukhang hindi naman, ah. Parang mas gusto mo na mangabayo,”

“Yes. Pinahanda ko ito dahil uuwi ako gamit ang kabayo. Gusto kong sunduin ka nga at yayain sana na mag-breakfast sa may ilog…”

“Hmmm…”

“Ayaw mo?”

“I would want to. Pero bakit mo naman naisip iyon?”

“You know I’ve already decided. I’ll stay with you so I will have to cope up on the life that you want. Kaya gusto kong sanayin ang sarili ko…”

“Hmmm…”

“Come on,” Hinawakan ni Cloud ang kamay niya. Pinapasakay siya nito sa kabayo.

Pumayag si Sarah. Sa likod siya ng asawa pumuwesto. Hindi na sila nagdalawa pang kabayo.

“Hold on to me…” wika ni Cloud at mabilis na pinatakbo ang kabayo.

Malayo-layo rin ang ilog kaya gutom na rin siya nang makarating. Inihanda niya ang almusal--- kanin, itlog na pula at tuyo. They settled eating under the tree near the river. Para silang nagpi-picnic sa ilalim ng puno habang nakatanaw sa payapang ilog.

“Bakit parang ang sarap-sarap yata nitong tuyo?” Natatawang wika ni Cloud habang kumakain. Napansin nga niya na halos maubos na nito ang mga tuyo na niluto.

“Pareho lang naman `yan ng mga tuyo na nakakain na natin. I think it’s because of the place that made the food extra special…” wika ni Sarah. Magaan ang pakiramdam niya habang kumakain dahil paborito niyang lugar ito ng farm. Noong bata siya ay madalas siyang tumatambay roon. Niyaya rin niya ang mga magulang na mag-picnic roon.

“Siguro nga. O siguro dahil ginawa rin na espesyal ng taong kasama ko ngayon…” Inakbayan at hinalikan siya sa pisngi ng asawa. “Everything is special when I am with you…”

Nagkaroon ng mga paru-paro sa tiyan ni Sarah sa narinig. Pero umakyat yata sa lalamunan niya ang mga paru-paro kaya nabilaukan siya. Nataranta si Cloud. Tinapik-tapik nito ang likod niya habang naghahanap ng tubig sa basket na dala niya.

“Oh shit! Wala kang dala na tubig,”

Sinubukang lunukin na lang ni Sarah ang mga laway niya para mawala ang samang nararamdaman. She felt a little better. Kinalma niya ang sarili at si Cloud. “I’ll be fine. I’m fine…”

Umiling si Cloud. “You still need water…”

“Hindi natin sure kung malinis ang tubig sa ilog,” Kakatapos lang ng bagyo at madalas na madumi ang tubig kapag ganoong panahon.

“Hmmm…” Tumingin si Cloud sa paligid. Napako ang tingin nito sa puno ng buko. Tumingin ito sa bunga. “Kukunin ko ang bukong iyon…”

“Ano---“ Natigil ang pagpo-protesta ni Sarah nang naglakad na nga si Cloud papunta sa puno. Umaakyat na ito nang makuha niya ulit ang boses niya pero hindi ito nagpapigil. Nag-aalala siya pero mukhang balewala lang naman iyon dahil ligtas na nakababa at nakakuha ng mga buko.

“Nakaya mo…” wika niya nang makababa ito.

“What do you think of me?” Parang natatawa pa si Cloud.

Lumabi si Sarah. “You hate the farm life…”

“I will learn to love it…”

“Para sa akin…”

Kinindatan siya ni Cloud. “Dahil mahal kita,”

Napatitig ulit si Sarah sa mukha ng asawa. Again, there is a sincerity on his voice. Her heart melted. They say love is all about sacrifices. Mahal siya ni Cloud kaya magsasakripisyo ito para sa kanya.

Gamit ang maliit na kutsilyo na naisama niya sa basket, binutas ni Cloud ang buko. She gave it to her to drink. Nagbutas rin ito ng isa pa para dito. Uminom rin ito.

“Ah, this is so nice…”

“Paano naman ang buhay na ganito? Is this nice, too?”

“Hmmm… I am feeling so…” wika ni Cloud saka pumikit. His face looks so much in peace and comfort.

Parang nawala ang tinik sa loob ng puso ni Sarah sa nakitang itsura ni Cloud. Natatakot siyang piliin siya ni Cloud dahil pakiramdam niya ay napipilitan rin ito. Pero sa nakikitang reaksyon nito ngayon, mukhang hindi naman ganoon iyon.

Gustong mag-hold on ni Sarah sa mga salita ngayon ni Cloud. He could live a life like this. He would be happy. They would be happy.

Sana nga ay ganoon nga talaga ang mangyari. Sana ay hindi lang siya ang mahalin ni Cloud. Sana ay ganoon rin ang buhay na gusto, at sa tingin niya ay mas makakapagpaayos ng pagsasama nila.

NIYAYA si Sarah ng ina na lumabas ngayong araw. Sumama siya rito at kay Herman para sa ilang business transactions ng farm. Dahil nangako siyang tutulong sa negosyo ng pamilya ay pumayag siya. Kaya nga lang ay maaga siyang napauwi dahil wala pa siyang kalahating araw na nasa labas ay sumama ang pakiramdam niya. Naging matindi ang pagkahilo niya.

Nang makarating sa bahay ay bumungad kay Sarah sina Cloud at si Charlotte na nasa sala. Parang instant na nawala ang pagkahilo niya nang makitang masaya ang aura ng dalawa habang may hawak-hawak si Charlotte na globo. Napangiti siya at napatigil para panoorin ang mga ito.

May itinuro si Charlotte sa globo. Tumingin ito kay Cloud na para bang naghihintay ng sagot.

Mukhang alam na naman ni Cloud ang gagawin. “That’s India, Baby. That’s the first country I was posted in. Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito dahil roon. It’s a country full of colors…”

Pumalakpak si Charlotte. Nakipalakpak naman si Cloud. Maya-maya ay pinaikot ulit ni Charlotte ang globo. Nang tumigil iyon ay nagturo ulit ang bata.

“Switzerland,” wika ni Cloud sa lugar na itinuro ni Charlotte.

Tumingin si Charlotte kay Cloud, parang nanghihingi ng kasunod sa sinabi ni Cloud na bansang tinuro nito. Sumagot si Cloud pero sa pagkakataong iyon ay malungkot na ang mukha nito. “That’s the country I am longing to visit or even stay. May nakapag-tip rin sa akin na baka daw sa bansang ito ang susunod kong posting…”

Nawala ang ngiti sa labi ni Sarah sa narinig. Nahawa siya sa reaksyon ng asawa. Parang nasaktan siya sa lungkot nito.

Her conscience hits her. Siya ang may kasalanan kung bakit malungkot si Cloud.

Akala ni Sarah ay unti-unti ng nagiging maayos ang lahat. Naniniwala siya. Pero mukhang mahirap pa rin pala. Sa nakitang reaksyon ngayon ni Cloud, masasabi niyang hindi pa rin talaga nito kayang pakawalan ang buhay na pangarap.

Gusto pa rin ni Cloud ang trabaho nito.

Napapikit si Sarah. Mahal pa rin niya si Cloud. Napagod lang siya at nasasaktan pero hindi pa rin nawawala ang nararamdaman niya rito. Nasasaktan siya ngayong alam niyang nasasaktan niya ito. Gusto niyang maging maayos ito.

Sa pagmamahal, dapat ay marunong siyang umintindi…at magparaya. Dapat ay hinahayaan niya ang asawa niya na gawin ang buhay na gusto nito.

Pero paano naman siya? Paano ang buhay na gusto niya? Palaging siya na lang ba ang magsasakripisyo sa relasyon nila?

Pinili man ni Cloud si Sarah, sa nakikita naman niyang lagay ng asawa ngayon, sa halip na maging masaya ay nahihirapan pa siya.

Ano ba talagang kailangang gawin ni Sarah? Gulong-gulo na siya…

MALALIM na ang gabi pero wala pa rin si Cloud sa tabi ni Sarah. Nag-aalala na siya kaya sinilip na niya ito. Nasa labas ng bahay ang asawa kasama ang ilan sa mga trabahador nila sa farm at pati na rin si Herman. Niyaya ng mga ito ang asawa niya na makipag-inuman.

Hindi na naman bago sa mga trabahador sa farm ang makipag-inuman. Sa tingin niya ay normal ng ugali na naman ng mga Batangueno ang mag-inom, lalo na ang mga nasa bukid na kagaya nila. It was their own form of bonding. Pero dahil kilala ni Sarah ang asawa ay nag-aalala pa rin siya rito. Hindi sanay na makipag-inuman ang asawa niya.

Lumabas si Sarah ng kuwarto. Sinilip niya mula sa bintana ng sala ang mga nag-iinom. Pero sa kabila ng oras, mukhang napaka-init pa rin ng usapan ng mga ito. Halos tumatawa ang lahat na umiinom at nagkukuwentuhan.

“Mukhang nag-e-enjoy si Cloud, ah…”

Napalingon si Sarah nang marinig ang boses ng Mommy niya sa likod.

Tumango si Sarah. “Oo nga po…”

“Mahihiyang rin `yan sa buhay natin dito sa farm,”

Nagkibit-balikat si Sarah. Siguro nga. Ganoon naman nga daw. Makaka-adjust rin ang mga tao sa bagay-bagay at lugar. Alam niyang sinusubukan naman ni Cloud. Pero may isang bahagi ni Sarah ang hindi na naniniwala roon. Dahil siya mismo ay hindi niya naggawa. Sa loob ng limang taon ay hindi siya nasanay sa buhay na binigay sa kanya ni Cloud. Napagod siya.

“Natatakot ako, Mommy…” Hindi na napigilan na maglabas ng hinaing ni Sarah sa ina. “Paano kung sa una lang ang lahat ng ito?”

Tumingin sa kanya ang Mommy niya. “Mahal niyo ang isa’t isa. Hindi ka dapat matatakot…”

“Sumuko ako. Paano kung ganoon rin siya?”

“Hindi ganoon sa lahat ng pagkakataon, Anak…” Mapait na ngumiti ang Mommy niya. “Hindi lahat ng tao ay pare-pareho. Paano kung kagaya ko rin si Cloud?”

Napatingin si Sarah sa ina. “Anong ibig mong sabihin?”

“Alam mo na nakatira ang pamilya namin sa Maynila. Nakikita mo ang buhay ng Tita Sonia mo at kahit si Stella. I used to live and love that life, too…”

“Hmmm…”

“Bata pa lang ako, city girl na ako. Lumaki ako na ang isip ko ay sa siyudad na ako mabubuhay. But when I met and fell in love with your Dad, nagbago ang lahat. Natuto akong mabuhay sa probinsya kahit ramdam ko na hindi iyon ang buhay na para sa akin. At kahit ngayong wala na ang Daddy mo, nandito pa rin ako hindi dahil sa nasanay na ako. Nandito ako dahil alam kong malulungkot siya kapag pinabayaan ko ang farm natin na mahal na mahal niya…”

“I-I didn’t know all of this. Ang ibig sabihin po ba nito, all along ay hindi kayo masaya sa buhay niyo?”

Umiling ang Mommy niya. “Hindi sa ganoon. Ang gusto ko lang sabihin ay kapag nagmamahal tayo, natututo tayong mag-adjust. There’s always suffering and sacrifices in love. We just have to pick someone who is worth suffering for…”

Napakurap si Sarah.

“Your Dad is worth suffering for, Sarah. Mahal ko siya at alam kong mahal rin niya ako. Masaya ako sa relasyon namin. Masasabi ko man na hindi ko gusto ang buhay na ibinigay niya sa akin pero masaya pa rin ako kasi kasama ko siya…”

Nakagat ni Sarah ang ibabang labi. “Gusto ko rin na mapasaya si Cloud, Mommy. At alam kong hindi ito ang buhay na gusto niya. Pero napagod ako, Mommy…”

“Kaya ka umuwi para magpahinga…”

Napalunok si Sarah. “Sa tingin niyo po ba ay pahinga lang talaga ang kailangan ko?”

“Ikaw lang ang makakasagot niyan, Sarah. Pero hindi kita masisisi kung nararamdaman mo rin iyan. Maraming beses rin na nararamdaman kong napapagod na ako sa buhay na ito. Pero ano ba ang solusyon kapag napapagod ang isang tao? Hindi ba at pahinga lang naman? Hindi dahil sa napagod tayo ay susuko na tayo. We always have to stand up, live and moved on…”

Tumango si Sarah. Niyakap niya ang ina. Her mother’s words hit her. Tama naman ang lahat ng iyon. Totoong napapagod na nga siya. Pero hindi ang pagsuko ang solusyon.

Kailangan lang ni Sarah ng oras para magpahinga siya. Hindi lang siya nagkaroon ng oras dahil sa pag-uwi ni Cloud. Pero hindi pa naman huli ang lahat para gawin niya iyon. Kailangan niyang kausapin si Cloud. Kailangan nilang magkalinawan.

Ayaw ni Sarah na sumuko si Cloud at ayaw rin naman niyang sukuan ito. Kailangan lang talaga niyang magpahinga.

Gumaan ang pakiramdam ni Sarah. Pakiramdam niya ay nagkaroon ng sagot sa problema niya sa naging pag-uusap nila ng ina. Hindi naman talaga kailangan na mamili ni Cloud. Siya ang may pinaka-problema at sa tingin niya, pahinga lang ang kailangan niya. Hindi niya gustong magsakripisyo para sa kanya ang asawa niya. Hindi rin siya masaya para doon dahil alam niyang malungkot rin ito.

“Thank you, Mommy…”

“You’re always welcome, Anak. Kung iniisip at pumipigil rin sa `yo ang kalagayan nitong farm ay huwag mong alalahanin iyon. Magiging okay rin kami. Sabi ko nga sa `yo, nai-stress lang ako dahil sunod-sunod ang problema. Pero wala naman na dapat ipag-alala dahil nandiyan naman si Herman. May umaasikaso sa farm…”

Tumango si Sarah. Napatingin ulit siya sa nag-iinuman, partikular kay Herman. Nagtitiwala ang pamilya nila sa lalaki. Naniniwala rin naman siya sa kakayahan nito. Magiging maayos ang farm nila dahil naroroon naman si Herman. Wala siyang dapat alalahanin sa pamilya niya.

Pero parang sa isang iglap ay magbabago ang lahat para kay Sarah. Dahil wala pang limang segundo na titigan niya ang lalaki ay nakita niya ang labis na sakit sa mukha nito. Napahawak rin ito sa dibdib.

Kasabay ng pagkakagulo ng mga nag-iinom ay ang gulo rin sa dibdib ni Sarah at pati na rin ng kanyang ina. Hindi nagtagal ay napapikit si Herman at unti-unting bumagsak ang katawan…

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.