Library
English
Chapters
Settings

6

“SAAN ka pupunta?” Takang tanong ni Sarah kay Cloud nang makita niya itong bihis na bihis. Mukhang paalis ang asawa.

“Just somewhere,” maikling sagot ni Cloud, mukhang umiiwas. Naglihis ito ng tingin sa kanya.

Tinaasan ni Sarah ng isang kilay ang asawa. “Kahapon ka pa umaalis, ah.”

Tumingin naman ito sa kanya. “`Di ba `yun naman ang gusto mo?”

“Hmmm…”

“May aasikasuhin lang ako. Babalik rin ako,” Tinitigan siya ng asawa at maya-maya napailing-iling ito. “But if you want to come with me, I do not mind…”

“Lalabas rin sana ako ngayon. I intend buy Charlotte a gift. Month-birthday niya bukas…”

“Puwede tayong dumaan doon pagkatapos ng lakad ko…”

Pumayag si Sarah. Totoong gusto niyang lumayo sa asawa. Pero ewan ba niya at naligalig siya kahapon nang buong maghapon naman itong umalis. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang ginagawa ng kanyang asawa bukod sa kailangan rin talaga niyang lumabas.

Nag-drive si Cloud. Sa parteng Laguna ito pumunta. Mukhang hindi rin nito sigurado ang pupuntahan dahil may dala pa itong mapa at naka-ilang tanong rin sa mga taong madadaanan nito.

“Sino ba itong pupuntahan mo?”

“You will know later,” pasikreto pang sagot ni Cloud.

Hindi nagustuhan ni Sarah iyon. Ganoon pa man, nakinig na lang siya sa asawa. Makikilala rin naman niya kung sino man ang pupuntahan nila. Wala siyang dapat ikabahala.

Nang itigil ni Cloud ang sasakyan at alalayan siya sa pagbaba ay naramdaman niya ang tensyon nito. Bakit ba ganoon ang asawa niya? Bakit kakabahan ito sa pupuntahan nila?

Pero nang buksan nang kinatukan na bahay ni Cloud ang pinto, nahawa siya sa tensyon nito. Isang matandang babae ang iniluwa ng pinto. Ilang beses siyang napakurap dahil parang nakakita siya ng babaeng version ng asawa niya.

Tensyon rin ang nasa mukha ng matanda habang tinitigan si Cloud. May lumabas na luha sa mata nito at niyakap ang asawa. “Anak…”

Kunot na kunot ang noo ni Sarah. Sino ba ang babaeng ito? Bakit nito tinawag na anak si Cloud? Imposibleng nanay ito ng asawa niya. Iwas man ang asawa niya, sa pagbanggit sa pamilya nito ay nilinaw naman nito sa kanya na wala na daw pareho ang magulang nito.

O siguro, hindi lang talaga niya ganoon kakilala si Cloud…

NAPALUNOK si Cloud nang magkaroon sila ng ina ng pagkakataon na mapag-isa. Kinausap nito si Sarah at sinabihan na gusto siyang kausapin ng pribado. Pumayag naman ang asawa niya na abala rin naman dahil maraming alagang pusa ang Mommy niya. Nilalaro iyon ng asawa sa sala habang siya naman ay pinapasok nito sa kuwarto nito.

Naagaw ng isang malaking mapa na nakadikit sa kuwarto ang atensyon ni Cloud. Nagulo lalo siya. Pinapaalala lang noon na kainisan man niya ang ina, hindi pa rin niya ito maalis sa sistema niya. Mana siya sa Mommy niya. Pangarap niyang malibot ang mundo. Kaya nga niya tinupad niya ang pangarap na maging Diplomat. It gives him the priviledge to do so.

Maraming bansa sa mapa ang may nakalagay na larawan ng Mommy niya. He can’t help but look at those pictures. Lahat ng mga iyon ay nakangiti ang kanyang ina at mukhang masayang-masaya.

Hindi maggawang mahawa ni Cloud sa saya na nasa larawan ng ina. Pero hindi rin naman niya maggawang hindi iyon pansinin. “You almost travelled the whole world…”

“More than a hundred countries…” Napatingin si Cloud sa Mommy niya. Wala na ang saya sa mukha nito, kagaya ng mga nasa larawan nito. Sa halip, lungkot ang nakita niya sa mga mata nito. “I got my dream to travel a lot…”

“Pero hindi ka masaya…”

Inabot ng ina ang mukha ni Cloud. “Because I realized I did it on the expense of you and your father. Iniwan ko kayo para sa pangarap ko…”

Naglihis ng tingin si Cloud. Tinanggal niya ang kamay ng ina. “We have moved on…”

“Iyon rin ang gusto kong isipin. Iyon ang iniisip ko sa mga nakalipas na taon. At sa tingin ko nga ay ganoon nga `di ba? Hinanap mo ako…”

“Nalaman ko ang nangyari sa bahay mo sa Malabon. Nagpa-imbestiga ako…”

“Yes, nasunog nga ang bahay. Nakakalungkot iyon pero hindi naman pala. Dahil nalaman kong dahil roon ay hinanap mo pala ako…”

“S-siguro ay gusto ko lang na magkaroon ng closure sa mga bagay-bagay…”

May tumulong luha sa mga mata ng Mommy niya. “Anak…”

“Hindi ko alam ang mararamdaman ko habang sinasabi mo `yan. I didn’t feel that I am really your child. Iniwan mo ako. Iniwan mo kami ni Daddy…”

Lumakas ang iyak ng Mommy niya. “Napakabata ko pa nang aksidenteng nabuntis ako ng Daddy mo. Ayokong magpakasal at maging ina. Napilitan lang ako sa responsibilidad. Ang dami ko pang pangarap. Pero sa loob ng anim na taon, nagtiis ako. Sadya lang na hindi ko na kinaya. Hindi ako masaya. So I took the risk of leaving you and your father so I can still fulfil my dream…

“Suwerteng naggawa ko ang pangarap ko. Nagtrabaho ako sa isang cruise. I got the chance to see the world because of it. Nakapunta at nakalibot ako sa ibang bansa. I was happy…”

“You look so in the photos…”

Tumango ang Mommy niya. “Pero hindi na ngayon. Nagsisisi na ako, Anak. Lahat ay panandaliang kasiyahan lang…”

“Hindi niyo dapat pinagsisihan ang isang bagay na pinasaya naman kayo…”

Masama ang loob ni Cloud sa ina. Anim na taong gulang pa lang siya nang iwan sila nito ng Daddy niya. Hindi nito gusto ang responsibilidad ng pamilya habang nagtatrabaho. Ayaw rin kasi ng ganoon ng Daddy niya. Ang gusto nito, manatili lang ang Mommy niya sa bahay. Nasira ang pamilya nila.

Pero sa pagdaan ng panahon, naiintindihan rin ni Cloud ang ina. Iyon nga ang dahilan kung bakit ayaw niya sanang mag-asawa at magkaroon ng pamilya. Mahirap pagsabayin ang pangarap at ang pamilya, lalo na sa lagay niya. His job is very uncomfortable. He had also seen his colleagues family got broken because of it. Ayaw niyang mangyari ulit iyon sa kanya.

Ganoon pa man, masasabi ni Cloud na mahirap pa rin na harapin ang Mommy niya. Sa pag-alis kasi nito, sinira rin nito ang buhay ng Daddy niya. Nasaktan ang Daddy niya at naging lasinggero ito. Ang naging bisyo rin nito ang dahilan kung bakit namatay ito noong twenty years old na siya. He developed a kidney disease.

Galit ang Daddy niya sa ina na siyang pumigil rin naman sa kanya para contact-in ito noon kahit gusto niya. Bilang bata, kahit nasaktan ay sabik pa rin siya sa ina. Nang mamatay naman ang kanyang ama, naging abala na siya sa trabaho. Nawalan na siya ng oras. Isa pa, naisip rin niya na hindi nag-abala ang Mommy niya na balikan at hanapin siya. Ano pa ang saysay para hanapin niya ito?

Pero hindi rin nakatiis si Cloud. Somehow pakiramdam niya ay kailangan niya…

“No one is complete in life, Anak. Pero sa lagay ko, nagkamali ako. Dapat ay mas pinili ko ang permanente, ang mga bagay na alam kong sasamahan ako sa pagtanda. Yes, I did have good memories with the job and my dream. Pero hindi sa inyong mag-ama ko. At ang pinaka-mahirap na realization ay pinili ko ang isang bagay na wala naman na pakiramdam. Iniwan ko kayong mga mayroon. Sinaktan ko kayo…”

Napakurap si Cloud. Mukhang nakikita na talaga niya ang dahilan kung bakit naisip niyang gamitin ang binigay na report ng investigator niya at dalawin ang ina. Pakiramdam niya ay may parinig sa nangyayari sa buhay niya ang sinabi ng ina.

Napaisip si Cloud. Ano nga ba ang mahalaga: ang pamilya o ang pangarap?

NAGPAPA-PANIC ang pakiramdam ni Sarah nang maggising siya at wala sa tabi niya ang asawa. Hindi siya sanay ng ganoon. Madalas ay siya ang unang nagigising kaysa kay Cloud dahil inaasikaso niya ito. Pero natakot siya ngayon dahil sa mga inasal ni Cloud sa mga nakalipas na araw, lalo na sa nangyari kahapon.

Nagsinungaling si Cloud sa kanya. Totoong ina nga nito ang pinuntahan nila kahapon. Pero hindi naman niya maggawang magalit sa asawa at kahit ang magtanong. He looks so confused when they left the house. Hindi ito nagsasalita sa kanya. Nakikita rin niya ang lungkot sa mga mata nito.

Hinayaan ni Sarah ang asawa. Mukhang magulo ang loob nito. Ayaw niyang dumagdag sa gulo sa maraming tanong na nasa isip niya. Naisip na lang niyang magtanong at linawin sa asawa ang lahat kapag nakita na niyang okay na ito.

Bumangon si Sarah. Hinanap niya ang asawa. Parang lalo pang nag-panic ang pakiramdam niya nang makita ang lagay nito sa sala.

Nilalaro ni Cloud si Charlotte!

Lumaglag ang panga ni Sarah. Hindi siya makapaniwala. Hindi kasundo ng bata si Cloud at alam niyang hindi rin naman ito gusto ng asawa. Hindi ito mahilig sa bata. Kahit kailan, ni hindi pa niya nakita na ngumiti si Cloud sa bata.

But right now, he is looking at the child with a smile in his face. Naglalaro ng peak-a-boo ang dalawa. Maririnig ang bungisngis ni Charlotte sa buong bahay.

“W-what’s with you today?” wika ni Sarah nang mahanap niya ang boses niya.

Lumingon si Cloud sa kanya.Lumawak lalo ang ngiti nito. Sandaling iniwan nito sa sofa ang bata at nilapitan siya. Hinalikan siya nito. “Good morning…”

“Hmmm…” Binati rin ni Sarah ang asawa. Bumalik ang tingin niya kay Charlotte. Nilapitan ulit iyon ni Cloud.

“She’s a happy kid…” Nilaro-laro ulit ni Cloud si Charlotte.

Napalunok si Sarah dahil parang naiiyak siya. Isa ito sa mga pangarap niya---ang makita si Cloud na nakikipaglaro sa isang bata---sa anak nila. Pero naging mailap para sa kanila ang magkaroon ng isang anak ulit sa loob ng ilang taon na mag-asawa sila.

Minsan ay nawawalan na rin si Sarah ng pag-asa na magkaroon pa ng isa. Siguro nga ay totoong na-damage siya nang makapanganak siya. Dahil ilang taon rin naman silang sumusubok pero wala pa rin na nangyayari.

Nakontento na lang siya noon sa pag-aalaga ng mga hayop, iniisip na parang iyon ang anak nila ni Cloud. Pero sa nakikitang lagay ng dalawa ay parang nabubuhay ang pag-asa niya na sana ay magkaroon pa rin sila.

Ang magkaroon ng isang stabilized na pamilya ang pangarap ni Sarah. Looking at Cloud and Charlotte’s now is like the one she is dreaming of. Parang mag-ama ang dalawa. Gusto niyang makita si Cloud na maging ganoon pa rin kapag tumitingin na sa anak nila.

Gusto pa rin ni Sarah na magkaroon ng pamilya kay Cloud sa kabila nang on the rocks na relasyon nila.

Ganoon pa man, hindi pa rin maiwasan ni Sarah ang agam-agam sa puso niya. Hindi niya maintindihan ang Cloud na nakikita niya ngayon. He is trying to change, she could concluded. Pero makakaya ba nito kung sa loob naman ng limang taon na pagsasama nila ay hindi man lang ito sumubok?

Hanggang kailan makakayang magpanggap ni Cloud?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.