Library
English
Chapters
Settings

5

Present

NAPAKAGAAN ng pakiramdam ni Sarah habang pinapanood si Charlotte habang hinihulog ang mga shape blocks sa shape activity cube nito. Bawat tamang shape na nahuhulog ni Charlotte ay pinapalakpakan niya na siya namang ikinabubungisngis ng bata.

Charlotte’s laugh brings so much light to the house and also to her. Mahigit isang linggo na siya sa Pilipinas at masasabi niyang talaga namang nag-e-enjoy siya. Nakakatuwang bata si Charlotte. Base rin sa mga pinapakita nito sa kanya sa mga nakalipas na araw, nakikita niyang magiging matalino na bata ito.

Wala pa rin na nakukuhang bagong yaya ng anak si Herman. Dahil roon kaya dinadala nito sa bahay nila ang bata para mapaalagaan muna. Wala na rin kasi itong ibang kamag-anak o asawa na puwedeng mag-alaga sa bata.

Parang pamilya na rin na naman nila si Herman kaya okay lang iyon sa Mama niya at kahit sa mga kasambahay. Pero dahil naroroon na naman siya, siya ang madalas na nag-aalaga kay Charlotte. Gustong-gusto pa nga niya at ilang beses na niyang niloloko si Herman na siya na lang ang magiging yaya ng anak nito. Napakasarap rin naman kasing alagaan ng Charlotte. Mabait at sweet na bata ito. Or at least sa kanya. Sabi ng mga kasambahay, bumalik raw ang dating sigla ni Charlotte dahil sa kanya.

“Ang galing-galing naman!” Niyakap at pinugpog ni Sarah si Charlotte ng halik sa mukha nang maihulog nito ng tama ang lahat ng blocks.

Pumalakpak si Charlotte.

Lalong natuwa si Sarah. Nakarga niya tuloy ang bata sa tuwa. Pinaikot-ikot niya ito sa sala at napuno ng bungisngis nito ang buong bahay. Natigil lang sila nang pumasok ang bago nilang kasambahay sa sala. Tumikhim ito.

“Ma’am, may dumating po…”

“Hmmm… Sino daw?”

“H-hindi ko po natanong, Ma’am. Lalaki po eh.”

“Hmmm… sige, pupuntahan ko. Nasa terrace ba?” Tanong ni Sarah. Wala naman kasing kasunod ang kasambahay.

Tumango ang kasambahay. Buhat-buhat si Charlotte ay pinuntahan niya ang dumating. Ilang beses pa siyang napakurap nang makita si Cloud. May dala-dala itong maleta.

Sinundan siya ng asawa niya sa Pilipinas.

Bakit? Sa halip na batiin ang asawa, parang gusto niya itong tadtarin ng tanong. Kaya lang, naunahan na siya nito.

“Sino ang batang `yan?” Kunot na kunot ang noo ni Cloud habang nakatingin sa kanya at kay Charlotte.

Bago pa man makasagot si Sarah ay malakas na umiyak si Charlotte.

“Hush, hush. It’s okay…” Niyakap niya ang bata. Pero kahit halik-halikan pa niya nang paulit-ulit si Charlotte ay hindi pa rin ito tumatahan.

Napabuntong-hininga tuloy si Sarah. Tumingin siya kay Cloud. “You scared her…”

“Masama na ba ang magtanong?”

“Maybe your presence is…”

Nagkibit-balikat si Cloud. “I’m your husband, Sarah. Hindi maiiwasan na kung nasaan ka ay naroroon rin ang presensiya ko.”

“It was a surprise that you came here…”

“Isn’t girls love surprises?”

“Hmmm…”

Gusto nga siguro ni Sarah ng sorpresa. Pero hindi niya maiwasang isipin na sana ay dati pa naisip ni Cloud na gawin iyon.

Sa pagdating ni Cloud sa Pilipinas, pakiramdam ni Sarah ay bumigat na naman ang pakiramdam niya. Bakit ba kasi siya nito sinundan pa? Para ibalik sa buhay na ibinigay nito sa kanya?

Hindi na gustong balikan ni Sarah ang klase ng buhay na mayroon si Cloud. Pero hindi rin niya alam kung magtatagal ba siya sa pagiging matatag sa pagtanggi rito…

IRITANG-irita si Cloud. Sigurado siyang wala pa siyang isang oras na nakakatulog pero nagising na ulit siya. Kailangan niya ng tulog dahil sa mahabang biyahe niya. He was feeling a bit jet-lagged. Nairita rin siya nang makitang wala ang asawa sa tabi niya samantalang sigurado siya na na katabi niya ito sa pagtulog. Ganoon pa man, nasagot rin naman kaagad ang dahilan kung bakit wala ito. Nakarinig siya ng malakas na pag-iyak ng bata.

Charlotte…

Napaungol si Cloud. Sigurado siyang ang bata iyon. Paano ba naman kasi niya hindi makikilala samantalang simula nang dumating siya, iyak na nito ang maririnig sa buong bahay. Naiinis ang bata sa kanya sa hindi niya maintindihan na kadahilanan.

Siyempre, hindi rin maiwasan tuloy ni Cloud na mainis rin. Wala naman siyang masamang ginagawa sa bata. Isa pa, bakit naririto ulit ang batang iyon? Naikuwento na naman sa kanya ni Sarah na pinapaalagaan lang iyon rito ng tauhan ng mga ito sa farm. Alam rin niya na kinuha na ito kanina ng ama nito.

Inisip ni Cloud na hayaan na lang ang sitwasyon. Ipipikit na lang niya ang mata at matutulog ulit. Pero napakahirap gawin dahil malakas pa rin ang iyak ng bata. Napailing-iling na bumangon siya ng kama.

Mabilis naman na nakita ni Cloud si Sarah at ang bata sa sala. “What is happening?”

Nalukot ang mukha ni Sarah nang makita siya dahil lalo lang na nagwala ang bata. Nakagat naman ni Cloud ang ibabang labi. Nawala sa isip niyang ayaw nga pala sa kanya ng bata.

Pero bago pa man makakilos si Cloud, nasagot na rin ang tanong niya. Pumasok sa bahay si Herman---ang ama ni Charlotte at tauhan rin ng pamilya ni Sarah. May dala-dala itong isang kahon ng gatas. Dali-dali nitong pinagtimpla ng gatas ang anak. Tumigil sa pag-iyak si Charlotte nang mabigyan ng dede.

Nang pumikit ang bata, kinuha na ni Herman kay Sarah ang anak. Hinagod-hagod nito sa ulo ang bata. “Pasensya na kayo at nabulabog ko pa kayo, ha. Nakalimutan ko lang talaga kasi na bumili ng gatas ni Charlotte. Ubos na pala. Hindi ko naman siya maisama sa labas at mahamog at maligalig…”

“Okay lang. You and Charlotte are always welcome here,” Napakaganda ng ngiti ni Sarah. Hinalikan pa nito si Charlotte.

“Salamat…” Tumango si Herman. Tumingin ito sa kanya at kay Sarah. “O siya, paano? Babalik na ulit kami sa bahay…”

“Ihahatid ko na kayo,”

“Ha? `Wag na. Gabi na at napakalapit lang naman ng bahay…”

“Yeah, malapit nga lang kaya wala naman na mangyayaring masama,” Nag-umpisa ng maglakad si Sarah. Nagkibit-balikat si Herman at sinundan na rin ito.

Napakurap naman si Cloud at pagkatapos ay napakunot-noo. Bakit ganoon ang inasal ni Sarah? It seems like she cared too much about Herman and Charlotte. Pakiramdam niya ay may extra treatment ito sa mag-ama. Dati naman ay hindi ganoon kaalaga si Sarah kay Herman. Hindi rin niya ganoon maintindihan ang fondness nito kay Charlotte. Wala pa naman itong dalawang linggo sa Pilipinas para maging ganoon kalapit sa bata.

Pero habang naglalakad palayo ay lalo pang nagulo si Cloud. They look like a family. And somehow, Cloud feel threatened.

Masaya si Sarah sa Pilipinas dahil kay Charlotte. He should have known that her wife is really longing to have a baby. Iyon nga lang, ang pagkakaroon ng isang anak ay hindi naging kasing dali noong una. Ayon sa Doctor nila ay puwede pa rin naman sila na magkaroon ng anak ni Sarah. Pero dahil sa nangyaring komplikasyon sa panganganak ng asawa ay magiging mahirap iyon. Pinayuhan rin sila na huwag munang magkaanak isang taon pagkatapos ng pagkamatay ng anak nila.

Iniwan rin si Cloud ni Sarah dahil hindi niya kayang ibigay rito ang buhay na gusto nito---komportable. Pero si Herman ay may buhay na gusto ng kanyang asawa. Kung tutuusin, madali lang na ilapit ang loob ng mga ito sa isa’t isa, lalo na ngayong nalaman niyang patay na pala ang asawa nito. Naalala rin niya ang mga larawan na nakita niya sa Facebook ni Sarah kasama si Herman at si Charlotte. They look good and happy together.

Nagsunod-sunod ang what-if sa utak ni Cloud. Pero pinigilan niyang mag-isip ng mga problema. Ang kailangan niya ay maghanap ng solusyon.

Hindi hahayaan ni Cloud na tuluyan na talaga siyang iwan ng kanyang asawa.

ANG SABIHIN na nagulat ay kulang pa para mailarawan ang mukha ni Sarah nang makita si Cloud at ang kasama nito nang makabalik mula sa bayan. Wala nga siyang kamalay-malay na umalis ito. Nauna kasi itong gumising kaysa sa kanya. Nalaman niya lang na umalis ito dahil nagbilin naman ito sa kasambahay.

Ngumisi si Cloud nang makita siya. Lumapit ito at binigay ang dala-dalang beagle na aso. “Meet your new pet…”

Hindi tinanggap ni Sarah ang aso. “W-what the hell do you think you are doing?”

“Making you happy,” Hinagod-hagod ni Cloud ang ulo ng aso. “Ang cute niya `no?”

Napalunok si Sarah habang tinitigan ang aso. Cute nga iyon at parang nangangati rin ang kamay niya na buhatin at hawakan rin iyon. Mahilig siya sa aso. Pero bakit may dala itong aso?

“Did you buy this?”

Tumango si Cloud. “Alam kong nalungkot ka nang mawala si Richie. Now, you have another one…”

“Kung iniisip mong ang pagkakaroon ng aso ang solusyon para maging maayos ang relasyon natin, mas lalo mo lang iyong pinagulo.”

“I’m just trying to make you happy---“

“Pero magiging masaya ba talaga ako kapag alam kong puwede rin akong iwanan ng asong `yan kapag bumalik ako sa `yo?”

“So may balak kang bumalik?” Nagninining ang mata ng asawa.

Naglihis ng tingin si Sarah. “Hindi ko alam…”

Naguguluhan pa rin si Sarah sa nararamdaman. Bukod sa hindi pa rin sila nakakapag-usap nang maayos ng asawa niya. Sa tingin rin naman kasi niya, hindi niya gusto. Hindi pa siya handa.

Gusto niya muna ng buhay na wala si Cloud. Pero paano nga ba niya iyon magagawa ngayong sinundan siya ni Cloud?

Bumuntong-hininga si Cloud. Ibinaba nito ang aso at hinawakan ang kamay niya. “I don’t want you to go, Sarah. Kaya nga sinundan kita sa Pilipinas. I want you back. I need you in my life…”

Pagak na natawa si Sarah. “Nami-miss mo na ba na palaging may nag-aasikaso sa `yo? Hindi ka na sanay…”

Umiling si Cloud. “It was never like that, Sarah.”

Kinagat ni Sarah ang ibabang labi. Tinanggal niya ang kamay ni Cloud. “Ganoon ang nararamdaman ko…”

“I’m sorry then. Pero gusto kong malaman mo na hindi ako nanatili kasama mo dahil lang kailangan ko ng isang trophy wife. You were never like that for me. At ito ba talaga ang problema natin? Ang akala ko ay dahil nahihirapan ka na sa buhay na ibinibigay ko sa `yo dahil sa klase ng trabaho ko?”

“Hindi ko na alam, Cloud. Napapagod na ako sa buhay na iyon dahil hindi lang ang lugar ang hindi stable. It’s also the life of people that I have cared about. Palagi na lang na may nawawala. Palagi na lang may gulong nangyayari sa bawat bansa na pinupuntahan natin. At sa mga sitwasyon na iyon, palagi na lang na may nawawala sa akin. Gulong-gulo na ako.”

Bumuntong-hininga ulit si Cloud. Kinuha ulit nito ang kamay niya. “Naguguluhan na rin ako sa nangyayari, Sarah. Pero iisa lang ang sigurado ko sa sitwasyon na ito. Ayokong sumuko sa `yo. I will have you back no matter what…”

Sinalubong ni Sarah ang tingin ng asawa. His eyes look so sincere and serious she wanted to drown in it. Pero kagaya rin ni Cloud si Sarah: ayaw rin niyang sumuko. Kailangan niya pang mag-isip kung tama nga ba na balikan niya pa si Cloud samantalang mukhang hindi naman ito willing na mag-compromise sa gusto niya. Bumalik lang ito sa Pilipinas para suyuin siya. Pero walang pangako na ibibigay nito ang buhay na gusto niya.

Mali kung susuko si Sarah. Hindi niya gagawin.

O hindi pa…

NAPANGITI si Cloud nang makita si Sarah at ang asong binili niya na magkatabi sa kama nang makauwi siya. Parehong tulog na ang mga ito at close na close na. Halos nakayakap si Sarah sa aso. Mukhang hindi rin naman iyon alintana ng aso na payapa rin na natutulog. Nakasundo kaagad ito ni Sarah.

Hindi na naman kataka-taka ang eksena. Mahilig sa hayop ang asawa niya. Ganoon pa man, sa nakitang reaksyon ni Sarah nang dalhin niya ang aso, nagdalawang isip siya kung aalagaan ba nito ang aso. Hindi nito iyon gusto. Pero may mabuting loob talaga si Sarah. Hindi nito natiis ang aso at inalagaan rin.

Gumaan ang pakiramdam ni Cloud nang maisip na hindi rin siya matitiis ni Sarah. Ganoon pa man, ayaw niyang magpaka-kampante. Inosente ang asong dinala niya. Samantalang hindi siya. Alam niyang may mali rin siya sa relasyon nila.

Pinagaan na lang ni Cloud ang loob habang tinitigan si Sarah. She looks so peaceful while sleeping. Nawala ang gulong nararamdaman niya sa buong araw na wala siya sa bahay. Umalis siya dahil ramdam rin naman niyang iniiwasan siya ng asawa niya. Nasasaktan siya.

Sa pagtingin sa asawa ay lalo lang tumindi ang pakiramdam sa puso ni Cloud na ayaw niyang pakawalan ito. Hindi man niya gusto na manatili sa buhay niya si Sarah noon ay hindi niya kayang itanggi na masarap pa rin sa pakiramdam na kasama at makita ito. Kaya nga ito siya at binabalikan pa rin ang asawa kahit ito na ang kusa na umalis.

Kung sana nga lang ay madali lang siyang maiintindihan ng asawa. Pero hindi rin naman niya ito masisisi. Mahirap talaga ang trabaho at buhay na mayroon siya. Ganoon pa man, gusto niya iyon. Pangarap niya iyon. Ayaw rin niyang bitawan iyon.

Nawala lang ang pansin ni Cloud sa asawa nang tumunog ang cell phone niya. Nanigas siya nang makitang may e-mail siya mula sa private investigator na nakausap niya isang buwan na ang nakakalipas. Kinalma muna ni Cloud ang sarili bago binuksan ang e-mail.

Nang mabasa ang report ng private investigator, hindi maintindihan ni Cloud ang mararamdaman. Hindi siya makapag-decide kung good or bad news ba ang natanggap na balita.

She is safe…and alive.

Nakalagay sa report na hindi nakasama sa sunog na nangyari may isang buwan na ang nakakaraan ang taong pina-imbestigahan niya. Sa halip, may bagong buhay na ito---isang tahimik at simpleng buhay na nakakapagtaka para sa isang tao na kagaya nito.

Bakit ngayon mo lang naisip na magkaroon ng ganyang buhay nang wala na si Papa? Hindi maiwasan ni Cloud na magkaroon lalo ng pagtatampo kaya hindi niya masasabing magandang balita ang natanggap.

Gusto ng mag-move on ni Cloud. Gusto niyang maging maayos na ang buhay niya. He thought it is already okay and successful. But if he really is, bakit kailangang dumaan siya sa mga problema ngayon? Isang permanenteng problema kung hindi niya masosolusyunan kaagad.

Napapikit si Cloud. Totoo nga yatang ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan…

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.