Library
English
Chapters
Settings

4

Seven Years Ago…

HUMINGA muna nang malalim si Cloud bago pumasok sa coffee shop kung saan nila napagkasunduan ni Sarah na magkita. Bagaman buo na naman ang desisyon niya sa sitwasyon kung saan sila nalagay ngayon, hindi pa rin siya mapakali. Mailap sa kanya ang pagiging kalmado simula nang malaman niya ang consequence ng gabing pinagsaluhan nila ni Sarah.

Nabuntis niya si Sarah. Mahigit isang buwan na siyang nasa Algeria para sa bagong assignment niya nang maka-receive siya ng email rito tungkol roon.

Kung tutuusin, puwede naman nilang pag-usapan sa tawag ang lahat. Hindi na dapat siya nag-leave sa trabaho at bumalik sa Pilipinas para kausapin ito. But this is a sensitive case. Hindi rin niya alam kung paano niya sasabihin kay Sarah sa telepono ang sa tingin niya ay dapat na gawin nila sa sitwasyon. Ayaw niyang ma-misinterpret ito.

Nang makapasok si Cloud sa coffee shop ay nakita kaagad niya si Sarah. Mukhang matagal na ito roon dahil may pagkain na sa lamesa. The food is also for two.

“Hey,” bati niya rito.

Her cute chocolate colored eyes lighted when it met his. Sandaling natigilan pa siya lalo na nang kumibo ang kulay pink at cute na labi nito. Ngumiti ito. She looks so beautiful he is having a hard time to breathe.

“Hi…” may hiya sa boses na bati naman ito.

Tumikhim si Cloud para pakalmahin ang kanyang sarili. “I see you have ordered…”

Tumango si Sarah. “Hindi kita ma-contact habang umo-order ako kaya ako na ang bumili para sa `yo.”

“I’m the guy. I should be the one to be responsible for everything…”

Kiming ngumiti si Sarah. “Pero sa nangyari sa akin, dadagdagan ko ang responsibilidad mo…”

Napalunok si Cloud. Dapat ay alam na niyang aasa si Sarah na aakuin niya ang naggawa niya rito. She is a tamed, innocent girl. Ito rin ang babaeng alam niyang aasa sa isang happily ever after.

At ang pakikipaglapit rito ang pinakamalaking pagkakamali na naggawa ni Cloud.

But a beautiful mistake it has been…

Umupo muna si Cloud sa harap ni Sarah pagkatapos ay pinagmasdan ito. Maganda pa rin ito kagaya ng una niyang makita ito. Pero hindi niya maiwasang hindi pansinin na parang namumutla ang mukha nito. “Are you okay? How have you been these days?”

Tumingin si Sarah sa green tea at skyflakes na nasa harap nito. “Not so good. Tea, tubig at skyflakes lang ang kayang tanggapin ng katawan ko simula nang malaman ko ang kondisyon ko…”

Namutla rin si Cloud sa nalaman. “The pregnancy is not good for you…”

Tumango si Sarah. May ningning sa mga mata na tumingin ito sa tiyan. “But it’s okay. I can bear it,”

“S-so you wanted it?”

Nagsunod-sunod ang tango ni Sarah. Nangislap rin ang mata nito. “So much…”

Nawalan ng tubig ang lalamunan ni Cloud. Pinagpawisan siya. Paano niya sasabihin kay Sarah ang desisyon niya samantalang magkaiba pala sila ng pananaw?

Sarah was just twenty-one years old. A part of him had thought that she’ll be confused on the situation. Napakabata pa nito para magkaroon ng mabigat na responsibilidad kagaya ng anak. Pero mali pala siya. Gusto pala ni Sarah ang batang dinadala. Gustong-gusto.

“Alam na ba ng mga magulang mo ito?”

Umiling si Sarah. “Itinago ko muna sa kanila. Gusto kong malaman muna ang desisyon mo sa sitwasyon…”

“I-I---“ Ang bigat ng dibdib ni Cloud, lalo na at sinasalubong ni Sarah ang mga mata niya. Gusto niya ang liwanag at sayang nakikita sa mga mata nito ngayon. Kaya alam niyang mahihirapan siya kapag sinabi niya ang talagang gusto niya.

Hindi gustong panagutan ni Cloud ang anak nila. Hindi pa siya handa na magkaanak. Napaka-uncomfortable ng buhay at trabaho niya. He travelled a lot. How could he take care of a child?

But how could he break the heart of this young girl?

“Say it, Cloud. Anong gagawin natin?”

Huminga nang malalim si Cloud. “What do you want, Sarah?”

“To keep this child…”

“At ako? Do you want to demand marriage on this case?”

“I think every girl would want a man to marry her, lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Pero hindi kita pipilitin kung hindi mo naman gusto iyon, Cloud. I’ll be fine in my own, I-I think…” wika ni Sarah at mas lalong namutla pa ang mukha. Napahawak rin ito sa ulo na parang nahihilo.

Namutla at parang nahilo rin si Cloud sa nakitang anyo ng babae. Nang tumayo rin si Sarah habang hawak-hawak ang bibig ay napatayo rin siya. Sinundan niya si Sarah na nagpunta ng banyo at nagduwal ng tubig.

Nahihirapan si Sarah. And partly, kasalanan iyon ni Cloud. Kung hindi niya sana hinayaan na masira ang condom na ginamit niya nang gabing bumigay si Sarah sa kanya, hindi sana mangyayari ito.

Nakokonsensya si Cloud. Parang may sumasampal rin sa kanya ngayong nakikita niyang nahihirapan si Sarah. At kung sasabihin niya rito ang desisyon niya, siguradong mas mahihirapan ito at ayaw niya noon.

Sa nangyari ay may na-realize si Cloud: hindi niya kayang pabayaan si Sarah. Dahil ngayong nakikita niya si Sarah na naghihirap ay parang naghihirap na rin siya.

Sa isang iglap, nagbago ang desisyon ni Cloud. Kailangan niyang panagutan si Sarah at ang anak kahit labag iyon sa loob niya.

MONTHS had passed pero naninibago pa rin si Cloud kapag umuuwi siya ng bahay. Parang bago pa rin sa kanya ang makitang may sumasalubong at nag-aasikaso na sa kanya pagkatapos ng trabaho.

“Welcome home,” wika ni Sarah nang makitang nakapasok na siya ng bahay. Kagaya ng mga ginagawa nito sa nakalipas na buwan ay nilapitan siya nito at hinalikan. Tinanong rin nito kung kumusta ang araw niya.

Hindi kaagad nakasagot si Cloud at tinitigan ang asawa. Hindi niya maiwasang ipagkumpara ito sa asong mayroon siya noong bata pa lang siya. Parehong tuwing uuwi siya ay sumasalubong ito at tila sabik na sabik na makita siya pagkatapos ng mahabang araw.

At masasabi naman na may pagkakapareho talaga ang dalawa. Napilitan lang kasi siya noong kupkupin ang aso niya na iyon dahil iniwan ito ng kapitbahay nila. Naawa siya. Parang kagaya ng naramdaman niya sa ngayon ay asawa na niyang si Sarah. Naawa siya rito at hindi niya ito mapabayaan kaya pinakasalan niya ito.

Natanggap naman kaagad ng mga magulang ni Sarah ang nangyari. Ang importante sa mga ito ay pinanagutan niya ang anak ng mga ito. Naging maayos rin ang pagbubuntis ni Sarah kaya naggawa niya itong isama sa Algeria para sa assignment niya. Isa sa mga pribileheyo niya bilang diplomat ay ang maisama ang pamilya sa bansa kung nasaan ang assignment niya. It is also a diplomat’s wife responsibility is to accompany her husband whenever country he is posted or assigned.

Sa ngayon ay halos pitong buwan ng buntis si Sarah. Hindi kagaya noong una ay naging healthy na ang pagbubuntis nito. Nasa bahay rin ito palagi. Hindi na rin nito kinailangan na magtrabaho. Isa sa mga pribileheyo ng pagiging asawa ng isang diplomat ay kahit ito ay nagkakaroon rin ng allowance.

Sinagot ni Cloud ang asawa ng palagi niyang sagot sa tanong nito: okay lang. Tinanong naman niya ito ng kaparehong tanong nito.

Bumungisngis si Sarah. Mula sa likod na bulsa nito ay may kinuha ito. Ilang beses pa siyang napakurap nang makitang isa iyong sonogram.

“You had an ultra-sound today?”

Nagsunod-sunod na tumango si Sarah. Nang napakunot-noo naman siya ay kinagat nito ang ibabang labi. “Wala kasi akong maggawa kanina sa bahay kaya naisip kong lumabas. Napadaan rin ako sa ospital kaya naisip kong magpa-appointment na rin. Na-excite ako. I’m sorry…”

“All right. No need to say sorry. Hindi naman ako galit,” Ngumiti si Cloud. Bakit naman siya magagalit kung nabawasan ang responsibilidad niya? At least ngayon ay hindi na siya magde-dedicate pa ng araw na samahan ang asawa sa check-up nito.

“Talaga?”

Tumango si Cloud. Tumingin ulit siya sa larawan. “How is it? Alam mo na ba ang gender?”

“It’s a baby girl! I’m so happy…” Nagniningning ang mga mata ni Sarah.

“Hmmm…” Tinignan ni Cloud ang larawan at pinakiramdaman ang kanyang sarili. Masaya naman siya pero hindi niya masasabing kasing saya siya ni Sarah. Hindi pa siya handa na maging ama. Pero iniisip na lang niya na bagong experience rin siguro iyon. At nandiyan naman si Sarah. Hindi naman siya solo sa responsibilidad noon. Magiging maayos rin siguro ang lahat.

Kinuha ni Sarah ang larawan. Mula sa table ay may kinuha itong picture frame. Inilagay nito ang sonogram roon.

Na-weirduhan naman si Cloud. Sarah is trying to make the house they were staying right now like a home. Hindi naman dapat ganoon. The house will never be theirs. Ilang taon mula ngayon ay aalis na rin sila roon dahil sa trabaho niya.

Ganoon pa man, hinayaan ni Cloud ang asawa. Nagpunta siya sa dining room. Nakita niyang may mga nakahain na pagkain roon. It’s always like that. Sarah is a typical wife. She made sure everything is okay at the house.

“Kumain ka na. Baka gutom ka na,” wika ni Sarah na mabilis rin naman na nakasunod sa kanya.

Tinanggal ni Cloud ang tingin sa pagkain. Sa halip, tinignan niya si Sarah. Kahit malaki na ang umbok ng tiyan nito ay nanatili pa rin ito na maganda. He thinks pregnancy suits her. Nagbigay iyon ng glow rito.

Partikular na napatingin si Cloud sa labi ng asawa. It looks ripe for tasting. “Yeah. But I guess I’m really not hungry for food…”

“Hmmm…”

“I’m hungry for this…” wika ni Cloud saka dahan-dahang hinaplos ang braso ni Sarah. Sumunod naman sa kamay niya ang mga labi niyang dahan-dahan na umakyat sa mukha nito.

Napaungol si Sarah na nagpainit naman sa katawan ni Cloud. Nang suklian rin nito ang halik niya ay nawala siya sa sarili. Nilaliman niya ang halik na halos kagatin na niya ang mga labi nito.

“I want you…”

“I-I want you, too…” wika ni Sarah na siyang naging cue naman niya para dalhin ito sa kama. Doon ay dahan-dahan rin niyang tinanggal ang damit nito at ginawa rin naman nito ang kapareho.

They made love in the bed. When he climaxed, Sarah murmured. “I love you…”

Hindi iyon ang unang beses na narinig ni Cloud sa asawa ang mga salitang iyon. But everytime he hears it, he cringed. Gusto niya si Sarah pero hindi niya masasabing mahal talaga niya ito. Dahil kung talagang ganoon, hindi naman siya maasar sa sitwasyon kung saan siya nilagay nito `di ba? Tatanggapin niya nang buong-buo ang lahat. I-appreciate niya ito. Pero kahit malayo naman si Sarah sa isang asawa na talagang dapat kaasaran niya ay hindi niya maggawa.

Sarah is any man’s dream for a wife. Beautiful, sweet, loyal and caring. But still, he couldn’t try to let him love her for being like that.

May problema si Cloud sa sarili niya. Pero may pakiramdam siya na wala siyang balak na bigyan iyon ng solusyon…

NAPABUNTONG-HININGA si Cloud nang maalalang Lunes na naman pala bukas. Tapos na ang hiningi niyang leave sa trabaho para sa panganganak ni Sarah. Pero may pakiramdam siya na kailangan pa niyang i-extend iyon.

Sarah needs him. Nagkaroon ito ng bagong hobby simula nang manganak ito: ang matulala.

May mga signs of depression si Sarah nang malaman nitong namatay ang anak nila habang pinapanganak nito. She had a hard time labouring. Isa sa mga dahilan kaya nagkaganoon ang asawa niya ay dahil sa environmental factor. Nagkaroon kasi ng isang malaking kaguluhan sa lugar nila sa kabuwanan ni Sarah. Na-stress ito at ganoon rin ang anak nila. Fetal distress ang dahilan kung bakit namatay ito.

Masasabi ni Cloud na nalungkot rin naman siya dahil sa nangyari, lalo na at nakita niyang lubos na naapektuhan noon si Sarah. Hindi ito kumakain nang tama at kung hindi nakatulala, umiiyak ito.

Naibaba ni Cloud ang hawak niyang kalendaryo nang makitang pumunta si Sarah sa sala kung nasaan siya. Blangko ang ekspresyon ng mukhang tumingin ito sa kanya. Nilapitan niya ito at bahagyang hinilot ang balikat nito. Sinabi niya rito ang naisip na i-extend pa ang leave niya.

Kumurap-kurap si Sarah. “H-hindi na naman siguro kailangan. Kaya ko na siguro…”

“I don’t think so. Naiisip ko rin na dalhin ka sa isang espesyalista. Ano sa tingin mo?”

Naningkit ang mga mata ni Sarah. “Hindi ako baliw!”

Umiling si Cloud. “I don’t mean that. But look at you, Sarah. You’re a mess. Palagi ka na lang nakatulala at umiiyak. You’re not the Sarah that I know now…”

“Alam mo ang nangyari, Cloud. Mahirap para sa akin na tanggapin ang pagkawala ng anak natin. Ang sakit-sakit…” maiiyak na naman si Sarah.

Napatiim-bagang si Cloud. “At sa tingin mo ba ikatutuwa ng anak natin kung nakikita niyang sinisira mo ang sarili mo dahil sa pagkawala niya?”

Tuluyan ng napaiyak si Sarah. Umupo ito sa sala at kinuha ang picture frame na may laman ng sonogram ng anak nila. “Bakit mo ako iniwan? Bakit hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataon na mahawakan ka, ang makapiling ka? Aalagaan naman kita, eh. I’ll try to be the best mother for you. Bakit kailangan mong mawala?”

Parang may pumunit sa puso niya sa nakitang anyo ng asawa. Ganoon pa man, inagaw niya rito ang picture frame. Hindi niya puwedeng pairalin ang pagiging negatibo nito. She already had mourned a lot. “Tama na `yan…”

Tumingin si Sarah sa kanya. Hirap na hirap siyang salubungin ang nagniningning sa luha na mga mata nito.

“Ayoko ng iniiwan ako, Cloud. `Wag mo akong iwan…” Humagulgol ang asawa. Niyakap siya nito. Humilig ito sa dibdib niya.

Niyakap rin niya ang asawa. Hinalik-halikan niya ang buhok nito. “I won’t…”

“Hindi mo ako iiwan dahil mahal mo ako `di ba? Hindi lang siguro ako mahal ng anak natin kaya niya ako iniwan…”

“Sarah, don’t say that…”

“Dahil hindi ko makita ang dahilan kung bakit kailangan niyang iwanan ako…” Nakakadurog ng puso ang boses ni Sarah. Tiningala ulit siya nito sa nakakaawang mata. “Say you love me, Cloud. Say that you won’t leave me. My life will be nothing if you are going to leave me, too…”

Napalunok muna si Cloud. Pagkakamali si Sarah at ang anak nila `di ba? Ngayong wala na naman ang dahilan kung bakit kailangan nilang magsama, may pagkakataon na siya na iwan si Sarah at mamuhay na ulit na mag-isa kagaya ng gusto niya.

Pero nasasaktan si Sarah ngayon. Hindi niya puwedeng pairalin ang pagiging selfish niya. Pero higit sa lahat, nangako rin siya rito. Asawa na niya ito. They will be together in sickness and in health, for richer or for poorer.

Lumaki man si Cloud sa realidad na hindi naman lahat ng pangako ay natutupad, hindi ibig sabihin noon ay kailangang ganoon na lang ang gagawin niya habang buhay. Hindi na dapat niya ulitin ang pagkakamali ng mga magulang niya. Pananagutan niya pa rin si Sarah. Hindi niya iiwan ito.

“I’m here. I will always be here. And yes, I love you, Sarah. Hindi ka na dapat malungkot dahil hindi ka naman nag-iisa. I’m with you. We will get through this together…”

Tumigil ang pag-iyak ni Sarah. Sa unang pagkakataon rin ay nag-form ng concave shape ang labi nito. “Thank you, Cloud. Mahal na mahal rin kita…”

Napangiti rin si Cloud. It’s surprising that he felt good hearing and also saying those words.

ISANG linggo pagkatapos magdesisyon ni Cloud na samahan muna ang asawa ay parang nagsisisi na siya. Halos wala pa rin na pinagbago ang lagay ni Sarah. Madalas pa rin na umiiyak at natutulala ito.

Ginagawa naman ni Cloud ang halos lahat para maging maayos ito. Ipinayo sa kanya na huwag hayaan na mag-isa ang asawa at ilayo rin sa mga bagay na magpapaalala sa anak nila. Halos araw-araw ay inilalabas niya ito.

Pero hindi niya pa rin makita ang dating Sarah. Ngumingiti na naman ito pero makikita pa rin ang lungkot sa mga mata nito.

Nahihirapan na si Cloud kung paano pakikisamahan ang asawa niya. Alam niyang kailangan siya nito pero kailangan rin naman siya ng trabaho niya. Ilang beses na siyang tinatawagan ng boss niya at tinanong kung puwede na niyang tapusin ang leave niya. May mga problema rin sila sa trabaho na kailangang aksyunan. Bukod pa roon, hindi rin siya sanay na hindi nagtatrabaho. Naninibago siya. Kailan pa ba matatapos ang pagluluksa nito? Apektadong-apektado na siya.

Ngayong araw ay inilabas niya ulit ang asawa. Pumunta sila ng mall para manood ng sine. Isang english movie iyon pero nakasali sa isa mga scenes ang Pilipinas. Nagkomento tuloy si Sarah.

“Bigla ko tuloy na-miss ang Pilipinas…”

Hindi sumagot si Cloud. Napatingin lang siya kay Sarah at napaisip.

Bilang diplomat, malaki ang sinusuweldo niya. Kung gugustuhin ni Sarah o kahit siya man ay puwede silang magbakasyon kahit sa isang luxurious na lugar pa iyon. Sa ngayon, maiintindihan naman kung gugustuhin nito na magbakasyon sa ibang lugar.

May biglang pumasok sa isip ni Cloud ngayon sa kinomento ni Sarah. Miss ni Sarah ang Pilipinas kaya bakit hindi niya ito pagbigyan ng pagkakataon na mawala ang pagka-miss nito? Kapag nangyari iyon, makakawala rin siya mula sa kalungkutan nito. Makakawala siya sa responsibilidad na alagaan ito ngayong naghihirap ito.

Gustong mapapitik ni Cloud sa naisip. It is a brilliant idea. Ayaw niyang alisin ang responsibilidad niya kay Sarah. But somehow, he needed to think of himself, too. Kailangan niyang makalayo rito kahit sandali man lang, kahit maging okay na ito. Sa tingin naman niya, makakatulong rito ang pagbabakasyon. Nasa Pilipinas ang pamilya ni Sarah. Sigurado siyang aalagaan ito ng mga magulang nito. Mahal na mahal ng mga ito si Sarah. Magiging maayos ang asawa niya roon.

Naisip ni Cloud na sabihin ang ideya mamaya kapag nag-dinner na sila. Pero bago pa man sila makapili ng restaurant, may nakaagaw na ng atensyon ni Sarah. Napadaan sila sa isang pet shop at tumigil roon ang asawa. Matagal na tinitigan ng asawa ang binebentang mga ibon roon.

“They are lovely…”

Napakurap si Cloud nang makitang may malaking pagbabago sa mukha ng asawa habang nakatingin sa mga ibon. She looked happy. Sandaling nawala sa isip niya ang balak sanang sabihin rito at pinagmasdan na lang muna ang asawa. It touches his heart looking at her with a face like that.

Dumating rin sa wakas ang ekspresyon sa mukha na gustong-gusto niyang makita sa asawa.

“We’re selling it for a few dollars…” May lumapit sa kanilang sales lady. Nagkuwento rin ito tungkol sa ibon na tila interesadong-interesado ang kanyang asawa.

Napalunok naman si Cloud, lalo na nang tumingin sa kanya si Sarah at para bang sinasabi sa kanya na bilhin na niya ang ibon. Hindi siya mahilig sa ibon. But then, naalala niyang mahilig nga pala sa hayop ang kanyang asawa dahil lumaki ito sa farm.

Papasayahin ng ibon si Sarah. Pero kung bibilhin niya ang ibon, hindi niya ito mapapauwi sa Pilipinas.

Ganoon pa man, sinubukan pa rin ni Cloud na maging mabait na asawa. “You want to buy it?”

“Yes. Pero papayagan mo ba ako? Okay lang ba na mag-alaga ng ibon sa bahay?”

Hindi advisable, nasa isip ni Cloud. Alam na naman ni Sarah ang klase ng trabaho niya. Wala silang permanenteng bahay. Paano kung mabigyan siya ng posting sa lugar kung saan hindi magandang mag-alaga ng ibon?

Baka mamatay lang ang ibon. Masasaktan lang ulit ang asawa niya.

Pero kung tatanggihan niya ang asawa, ramdam niyang mas masasaktan ito. At ayaw niyang makita iyon. Hindi sa ngayon.

Sa huli ay napa-oo siya ng asawa na halos magtatalon naman sa tuwa. Sandaling nawala ang pag-aalinlangan niya lalo na at nahalikan rin siya nito dahil roon. Tinulungan niya ang asawa sa pagdadala ng ibon. Ni hindi na sila nakapag-dinner sa mall dahil gusto na ni Sarah na umuwi para sa mga bagong alaga. Nag-take out na lang sila ng pagkain pero halos hindi na rin kumain si Sarah dahil sa pagiging abala sa mga ibon.

Napaisip na naman si Cloud habang pinapanood ang asawa. Gusto niyang lumayo si Sarah. Pero bakit palagi na lang siyang nagkakaroon ng dahilan para hindi gawin iyon?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.