3
Present
NAMUTLA si Cloud nang makita ang asawa na nag-e-empake sa kuwarto. Dati naman ay normal na sa kanya ang makita si Sarah na abala sa pag-aayos ng gamit sa maleta. It was always her who made sure that he had everything packed. Pinagkakatiwalaan naman niya ito sa bagay na iyon dahil kahit minsan, hindi pa ito pumapalya. She always packed his things well. She always sure that everything is in place.
Pero hindi na ngayon. She was now leaving his place. Sariling gamit na ni Sarah ang ginagamit nito at alam niya kung bakit.
Iiwan na siya ng asawa.
Gumuhit ang sakit sa puso ni Cloud. Limang taon na rin silang kasal ng asawa. Hindi madali para sa kanya ang naging desisyon nito.
Lumunok muna si Cloud bago nagsalita sa asawa. “Sigurado ka na talaga,”
Nilingon siya ng asawa. Blangko ang ekspresyon nito. “Bukas na ang flight ko pabalik ng Pilipinas.”
“Pinagplanuhan mo talaga ito…”
“I think it’s about time. Sa loob ng limang taon ay hindi ako nakauwi sa Pilipinas ng dahil sa `yo...”
Bumuntong-hininga si Cloud. “All right. Ihahatid na lang kita,”
Umiling si Sarah. “Hindi ko na kailangan. Sanay naman na akong mag-isa…”
Parang may pumalo naman sa dibdib ni Cloud. Siya ang dahilan kung bakit nasanay ito. Sinanay niya itong maging mag-isa at iniiwan.
May dahilan si Cloud kaya naggawa niya ang mga iyon. Pero hindi niya puwedeng isumbat iyon sa asawa. He always had a choice. Pero ang palagi niyang pinipili ay ang nangunguna niyang priority: ang career niya.
Hindi naisip ni Cloud na may pakiramdam ang isang choice niya. Mas mahalaga dapat ito…
Pumikit si Cloud. Kinalma niya ang sarili pagkatapos ay bumuntong-hininga. “Just always take care,”
Tumalikod na si Cloud sa asawa kahit sa totoo lang, marami pa siyang gustong itanong rito. Gusto niyang makasigurado kung ano na nga ba ang mangyayari. Permanente na ba talaga itong iiwan siya? O naghahanap lang ito ng space? Babalik pa ba ito sa kanya?
At higit sa lahat: mahal pa rin ba siya nito?
Pero pinili ni Cloud na isaloob na lang ang lahat. Ayaw niyang marinig ang sagot ni Sarah dahil ayaw niyang harapin ang katotohanan. Alam na niya ang magiging sagot at masasaktan lang siya roon. Dahil sino nga ba ang magmamahal at magtitiyaga sa kanyang palaging sarili na lang ang iniisip?
Alam ni Cloud na siya ang pinaka-dapat sisihin sa nangyari. Siya dapat ang gumawa ng kilos. Pero hati ang loob niya. Ayaw niyang bitawan at iwanan si Sarah. Naging mahalaga na ito sa kanya. Nasanay na siya na nasa tabi na niya ito. Pero hindi rin niya kayang ipagpalit ang pinaka-iniingatan niyang career.
Hindi pa rin pinagbabago ng pag-aasawa ang takbo ng isip ni Cloud.
“MISS na miss na kita, Anak. Welcome back…” wika ng Mommy ni Sarah nang makarating siya ng bahay nila. Alam nito na babalik siya ngayon ng Pilipinas pero hindi na siya nagpasundo rito sa airport. Nagbiyahe na lang siya papunta ng Batangas. Ayaw na kasi niyang magpaabala sa ina lalo na at madaling araw ang arrival niya.
“Miss na miss ko na rin kayo, Mommy…” Halos maiyak si Sarah. Niyakap niya nang mahigpit ang ina. “I’m so happy to be back.”
“Nagulat ako sa desisyon mo. Ang akala ko ay kakalipat niyo lang ng bansa. Bakit umuwi ka naman bigla?”
Hindi nakasagot kaagad si Sarah. Sa totoo lang, nang ipaalam niya sa ina ang pag-uwi niya ay ilang beses na siyang tinanong ng Mommy niya nang tanong na iyon. Naging iwas lang siya. “G-gusto ko lang magbakasyon, Mommy. After all, pinapadala ngayon sa mga remote area si Cloud. Madalas na naiiwan ako sa bahay kaya sa tingin ko, makakabuti na umuwi muna ako…”
Pakiramdam ni Sarah ay nagsisinungaling siya. Bakasyon nga lang ba ang lahat samantalang ni hindi niya sigurado kung kailan siya babalik? Hindi niya alam kung babalik pa siya.
Pumunta si Sarah ng Pilipinas na hindi sigurado ang lahat. Pero kaya ganoon ay dahil parang wala rin naman na pakialam sa kanya ang asawa. Hindi ito nagtanong. Hindi nila nalinaw sa isa’t isa kung ano nga ba ang mangyayari dahil sa desisyon niya.
Pero sa ngayon ay parang hindi pa rin naman gusto ni Sarah na maging malinaw iyon. Iisa lang kasi ang nakikita niyang sagot: malabo na ang relasyon nila at tutuloy na iyon sa hiwalayan.
Napapagod na si Sarah sa buhay niya kasama si Cloud. But something in her heart says that she still don’t want him to let her go.
Kailangan lang siguro ni Sarah ng oras para makapag-isip kung ano na nga ba ang dapat niyang gawin. O kailangan niya ng oras para masigurado kung kaya na nga ba talaga niyang mawala ng tuluyan si Cloud sa piling niya…
“Hmmn… Sabagay, tama lang naman iyon. Ilang taon ka ng hindi umuuwi sa atin. Heck, simula nga pala ng mag-asawa ka ay ni hindi ka man lang nakauwi!”
Kiming ngumiti si Sarah. “Kaya nga, Mommy. I never had a chance. Kahit nang mawala si Daddy…”
Bumakas ang lungkot sa mga mata ng Mommy ni Sarah. Naalala naman ni Sarah ang mga sama ng loob niya at sakit. Hindi siya nakauwi nang mamatay ang Daddy niya dahil mayroong malaking Hurricane na tumama sa Canada kung saan naka-post noon si Cloud. It became a huge disaster. Cancelled ng halos isang linggo ang flights. Gusto ng Mommy niya na mailibing ang Daddy niya dahil nahihirapan ito sa pag-aasikaso sa burol. Hindi na siya nahintay pa. Nagdesisyon rin siyang hindi na lang din umuwi dahil sumabay rin ang ilang problema ni Cloud sa trabaho. Kailangan rin siya ng asawa.
Marami rin naman sana na chance si Sarah na umuwi. May mga bakasyon si Cloud sa trabaho. Pero sa tuwina, palagi na lang na nagkaka-aberya at hindi iyon natutuloy. She is always stuck with him and the uncomfortable and lonely life he is giving in. It sucks.
“Sige na nga. I am convinced. Pero sana ay magtagal ka rito, Anak. Nahihirapan na rin kasi ako rito sa farm. Simula nang mawala ang Daddy mo, parang puro problema na lang ang dumadating…” Nalungkot ang mukha ng Mommy niya.
Tumango si Sarah. “Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para maging maayos pa ang farm kaysa sa dati…”
Hindi naman na sikreto kay Sarah na simula nang mamatay ang Daddy niya ay nagkakaroon na ng problema sa farm. Hindi naman masisisi ni Sarah ang ina. Alam niyang wala naman itong interes doon. Siya ang may kakayahan sa pamilya nila dahil agriculture graduate siya at interesado rin siya sa pagma-manage ng farm. Kaya nga lang, wala naman siya sa tabi ng ina sa mga nakalipas na taon.
Tumango ang Mommy niya. “Salamat, Anak. Pero wala ka naman dapat na ikabahala talaga. Medyo napa-praning lang ako kasi nitong mga nakalipas, parang ang daming nagiging problema. Pero under control pa rin naman ang lahat dahil nandiyan pa rin naman si Herman…”
Nagningning ang mga mata ni Sarah nang mabanggit ang kababata niya. Naging kanang kamay ng Daddy niya ang ama ni Herman kaya sa farm rin nakatira ito at ang pamilya. Ito ang tinuturing niyang Kuya dahil may apat na taong gulang lang naman ang tanda nito sa kanya. Na-miss rin niya ito. Close sila noon bago pa man ito makapag-asawa. Nang mamatay rin ang ama nito may ilang taon na ang nakakaraan ay ito ang pumuwesto sa posisyon ng ama nito. Ito ngayon ang kanang kamay ng Mommy niya at halos namamahala sa farm.
“Kumusta na po si Herman, Mommy?”
“Mabuti naman,” mula sa likuran ni Sarah ay may nagsalita. Napalingon siya. It was the man he was just talking about.
“Hey, `di mo sinabi na nandyan ka pala…”
“Hindi ka rin naman kasi nagsabi na babalik ka na pala,” ngumisi ang lalaki at napakamot ng ulo. “Welcome home…”
Nilapitan siya ng kababata at niyakap. Sinuklian rin naman niya ang yakap nito at napangiti.
Pinaglipat ni Sarah ang tingin kay Herman at sa ina. Umiikot dati ang buhay niya kasama ang mga taong ito. It brings joy in her. Kasama na niya ang mga taong parte ng dating buhay niya.
Nakabalik na siya sa dating buhay niya---ang buhay na pangarap at gusto niya---isang simple at komportableng buhay.
Sarah is home indeed.
PARANG nagyelo ang buong katawan ni Sarah nang may marinig na iyak ng sanggol nang maggising siya. Pero sinubukan niyang kalmahin ang sarili niya, lalo na at lumipas ang dalawang minuto ay naroroon pa rin ang mga iyak. Lumabas siya ng kuwarto niya at nakitang aligaga sa pagpapatahan ang isang kasambahay nila sa sanggol.
“Ay Ma’am, good morning po. Pasensya na po kayo at mukhang naggising pa po kayo dahil sa baby na ito…”
Napalunok muna si Sarah bago nagsalita. “Anak niyo po?”
Umiling ang kasambahay. “Anak po ni Sir Herman. Hinabilin lang po sa akin ngayon dahil biglang naglayas `yung yaya kagabi. May kailangan po na asikasuhin si Sir na importante kaya hindi niya puwedeng isama ang bata at hindi pa rin po nakakahanap ng papalit na yaya…”
“Oh…” Napatingin si Sarah sa sanggol kahit may malaking bahagi niya ang nagsasabing huwag gawin. Everytime she looked at a baby, there’s a pain that burning inside her heart. Palagi niyang naalala ang anak na namatay.
Pero may kung anong humaplos sa puso niya nang magtama ang mga mata nila ng sanggol. Tumigil rin ito sa pag-iyak. Iginalaw nito ang ulo at ngumiti.
“Hala, Ma’am! Mukhang natutuwa siya sa inyo…” Tuwang-tuwa ang kasambahay. Inilapit nito sa kanya ang bata na winagayway naman ang mga kamay nito sa kanya. Mukhang nagpapabuhat ito sa kanya.
Napalunok ulit si Sarah. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kasambahay at sa bata. Aside from happiness, she could also see hope in their eyes. They both wanted her to be in charge.
Kinalma ni Sarah ang sarili at ginawa ang tingin niya ay sa tama. After all, hindi na naman dapat siya matakot. It’s been almost five years. Naka-move on na dapat siya.
Kinuha ni Sarah ang bata. Nanginig siya nang ilapit niya iyon sa kanyang dibdib. Pero hindi naman nagtagal ay gumaan rin ang pakiramdam niya. The baby was so soft and warm she wanted to cry now because of the joy.
Pero naunahan si Sarah na umiyak ang kasambahay. Napakunot ang noo niya. “Bakit?”
Pinahid ng kasambahay ang luha. “Natutuwa po ako para kay Charlotte, Ma’am. Simula po kasi nang mamatay ang Mama niya, hindi ko pa po `yan nakikita na ngumiti. Naging iyakin rin po `yan at hindi basta-basta napapatahan…”
“Oh…” Napatingin si Sarah sa batang pumikit na ngayon sa dibdib niya. Bumalik ang sakit sa puso niya. Pero sa pagkakataong iyon ay hindi na sa kanya o sa namatay niyang anak. It was for the baby she is now holding. Naawa siya sa bata.
Ngayon lang personal na nakita ni Sarah ang bata pero hindi na naman sikreto sa kanya ang mga nangyari rito at sa pamilya sa mga nakalipas na taon. Matagal-tagal na rin na mag-asawa sina Herman bago nabigyan ng anak. Sa pagkakaalam niya, naging mahirap ang pagbubuntis ng asawa nito. Iyon rin ang dahilan kung bakit ilang buwan pagkatapos makapanganak nito ay namatay ito. Nagkaroon ito ng mga komplikasyon ayon sa kuwento ng Mommy niya. Sa tingin niya, dahil rin sa trahedyang nangyari kay Herman kaya pakiramdam ng Mommy niya ay may problema sa farm. Baka napapabayaan rin ng lalaki ang farm. After all, hindi naman nga talaga madali ang mamatayan. Alam niya kung gaano iyon kasakit. Napakabata pa rin ng anak ng mga ito.
“Sige na po. Ako na ang mag-aalaga muna sa kanya,”
“Sige po, Ma’am,” pagpayag naman kaagad ng kasambahay. Umalis na ito.
Inihiga ni Sarah ang bata sa sala. Inaayos niya ang puwesto nito nang bumukas ang pinto. Si Herman iyon. Namilog ang mga mata nito.
“Pinatulog mo siya?”
Tumango si Sarah. Tumingin siya sa payapang natutulog na anak nito. “Ang cute pala ng anak mo,”
“Kamukhang-kamukha niya ang Mama niya `no?”
“Oo nga…” Tumingin siya kay Herman. Nakatingin ito ngayon sa anak. Na-amuse siya na sa kabila ng pagbanggit nito ng namatay na asawa ay may ningning pa rin sa mga mata nito habang nakatingin sa anak. He looks so proud.
It was a nice moment. Pero hindi napigilan na bumalik ang lungkot sa puso ni Sarah. Naisip niya kasi bigla si Cloud. Kung nabuhay kaya ang anak nila, titignan rin kaya ito ng ganoon ni Cloud? Maalagaan rin kaya ito nang maayos?
Kung ikaw nga ay hindi niya maalagaan ng ayos, paano pa ang anak niyo? Susot ng isang bahagi ng isip ni Sarah.
Tinanggal na lang ni Sarah sa utak ang naiisip. Pagkatapos ng lahat, magkakaiba naman ang ugali ng mga tao. Magkalayo ang ugali nina Herman at Cloud. Sadyang maalaga si Herman sa pamilya at sa mga tao sa paligid nito. Pamilya ang priority nito. Samantalang si Cloud ay isang career-man. Alam na naman niya iyon sa simula pa lang. Hindi dapat niya pinagkukumpara ang mga ito.
Pero sa mga naisip, hindi niya naiwasan na mag-isip ng mga “sana”…
“I THINK you need a break,”
Napakurap si Cloud nang magsalita ang katrabaho niyang si Joey. Tinapik nito ang likod niya at umupo sa tabi niya.
“I have observed you for days. You are always staring in the air. It seems like you have a problem. You couldn’t concentrate on our job here…”
“I-I just missed someone,” Napabuntong-hininga si Cloud. Wala siyang intensyon na sabihin sa katrabaho ang problema niya. Hindi naman kasi sila close. Isa pa, hindi rin siya ang tipo ng taong basta-basta nagsasabi ng problema kahit sa mga malalapit na tao sa kanya. Pero siguro ay hindi na rin talaga kaya ang bigat na nadarama. It’s been more than a week since Sarah left for the Philippines.
“Wife?”
Tumango siya.
“Contact her then…” Ibinigay pa nito ang phone sa kanya.
“I have ways, too…” Inilabas niya ang cell phone. Remote area man ang pinuntahan nila ngayon para sa isang refugee mission ay may mga parte pa rin na may signal roon. Isa sa mga parte kung nasaan sila ngayon ay may signal.
“Then do call her. I know our jobs kind of sucks because there were times we are away from our family. But what’s the use of technology, right? It makes our life easy. So don’t be so hard on yourself…”
Iniwan na si Cloud ng katrabaho. Naiwan na naman siyang mag-isa sa terrace ng bahay kung saan sila temporary na nakatira hanggang matapos ang mission. Tapos na ang oras ng trabaho nila ngayon kaya naman puwede na niyang gawin ang kahit ano man na gusto niya.
And so he tried doing what his colleague had suggested. But not directly. Binuksan niya ang Facebook account niya para makibalita sa asawa.
Halos wala siyang balita kay Sarah. Ang huling message niya pa rito ay noong tinanong niya ito kung nakarating na ba ito ng Pilipinas. She replied back but with only a cold answer of saying “yes”. Hindi na rin niya ni-reply-an ito pagkatapos.
Alam niyang may kailangan silang ayusin. Pero sa hindi maintindihan na dahilan, ayaw niyang harapin muna iyon sa ngayon. May isang bahaging nagsasabi sa kanya na huwag ng ayusin. Pagkatapos ng lahat, nahihirapan na rin naman siya. Sarah is becoming his weakness. Ito ang taong parang pumipigil sa kanya para sa mga bagay na dapat ay nasa priority niya.
Sa pagbukas ni Cloud ng Facebook niya ay mas lalo lang niyang kinaiinisan si Sarah. Unang bumungad sa kanya ang post nitong mga larawan. May hawak-hawak itong bata. Sa tingin niya ay mag-iisang taong gulang pa lang iyon. Sa ibang larawan ay may kasama rin ito---isang lalaki. Pamilyar sa kanya ang lalaki pero hindi niya maalala. Nakangiti ang halos lahat ng mga larawan.
Napatiim-bagang si Cloud. Bakit masaya si Sarah at hindi siya? Bakit hindi rin nito pinapaaalam ang ginagawa nito sa kanya? Gusto na ba talaga siya nitong iwanan? Siya lang ba ang in-denial sa sitwasyon nila?
Naasar si Cloud. Nasasaktan rin siya. Sa mga umahon na damdamin sa puso niya ngayon, tingin niya ay lalong hindi siya makakapagtrabaho ng maayos.
Mukhang tama nga ang suggestion ni Joey. He really need a break…or a break-up.
Napapikit si Cloud. Ilang beses na niyang naisip iyon. Pero bakit hindi niya nga ba magagawa-gawa?