2
NANLAKI ang mata ni Sarah nang makita kung saan siya dinala ni Cloud ngayong araw. Niyaya na naman siya nitong mag-date. They are in Tagaytay and in a horse farm. Parang gusto niyang magtatalon at yakapin sa tuwa si Cloud.
“I knew you would love here,” hindi pa man nakakapagsalita si Sarah ay nakapag-react na kaagad si Cloud. Nakangisi ito. “Mukhang ang saya-saya mo.”
“Marami rin kaming kabayo sa farm. I kind of missed them, too. Kaya masaya ako na dinala mo ako dito. Na-excite ulit ako na mangabayo…”
“Good. Hindi ako lumaki sa farm pero marunong naman ako sa ga kabayo. Isa sa mga nakasama ko sa last assignment ko ay mahilig sa kabayo. Madalas na niyaya niya ako na mangabayo kapag day-off namin kaya natuto rin ako…” nakangiting pagkukuwento ni Cloud. Inalalayan siya nito na makapunta sa stable para mamili ng kabayo na puwede nilang sakyan. Puwedeng mag-horse back riding sa lugar.
“This is Gabby. He’s the wildest horse we have here,” pagpapakilala ng staff. Bago sila pumili ng kabayo, nagtour muna sila ng staff sa stable.
“Hmmm… he looks tame to me,” napahawak si Sarah sa baba niya. Tinignan niya ang kabayo at hinawakan iyon. Hindi ito nagalit o inilayo man lang ang katawan sa kanya kaya feeling niya, tama naman siya ng hinala.
Hindi na hinintay pa ni Sarah ang sagot ng staff. Binuksan na niya mismo ang stable ng kabayo. Hinawakan niya iyon at inalalayan na makalabas ng stable.
Gulat na gulat ang dalawa niyang kasama sa ginawa niya. “Ma’am, hindi po siya puwedeng sakyan.”
Hindi pinakinggan ni Sarah ang staff. Nang makalabas sa stable ay sinakyan kaagad niya ang kabayo. Naging masunurin naman ito sa kanya kaya pinatakbo niya ito nang mabilis.
Mas gumaan ang pakiramdam ni Sarah nang mabilis na napatakbo na niya ang kabayo. Sanay kasi siya at mas gusto niya rin ang ganoon. Pakiramdam niya ay malaya siya. Madalas na ginagawa niya iyon sa farm nila.
Pero mabilis rin na naputol ang kalayaan ni Sarah nang may humarang sa harap niya. Pinatigil niya kaagad ang kabayo.
Bumaba ang humarang sa daanan ni Sarah. It was Cloud. Pulang-pula ang mukha nito. Kasunod nito ang staff na namumutla naman ang mukha.
“What the hell do you think you are doing?!” wika ni Cloud. Halos hilahin siya nito pababa ng kabayo.
“Nangangabayo…” Kumunot ang noo ni Sarah. “Anong problema mo?”
“Pero alam mong delikado ang kabayo na `yan!” Parang kaunti na lang ay lalabas na ang ugat sa leeg ni Cloud sa galit. “Napaka-pasaway mo! Paano kung naaksidente ka?”
“Hindi naman, ah.”
Napatiim bagang si Cloud. “At nakuha mo pang sumagot!”
Napayuko si Sarah. Para siyang bata na napagalitan. Pero may point rin naman si Cloud kaya tinanggap niya. Nakagat niya ang ibabang labi. “Sorry na…”
“Dapat lang…” Kinuha ni Cloud ang kamay niya. Inalalayan siya nitong sumakay sa kabayong dala nito. Sumakay siya sa likod nito. Sinabihan naman nito ang staff na ito na ang bahala sa kabayong kinuha niya.
“Hold on to me…” wika ni Cloud at pinayakap siya sa likod nito.
“Hmmm…”
“Do it,”
Noong una ay nag-aalinlangan si Sarah. Pakiramdam kasi niya ay malalagay na naman sa gulo. Being so close to Cloud made her heart race.
Pero na-realize rin naman ni Sarah na wala siyang dapat ikatakot. Nakakatakot man kasi ang kabog ng dibdib niya ay pinapasaya naman siya noon.
Mabagal na pinatakbo ni Cloud ang kabayo nang makarating sila sa stable. Inalalayan rin siya nitong bumaba kahit na iginiit niya na kaya na niya. Inilagay nito ang kamay sa balikat niya at bumuntong-hininga.
“Don’t do it again. Masyado mo akong tinakot…”
“Hindi naman kailangan. Alam mong mahilig ako sa kabayo. Marunong ako sa kabayo. Even my horse in our farm is the wildest one. I can tame it,”
Umiling si Cloud. “Basta `wag mo na ulit gagawin. Nag-alala talaga ako. For a second, I thought I would lose you and it scares me a lot. I don’t want to lose you…” wika ni Cloud saka hinalikan ang noo niya. He also hugged her tightly.
Hindi nakapagsalita si Sarah. She felt overwhelmed with the gesture. May na-realize rin siya sa mga ginawa nito sa kanya ngayon.
May nararamdaman rin si Cloud sa kanya. Dahil kung wala, hindi naman nito iisipin ang mga bagay na makakapagpasaya sa kanya `di ba? Hindi rin ito ganoong matatakot sa kanya. Pinapahalagahan siya nito.
May kumislot sa puso ni Sarah sa naisip. Kinilig siya.
Mukhang mali naman ng naiisip si Sarah na kung patuloy pa rin niyang i-entertain ang feelings kay Cloud ay masasaktan lang siya. Dahil ganoon nga ba kung mukhang pareho rin naman sila ng nararamdaman?
SOMETHING is wrong, nasa isip ni Sarah habang kasama si Cloud. Ang buong akala niya ay unti-unti na siyang naging komportable rito at ganoon rin naman ito sa kanya. Pero may kakaiba ngayong araw. Cloud feels so unease. Hindi rin ito masyadong nagsasalita.
Niyaya siya nito ng dinner ngayong gabi. Pero hindi niya ma-enjoy dahil parang wala naman itong gana. Sa loob-loob niya tuloy, sana hindi na lang ito nagyaya kung wala rin naman pala ito sa mood.
“I-I have something to say…” wika ni Cloud nang nakasakay na sila ng sasakyan bago siya nito ihatid sa bahay. May isang bahagi ni Sarah ang nagsasabi na dapat ay magdiwang siya. Sa wakas, magsasalita na si Cloud. Pero sa halip, parang kinabahan siya.
There was something scary on Cloud’s voice. Napalunok si Sarah. “Ano iyon?”
Huminga nang malalim si Cloud. “I’m afraid this will be the last time I will ask you out. Bukas na ang flight ko para sa susunod kong assignment…”
Nabalot ng lungkot ang puso ni Sarah. “P-pero babalik ka pa naman `di ba?”
“Yeah. But that would be after two or three years. Depende sa assignment. Depende rin kung trip kong magbakasyon sa Pilipinas.” Bumuntong-hininga ulit si Cloud. “Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin, Sarah?”
Nararamdaman na naman ni Sarah ang sinasabi ni Cloud. Pero dahil nasasaktan siya sa isipin na iyon, pinili niyang magbingi-bingihan. “Kakausapin mo pa rin naman ako `di ba? Marami namang ways para makapag-usap tayo kahit nasa malayo ka…”
“It could be a possibility. But I don’t want you to expect, Sarah. Madalas ay nailalagay ako sa mga missions kung saan walang signal. Mahirap makipag-communicate. Isa pang puwedeng maging problema ay ang time zone….”
Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan pa na maiyak ni Sarah. Niyakap niya si Cloud. “Ayokong umalis ka. Ayokong malayo sa `yo…”
“S-Sarah…”
Sarah could hear the pain in Cloud’s voice. Sigurado siya roon. Tiningala niya ito at nakita niyang malungkot rin ang mga mata nito. “I like you, Cloud. Kahit sandali pa lang tayo nagkakilala ay sigurado na ako roon. At sa tingin ko, kaya nasasaktan ako ngayong alam ko ng iiwan mo ako dahil nahuhulog na rin ang loob ko sa `yo. Ayokong iwanan mo ako…”
“Ayoko rin naman na iwanan ka. I also admit that I am starting to develop special feelings for you. Pero hindi ko kayang gawing priority ka, Sarah. My job is kind of uncomfortable. I’m always on the go. Wala akong stability na maibibigay sa `yo. Masasaktan lang kita sa huli kaya sa tingin ko, mas maganda kung tatapusin na natin ito ngayon…”
“Ayokong tapusin iyon…” Parang gustong magmakaawa ni Sarah kay Cloud. Tumingin ulit siya sa mata nito pero lalo lang siyang nasaktan nang makita ang lungkot sa mga iyon. Nasasaktan si Cloud kaya bakit kailangang iwanan siya nito?
Nagfocus siya sa ibang bahagi ng katawan ni Cloud. Napatingin siya sa labi nito. She felt a powerful urge inside her. She wanted to do something on those kissable lips.
Sinasabi na ni Cloud na iiwan na siya nito. Pero hindi pa naman tapos ang gabi `di ba? Marami pa siyang puwedeng gawin dito at i-explore… “Ayokong tapusin iyon habang hindi ko pa nakukuha ang lahat…”
Sa sinabi ay unti-unting inilapit ni Sarah ang labi sa labi ni Cloud. Aaminin niya na may pag-aalinlangan siyang nararamdaman noong una. Nasa tamang pag-iisip pa rin naman siya. Hindi dapat niya hinalikan si Cloud. Hindi, lalo na ngayong iiwan na siya nito.
But as the kiss goes on and Cloud started to return it, she realized kissing him is the only thing that is right. Pinapawala rin noon ang sakit na nararamdaman niya ngayon. She wanted it to go on and on until she is drunk on it.
“Y-you’re driving me crazy, Sarah…” wika ni Cloud sa pagitan ng pagpasok ng dila nito sa kanya.
“I couldn’t agree more. I like you, Cloud. I think I love you and I want you…”
Umungol si Cloud---isang ungol na nakapagpainit lalo ng katawan ni Sarah. Next thing she knew, Cloud is already kissing her in the neck and downwards. And all she remembers is she loving it, too…
Ipinikit ni Sarah ang kanyang mga mata. Kung ano man ang gagawin nila ni Cloud ngayon, sigurado siya na iyon ay isang bagay na hinding-hindi niya pagsisihan…