1
Dear Reader,
Thank you for reading The Diplomat's Wife. I hope you'll enjoy the story!
Disclaimer: This is an unedited copy. Sorry for the wrong grammar/spellings. This is entirely fiction. Any resemblance to any person, living or dead, businesses, companies, events, and others are entirely coincidental.
Teaser:
Sa una pa lang ay alam na ni Sarah na hindi siya kayang gawin na priority ng napupusuan na si Cloud. Pero isang aksidente ang naging dahilan para magkalapit at makasal silang dalawa.
Tuluyang nagbago ang buhay ni Sarah. Limang taong buhay mag-asawa, apat na tao at hayop na iniwan siya at tatlong bansa ang nakapagpabago sa isip niya na isang malaking pagkakamali na pumayag siya sa pagbabago. Iniwan niya ang asawang hindi kayang ibigay ang comfort at stability na siyang kailangan niya.
Pero hindi basta-basta na pumayag si Cloud. Sinuyo siya nito. Papayag ba ang napapagod ng puso niya?
PROLOGUE
“I’M SORRY for your loss…”
Sarah was out of words to say anything more to the man who helped her. Tumango na lang siya at nag-abot ng pera sa matanda. Tumanggi ito. “No need for that. Have a good day…”
Iniwan na siya ng matanda. Pero gaano man kagusto na iwanan ni Sarah sa isip niya ang sinasabi nito na good day, hindi niya magagawa. Paano siya magkakaroon ng good day ngayong namatayan na naman siya?
Napapikit si Sarah. She tried to cover her tears. Nakakahiya kung makikita siya ng mga tao na umiiyak. Malayo-layo rin ang lugar na napuntahan niya para maipalibing ang aso niyang si Richie. Kailangan niyang maglakad pauwi.
Pero kailangan pa nga ba? Parang mas gusto na lang niyang manatili rito sa lugar kung nasaan si Richie. Gusto na rin niyang malibing. Gusto na niyang mamatay. After all, halos lahat naman ng mga mahahalaga sa kanya ay nagaya na rin kay Richie. Sino pa ba ang mangangailangan sa kanya? Ano pa ba ang purpose niya sa mundo?
Kailangan ka pa ng asawa mo… susot ng isang bahagi ng utak ni Sarah. Siguro nga. Pero sa anong purpose? Para maging alila nito? Para maging escort palagi nito? Pagod na siyang maging isang mabutng asawa.
Kailangan si Sarah ng asawa niya sa paraang hindi niya gusto. Mabuti pa nga siguro na mamatay na siya. Wala na siyang magandang pakinabang sa mundo. Wala ng nagiging direksyon ang buhay niya.
Hindi na ito ang iilang beses na pumasok sa utak ni Sarah ang mga ganoong bagay. Pero kagaya ng dati, inalis rin niya iyon sa utak. Umuwi pa rin siya ng bahay kahit na ba ang hirap-hirap.
Wala na naman siyang kasama sa bahay na hindi naman niya matatawag na kanya. It was called house but never a home. A home is a place where you are comfortable with. Pero paano ba siya makokomportable sa isang bahay na alam niyang sa susunod na mga taon ay iiwan rin niya?
Inabala na lang ni Sarah ang sarili niya sa pagla-laptop. After all, wala naman talaga siyang gagawin. She’s just a plain, boring wife of a diplomat. Wala siyang trabaho dahil hindi siya allowed. Isa pa, paano ba siya makakapagtrabaho samantalang hindi naman sila permanente sa lugar kung nasaan sila ngayon? Two years from now, Cloud will be assigned in another country. Mahirap para sa kanya na makahanap ng trabaho, lalo na at hindi rin naman iyon sariling bansa nila.
Pero sa ginawa ni Sarah ay parang mas lalo lang siyang nalungkot. Nakita niya ang mga larawan ng asong si Richie. The dog had just been with her for a year. Pero kahit ganoon, napakasakit ng pagkawala nito. Minahal niya ito at itinuring na niyang pamilya. Ito ang kasa-kasama niya sa mga malulungkot na araw na nasa ibang bansa siya at halos lahat ay parang estranghero sa kanya.
Naisip ni Sarah na i-print ang mga larawan ng aso. Pero pinahihirapan lang pala niya ang sarili. Dahil sa pagpi-print ng mga larawan ay napatingin na naman siya sa mga naunang larawan na pr-in-int rin niya para ma-display sa bahay. Madalas siyang naglalagay ng mga larawan ng mga taong mahahalaga sa kanya para lagi niyang maalala ang mga ito. Ganoon rin siyempre para ma-feel niya na kasama niya ang mga ito.
Hindi naiwasan ni Sarah na mapatingin sa mga larawan. Lahat ng mga iyon ay mga lumisan na sa mundo---ang Daddy niya, ang alaga niyang love birds, ang mga hayop nila sa farm. Pero ang pinakamasakit sa lahat ay ang nag-iisang naiibang larawan roon. It was a black and white photo. Naiiba rin iyon dahil iyon ang isang taong naging mahalaga sa kanya pero ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na mahawakan…
Ang anak niya…
Limang taon ng nagtitiis si Sarah sa buhay na kasama si Cloud. And everything is going down hill. Sa limang taon, sa halip na may makuha siya ay palagi na lang siyang nawawalan.
Matagal-tagal rin na nakatitig si Sarah sa table nang marinig na may kumatok sa pinto. Napatingin siya sa orasan. It was almost eight o’clock in the evening. Iyon ang oras na sinabi ng asawa na makakauwi ito.
Kinalma ni Sarah ang sarili. Yes, she lost someone today. Pero naroroon pa rin naman si Cloud. Magiging maayos rin ang lahat.
Inasikaso ni Sarah si Cloud. Their evening went the usual. Inihanda niya ang pagkain nito habang binabasa nito ang hindi nito natapos na diyaryo kaninang umaga. Sabay silang kumain ng dinner.
“Hey, I have to leave next week. Kailangan kong magpunta sa isang remote village due to some work.” Wika ni Cloud sa kalagitnaan ng dinner nila.
Natigilan sa pagkain si Sarah. “G-gaano katagal?”
“For about two weeks or so. Hindi ko sigurado. Hindi ko rin nga siguro kung matatawagan kita araw-araw. Ang balita ay walang signal sa lugar na iyon…”
Parang may pumukpok sa puso ni Sarah. Pati pala ang asawa niya ay mawawala rin sa kanya.
Nadagdagan ang disappointment sa puso ni Sarah. Hindi na tuloy niya napigilan na mapaiyak.
Kumunot ang noo ni Cloud. “What happened?”
“A-ayokong umalis ka. Ayokong may umalis ulit.”
“Ulit?”
Tumingin si Sarah sa pakainan ni Richie. “You didn’t notice Richie is not here anymore…”
Natigilan si Cloud.. “Nasabihan na naman tayo ng Doctor tungkol sa kalagayan niya.”
“Alam ko. Pero ang sakit-sakit pa rin…” Naiiyak na si Sarah.
Napabuntong-hininga si Cloud. “I am ready. I thought you were, too. But I understand. I’m sorry…”
Niyakap siya ni Cloud. Madalas na pinapakalma siya ng yakap nito. Palaging iniisip niya na ang yakap ni Cloud ang tanging kailangan lang niya para kumalma siya.
Masasabi ni Sarah na malayo ang salitang comfort sa buhay na mayroon sila ng asawa niya. It was all due to Cloud’s job. Isang diplomat ang asawa niya. His main responsibility is to represent their country in terms of international relations. Dahil roon, pinapadala ito palagi sa ibang bansa. Isang priviledge ng trabaho nito ang makasama ang asawa at ang pamilya nito sa bansa kung saan ito naka-assign.
Walang permanenteng lugar ang trabaho ni Cloud. Kadalasan, pagkatapos ng dalawa o tatlong taon ay nag-iiba ng assignment ito. Wala silang permanente na bahay. It was so uncomfortable.
Pero mahal ni Sarah ang asawa. Komportable siya na makasama ito.
Kaya lang, sa pagdaan ng mga buwan ay nararamdaman niyang nag-iiba na iyon…
“I-if we have stayed in Canada, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.”
Noong isang buwan pa nila pinatingin si Richie sa Veterinarian dahil nagiging malungkutin ito. Bihira lang itong kumain. The dog is diagnosed with depression. Nanibago ito sa paglipat nila ng bansa nitong isang buwan lang rin.
They tried to do treatments. Pero walang kahit anong nakapagpabalik sa sigla ni Richie.
Bumuntong-hininga si Cloud. “But we can’t do anything. We have to accept what country they would assign me in. Hindi na tayo puwedeng bumalik pa sa Canada.”
“A-at hindi na rin natin maibabalik ang buhay ni Richie…” Tiningala ni Sarah ang asawa. “Pero hindi pa naman huli ang lahat para sa `yo, Babe. `Wag ka ng umalis, please. I need you. Ayokong maiwan na mag-isa rito…”
Umiling ito. “You know my job. We’re married and living together for years. Dapat ay sanay ka ng hindi tayo palaging nagkakasama. May mga pagkakataon na pinapadala ako sa mga ganitong missions. Minsan ay delikado iyon. Hindi kita puwedeng isama. Kailangan mong maiwan dito sa bahay.”
“This life sucks. It’s very uncomfortable...”
“Sarah…”
“Naiinis na ako. Wala ng stability ang lahat. Pati buhay ng mga minamahal ko, hindi na rin stable. At ngayon, hindi na nga atin ang lugar, pakiramdam ko ay ganoon rin ang asawa ko…”
“Calm down, Sarah. Pag-uusapan na naman ba natin ito?” Parang naiinis na rin si Cloud. “In starting, you know that this is the life I can offer to you. This career is my very first priority…”
Napatitig si Sarah sa asawa. “Pero pagod na ako…”
Tumango si Cloud. “Let’s sleep early then. Siguro ay dala rin ito ng lungkot sa pagkawala ni Richie.”
Umiling si Sarah. “It’s not about physically, Cloud. Ang ibig sabihin ay pagod na ako sa buhay ko. Pagod na ako sa `yo…”
Napaawang ang bibig ni Cloud. Hindi nito inaasahan na sasabihin niya iyon. But neither is she.
Naging mabait na asawa siya kay Cloud sa loob ng limang taon. May mga naging problema sila. Pero lahat ng mga iyon ay nasosolusyunan rin.
Kaya lang, madalas ay dahil siya mismo ang nag-a-adjust. Nakakapagod na. Hindi ito ang buhay na pinangarap niya. Pero nagtiis siya dahil mahal niya ang asawa niya.
But a big part of her is asking if she really do anymore. Pagod na siya. Napakarami ng nawala dahil sa buhay na ibinibigay sa kanya ni Cloud.
She wanted her old life back.
She is done being a wife. She is done being the good, diplomat’s wife.
CHAPTER ONE
Five Years Ago
NAKAGAT ni Sarah ang ibabang labi nang makalabas siya sa designated niyang kuwarto sa resort. Ang buong akala niya, nakakahiya na ang suot niyang one piece swimsuit na pinatungan niya pa ng malong. She felt so bold, daring and revealing. Pero walang-wala pala iyon sa mga suot ng mga kaibigan ng pinsan niyang si Stella.
Birthday ngayon ng pinsan ni Sarah na si Stella. Ginanap iyon sa malaki at sikat na hotel and resort sa Maynila. It was a huge swimming party.
Pero pakiramdam ni Sarah ay mas nagmukha siyang nasa bar. Paano, mas nangingibabaw ang alak at sigarilyo sa party. There’s also a loud music playing. May DJ rin na pinagkakaguluhan ng mga babae.
Gusto ko ng umuwi… nasa isip-isip ni Sarah ilang minuto pa lang siyang nakakalabas ng kuwarto. Hindi ganito ang buhay na kinasanayan niya.
Hindi rin ginusto ni Sarah na pumunta ng Maynila. Masaya at kontento na siya sa tahimik na buhay niya at ng pamilya sa maliit na farm nila sa Batangas. Pero dahil eighteenth birthday ng nag-iisang pinsan niya, kinailangan na lumuwas siya para dumalo. Ayaw man rin kasi niya, siya lang rin ang representative ng pamilya niya. Nagkasakit kasi ang Mommy niya samantalang abala naman ang Daddy niya sa trabaho sa farm. Nagkasakit rin kasi ang ilan sa mga hayop sa farm nila.
Si Sarah lang ang puwedeng dumalo sa pamilya niya. Nag-iisang anak lang rin kasi siya. Bukod pa sa napakatagal na siyang iniimbitahan ng Tita Sonia na magbakasyon sa Maynila. Siya lang rin kasi ang nag-iisang pamangkin nito. Bukod sa party ng pinsan, magtatagal pa siya sa Maynila sa loob ng dalawang linggo.
Kaya nga lang, hindi rin naman siya maasikaso ng Tita Sonia niya at ganoon rin ang Tito Gilbert niya. Abala rin ang mga ito sa pag-aasikaso ng ibang bisita. Nag-iisang anak lang rin si Stella kaya ito lang ang puwede sana niyang makasama. Pero siyempre, mas abala pa ito kaysa sa Tita at Tito niya. Parehong patay na naman ang Lolo at Lola niya at wala na rin siyang iba pang kamag-anak sa event.
She is alone in a crowd she doesn’t want to belong to. Nagpa-panic ang introvert self niya. Hindi siya sanay sa pakikipagsosyalan, lalo na sa mga ganitong ka-liberating na mga tao.
Mag-e-enjoy ba siya na mag-isa? A big part of her wanted to go back to the room. Pero kinumbinsi niya ang sarili niya.
At least, try to socialize for just half an hour. Kapag feeling bad ka pa rin, saka ka na umalis.
Kailangang i-conquer rin ni Sarah ang takot niya. After all, hindi na siya bumabata. Kung gusto rin niyang pamunuan ang farm na pagmamay-ari nila ay kailangan niyang matutunan na humalibolo sa mga tao. She has to entertain clients in the future. Hindi siya dapat matakot sa mga tao.
Lumunok si Sarah. She tried to walk for a while. Pero lalo yata siyang na-insecure nang makita na wala man lang pumapansin sa kanya. Sabagay, bakit pa nga naman siya umaasa? Napaka-simpleng babae lang niya. Hindi talaga siya papansinin dahil hindi rin naman nakakaagaw ng atensyon ang suot at figure niya.
Napayuko na lang tuloy si Sarah nang makitang wala na talaga siyang pag-asa na maging masaya kahit papaano sa event na ito. She felt so out-of-place. Nagdesisyon na siyang bumalik sa kuwarto niya.
Pero mukhang may ayaw pang patapusin ang masamang gabi na iyon para sa kanya. Bago pa man maggawa ang gusto at sa tingin niya ay makakabuti para sa kanya, nagkita sila ni kamalasan. May nabunggo siyang lalaki dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya.
“I-I’m sorry…” Nagkandautal si Sarah habang sinasabi iyon sa nabunggo. Out-of-place na nga siya, ang clumsy pa niya! Kainis!
Nataranta si Sarah. Pero parang mas nataranta pa siya nang mapatingala siya sa taong nabunggo. It was a man.
A very handsome man…
Ilang beses na napakurap si Sarah nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Pakiramdam niya ay nakita niya ang pinakamagandang mata na nakita niya sa buong buhay niya. Kulay chocolate ang mga iyon at tila nilalamon siya nang gulat na gulat namang tingin nito sa kanya. His nose is also big yet high and his lips look so red. His face is perfect.
He is perfect.
At imperfect ka, clumsy girl, susot ng isang bahagi ng utak niya. Napalunok siya nang maalala ang nangyari. Nakagat rin niya ang ibabang labi. Napapahiya siya at gusto niyang mapayuko. But while doing so, lalo lang siyang napahiya nang makitang may mantsa sa damit nito.
Sarah’s eyes widened in horror nang mapansin na may mantsa ang damit nito. Noon lang niya napansin na may hawak pala itong kopita ng alak. Dahil sa pagkakabangga niya rito, natapon iyon. “I-I’m really sorry.”
Naghahanap si Sarah ng panyo sa bulsa niya. Pero naalala niyang wala nga pala siyang bulsa. At sino ba naman ang magdadala ng panyo sa isang swimming party? Ang laki niyang shunga.
“Shit,”
“That’s nothing,” Ibinaba ng lalaki ang kopita ng alak. Tinanggal rin nito ang sando na suot nito. Hinubad nito ang sando sa harap niya.
Mas lalong nataranta tuloy si Sarah. Napasinghap siya nang makitang ang fit na katawan nito. Ito rin yata ang unang beses na nakakita siya ng ganoon kagandang katawan.
Pulang-pula ang mukha ni Sarah. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito sa mga lalaki. Hindi siya mabilis na ma-attract. Lalo ng hindi siya marunong magnasa. Inosente siya. After all, twenty one years old lang siya at laking probinsya pa. Pero binabago ng lalaking ito ang pakiramdam niya at pananaw sa buhay.
Sino ba ang lalaking ito? Wala namang naikukuwento sa akin na may model na kaibigan si Stella.
Mukhang model ang lalaki sa guwapo ng mukha at ganda ng katawan nito. But she kind of doubted it. Hindi niya masasabing close sila ni Stella. Pero madaldal ang pinsan niya tuwing nagkikita o nagkakasama sila. Halos lahat ay kinukuwento nito, lalo na ang mga lalaki. May pagka-playgirl at party girl kasi ang pinsan niya.
“May mantsa rin ang malong mo. I think, you should also remove it…” wika ng lalaki, tumitingin sa bandang dibdib niya.
Mas lalong namula si Sarah. Bakit naman sa lahat ng mamantsahan na bahagi niya, sa may dibdib pa? Nailang siya sa tingin ng lalaki. “Ha? N-no, I’m fine…”
“Shy?”
Nakagat ulit ni Sarah ang ibabang labi. “Yes…”
“Hmmm.. I see.” Tumikhim ang lalaki. Kinuha nito ang kopita ng alak na ibinaba kanina. “I’ll just see you around…”
“S-see you…” wika ni Sarah at nakagat ang ibabang labi. Nagdalawang isip tuloy siya kung susundin pa ang unang desisyon niya. Parang gusto pa yata niyang makihalubilo para makita ang lalaking ito.
But then, sinunod ni Sarah ang matinong bahagi ng utak niya. She is a tame woman. Hindi dapat siya makihalubilo sa lalaking ito. Hindi man kasi niya ito kilala ay pakiamdam niya, hindi siya puwedeng mapalapit rito. May masamang pakiramdam na siya rito.
He made her heart feel in so much trouble.
“SIGURADO ka ba na `yan talaga ang isusuot mo?” Nakataas ang isang kilay na wika ni Stella kay Sarah. Tinignan rin siya nito mula ulo hanggang paa. Nailang tuloy siya.
Nakagat ni Sarah ang ibabang labi. “M-may mali ba? Disente naman ito, ah.”
“Ang promdi mo masyado, couz!” Parang nandidiri ang tingin nito sa may kahabaan ang manggas at may collar na pang-itaas. Nagterno rin siya ng mahabang palda roon at flat na sandals. “Nakakahiya kay Cloud,”
Kumunot ang noo ni Sarah. “Sinong Cloud? `Di ba Ryder ang pangalan ng boyfriend mo?”
Nagningning ang mga mata ni Stella nang mabanggit ang boyfriend. “Yeah. But Cloud is Ryder’s best friend. Makakasama natin siya ngayon…”
“Hmmm…”
Hindi maintindihan ni Sarah kung ano ba ang dapat niyang maramdaman. Masaya naman siya na ngayong araw ay may gagawin siya at may pakialam ang pinsan niya sa kanya. Niyaya siya nitong lumabas kasama ang boyfriend nito. Bored na siya sa bahay kaya pumayag siya.
Nagkaroon ng importanteng lakad sa Cebu ang Tita Sonia niya at ang asawa nito kaya naiwan lang siya kay Stella at sa bahay. Nagkasakit kasi bigla ang kapatid ng Tito Gilbert niya na nakatira roon. Gustuhin man niya na bumalik sa Batangas ay hindi naman siya masusundo ng Daddy niya pa sa ngayon dahil busy pa rin ito. Kawawa rin si Stella dahil maiiwan itong mag-isa sa bahay. Nagtiis na lang siya. After all, nakilala na rin naman niya ang boyfriend ng pinsan. Mabait naman ito. Sinigurado rin siya ni Stella na hindi naman siya ma-out-of-place kapag sumama siya sa mga ito.
Pero iyon naman pala ay may isa pa silang kasama. At ewan ba niya pero may masama siyang pakiramdam na ganoon pala ang magiging sitwasyon nila.
Nagtitiwala naman siya sa pinsan na hindi siya pababayaan nito. Pero siyempre, madalas pa rin na aasikasuhin nito ang boyfriend kaysa sa kanya. Mukhang baliw na baliw pa naman ito sa lalaki. At paano siya? Baka iwanan siya nito kasama ang sinasabing kaibigan ni Ryder. Kung ganoon, mas gusto niyang mag-isa na lang!
Pero nang makita kung sino ang Cloud na tinutukoy ng pinsan ay nagbago ang pananaw ni Sarah. Si Cloud ay ang lalaking nabangga niya sa party!
Pinakilala siya ng pinsan niya kay Cloud. Best friend pala ito ng boyfriend ni Stella.
“Hello. It’s nice to meet you again,” nakangiting wika ng lalaki na malinaw na nakilala siya.
Namula si Sarah. “S-same…”
“Uy, magkakilala na pala kayo. Paano?!” nanunudyo ang boses ng pinsan. Ngingisi-ngisi rin ito habang nakatingin sa namumulang pisngi niya.
Ikinuwento ni Cloud kung paano sila nagkakilala.
“N-nakakahiya…”
Natawa ang pinsan niya. “So ikaw pala ang dahilan kung bakit napa-hubad ng sando itong si Cloud at nagdiwang lahat ng bisita kong babae at bakla. Mas marami pa yata ang natanggap na papuri itong si Cloud kaysa sa akin.”
Napakamot ng ulo si Cloud. “Don’t give me so much credit, Stella. Baka magselos si Ryder,”
Hinalikan ni Stella si Ryder. “Of course not. Guwapo ka, oo. Pero mahal ko si Ryder…”
“Mas mahal kita, Babe…” wika ni Ryder at hinalikan si Stella. Her cousin kissed him back. Nagtagal rin ang halik na iyon. Naging oblivious ang dalawa sa paligid.
Pareho silang napalihis ng tingin ni Cloud. Nailang sila. “Tara na nga,”
Natatawang sumunod rin ang dalawa. Nagpunta sila sa isang malaking mall sa may Quezon City. Nag-lunch sila at pagkatapos ay nanood ng sine. Sikat ang pelikula at babago pa lang na showing kaya marami ang nanood. Nahirapan silang makahanap na upuan. Puro dalawahan o isahan na lang ang natitira. Walang apat na magkakatabi.
“Monthsary naman namin ngayon, couz. Baka puwedeng pagbigyan mo na kami ang magkasama ni Ryder sa seat?” pakiusap ni Stella sa kanya.
“Ha? Sure, no problem…” wika ni Sarah pero pakiramdam niya ay nagsisinungaling siya. Ibig sabihin lang noon, sila ang magkakasama ni Cloud sa pang-dalawahang upuan na nakita nila kanina.
Pero wala na rin naman na choice si Sarah. Sumama na lang siya kay Cloud. Ang lakas ng tibok ng puso niya nang alalayan siya nito sa pag-upo. Pakiramdam niya, nagde-date tuloy sila ng lalaki.
Walang kahit sinong lalaki pa ang nakaka-date ni Sarah. Masyado kasi siyang subsob sa pag-aaral na hindi na niya nabibigyang pansin ang mga lalaking nagpapalipad-hangin sa kanya. Bukod pa roon, natural na mahiyain siya.
“Natatakot ka ba sa akin?” wika ni Cloud nang makaupo sila.
“Ha? Hindi. Bakit naman ako matatakot?”
“You felt unease…” Kinuha ni Cloud ang kamay niya. Hindi pa nagsisimula ang pelikula kaya may ilaw pa. Malinaw na nakita niya ang nakakunot noong reaksyon nito. “Nanginginig ka rin…”
“N-nilalamig ako,” Kasinungalingan ulit iyon. Pero ano ba ang sasabihin niya kay Cloud? That her knees felt jelly and she can feel electricity on her veins when he is around? Napaka-weird noon. Ano ang iisipin nito sa kanya? Kahit nga siya ay naguguluhan sa sarili niya.
“Let me warm it then…” Pinisil ni Cloud ang kamay niya. She gasped a little.
“Nagustuhan mo ba?”
Nakagat ni Sarah ang ibabang labi. Kung alam mo lang…
Cloud’s touch gives heated flares into her body.
“Don’t do that…”
“A-ano?”
“You biting your lips. I feel like you are seducing me to bite it, too…”
Nanlaki ang mga mata ni Sarah. Seryoso ba ito? But the glimpse in his eyes says so.
At ang puso naman niya ay parang may sinasabi rin nang makita niya ang mapulang labi rin ni Cloud. She wanted to bite it, too…
Hindi niya pa ganoong kilala si Cloud pero ginugulo na siya nito. Haay naku, ano na nga ba ang nangyayari sa kanya?
PAKIRAMDAM ni Sarah ay hindi na nga niya alam ang nangyayari sa sarili niya sa mga sumunod na araw. Nakita na lang rin kasi niya ang sarili niya na pumayag na makipag-date kasama si Cloud. Alam ng pinsan niyang si Stella ang nangyayari at suportado naman siya nito.
“Jackpot ka diyan kay Cloud, cousin! Guwapo, matalino at mabait rin naman `yan. I wish you both all the best,” Kinindatan pa siya ng pinsan. Ito rin ang nag-ayos sa kanya sa date nilang dalawa ni Cloud ngayon. Hindi pa rin nakakabalik ang Tita niya sa bahay kaya kay Stella lang nagpaalam si Sarah.
Nginitian ni Sarah ang pinsan. Saktong dumating naman si Cloud para sunduin siya ngayon sa date nila. Nanood sila ng isang sikat na theatre play. Hindi siya mahilig manood ng ganoon pero na-enjoy rin naman niya iyon, lalo na at nakita niyang nag-enjoy rin si Cloud. Sabi nito sa kanya ay mahilig daw talaga itong manood ng mga theatre play.
Pagkatapos manood ng theatre play ay niyaya siya nitong mag-coffee. Nag-usap sila roon.
“So, Sarah, ano nga palang ginagawa mo sa buhay? Like job? I feel a bit awkward. Ngayon ko lang kasi na-realize na niyaya kitang mag-date pero hindi pa kita ganoon kakilala…”
“Sa totoo lang, first date ko ito. But isn’t dates should be for spending time?”
“And to spend time and feel the presence of course,” Nginitian siya ni Cloud. “Pero seryoso, first date mo ito?”
Nahihiyang tumango si Sarah.
“Why look shy? It’s feels like a priviledge to me…” Hinawakan ni Cloud ang kamay niya. Hinalikan rin nito iyon. “I’m glad to be your first date, Sarah. Pero mas ikakatuwa ko kung marami pa akong malalaman sa `yo…”
“Hmmm… Kaka-graduate ko lang ng college sa kursong Agriculture. Inaaral ko ngayon kung paano pag-aralan ang pamamalakad ng farm namin.”
“You own a farm?”
“My family. Actually, nakatira rin kami roon. It’s located in Batangas. Nagbabakasyon lang ako ngayon sa bahay nila Stella.”
Tumango-tango si Cloud. “I see…”
“Ikaw ba?”
“I’m twenty eight years old so matagal-tagal na rin akong graduate. I’m a diplomat so I worked in different countries. Naka-bakasyon lang ako ngayon kaya ako nandito sa Pilipinas.”
Napakurap si Sarah. “Wow. Ngayon lang ako nakakilala ng may trabaho na kagaya mo. What is it like?”
May ningning sa mga mata ni Cloud habang nagkukuwento. “It’s very good. I get to travel in a lot of countries, I discovered and experience a lot of culture, I got to have a priviledge life. Marami akong mataas na taong nakikilala dahil sa trabaho ko at maganda rin naman ang suweldo.”
“That seems so cool. Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataon na makagala sa buong mundo…”
Tumango si Cloud. “That’s why I really love my job. Hindi ko yata kayang ipagpalit kahit sa ibang bagay ang tungkol roon. It’s always my first priority,”
Napatango na lang rin si Sarah. Natutuwa naman siya sa naging kuwento ni Cloud lalo na at nakikita niyang masaya rin naman ito habang nagkukuwento. Pero ewan ba niya pero parang may lungkot rin siyang naramdaman. Sa narinig kasi, parang walang nakikita si Cloud kundi ang career nito. Parang wala itong balak na magpapasok ng kahit ano o sino pa man sa buhay nito.
Paano naman ang ibang bagay `di ba? Paano siya?
Alam ni Sarah na hindi dapat siya mag-isip ng kung ano sa inaasal sa kanya ni Cloud ngayon. Maraming klase ng date. Paano kung kaya lang naman siya niyaya ni Cloud ng date ay dahil gusto siya nitong magkaibigan?
Nalulungkot si Sarah sa isipin na iyon. Iyong mga pakiramdam kasi na binibigay sa kanya ni Cloud, malayo sa mga nararamdaman niya sa isang kaibigan. Nagugustuhan na niya ang lalaki.
Ganoon pa man, alam rin naman ni Sarah na mali iyon. Simpleng buhay lang ang buhay na gusto niya. Samantalang si Cloud ay nabibilang sa isang marangyang mundo. Hindi niya alam kung kaya niyang makibagay roon.
Hindi na dapat palaguin pa ni Sarah ang nararamdaman niya kay Cloud. Masasaktan lang siya.
Pero ang malaking tanong: kaya ba niya kung parang ramdam niyang unti-unti na nitong binibihag ang kanyang puso?