Chapter 2
Kabanata2
Lawrence Saavedra
Nag init ang dalawang pisngi ko sa gigil nang makabawi.
"Hoy Mr. Mayabang, ako pa ngayon, eh ikaw itong nag o-overtake at biglang hihinto! At Isa pa hindi ako run away bride noh." I whispered to him and looked away.
Tumikim muna ito bago nag salita. "Mukang wala namang damage yang kotse mo, unless gusto mong magpa bayad, di kaya? he said in his baritone voice.
"Abat!" Sasagot pa sana ako pero biglang lumapit samin ang isang traffic enforcer.
"Ah mawalang galang na nga po, may problema ho ba dito?" tanong ng lalaking naka uniporme na nag labas pang tiketa niya saamin.
"No.. nothing. Were just having small talk," he confidently said, two hands are now inside his pants pocket.
"Kung ganoon po ay baka pwedeng tumabi muna kayo dahil nakaka abala na kayo sa daloy ng trapiko." naiinip niyang sinabi, nakita ko pang sinipat ako nito nang tingin.
"It's okay, I have a meeting to attend to, and I'm late, so I'll better be going." bago may inabot sa enforcer, then he turned his eyes at me before he shrugged his shoulder.
"Ikaw naman miss, baka ma-late kapa sa kasal mo? Aba sayang ang gown at make-up mo kung tatakbuhan mo lang, ikaw rin!" The enforcer bluntly said. Tatawa-tawang pa ito saakin matapos ay pailing-iling na umalis.
"Really?" Naka ngiwi ang labi ko sa kanya dahil sa kanyang tinuran.
Pinaharurot naman ng antipatikong lalaki ang sasakyan niya, matapos ay nilabas pa ang kamay sa bintana para kumaway..
"Fuck you, bastard!" Sigaw ko sa paalis na kotse, wala na akong nagawa kundi bumalik nalang sa loob ng sasakyan bago ito paandaring muli.
"May araw ka din saakin mayabang na lalaki ka!" Gigil kong sabi.
Minabuti ko na lang na umuwe sa condo ko para doon ibuhos ang sama nang loob. Agad kong hinubad ang gown na kanina ko pa suot. May pait rin na gumuhit sa mga labi ko bago ko ito itapon sa basurahan.
Pumasok ako sa banyo at hinayaan kong umagos ang tubig na nagmumula sa dusta. Kasabay noon ang pag-agos ng masaganang luha na kanina ko pa pinipigilan. Isang oras akong nakaganon sa banyo, habang nakaupo bago ko maisipang umahon na at mag bihis..
Para akong papel na walang gana. Wala rin akong nararamdamn ngayon dahil manhid na yata ang puso ko sa sakit.
Dahan-dahan kong hiniga ang aking katawan sa kama at inisip ang nanyare kanina sa Simbahan, dahilan para pumatak muli ang luha sa mga mata ko.
Napa bangon ako nang marinig ang pag katok ni Mommy sa pinto nang aking Condo. "Margaux, anak buksan mo ito!" tawag niya saakin pero bumalik lamang ako sa pagkakahiga at hindi sila pinansin, maging si Cindy ay naki katok narin para ako kausapin.
"Bestie may I talk to you? please open this damn door!" halatang paos na ang boses nito kaka sigaw.
Hanggang sa mawala ang ingay sa labas, marahil ay nanawa na sila oh piniling bigyan ako nang oras para mapag-isa.
Ilang oras din ang ginugol ko sa pag-iyak bago ako hilahin ng antok at naka tulog.