Chapter 3
Kabanata 3
Heartbreak
Nagising ako sa sikat ng araw na dumarampi sa aking pisngi. Nakatulogan ko palang bukas ang bintana ng aking kwarto.
Bumangon na ako, naligo at nag bihis, hinanda ko ang sarili sa pagpasok sa opisin kahit pa nag leave ako para sa wedding na hindi naman natuloy.
"Good morning po ma'am!" Bati sa 'kin ng Isang empleyadong babae nang makapasok ng building. Tinanguan ko lang siya at dumiretso na sa loob.
"Margaux, bakit pumasok kana? Dapat nagpahinga ka muna." Bakas ang gulat sa boses ni Karen na siya kong secretary. Parang kapatid ko na siya kung ituring kaya hindi na iba ito kung makipag-usap sa akin.
"Karen, maloloka ako kung mag mumukmok lang ako sa condo ko, besides madaming gagawin dito ngayon at mag ha-holidays nanaman," sambit ko na hindi man lang lumilingon, nakasuot rin ako ng sunglasses kaya 'di niya pansin ang namumugto kong mata.
"Talaga bang ayos ka lang?" nag-aalalang tanong nito. Ngumiti lang ako sa kanya na tinanggal ang suot na sunglasses bago humarap sa mga papeles sa lamesa.
"Margaux, kung kailangan mo ng kausap, wag kang mag atubiling tawagin ako," saad nito sa concern na tinig.
"I'm okay Karen, ayoko nalang munang pag-usapan ang mga nangyari, gusto ko munang mapag-isa, I'll call you when I needed something," wika ko sa kanya bago bumalik sa aking ginagawa.
"Okey," she softly said, Tumalikod na ito palabas ng pinto.
Inumpisahan ko na ang trabaho. Ayokong mabakante ang utak ko kahit sandali. Hanggang sa tumunog ang itercom sa aking lamesa na siya kong sinagot.
"Lester is on the line, you wanna talk?" ani Karen sa kabilang linya.
Umakyat ang dugo ko sa ulo nang marinig ang pangalan niya.
"I'll talk to him." Agad kong pinindot ang enter button.
"Hello?" Nagsalita ito sa kabilang linya, ngunit hindi ako sumasagot, paano'y hinihiwa ang puso ko ng marinig ko ang tinig niya.
"Margaux, baka pwede tayong mag-usap, please?" he begged.
Wala pa rin akong sagot sa kabilang linya, napansin ko nalang na tumutulo na pala ang aking mga luha..
"Baby, I love you.. alam kong alam mo yan. May bigla lang kasing nangyari, and I couldn't make it to our wedding. Please, I need to talk to you." Nag mamakaawang tinig nito.
"Babe?" bigkas pa nito.
Humugot muna akong ng malalim na buntong hininga bago magsalita. "Okay, mag-usap tayo pagkatapos ng office hour." Matapos ay mabilis kong binaba ang tawag.
Alam kong marami pa kaming dapat pag-usapan at sa tingin ko ito na ang tamang oras para gawin iyon.
Mabilis lumipas ang oras, ginawa kong busy ang aking sarili sa maghapon. Hanggang sumapit ang six o'clock.
"It's Lester again." Karen said on the line.
Pinindot ko na agad ang enter button,"Hello?"
"I'm in outside your office." He started.
"Okay, bababa na ako."
Hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa, 'di kagaya dati na pag susunduin niya ako sa trabaho ay todo lipstick pa ako pero ngayon kahit powder hindi ako naglagay.
Paglabas ko ay nakita ko agad siyang nakasandal sa kotse nito. Tumahip ng malakas ang dibdib ko buhat nang makita ito.
He is wearing a white V-neck T-shirt at bleach jeans and his rubber shoes. Mukha itong bagong paligo na tila nakalimutan yata mag-shave at mukhang wala pang tulog dahil sa lalim ng eyebugs sa mata. Pansin ko ring may hawak itong sigarilyo. Sa kabila noon gwapo pa rin itong tingnan. Marami pa ring babae ang napapalingon dito.
Nang lingonin ako nito ay agad niyang tinapon ang sigarilyong hawak at sinalubong ako. Hahalikan na sana ako nito sa pisngi ko pero mabilis akong umiwas
"Ano paba ang pag-uusapan natin?" I said in frustration.
"I want to talk to you, In some other place," aniya sa mababang tono, giniya pa niya ako papasok ng kaniyang kotse pero mariin akong tumanggi.
"No thanks, I'll better use my car." saad ko. Pumayag naman ito at nag patiuna na sa kaniyang sasakyan.
Huminto kami sa isang restaurant. "What do you want to eat?" tanong niya, nang makaupo kami.
"Tubig lang ako." I answered, kahit kanina pa kumukulo ang tiyan ko sa gutom ay pinili kong tumanggi, ayoko na kasing magtagal pa dito na kasama s'ya.
"Marg–baby." Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa lamesa.
"Don't you dare call me that fucking endearment!" Madiin kong sabi at hinila ang ang aking mga kamay bago humalikipkip dito.
"Look Margaux, I'm sorry for what I did, hindi ko ginusto na hindi kita sipotin sa kasal natin."
"Talaga?!" I smirk and eyed him enflame.
"Yes, the truth is, may nangyari lang talaga na hindi ko inaasahan." He then looked away.
"Then what? God Lester, wala akong ma-apuhap na dahilan para umatras ka sa kasal natin, you knew that we both wanted this since I've said yes to you. After what we had been for almost three years ganito mo lang tinapon yon ha?!" Tumaas na'ng bahagya ang boses ko dito.
"I know, but believe me, I really want to spend the rest of my life with you.. Napapaos nitong sinabi saka muling kinuha ang kamay ko matapos ay hinalikan..
Tinitigan ko ito ng maigi. Gwapo pa rin siya sa ganoong angulo. May malamlam na mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Mala-adonis kung titingnan mo. Hindi na ko magtataka kung sa unang pag kikita palang namin ay nabighani na niya ako, pero biglang napalitan ng kirot ang puso ko. Ayokong umiyak sa harapan niya ngunit gusto nang tumulo ng mga luha ko ano mang sandali..
"Please tell me Les, what happened between us? nasaan na ang pangako mong 'di ako sasaktan? bakit mo ako pina-asa sa wala? Pati mga magulang natin sinaktan mo sa ginawa mo!" Hindi ko na talaga napigilang pumatak na ang mga luha sa mga mata ko.
"Sssh, please don't cry, babe." Pinunasan nito ang mga luha ko.
"Stop it bullshit!" Hinawi ko sa kamay niya, dahilan para makakuha na kami ng atensyon ng ibang customer na kumakain.
"Please baby, just give me more chance, maayos ko rin itong napasukan ko." he begged again.
"Kung ano man ang dahilan kung bakit hindi ka sumipot sa kasal natin ay ayoko nang malaman, I guess this will be the end for the both of us, tutal hindi na rin naman natin maibabalik pa sa dati ang lahat dahil sinira mo na!" I marked my word, bago tumayo at labasin ang naturang restaurant.
"Margaux!" Hinabol ako nito palabas at nang maabutan ay hinawakan nito ng mahigpit ang braso ko..
"Let go of me!" Marahas kong hablot sa aking braso.
"No, Margaux, hindi pa tayo tapos mag-usap, pumasok ka ulit sa loob, please.." Pag mamakaawa niya na tila naoobusan na ng pasensya.
"Wow! Gusto mong sundin kita? there's nothing between us Lester! We're through. So stop acting like we were!" May diin kong sinabi.
"Hindi ako papayag na iwan mo ko, humihingi lang ako saiyo ng konting panahon para maayos ko itong gulong napasok ko, and believe me after this, kahit saang simbahan papakasalan kita, please baby." His voice is now gentle pero hindi iyon sapat para ma-antig ang puso ko.
Isang malakas na sampal ang pinalipad ko sa pisngi niya na alam kong nag pawindang sa kanya ng todo.
"Fuck you! Hindi ako aso na pwede mong iwan kung saan at babalikan mo kung kailan mo gusto!" Hinihingal na sigaw ko sa kanya, tila nagulat ito sa ginawa ko na hawak ang pisnging nasaktan.
"You are my first love, my first boyfriend and I want to spend the rest of my life with.." Patuloy kong sabi, wala akong pake kung pagtinginan man kami ng mga tao sa labas ng restaurant.
"Binigay ko saiyo ang lahat pati ang buong buhay ko, pero hindi pa pala sapat ang lahat ng iyon! Ang sakit lang dahil ikaw ang una kong minahal pero ikaw rin pala ang unang wawasak sa akin." I painfully said.
Tears seep down on my face. Labis kong pinag sisihan ang pag-iyak ko sa harapan niya kaya mabilis ko itong pinahid bago tumalikod para takbohin ang aking sasakyan.
Hindi ko na kailangan pang tingnan ang naging reaksyon niya dahil mabilis ko nang pinaharurot ang sasakyan paalis.