Library
English
Chapters
Settings

Chapter 1

Kabanata 1

Runaway Groom

Pinagsalikop ko ang aking mga palad sa loob ng bridal car. Hindi rin mawala ang kaba sa aking dibdib habang naghihintay.

Mataman naman akong nakatingin sa mga tao sa simbahan na nag-aabang habang tila nagkakagulo. Kunot noo ko silang tiningnan bago umiling.

Mayamaya pa ay lumapit ang aking Mommy Letizia sa limousine na sinasakyan ko na bakas ang pagkabalisa.

"Hija, anak!" Tawag nito sa pagitan ng mga katok sa bintana ng kotse. I slowly pulled down the window for her.

"Mommy, ano po'ng nangyayari?" My brows furrowed together.

Tila hindi naman ito mapakali at lumingon-lingon sa paligid. Doon na ako kinabahan, umayos ng upo at muling nagsalita.

"Mom!" I raised my voice and started panicking. May kaba nang bumalot sa kabuoan ko dahil sa pagkabalisa niya.

"Hija, wala pa kasi si Lester dapat ay kanina pa siya nandito, mag-iisang oras na siyang late," she calmly said.

"Baka lang po na-raffic lang siya o baka nasiraan?" I said, trying to convinced her. Pinili kong maging kalmado pero abo't abot na rin ang kabang nararamdaman ng puso.

"Subukan ko pong tawagan." I quickly said and nervously fished the phone at my clutch bag, ngunit nakapatay na ang cellphone nito.

Nabitiwan kong bigla ang phone ko at agad na lumabas ng sasakyan. Wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa loob ng simbahan. Ayokong isiping gagawin niya ito pero iyon agad ang pumasok sa isip ko.

Hindi siya darating!

Agad akong lumapit sa mama ni Lester at mahigpit itong niyakap.

"Ma, hindi ko po makontak si Les, baka po na traffic siya o baka nasiraan?" I said, between my rapidly breathing. Ginagap nito ang dalawang kamay ko na tila sing-lamig ng yelo.

Umiling-iling ako dahil ayokong isipin na may nangyaring masama sa kanya.

"Naku, hija kanina pa rin namin hindi ma-contact ang cellphone niya." Tila hihimatayin na sabi ng kaniyang Ina.

"He can't do this to us Maricar, hindi niya tayo pwedeng ipahiya sa mga tao dito!" Galit na sambit ni Don Simon, ang papa ni Lester.

Lalong lumakas ang tibok ng aking dibdib, patakbo kong nilabas ang simbahan na umaasang makikita siya.

"Hija, saan ka pupunta?" Habol sa akin ng aking mommy.

"No, panaginip lang ito." I whispered, mariin kong pinikit ang mga mata at kinurot ang braso sa pag-aakalang panaginip lang ang lahat.

Bigla ang namuo ang mga luha sa aking mata, and suddenly my eyes burst into cry. Pakiramdam ko ay bumagsak sa akin ang langit at lupa.

"Sabi mo mahal mo ako?! nasaan ka na?! Bakit mo ginawa ito?!" Malakas kong sigaw na alam kong rinig pati sa loob ng simbahan.

Agad naman lumapit sa akin si Cindy ang matalik kong kaibigan. Niyakap niya ako ng mahigpit at umiiyak na rin tulad ko. Kong 'di pa niya ako hawak ay baka tumumba na ako sa sobra-sobra kong emosyon.

"Margaux huminahon ka, baka na late lang talaga siya, kilala natin si Lester hindi niya magagawa ito saiyo," wika ni Cindy habang hinahagod ang likod ko.

Mabilis ang ginawa kong paglingon dito, habang sunud-sunod naman ang kaniyang pag-iling.

"Where's your key?" Mabilis akong nagpahid ng luha matapos ay inilahad sa kanya ang aking palad.

"Just wait a little more minute, baka dumating pa siya," she Insisted, tila hindi nawawalan ng pag-asang darating pa si Lester.

"Ibigay mo sa akin ang susi mo!" I shouted. Nakita kong napabuntong hininga ito bago muling nagsalita.

"Sa lagay mo ngayon siguradong hindi ka makakapag drive ng maayos, I will drive you home." Mahinahon niyang sinabi sa akin.

"Just give me your fucking key!" Malakas at madiin kong sigaw sa kanya. Tila nabigla ito sa tinuran ko at napa-awang nalang ang labi sa akin.

Maya maya pa ay inabot niya ang susi habang nasa mga mata ang matinding kaba.

"Margaux, anak!" My dad called me. Sinulyapan ko lang siya bago ako tumakbo patungo sa kotse ni Cindy. Nakita ko pa silang tumatakbo at hinahabol ako pero pinaharurot ko na ang sasakyan paalis.

"I'm so sorry, mom and dad," I whispered, Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na pumapatak. Alam kong na-disappoint ko sila sa pagkakataong ito. Kung pwede ko lang sanang ibalik ang oras ay hindi ko gugostohing mapahiya sila sa harap ng maraming tao.

Nag-ulap ang mga mata ko habang pinapaandar ang sasakyan, diretso lang ang aking tingin, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta.

Hindi ko na kaya pang magtagal sa simbahan dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon.

"Fuck you! Bastard!" sigaw ko sa pagitan ng mga luha. Kung kailan handa na ako, kung kailan gusto ko nang bumuo ng pamilya kasama siya ay saka pa niya ito ginawa sa akin. Ano bang nagawa kong mali sa relasyon namin?

Sobrang sakit, hindi lang dahil napahiya ang pamilya ko sa harap ng maraming tao kundi pinagmukha niya akong tanga. Wala na akong maisip na dahilan kung bakit niya ito ginawa sa akin. Sa tatlong taon na pagsasama namin ay masasabi kong smooth ang relationship namin, madalas siya pa mismo ang nag e-effort dahil sa sobrang busy ko sa trabaho.

Siya na rin mismo ang nangungulit na magpakasal na kami dahil ako na raw ang ihaharap niya sa dambana. Putris na dambana yan!

Mariin akong bumusina dahil may biglang nag-overtake sa akin.

"Fuckyou! You goddamn bastard!" Sigaw ko sa bukas na bintana, ngunit laking gulat ko nang biglang huminto ang sasakyan nito sa mismong harapan ko.

"Stupid!" I blurted out, bago magpreno.

Agad akong bumaba ng sasakyan alam kong naka-gown ako, the hell I care!

Kinatok ko ang halos kalahati lamang na bukas na bintana nito at humalikipkip nang tayo habang naiinip na pagbuksan nito.

"Hoy! Kung sino ka mang nasa loob niyan lumabas ka riyan! You didn't own this road at wala kang karapatan na bigla nalang hihinto sa gitna ng kalsada matapos mong mag-overtake!" I shouted with full of rage.

Ganoon nalang ako umatras nang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaking nakasuot ng sunglasses. A breathtaking handsome in his white polo shirt, habang ang itim nitong pantalon ay bumabagay sa mabibilog nitong hita. I slowly raised my head to look at him behind his sunglasses.

Subalit bigla akong nahimasmasan dahil sa busina ng mga sasakyan sa likod namin.

"Pakasalan mo na kasi, para hindi ka hinahabol sa kalsada!" sigaw ni manong driver na ngumingisi sa amin.

Pati mga pasahero niya ay natatawa na rin. May mga kinikilig at may nagkukurutan dahil sa eksenang nasasaksihan.

Are they serious? Akala nila iniwan niya ako sa kasal namin at naghahabol ako. Pero ang totoo may umiwan talaga sa'kin at hindi ang mokong na ito.

Inirapan ko lang ang mga ito at hinarap ang lalaking nakapamulsa na ngayon habang nakahilig sa pinto ng kaniyang kotse.

"Mr. Whoever, akala mo kung sino kang basta nalang hihinto sa gitna ng kalsada! paano nalang kung hindi ako agad naka preno? E 'di nabunggo na ako sa kotse mo?!" I shouted at him. Tila gusto kong dito ilabas ang lahat ng sama ng loob ko kahit alam kong may kasalanan din ako sa nangyari.

Ngunit hindi pa rin ito nagsasalita na alam kong nakatingin lamang sa likod ng sunglasses niyang suot.

Aghh.. antipatikong lalaki!

Bumuga ako ng hangin sa ere at naningkit ang matang tumitig dito.

"Are you deaf or something?" Pang-uuyam kong sinabi, and eyed him demurely.

"Wala akong nakikitang masama sa ginawa ko, ikaw pa nga ang may mali dahil sa pag mumura mo sa akin." He now finally speak up, crossing his arm around his broad chest secretively.

"Excuse me? So ako pa pala ang may kasalanan, dahil sa ginawa ko?!" I shouted again.

I heard him muttered a cursed, while clenching his jaw. Ilang beses din itong lumunok bago ako aninagin sa kabila ng suot na sunglasses.

Bahagya akong natigilan habang nakatingala dito, lalo pa hindi ako handa nang bigla itong humakbang palapit sa akin.

"You're the reason why I'm late, Miss. Runaway bride," he whispered softer to me.

I swallowed hard... What he just say?

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.