Library
English
Chapters
Settings

Chapter 5 5

Isang buwan na ang lumipas at masasabi kong ganon parin, masakit parin. Hindi ko alam kung paano ito nawawala. Hindi ko alam...

Naging mag kaibigan kami ni Cian oo kilala ko na ang gunggong na bigla nalang nang hahalik.

Grabe ang lalaking iyon sa kakulitan at kapogian.

Ay ano ba itong iniisip ko!

Nagulat ako ng may mag takip ng mga mata ko. Amoy palang kilala ko na kung sino ito.

"Cian get off!" Ayaw parin ako nitong bitawan kaya nag pupumiglas ako.

"Cian!"

"Ayoko! Gusto ko tawagin mo akong gwapo." Nako! Ito talaga hindi titigil.

"Cian na gwapo bitawan mo na ako." Binitawan na nga ako nito at agad na umupo sa tabi ko.

"Ang sarap naman sa pandinig non." Sabi nito at humalakhak.

"Ewan ko sayo! Alam mo umorder ka nalang ng makaka in natin dahil nagugutom na ako." Sumimangot ito at tumayo.

"Oo na!" Tumayo ito at pumila na.

Napatingin ako sa entrance ng canteen.

I saw him. Nakita ko siyang papasok at nag tama ang mga mata namin. Lumakas ang pintig ng puso ko, wala paring pag babago, apektado parin ako sa kanya.

Nakita ko sa mga mata nito ang lungkot bakit kaya? Nag away ba sila ni Reya?

Ano bang paki ko? Yes i still love him pero kailangan ko mawalan ng pake.

Nag iwas ako ng tingin at tiningnan ang papalapit na si Cian, may dala dala itong pagkain.

"Thank you!" Sabi ko sa kanya pag kalapag na pagkalapag niya ng pagkain namin.

Kumain kami at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kung saan ito na ka pwesto.

Nahuli ko itong matalim ang titig kay Cian. Pero inilipat din ang tingin sa akin, kita ko sa titig niya ang mga titig dati ng Syn ko.

Syn ko? Akin pa ba siya? Hindi na diba? Napailing nalang ako at nag iwas ng tingin.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko ng maalalang hindi na ito akin. Hindi ko na siya pwedeng ipagdamot dahil he's not mine anymore.

Syn.

Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito. Kung bakit ko siya pinagsalitaan ng ganon.

Mahal ko siya oo pero napaka possessive niya napaka higpit.

"Tol ano?" Sabi ni Mark.

"Naguguluhan na ako. Mahal ko siya pero ayoko ng ganon ang ugali niya." Sabi ko rito at tinungga ang alak na hawak.

"Na ano? Na ayaw mong ipagmalaki ka niya bilang boyfriend? Na ayaw mong ipangalandakan niya sa ibang babae na kanya ka lang? Na ayaw mong inaalala ka niya na lagi nalang itong nag tetext sa iyo? At higit sa lahat ayaw mong nag seselos siya sa tuwung may ibang babae ang lalapit sayo?" Napayuko ako.

"Tol alam mo ba kung bakit ka niya ipinagmamalaki? Kasi gusto niyang malaman ng lahat na kanya ka lang, alam mo kung bakit ka niya inaalala? Mahal ka kasi niya at natatakot siyang may mangyaring masama sayo. Alam mo rin ba kung bakit siya laging nag tetext at tumatawag sayo? Kasi gusto niyang malaman kung safe ka ba na kung nakakain ka na ba o nakauwi ka na at higit sa lahat alam mo ba kung bakit siya nag seselos? Kasi takot siyang mawala ka sa kanya, takot siyang iwan mo siya at mag hanap ka ng iba." Sabi nito at napayuko nalang ako dahil ngayon ko narealize ang mga mali ko.

"Kasi alam mo ba kung bakit siya ganon? Kasi mahal na mahal ka niya." Doon ko na nabato ang hawak kong bote! I want her. I need her. I miss her and i fucking love her.

"Huwag kang magsisisi tol kung balang araw hindi ka na niya pag higpitan at ipagmalaki sa iba. At lalaong huwag na huwag kang magsisisi kung hindi na siya mag seselos sa bawat babaeng lalapit sayo. Alam mo kung bakit ko sinasabi ito? Sinasabi ko ito kasi gusto kong malaman mo kung gaano kamali ang mga sinabi mo sa kanya na ihinto na niya ang pag seselos pati ang pag mamahal niya sayo. Kasi ang nga babae kapag iyan hindi na nag selos, hindi ka na niyan mahal." Isang malaking sampal ang sinabi ni Mark sa akin, hindi ko kayang isipin na iba na ang ipinagdadamot niya sa ibang babae. Na hindi na ako iyon.

Fuck! Gusto ko ako lang.

"P-paano ko siya maibabalik sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Gawin mo ang sinasabi ng puso mo."

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.