Library
English
Chapters
Settings

Chapter 4 4

Halos mag dadalawang linggo na rin ang nakaraan.

Nakakasalubong ko sila minsan at masakit parin para sa akin.

Nakaupo ako sa isa sa mga bleachers dito sa University at pinapanood ang lalaking nag viral sa internet.

Kumakanta ito at napakagwapo niya.

Ang ganda rin ng boses nito grabe, napapangiti ako sa tuwing ibubuka nito ang bibig niya.

Napakagaling kumanta ata mag gitara.

"God ang gwapo at ang ganda ng boses niya..." Ang sarap sa tenga ng kantahin nito ang bagong kanta ni Bieber na Love your self.

Napatigil lang ako sa panonood ng maramdaman kong may nanonood sa likod ko.

Pag lingon ko halos magulat ako kung sino ang nandoon.

Napatingin ulit ako sa cellphone ko at sa kanya.

Oh my god! Si kuyang viral.

Ngumisi ito at nag salita.

"So gwapo ako at maganda ang boses?" Wala sa oras na napatango ako kahit tulala parin sa ka gwapuhan niya.

"Oh my god!" Gulat na gulat parin ako. At ang nag pa gising nalang sa akin ay ang flash ng camera niya.

Ay potek! Pinicturan ako!

Agad itong nag lakad palayo sa akin.

Dali dali kong inayos ang gamit ko at nag mamadali itong hinabol.

Pero dahil sa kamamadali ko hindi ko nakita ang mga taong paparating at nabunggo ko.

Nag anggat ako ng tingin ng makitang si Syn ito.

Sa dami rami ng studyante bakit si Syn at Reya pa?

Hindi ko na lamang sila pinansim at hinabol ang lalaking ng Picture sa akin.

"Hoy! T-teka burahim mo iyan!" Tumakbo ako dahil ang la-laki ng mga hakbang nito dahil ang hahaba ng mga hita at binti nito.

"T-teka hoy kuyang gwapo!" Huminto ito at humarap sa akin ng nakangisi.

"What?" Nakangisi parin ito.

"A-ang sabi ko burahin mo ang picture ko!" Humalakhak ito at lumapit sa akin tapos kinurot ang pisngi ko.

"Ang cute mo!" Namula ako sa ginawa nito close ba kami?

"Hoy hoy! Hindi tayo close!" Sabi ko pero nagulat ako ng hapitin ako neto sa bewang at pinagdikit ang aming mga noo.

Oh my god!

"Ayan close na ba? O mas close pa." Hindi ako makahinga kaya agad ko itong tinulak. Shet! Kinabahan ako.

Nag iwas ako ng tingin at nakita ko si Syn na tulalang nakatingin sa amin.

Nang makita niyang nakatitig ako sa kanya agad itong tumalikod at umalis.

Tumingin ulit ako kay kuyang feeling close.

Agad ko itong hinampas sa braso. Grabe ang tigas.

"Burahin mo na nga lang ang  stolen picture ko! Kung makahatak ka riyan akala mo kung sino!" Naoahalakhak ito.

"Sino ako? Ako lang naman ang gwapong tinatawag mo." Ay ang yabang!

"Heh! Porke gwapo naku! Burahin mo nalang ang picture ko kainis!"

"Sige, pero sa isang kondisyon. Ihatid mo ako sa classroom ko dahil bago lang ako dito." Bago? Sabagay apat na linggo palang naman nung nagsimula ang klase. Muka namang may pera ito kaya pinayagan.

Tumango ako dito at tinanong ang schedule nito.

  

Hinatid ko ito sa classroom nito at siya naman inilibas ang cellphone niya na may picture ko.

Nandito kami sa tapat ng pinto ng classroom niya.

Binigay nito sa akin ang cellphone niya.

"Oh ikaw mag bura." Agad ko naman itong kinuha at binura ang mukang tanga kong picture.

Binigay ko sa kanya ang cellphone niya at akmang tatalikod ng pigilan ako nito.

"Teka miss." Humarap ako sa kanya at nagulat ako ng tingnan nito ang ID ko na nakasuot sa akin at binasa ang pangalan ko.

"Shanti Hailey. Nice name huh." Kinuha ko ang ID ko.

"Hailey salamat sa paghatid dito at dahil diyan may libre kang kiss." At bago pa ako maka react hinapit na ako nito at hinalikan sa pisngi.

Bago ko pa ito mahampas  nakapasok na ito sa kanilang classroom at ngumingising kumakaway.

"Bye cute!" Akamang papasok ako ng makita kong seryosong naka tingin sa akin si Syn na nakaupo sa unahan.

Napaatras ako at tumalikod. Ganon parin, napapaatas parin ako pag dating sa kanya.

Kahit anong gawin ko mahina parin ako pagdating sa kanya.

Nakalimutam ko na ang kasalanan ng gwapong yon at tumalikod. Ngayon ko lang na realize na Blockmate sila ni Syn.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.