Library
English
Chapters
Settings

Chapter 6 6

Syn.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, masakit para sa akin na mapalapit siya sa iba. Ayokong mahulog siya sa iba gusto ko ako lang. Oo selfish ako, gusto ko na sa akin lang siya.

Pero paano ko gagawin iyon nang ako mismo ang nag taboy sa kanya? Kung pinag salitaan ko siya nang mga salitang hindi katanggap tanggap?

Bakit ba ang gago ko? Bakit ba ang tanga ko? Isa akong malaking gago at tanga dahil pinakawalan ko ang babaeng mahal ko. Binitawan ko siya iniwan at higit sa lahat sinaktan.

Wala akong kwentang lalaki, paano ko nagawa iyon sa babaeng mahal ko?

Oo iniwan ko siya dahil napaka higpit niya at laging nag hihinala, nasasaktan ako kasi ganon siya sakin. Ganon ang trato niya, wala ba siyang tiwala sa akin? Hindi ba katiwa-tiwala ang mga kilos ko?

Sinusubukan ko lang naman siya gamit si Reya.

Si Reya na handang tumulong sa akin. Handa akong damayan at alagaan kaya napamahal na talaga ako sa makulit na babaeng yon, inaalagaan ko rin ito gaya ng pag aalaga nito sa akin. Gaya nga ng sabi ni tita ang mama ni Reya kailangan ko itong bantayan.

Alam kong hindi tama na gamitin siya pero si Reya ang kusang nag alok nito, ayaw niya raw ako nakikitang nasasaktan.

Si Reya? Oo mahal ko si Reya dahil pinsan ko ito, anak siya ng pinsan ng mama ko.

Sinusubukan ko lang naman ang tiwala niya kasi feeling ko wala siyang tiwala sa akin.

Sinubukan ko siya pero nabigo ako, akala ko matutulungan ako ni Reya pero hindi. Lalo atang lumala ang sitwasyon lalong naging masama ang tingin niya sa akin na satingin ko iniisip na niyang tama nga ang hinala niya na niloloko ko siya.

Akala ko kasi kapag inisip niyang si Reya ang mahal ko lalapitan niya ako at sasabihin niyang siya nalang ulit at mag titiwala na siya sa akin. Ngunit hindi. Hindi nangyari.

Nalulungkot dahil hindi niya ako tinanong o kinausap nang maayos, lagi siyang nasigaw at inaakusaan ako ng masama.

Nalulungkot ako, masakit kasi ganon pala ang iniisip niya sa akin kapag wala ako sa tabi niya.

Na isa akong manloloko, gago, babaero at higit sa lahat iniisip niyang hindi ko siya mahal.

Mahal ko siya, mahal na mahal.

Mahirap ipag patuloy ang relasyon kung ang taong mahal mo walang tiwala sayo.

Dalawa kayo sa isang relasyon kaya kailangan dalawa ang lumaban. Sumuko ako, sumuko rin siya.

Paano na kami? Tatapon nalang ba namin yung pinagsamahan namin? Hindi naman ako nag loko. Minahal ko siya ng sobra nag tiwala at inalagaan ko siya.

Pero bakit pag dating sa akin grabe siya? Bakit kapag aalis lang ako at gagawa ng project paghihinalaan niya akong may babae ako?

Siya lang naman ang babae ko eh. Siya lang.

Mahal na mahal kita Shanti...

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.