Library
English
Chapters
Settings

8

"CINDY, anong ginagawa mo rito?" mula sa magandang pagkakangiti ni Phillip ay napakunot noo siya nang tawagin siya ni Cindy. Hindi niya alam na nakasunod pala ito sa kanya papunta sa pagbabakasakaling pagdalaw niya kay Aurora sa dating lugar kung saan niya tinatagpo ito noon kapag grounded ito. It was their secret hideaway. Suwerte namang sa kabila ng pagkawala ng alaala nito ay mukhang may hindi pa rin ito nalilimutan. Kaya lang ay nakumpirma niyang wala talaga itong naalala dahil imbes na gumanti ito sa kanya ng ngiti at kaway ay nagtago pa ito sa kuwarto.

"Sinusundan ka. Nalaman ko kasi na nagpunta ka rito. May ibibigay sana ako," may inilabas itong invitation mula sa loob ng jacket na suot nito. "Gusto sana kitang i-invite para sa 28th birthday ko. There would be a huge masquerade ball,"

"Ball?" sa pagkakakatanda niya ay hindi mahilig si Cindy sa mga party.

"Yeah. I know it sounds not me. At siguro nagtataka ka rin kung bakit inimbitahan kita. But it is Lolo's orders. Gusto niyang imbitahan ko ang lahat ng mga lalaking kilala ko na nasa elite society...."

"Dahil?"

Huminga ito nang malalim. "Gusto niya na akong magpakasal, Phillip. And the party's real purpose is for me to find a man who I will marry. Pero 'wag kang mag-alala. Alam ko naman na taken ka na. I just want you to be there because you are one that I consider as my friend. Puwede mo rin isama si Aurora kung gusto mo. And speaking of her, is she really okay now?"

"Puwede naman akong pumunta pero hindi ko masasabi kung maisasama ko si Aurora..." nang mapakunot noo ito ay napaamin siya rito nang mga nangyari.

Nakikita ni Phillip ang lungkot at awa sa mukha ni Cindy. Kahit siya ay awang-awa na rin sa sarili niya. But on the other side ay iniisip na lang niya na may point si Tita Neri. Hindi pa lubos na magaling si Aurora. Mabibigla ito kapag nalaman ang lahat. They had to take one step at a time. Pero sa ngayon ay hindi matiis ni Phillip ang sarili kaya nagpunta siya sa parteng iyon ng riding club.

Matagal nang tumigil si Phillip sa pangangabayo. Simula nang ma-realize niya na hindi niya kayang mawalay nang matagal kay Aurora ay d-in-ecline na niya ang lahat ng offers sa kanya sa mga horsing sports kahit prestigious pa ang iba sa mga iyon. Nagustuhan naman iyon ng pamilya niya dahil ibig sabihin ay maipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya. Nakatapos siya ng business management at habang tine-train siya ng Lolo niya para pumalit rito ay kumuha siya ng MBA. Sa ngayon ay masasabi niyang matagumpay na siya. Kahit namatay na ang Lolo niya ay napalago niya ang business nito nang maayos. Naging mas maganda pa nga iyon sa pamamahala niya dahilan para makapag-invest rin siya sa iba't ibang business. Ang YERS ay isa na rin sa mga investment niya ngayon. One year ago ay pumayag na ang kaibigan niyang dati na may-ari na ibenta iyon sa kanya. Hindi man siya hands-on roon ay pinagkakatiwalaan niya ang mga managers. Sa ngayon ay malakas pa rin ang YERS, lalo na kapag bakasyon. Doon kasi madalas na may nag-e-enroll sa kanila. Pero malakas man o hindi ang kita ng YERS, it doesn't matter about him. Maganda ang memorya niya sa lugar na iyon, isa pa, ito rin ang way niya para makita si Aurora. Kaggaya na lang ng ginagawa niya ngayon.

"But don't worry about me, Cinds. I'll be okay. Siguro hindi pa ngayon pero naniniwala ako na darating rin ang araw na iyon," positive na wika ni Phillip.

Sa positibong isip ni Phillip, kung talagang sila ni Aurora para sa isa't isa, magiging sila sa kabila nang lahat ng balakid. Gumagawa rin naman siya ng paraan pero gusto rin niyang rumespeto sa nakatatanda kahit na ba nauubos na rin iyon.

"You are really one in a million, Phillip," wika ni Cindy at pagkatapos ay iniwan na siya. Si Phillip naman ay matiyagang nag-antay pa rin kay Aurora, nagbabaka-sakaling sumilip muli ito.

Kailangan niyang maging pasyensyoso. Kailangan niyang maghintay. Kaya naman niya iyon basta kay Aurora...

Kaya niya ang lahat dahil kahit mahirap intindihin si Tita Neri, alam niyang may kasalanan rin siya. And that is why he was still accepting all the insults he was receiving from eventhough he knew, he could find a way of breaking her from all the shit she have put him through.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.