Library
English
Chapters
Settings

7

NAKANGITING pinagmasdan ni Aurora ang view mula sa terrace ng kuwarto niya. Mula roon ay kita niya ang malawak na damuhan na ayon sa Tita Tina niya ay parte ng isang riding club. Na-excite siya sa isipin na may riding club sa likod ng bahay nila. Dahil ang huling nasa alaala ni Aurora nang maggising siya ay noong thirteen years old pa lamang siya kaya bago pa sa kanya ang paligid.

She felt refreshed when fresh air entered into her lungs. Isama pa na napakaganda ng tanawin. Noong nasa America siya ay ilang beses siyang nag-enrol sa mga riding club dahil sa pagkaidolo niya sa ama. Sa tuwina ay palagi siyang naki-kick out dahil hindi siya maggaling. Napaisip tuloy siya kung sinubukan niya rin na sumubok muli na mag-aral. Bukod kasi sa idolo niya sa ama, gusto niya rin makahanap ng isang asawa na equestrian kaggaya ng ina. Kaya nga gusto niyang mag-aral para makilala siya ng mga ganoon. Kahit bata pa siya nang mawala ang mga ito, she looked up to them. Ramdam na ramdam kasi niya ang pagmamahalan ng mga ito, bukod pa sa nang lumaki siya ay nakilala rin niya nang husto ang kanyang ama sa pagbabasa ng mga articles na lumabas tungkol rito. He was a great man. Lagi rin nitong ipinapakita sa mundo na mahal na mahal nito ang kanyang ina base na rin sa mga pictures na nakikita sa mga articles. Gusto niyang makakita ng taong kaggaya nito. For him, he is the real prince charming dahil kaggaya nang madalas na mga prinsipe sa fairy tales, maggaling rin ito sa kabayo.

Pero hindi napagtanto ni Aurora na kahit s-in-et na niya ang utak niya, hindi pa rin basta-basta natuturuan ang puso. Hindi isang equestrian ang prinsipe niya. It was Dylan, ang nurse niya. He saved him from death. Ito ang nag-rescue sa kanya sa pamamagitan ng halik nito. Ito ang prinsipe na gumising sa kanya sa matagal na niyang pagkakatulog.

It is amazing to know that her life had been like a fairy tale. Sa pitong taon na pagkakatulog niya, isang halik lang pala ang magpapagising sa kanya. At si Dylan ang gumawa noon dahil ito ang unang nasilayan niya nang maggising siya. He was sleeping beauty's prince.

Guwapo si Dylan at sa loob ng isang linggo na nakasama niya ito ay nakita niya na mabait ito. Napakaalaga rin nito. Halos hindi siya nito lubayan. Gustong-gusto rin ito ng Tita Neri niya para sa kanya. Sa tatlong Tita niya na nag-alaga sa kanya simula nang mamatay ang mga magulang ay pinakamahigpit sa lahat. Kapag may pagkakamali siyang ginawa ay ito ang palaging nagbibigay sa kanya ng parusa. Palagi rin siya nitong pinapaalalahanan na huwag gumaya sa mga kaibigan niya sa America na pawang mga liberated. Conservative rin itong maituturing. Kaya ang mabilis na pag-apruba nito kay Dylan ay dahilan lang para lalo niyang ma-appreciate na may isang kaggaya nito na dumating sa buhay niya.

Ganoon pa man ay may kakaibang nararamdaman si Aurora kay Dylan. Masaya naman siya na kasama si Dylan pero parang may mali. Nakikita niya na masaya ito na kasama siya kaya lang ay may mga pagkakataon na nakikita niyang tulala ito. Parang may malalim na iniisip. Minsan ay tinanong niya ito kung bakit ito ganoon pero umiling lang ito. Pero alaala lang ang nawala kay Aurora, hindi pakiramdam. Hindi siya manhid para hindi maramdamang mukhang may itinatago ito. Mali ba na isipin niya na ito ang prinsipe na nagrescue sa kanya mula sa pagkakatulog? Mali ba na isipin niya na na-in love ito sa kanya habang inaalagaan siya nito kaya nandoon pa rin ito sa tabi niya at kung alagaan siya ay higit pa sa pag-aalaga ng isang nurse?

Gusto man niyang usisain ito ay hindi naman maggawa ni Aurora. Kahit ano kasing pilit niya ay walang inaamin sa kanya si Dylan. Palagi nitong sinasabi na may nararamdaman ito sa kanya at ang mga ginagawa nito ay hindi lang dahil nurse siya nito. Minsan ay nagtataka na siya dahil wala naman itong sinasabing "I love you" sa kanya. Tanging ang sinasabi lang nito ay may nararamdaman ito sa kanya. Medyo mabigat ang loob niya nang dahil roon kaya ang pagkakita niya sa labas ng kuwarto niya ay nagpa-aliwalas ng pakiramdam niya. Ngayon ay hinayaan na rin siya ng mga Tita na mag-isa pati na rin si Dylan kaya mag-isang pinapanood niya ang tanawin sa labas ng kanyang kuwarto.

Nasa ganoong lagay si Aurora nang may matanaw siyang isang lalaki na nangangabayo palapit sa bahay nila. Kahit medyo malayo pa ito sa paningin niya ay kitang-kita na niya ang kakisigan nito habang nakasakay sa kabayo. Itim na itim ang kulay ng buhok nito na bumagay sa mamula-mulang mukha nito dahil na rin siguro sa natatamaan iyon ng araw. He looks like a prince, her dream guy.

Tila kay lakas rin ng lalaki habang pinapatakbo ang kabayo at kasabay nang paglapit ng kabayo nito patungo sa terrace ng kanyang kuwarto ay ang paglakas rin ng tibok nang puso ni Aurora. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya sa ngayon dahil pakiramdam niya ay iyon ang unang pagkakataon na mangyari iyon sa kanya. Kahit kay Dylan na siyang dapat na prince charming niya ay hindi niya nararamdaman iyon. Bakit sa estranghero na ito ay ganoon ang nararamdaman niya? Pakiramdam niya ay mas lalo pa siyang nabuhay dahil lang sa presensiya nito.

Nang tuluyan itong makalapit ay lalong nagwala ang puso ni Aurora. Gosh, he was really a prince. Nag-adventure ang mga mata niya sa mukha nito. Noon naging malinaw sa kanya ang ilang facial features nito. He had brown deep-set eyes, high-bridge nose and very nice lips. Napakaguwapo nito. Napansin niyang nakatingin rin pala sa kanya ang lalaki. Mukhang nahuli siya nito sa pagsusuri ng tingin sa mukha nito. Sa isiping iyon ay namula ang pisngi ni Aurora. Pero mas namula iyon nang bigyan siya ng ngiti ng lalaki. Lumabas ang dimples nito. Now, he was more handsome than ever. Binigyan pa siya nito ng kaway.

Aurora wanted to smile and waved back at him. Pero dahil pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga sa kilig kaya sinubukan niyang pumasok sa kuwarto niya. Kinalma niya ang sarili. Parang lalabas anumang oras ang puso niya.

"Gosh, ano ba itong nararamdaman ko? To think na nandiyan na si Dylan. Siya ang Prinsipe ko at hindi ang lalaking ito..."

Napapikit pa siya at hinawakan ang puso para lalong kumalma. Pero habang nakapikit siya ay ang mukha pa rin ng lalaki ang naglalaro sa isip niya. Parang gusto niyang kumanta ng "Bakit Ngayon Ka Lang" nang mga sandaling iyon. He should have been her prince.

Nang humina na ang tibok nang puso ni Aurora ay dahan-dahan niyang sinilip muli ang lalaki. Nandoon pa rin naman ito. At sa pagkakataong iyon ay may isang napakagandang babae na nakakabayo rin ang nasa tabi nito. Ang ganda-ganda ng ngiti ng babae habang kinakausap ang lalaki.

She must be her girlfriend...

Sa isiping iyon, mula sa masayang damdamin na ibinigay sa kanya ng estranghero ay napalitan iyon ng sakit.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.