6
"SA LOOB ng maraming taon ay nirespeto ko kayo, Tita Neri. Sana ngayon ay respetuhin niyo rin ang nararamdaman ko!"
Kitang-kita ni Attorney Nerilyn Dizon ang galit sa mukha ni Phillip habang kinakausap niya ito sa restaurant 'di kalayuan sa ospital kung saan naka-admit ang pamangkin niya. Hindi sila puwedeng manatili sa ospital dahil maaring malaman ni Aurora ang pagbabantang kaguluhan ni Phillip. Isama pa na ginulo ni Phillip ang ospital kanina dahilan para i-ban ito roon.
"Bakit ba kailangang parusahin niyo ako ng ganito? Ginusto ko ba ang lahat ng nangyari kay Aurora? Isa lang ako sa mga biktima. Alam ko na puwede niyo akong sisihin dahil kung hindi siya nalapit sa akin, 'di mangyayari ito. Kung pinigilan ko lang ang damdamin ko. Pero hindi ko ginusto ang lahat! Sana maintindihan mo 'yun, Tita. Nahihirapan rin ako,"
Neri knew as a lawyer that she needed to be open-minded. She needed to be fair, too. Pero hindi birong sakit ang idinulot sa kanya ng aksidenteng nangyari sa pamangkin niya seven years ago. Para sa kanya ay ito na ang itinuturing niyang anak. Sa kanya rin ito lubusang hinabilan ng kapatid niya bago ito mamatay sa ospital dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito at ng asawa. Nag-iisang anak nito si Aurora at hindi naging madali para rito ang pagbubuhay sa anak. Ilang beses nabigo ito sa pagbubuntis bago mabuo si Aurora kaya naman ingat na ingat nito ang anak. At nang may masamang nangyari kay Aurora ay sinisi niya ang sarili niya dahil sa pagkabigo rito.
Ganoon pa man ay kailangan niya nang pagbubuhusan rin ng galit. Napakasakit para sa kanya na tanggapin ang nangyari. Hindi niya maggawang patawarin ang lahat ng may gawa sa aksidente. Kahit alam niyang inosenteng maituturing si Phillip, hindi niya magggawang patawarin ito dahil ito ang rason kung bakit naggawa iyon ng killer ni Aurora. Ang masaklap pa, nasa kampo at pamilya nito ang partly may gawa sa aksidente ng pamangkin.
"Masyadong magulo ang sitwasyon ngayon, Phillip. Hindi ka muna namin puwedeng ipakilala kay Aurora kaya inilayo ka muna namin sa kanya. Iyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi namin sinabi sa 'yo ang tunay na nangyari,"
"Anong ibig niyong sabihin? Bakit magulo ang sitwasyon? May masama bang nangyari kay Aurora?"
"She had an amnesia, Phillip. Three years bago ang aksidente lang ang mga memoryang natatandaan niya. Ibig sabihin lang noon ay hindi ka kasama sa mga natatandaan niya. Iyon ang naging resulta ng pagka-comatose niya,"
"What?!" tila nanghina ito sa nalaman. "Then I would be there for her. Magpapakita ako sa kanya. Sabi nila kapag na-trigger daw ang alaala ng may amnesia, bumabalik raw ang mga alalaala nito. Maaalala ako ni Aurora kapag nakita niya ako! O kung hindi naman, tutulungan ko siyang makaalala. Pipilitin ko siya. Mahal niya ako kaya maalala niya ako!"
Umiling si Neri. "I'm afraid she had a changed of heart, too. Si Dylan ang inaakala niyang boyfriend niya. Siya ang tinuturo nitong dahilan kung bakit naggising siya. She said she have woken up by a prince at si Dylan ang unang nabungaran niya."
Nagtiim ang bagang nito. "At hinayaan niyo siya. I already knew that. Nakita ko silang nag-uusap kanina nang bumukas ang pinto. Bakit hindi niyo inamin sa kanya ang totoo, Tita? Hindi si Dylan ang humalik sa kanya. Ako ang humalik sa kanya!"
"Dahil mahina pa siya, Phillip. Maguguluhan siya kapag inamin natin ang lahat sa kanya. Ano ba ang gusto mong sabihin namin sa kanya? Na ang lalaking humalik at nagpagising sa kanya ay ang anak ng taong dahilan kung bakit siya natulog ng pitong taon? Sa tingin mo ba makakabuti ang mga iyon sa sitwasyon? Sa tingin mo ba, mas mabilis makaka-recover si Aurora kapag nalaman niya ang mga iyon? Hindi lang ito dahil sa galit ko. It was for Aurora's welfare, too,"
Lalong nagtiim ang bagang nito sa galit. Nagdilim din ang mukha nito. Minsan lang niyang makita si Phillip na ganoon ang reaksyon. He had always been gentle. Nirerespeto rin nito ang mga gusto niya. Nang dahil roon ay hinayaan niyang makapasok ito sa buhay ng pamangkin niya kahit bata pa ang kanyang pamangkin para magka-boyfriend. Alam niya kasing mapapagkatiwalaan si Phillip. Isama pang nakikita niyang masaya si Aurora na kasama ito. Mahalaga sa kanya ang kasiyahan ng pamangkin.
Until that accident and the reason behind it. Nawala ang tiwala niya rito sa kabila ng pagpupunan nito ng mga pagkakasala nito. Sa mga nakalipas na taon ay ipinakita talaga nito ang matinding pagmamahal nito sa pamangkin niya. Pinatunayan nito na kahit sandaling nagkakasama pa lamang ang mga ito, hindi naging hadlang iyon na magmahal ng matindi. His love was one of a kind. Tinamaan yata talaga itong magaling sa pamangkin niya. Pero hindi niya ito masisisi. Napakaganda ng pamangkin niya at karapat-dapat talaga ito sa pagmamahal ng ganoong klaseng lalaki. She was precious.
"Kung ganoon, kailan ako puwedeng lumapit sa kanya? Hanggang sa tuluyan nang mahulog ang loob niya sa Dylan na 'yun? At ang tarantadong Dylan na 'yun, hinayaan na lang na ganoon ang paniwalaan ni Aurora? Nasaan ba ang dedikasyon niya? Puta siya! Pinagkatiwalaan ko rin siya pero tatraydurin niya ako. O baka naman inutusan niyo rin siya para maisakatuparan ang plano niyo? Bakit ba kasi pinaligoy-ligoy niyo pa? Why don't you say straight to my face that you still haven't even forgiven me and my family even if I have begged you a million times? Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Bakit kailangang magdusa sa kasalanang hindi ko naman ginusto na ginawa ng iba para sa Mommy ko?"
Hindi nagsalita si Neri. Maraming beses na naawa na siya kay Phillip. Kaggaya nila ay nanatili ito sa tabi ni Aurora kahit walang kasiguraduhan ang mangyayari rito. Napakadakila nito kung ituturing. Ganoon pa man ay matigas ang puso ni Neri. Hindi siya magiging matagumpay na lawyer kung malambot ang kanya. Hindi siya kaggaya ng sa dalawang kapatid niya na matagal ng napatawad ang lalaki. Ilang beses na rin siyang inungutan ng mga ito pero hindi siya ganoon kadaling magpatawad.
Tumayo si Neri. "Aabisuhan na lang kita kung kailan mo puwedeng makita ang pamangkin ko," tumalikod siya kay Phillip. Akmang lalakad na siya nang may dalawang kamay ang pumigil sa kanyang binti.
Nanigas si Neri. Hindi man siya lumingon ay alam niya kung kanino ang mga kamay na iyon. Nai-imagine rin niya kung ano ang itsura nito ngayon. He was kneeling at her back.
"Tita Neri, please. One more chance. Ako ang bahala sa lahat. Ako ang mag-aalaga kay Aurora. Ako ang bahala na magpaliwanag sa kanya. Wala akong pakialam kung magalit man siya sa akin dahil sa ginawa ng pamilya ko sa kanya. Hindi ako titigil na magpaliwanag sa kanya hanggang sa maintindihan niya. Hindi rin ako titigil na ipaalala sa kanya ang lahat kahit na ba abutin man ako ng habang buhay para roon. Masyado ko siyang mahal para tumigil na lang basta-basta. Sana ay mapatawad niyo na ako para maayos na ang lahat. Ako na ang bahala, Tita. Pagbigyan niyo lang ako, please? I'm sorry. Ako na ang humihingi ng patawad ng lahat ng naggawa nila. I am really sorry..."
Sorry? Sorry.
---
"KUHANIN mo ang plato na 'yan," matigas na wika ni Neri sa lalaking nasa harapan niya. Kahit nakaggawa na ito ng krimen ay hindi natatakot si Neri rito. Kailanman ay hindi siya natakot sa criminal. Kalaban niya ang mga ito at sa sandaling ilabas niya ang sungay niya sa mga ito, gaano man kabagsik ay tumitiklop rin ito sa takot sa kanya. Ganoon rin Mang Densho, ang driver ng pamilya ni Phillip. Kanina ay mabagsik ito. Pero nang pakitaan niya ng sample ng kabagsikan niya ay halos hindi na ito tumigil na humingi sa kanya ng patawad.
Sa kabila ng sakit na nararamdaman ay tumalima ito sa gusto niya. Ilang hampas ang nakuha nito mula sa mga tauhan niya kaya naging mabagal ito sa paglalakad. Ganoon pa man ay kinuha nito ang plato.
"Basagin mo," utos niya.
Sandaling nalito pero sinunod rin ang kanyang nais.
"Nabasag ba?"
Tumango ito.
"Ngayon, humingi ka ng tawad sa plato,"
Kumunot ang noo nito saka sinunod ang gusto niya. "Sorry,"
"Bumalik ba sa dati ang plato?"
Umiling ito.
"Ngayon, siguro ay naiintindihan mo na kahit sabihan mo pa ako ng libu-libong sorry, hindi mo na mapapabago ang isip ko," simpleng sabi lang niya at inutusan ang kanyang mga tauhan para ihabla ito. Ang hustisya na ang bahalang magparusa rito.
"Ipahanap rin si Feliciana Austria. Dalhin siya rito. Siya naman ang isusunod ko," napag-alaman niya na ang nanay pala ni Phillip ang salarin sa lahat. Inutusan nito si Mang Densho na alisan ng break ang kotse na sinadya nitong ipa-drive sa pamangkin niyang si Aurora. They tricked her. Alam kasi ng mga ito na pasaway si Aurora. Alam ng mga itong papatulan ng pamangkin niya ang matagal na nitong hinihiling sa kanila na payagan itong mag-drive.
Tumalima ang mga tauhan niya. Sumigaw si Mang Densho. "Ilang beses ko ba sasabihin sa inyo na hindi naman talaga ginawa niya iyon? Gusto niya lang na mapaalis si Aurora sa buhay ni Phillip. Pero hindi ang patayin siya. Ako ang nagplano ng lahat nang magkaroon ako ng tsansa. 'Wag niyong idamay si Feliciana rito,
"Matagal ko ng lihim na sinisinta si Feliciana. Ayaw ko ng nagagalit siya. Ayaw ko ng nasasaktan siya. Nang marinig ko siya na sabihin na gustong mawala sa landas si Aurora ay ako ang gumawa ng paraan para mangyari iyon. Sinadya ko na alisan ng break ang kotse na ginagamit ko at pinaggamit sa kanya na mag-isa. Narinig ko kasi na napapag-usapan nila ni Phillip na matagal na nitong gustong magmaneho. Noong 16th birthday niya ay pinasundo siya sa akin ni Phillip pero sinabi ko sa kanya na utos ni Phillip na hayaan ko siyang mag-drive mag-isa. Dahil gustong-gusto niyang matutong mag-drive at malakas ang loob niya, naniwala siya. 'Yun ang totoong dahilan kung bakit naaksidente siya. Hindi dahil sabi iyon ni Feliciana o utos niya. Ginusto ko ang lahat,"
Nanigas ang buong katawan ni Neri sa narinig. Ganoon pa man ay hindi maalis sa isip niya na may desire rin si Feliciana na patayin ang kanyang pamangkin. Hindi pa rin mawawala ang galit niya rito. Isa pa rin ito sa mga dahilan kung bakit naaksidente ang kanyang pamangkin.
"'Wag niyo siyang pakinggan. Dalhin sa akin si Feliciana Austria," utos pa rin ni Neri.
"Kapag sinubukan mo na saktan si Feliciana, sisiguraduhin kong malalaman ng pulis itong mga ginawa mo sa akin. Alam mo na bawal ito pero ginawa mo pa rin dahil sa galit mo sa akin. Dapat ay sila ang nagpapasya at hindi ikaw. Mangmang man ako na maituturing pero may alam rin ako sa batas at may karapatan rin ako na magkaroon ng hustisya,"
Lalong nagpuyos sa galit si Neri. Alam niyang may point ito. Pero malaki ang galit niya kay Feliciana. Gusto niyang gantihan ito pero alam niyang may mali rin roon. Isama pa ang pagbabanta ng matanda. Kung gugustuhin niya ay puwede naman niyang ipapatay na lang basta si Mang Densho. Pero hindi siya mamatay tao at nasa puting panig siya ng hustisyo. Kahit alam niyang wala namang laban sa kanya si Mang Densho, makokonsensya pa rin siya kapag binaliktad niya ito. She is a lawyer and she promised to always said and fight for the truth.
Pero hindi niya maipapangako na magiging fair siya sa lahat ng bagay. Kung hindi man niya magggagawang parusahan si Feliciana, andiyan naman si Phillip. Puwede niyang ibuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya rito. After all, ito ang pangunhing rason kung bakit napalapit si Aurora sa kamay ng nagtangkang pumatay rito.