5
Present
ISANG linggo nang nagkukulong si Phillip sa isa sa mga pagmamay-ari niyang condo unit simula nang tuluyan ng mawala si Aurora. Sinabihan niya ang sekretarya niya sa opisina na hindi siya mag-e-entertain ng kahit anong business related matter kaya sa buong isang linggo ay wala siyang natatanggap na tawag o text man lang sa kahit kanino. Wala siyang maituturing na kaibigan kaya hindi siya nag-e-expect ng kahit anong tawag sa mga ito para i-console siya sa pagkawala ni Aurora. Matagal na rin namatay ang mga kamag-anak niya. At kahit pa ganoon, hindi na nag-e-expect si Phillip na iko-console siya ng mga ito. Hindi gusto ng kanyang ina si Aurora.
Three years ago ay namatay ang kanyang Lolo sa atake ng puso. Halos magkasunod lang na namatay ito at ang kanyang Mama na namatay naman sa isang vehicular accident sa San Francisco kung saan ito namalagi pagkatapos nang nangyaring aksidente kay Aurora. Ganoon pa man, hindi niya dinamdam ang pagkamatay nito. Alam niya na hindi ganoon kalala ang intensyon nitong palayuin sa kanya si Aurora pero isa ito sa mga naging dahilan kung bakit nawala sa kanya ang pinakamamahal. Isama pang sa halip na maawa ito sa kanya sa nangyari ay natuwa pa ito. Hinding-hindi niya mapapatawad ito sa naging kasakiman at kasamaan nito.
Dinamdam niya nang husto ang pagkawala ni Aurora. Kung noon ay parang araw-araw siyang pinapatay kapag nalalaman niyang wala pa rin progress ito, ngayon ay parang nakabaon na siya sa lupa sa sakit. All his hopes had been wasted. All his dreams had been crashed. Parang wala na rin silbi ang buhay niya ngayong wala na ito. Pero ganoon, pinanaig pa rin ni Phillip ang mga narinig niya noong um-attend sa isang Christian Mass na palagi niyang ina-attend-an simula nang mawala si Aurora.
Even when someone we love died, remember we still need to live because he or she may not be physically present, but they will always live in our heart. Kung nawala ang pinakamamahal mo at pinili mong magpakamatay na lang dahil sa sakit, parang pinatay mo na rin siya sa pangalawang pagkakataon. Ang mga salitang iyon ng pari ang nagbibigay lakas kay Phillip na mabuhay ngayon. Aurora is not physically present now but she will always live inside him. She will always live inside his heart.
Pero dadaan talaga siya sa stage na masasaktan lalo na sa isiping hindi na niya makikita pa ang magandang mukha nito o mahahawakan man lang ito. Sobrang sakit ng damdamin niya ngayon kaya kahit alam niyang mali ay hindi niya maggawang pumunta sa funeral ceremonies nito. Sapat na ang nasasaksihan niya na mamatay ito sa harap niya. Hindi niya na yata makakayang tignan pa ito na natutulog nang husto sa kabaong wala ng pag-asa na maggising. Sobrang sakit pero alam niyang kailangan niyang tanggapin. But he also need to do it one step at a time. Ngayon ay paghihilumin muna niya ang mga sugat niya bago siya bumangon muli. Dadalawin na lang niya si Aurora muli kapag hindi na ganoon kasakit ang mga sugat. Sa ngayon ay idadaan na lang niya sa pag-inom ang mga sakit.
Hindi sanay si Phillip na uminom ng alak. Kahit naman kasi sa kabila ng nangyaring trahedya kay Aurora ay hindi siya naging negatibo. Naging masakit sa kanya ang pagkawala ni Aurora pero mas ninais niyang maging positibo. Sa halip na daanin sa pag-inom upang makalimot, mas pinanaig niya ang mga positibong bagay. Nagpupunta siya sa simbahan linggo-linggo para magkaroon ng peace of mind. Nagpa-counselling rin siya. Naging maayos ang pakiramdam ni Phillip sa kabila ng mga pangyayari.
Hanggang sa ngayon dahil naging napakasakit ng nangyari. Nawala na lang ang lahat ng pag-asa niya. Kinuha na si Aurora. Nasayang lang ang lahat ng paghihintay niya. Wala na siyang aasahan pa. Patay na ang babaeng patuloy pa rin niyang minahal sa paglipas ng mga panahon.
Hindi maiwasang alalahanin tuloy ni Phillip ang huli niyang pag-iinom ng alak. How long was it? Eight, nine years? Noong kabataan niya, masasabi niyang laman rin siya ng mga bars. He got drunk because it was the in thing for teens. Pero nang makilala niya si Aurora, bihira na lang siyang uminom dahil mas gusto niyang makasama at iniisip ito, depende na lang kapag naiimbitahan siya ng mga dati niyang kaibigan na siyang huli niyang naalala na uminom siya ng alak.
"Hallelujah! Sa wakas ay nakita ka rin naman! Balita ko, masyado mo raw ginugugol ang oras mo para sa isang bata?"
Umingos si Phillip sa sinabi ng high school friend na si Matthew. Naasar talaga siya kapag napapansin ng mga tao ang tungkol sa kanila ni Aurora. Pero hindi naman talaga maiiwasan iyon dahil mismo siya ay pinapansin rin iyon. Ganoon pa man, parang pinahihiwatig lang noon na hindi talaga sila bagay. At sa tuwina ay naasar siya. Gusto niya si Aurora. Hindi ba at kahit na ba ayaw rito ng ina niya ay pinagpapatuloy pa rin niya ang pakikipagkita rito? Hindi niya gustong mapalayo rito. Gusto niyang palaging kasama ito. Sa kasamaang palad nga lamang ay nasa bakasyon ito kasama ang mga Tita nito sa Boracay. Tatlong araw na mawawala ang mga ito. Ngayon ay ang unang araw na pag-alis nito at hindi niya pa natatanaw ang magandang mukha nito simula kaninang umaga. At para siyang tanga na hindi mapakali kanina pa. Ganoon ang epekto ni Aurora sa kanya. Dahil nasanay na siyang araw-araw na kasama ito, nahirapan siyang mag-adjust ngayon. Kaya naman sa halip na hayaang mabaliw ang sarili sa pagka-miss rito, sinagot na lang niya ang imbitasyon ng mga kaibigan na sumama para sa mga ito na gumimik.
"Huwag natin siyang pag-usapan, Pare. Nirerespeto ko siya," sagot naman niya sa kaibigang si Matthew.
Namilog ang mga mata nito, hindi makapaniwala. "What? Ikaw ba iyan?! Hindi ba at kiss and tell ka?"
Ngumisi siya. Tama ito. Dati nga siyang ganoon. Pero hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya kay Aurora kung bakit hindi niya maggawa iyon. Sa kabila ng kakulitan niya rito, malaki ang respeto niya rito. Siguro ay dahil nga sa inamin na niya sa sarili niya na mahal niya ito. Cupid had gotten him very hard to make him feel like that.... "I know it sounds corny but I guess I am really in love. Can you believe that?"
Umiling ito saka mamaya ay ngumisi. "Hindi pa ako kailanman nai-in love pero sa nakikita ko sa iyo ngayon, mukha ngang na-develop ka nang husto. That girl must be so special to you..."
Tumango siya. Totoo iyon. Siguro nga ay sandali pa lamang sila nagkakilala pero gusto na niya si Aurora. Marami ng babaeng dumaan sa buhay niya pero ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Iyon ba na pakiramdam na gusto mo na lang na makasama ito nang maatgal. Scratch that---pang habang buhay. Ilang buwan pa lang silang nagkakasama pero ito lang ang tanging babae na pumupuno sa isipan niya. Unang beses na nangyari iyon sa kanya at pakiramdam niya ay hindi na niya gugustuhing muli dahil tanging si Aurora lang ang gusto niyang makasama sa hinaharap.
Alam niya na kay bilis ng mga pangyayari. Pero malaki na siya at nakakapag-isip nang maayos. Alam niya na pag-ibig ang nararamdaman niya kaya ganoon iyon. Isa pa, ano naman kung mabilis ang development ng pag-ibig niya? Sa mga fairy tales nga, kaggaya ng Sleeping Beauty na siyang paborito ni Aurora, hinalikan lang ng prinsipe ang babae ay mahal na nito agad iyon at nagpakasal na. Hindi nakukuha sa haba ng pinagsamahan at development ang pag-ibig. Kusa mo na lang iyon mararamdaman at kapag naroon ka na, mahirap ng kumawala.
Isama pa na sa kabila ng pagkaayaw rito ng Mommy niya, gusto pa rin niya na makasama ito. Wala siyang pakialam kung may mga witch o dragon man na humarang sa pag-iibigan nila. Handa siyang ipaglaban ito sa lahat huwag lang itong mawala sa kanya. She was his princess.He really fell so hard for her to even think and do that.
Sandaling nag-inuman at nagkuwentuhan pa sila hanggang sa may mga babae na dumating sa party. Naki-join ang mga ito sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga kaibigan niya siyempre. Pero hindi si Phillip. Kung siguro ay dati ay matutuwa pa siya lalo na at ngayon ay magandang babae pa ang lumalapit sa kanya, pakiramdam niya ay nandidiri siya. Isama pa na parang pinipirat ang puso niya. Para siyang nagtataksil. Maganda ang babae pero mas gusto niya pa rin na makasama si Aurora. Ang mga crazy antics nito, ang childish acts nito, ang masayang pakiramdam niya kapag kasama at nakikita ang mukha nito. Hindi niya maipagpapalit ang mga iyon kanino man. Kaya sa halip na i-enjoy na lang ang party ay umalis si Phillip roon. Hindi niya masikmura na magsaya kung wala rin naman si Aurora. Masyadong malalim ang pag-ibig niya rito para magpadala sa tukso.
Minabuti na lang ni Phillip na magpunta sa YERS. Dahil malaki ang contribution niya roon ay pinapasok siya ng guard at hinayaan pang gumamit ng kabayo. Nais niyang puntahan ang tagpuan nila ni Aurora para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya at maramdaman ito kahit papaano. Hindi naman kasi niya maggawang istorbohin ito dahil gusto rin niyang i-enjoy ang oras kasama ang Tita nito. Naiintindihan niya iyon. Kanina rin naman ay nagkausap na sila sa telepono. Sapat na iyon. Sasarilinin na lang niya ang kalungkutan sa pagkawala nito. Isama pa na ilang araw na lang naman ay babalik na ito. Magkakasama rin sila. Gusto lang talaga niyang maramdaman ito kahit papaano.
Pumunta siya sa dulo ng YERS at tinanaw ang kuwarto nito. Lumukso ang puso niya nang makitang may banner na nakasabit sa terrace nito at kahit hindi nakalagay ang pangalan niya, alam niyang para sa kanya ang mensahe.
I'm going to miss you :( , iyon ang nakalagay sa banner.
"Me, too. I missed you as hell now, didn't I? I am going to missed you whenever you aren't on my side. And I guess that will stay until forever. No other woman, my Princess, my Baby. Only you. One and only you." Pagsagot pa ni Phillip kahit na ba wala roon si Aurora para marinig iyon.
Ganoon pa man, sa kaunting pagsasama nila at sa batang edad niya lalong-lalo na si Aurora, ramdam niya na kaya niyang panindigan ang mga salita. Masyado talaga siyang tinamaan si Aurora. Eh ano kung bata pa sila? Na masyado pa itong bata? Ano rin kung sandali pa lang sila magkasama? Kung mabilis ang naging development ng pag-ibig nito at pati na rin siya rito? Sa mga nararamdaman niya rito, alam niya na willing siyang mag-antay rito makasama lang ito habang buhay. Ganoon kalakas ang naging tama niya rito...
Nasa ganoong pag-iisip si Phillip nang tumunog ang cellphone niya. Someone is calling. May bahagi ng isip niya na nami-miss ang tunog ng cellphone niya. He mostly used it on business kaya kahit wala na siyang ibang kamag-anak at kaibigan ay palagi pa rin natawag roon. Pero wala pa siyang protocol sa kanyang sekretarya para may tumawag roon.
Tinignan ni Phillip ang tumatawag. It was from an unknown number. Out of curiousity ay sinagot niya ang tawag. Sa kabila ng kawalan ng tulog dahil sa sakit nadarama ay na-recognize niya ang boses ng tumatawag.
"Cindy, bakit ka napatawag? Paano mo nakuha ang number ko?" naalala niya ang boses nito dahil isang linggo lang naman ang nakararaan simula nang magkita sila.
"I went to your office pero sabi ng sekretarya mo ay 'di ka raw napasok isang linggo na ang nakalilipas. Hindi ka raw tumatanggap ng business calls but I told her na personal ito kaya ibinigay niya ang number. I assume you've been too busy with Aurora. I've heard what happened. Gusto ko sanang i-congratulate ka. I'm happy for the both of you,"
Napahigpit ang hawak ni Phillip sa cellphone. Ginagago ba siya ni Cindy? Iko-congratulate siya nito samantalang tuluyan na ngang namatay si Aurora? Pero naalala niyang kahit kailan ay hindi marunong manloko si Cindy. She always has been a serious person. "What the fuck are you talking about?! Patay na si Aurora!"
"What?!" gulat na gulat ito. "Pero narinig ko sina Mama at Papa kanina na nag-uusap tungkol sa himala na nangyari sa kanya. Ang sabi ay naging mabilis pa nga raw ang recovery nito. Mali ba ng balita si Papa?"
Isang magaling na lawyer ang ama ni Cindy at sa pagkakatanda niya ay kaibigan nito si Tita Neri. Maaring totoo ang pinag-uusapan ng mga ito.
Hope suddenly filled Phillip's heart. Sa buong isang linggo ay hindi siya nakibalita sa lagay ni Aurora. Paano kung hindi naman pala tunay na namatay ito?
Hindi na sinagot pa ni Phillip ang tanong ni Cindy at pinatay ang tawag. Mabilis pa sa alas kuwatrong nilisan niya ang unit niya. Halos paliparin rin niya ang sasakyan papunta sa ospital kung saan matagal ng naka-admit si Aurora. Tinanong niya agad sa information kung saan ito naka-admit. Tinanong nito ang pangalan niya saka umiling.
"Sir, 'di po namin puwedeng sabihin. Mahigpit po na habilin ng mga Tita niya na hindi puwedeng magpapasok ng wala sa listahan ng mga nasa guest list na puwedeng bumisita kay Ma'am,"
That confirms it! Buhay si Aurora! Miracles do happen!
Ganoon pa man ay hindi maiwasang maggalit ni Phillip. What the fuck does this receptionist talking about? "Hindi mo ba ako nakikilala? Ako ang palaging bumibisita kay Aurora noong comatose pa siya! Ako ang boyfriend niya!"
"Pero Sir, utos po ito ng Tita niya. Wala ang pangalan niyo sa listahan ng puwedeng bumisita sa kanya..."
Nagtiim ang bagang ni Phillip sa narinig. Iyon ba ang dahilan kung bakit isang linggo na ang nakararaan ay wala man lang nakapagsabi sa kanya na maayos na ang lagay nito? Sadyang itinago ng mga Tita nito na hinala ni Phillip na pakana ni Tita Neri ang himalang nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talaga nawawala ang galit nito sa kanya.
Ganoon pa man ay hindi nagpapigil si Phillip. Kung kailangan niyang buksan ang lahat ng kuwarto sa ospital para makita si Aurora, gagawin niya. Tinakbo niya ang hagdanan papunta sa second floor ng ospital kung nasaan ang mga hospital rooms. Isa-isa niyang binuksan ang mga kuwarto roon na hindi alintana ang mga pagpipigil sa kanya ng mga nurses na nakakita sa ginagawa niya para lang mahanap si Aurora. Nang marating niya ang ikakanan ng pasilyo ay nakita niya ang nag-iisang private room roon. Napakunot noo siya nang makitang may mga lalaking nakaitim na nakatayo sa labas. He recognized one of them. It was Tita Neri's bodyguard.
Tinakbo ni Phillip ang pasilyo. Nakita agad niya ang pagkaalerto ng mga lalaki. Pinigilan siya ng mga ito sa pagpasok.
"Damn you all! Bakit niyo ba ginagawa ang mga ito sa akin?" gusto na niyang maiyak sa nangyayari. Wala bang pakialam ang mga ito sa nararamdaman niya? Hindi naman niya ginusto ang nangyari kay Aurora. Hindi naman niya ginusto ang ginawa ng Mama, lalo na ni Mang Densho. Bakit kailangang siya ang magdusa sa kasalanang hindi naman niya ginawa?
"It was Attorney Dizon orders, Phillip," wika ng bodyguard na mukhang nakilala siya.
"Pero kilala niyo ako. Ako ang boyfriend ni Aurora! Papasukin niyo ako,"
"Pero hindi ikaw ang inaakala niyang boyfriend niya ngayon..."
Kumunot ang noo niya. "Ano ang ibig mong sabihin?"
Bago pa masagot ng bodyguard ang tanong niya ay bumukas ang pinto sa kuwarto. May lumabas na nurse at Doctor mula roon. Dahil roon ay nakita niya ang loob ng kuwarto. Gusto niyang maiyak nang makitang nakamulat si Aurora at nakangiti. Hindi na interesado pa si Phillip kung paano nangyaring naggising muli si Aurora. Ang importante sa kanya ay buhay ito at humihinga.
"Narinig mo ang sinabi ng Doctor? You are going home tomorrow," masayang wika ng isang lalaki na nakilala niyang si Dylan, ang nurse ni Aurora noon.
"Yes. I am so happy. After seven years being a comatose patient and being a normal patient for a week, I'll be home. Isa talagang malaking himala na gumaling ako. Or maybe fairy tale story do exists and true. Sa tingin ko talaga ay kaya ako gumaling dahil naramdaman ko na hinalikan mo ako, my Prince. You made this sleeping beauty woke up from her enchanted dream..."
Parang may bumikig sa lalamunan ni Phillip nang marinig iyon. Was it really all happened because of the last kiss he has given to her? Can a kiss be really magical? Kung sana ay naniwala lang agad siya sa mga fairy tale na pinagkukuwento sa kanya ni Aurora noon, sana ay matagal na pala itong gising. Nakaramdam siya ng inis sa sarili niya.
Pero lalong nakaramdam ng inis si Phillip nang mukhang ang akala ni Aurora ay si Dylan ang gumawa noon. Para siyang sinaksak ng libu-libong punyal sa dibdib nang tumatak sa isip niya na hindi para sa kanya ang pagpapasalamat nito. Hindi siya ang kinukunsidera na prinsipe nito.
Gusto niyang magwala. Pero bago pa maggawa ni Phillip ang nasa isip ay sumara na ang pinto. Hindi man lang sila napansin ng dalawa. At sa pagasara ng pinto ay ang paghawak rin ng isang kamay sa balikat niya. Nang harapin niya ito ay natikman niya ang pinakamalakas na sampal na nakuha niya sa buong buhay niya.