Library
English
Chapters
Settings

4

BILANG kaparusahan sa aksidenteng naggawa ni Phillip kay Aurora ay kinailangan niyang sunduin araw-araw si Aurora sa school nito. Isang linggo pagkatapos nitong tumigil sa pangangabayo ay nagsimula na ang klase nito. Itinuloy nito ang pag-alis sa riding school pero hindi raw ibig sabihin noon ay itutuloy na rin nito ang pagpapalayas sa kanya sa buhay nito. Hindi raw ito titigil hangga't hindi siya nai-in love rito. Kaya lang ay sa halip na si Aurora ang manligaw sa kanya ay mukhang si Phillip pa ang nanliligaw rito dahil sa parusang ibinigay nito sa kanya.

Malapit lang ang school nito na nasa loob rin ng subdivision kung saan nakatira ang mga ito. Halos katabi lang rin iyon ng riding school. Hindi naman nahihirapan si Phillip sa gusto ni Aurora. Isama pa na hindi naman siya pagod sa pagiging trainer dahil kakaunti na lang ang estudyante nila sa riding school. Karamihan kasi ng mga nag-enroll, kung hindi tapos na ay tuwing Sabado na lang ang klase dahil umpisa na ang pasukan. Kakaunti lang rin ang mga adult equestrian nila. Kaya lang ay medyo nahihiya siya dahil palagi siyang pinagtitinginan ng mga kaklase nito at iba pa nga ay inaakala na boyfriend siya nito. Hindi naman sa ikinahihiya niya si Aurora, kaya lang ay napakabata pa nito sa kanya. Iyon ang palaging nasa isip niya kaya kahit nararamdaman niyang may kakaibang damdamin na namumuo sa puso niya kapag kasama niya ito ay pinipigilan niya.

Nalaman ni Phillip na tuwing umaga ay hinahatid si Aurora ng Tita Neri nito at sa hapon ay puwede itong magpasundo sa family driver ng mga ito. Pero dahil sa kasunduan nila ay hindi ito nagpapasundo sa driver. Dinadahilan nito sa mga Tita nito na sumasabay ito sa kaklase na naglalakad lang pauwi sa bahay ng mga ito. Walking distance lang naman kasi ang school nito sa bahay dahil nasa parehong subdivision lang. Sa ngayon ay mag-iisang buwan na nitong ginagawa iyon. At kung kailan magtatagal ang kasunduan, wala itong sinasabi.

"Hi boyfriend!" bati pa sa kanya ni Aurora nang makalabas ito sa gate. Niyakap siya nito at inabot ang bag sa kanya pagkatapos. Kung umakto ito ay parang girlfriend niya ito.

"Aurora, 'di ka ba nahihiya? Ang akala ng lahat ay boyfriend mo ako," Ilang beses na niya itong sinaway pero patuloy pa rin ito sa pagtawag sa kanya ng ganoon. She was really a brat.

Tumaas ang isang kilay nito. "Bakit naman ako mahihiya kung kasingguwapo mo naman ang boyfriend ko?"

"But you are too young to have a boyfriend,"

Lumabi ito. "Sus! 'Yung mga classmates ko nga sa America, eleven years old pa lang, nakikipag-sex na! Samantalang ako, wala man lang first kiss!"

Napaubo si Phillip. Napakabulgar talaga nito. But on the other side, gusto naman iyon ni Phillip. At least, hindi ito kaggaya ng ibang babae na tahimik nga pero nasa loob naman ang kulo. Mabuti na lang rin at siya ang naggustuhan nito dahil kahit minsan ay nate-tempt siya na patulan ito ay marunong siyang rumespeto.

O mabuti na lang na naggustuhan ka ni Aurora dahil gusto mo rin siya?

Dahil naging constant being na si Aurora sa buhay ni Phillip ay marami na siyang nalaman rito. Sa America nagkakilala ang mga magulang ni Aurora dahil matagal ng nag-migrate ang pamilya nito. Doon rin nagkakilala ang mga magulang ni Aurora. Nang mamatay ang mga magulang nito ay hindi iyon naging hadlang para umuwi sa Pilipinas si Aurora at ang mga Tita nito na siyang nag-alaga rito nang mamatay ang mga magulang. Matagal na kasing patay ang mga magulang ng magkakapatid at wala na rin ibang kamag-anak ang ama nito. Ngayong taon lang pala ito umuwi sa Pilipinas dahil nakita ng mga Tita nito na hindi maganda ang environment ni Aurora sa America.

Dahil madalas na busy ang tatlo sa kanya-kanyang trabaho ay napababayaan ng mga ito si Aurora dahilan para mabarkada ito sa mga hindi kanais-nais na tao. Naisip ng mga ito kapag nag-stay ang mga ito sa Pilipinas ay mapapabuti ito roon dahil iba ang culture roon kaysa sa America. Sa ngayon ay second year highschool ito.

"Kapag m-in-ention mo pa sa akin 'yang halik-halik na 'yan, lalo kang hindi makakatikim sa akin,"

Nanlaki ang mga mata nito. "So ibig sabihin, bibigyan mo nga ako?"

Ginulo niya ang buhok nito. "When the right time comes, Baby,"

Napasimangot ito. "Baby! I hate that. Do I really look like a Baby?"

"Because you love wearing pigtails," hinawakan niya ang buhok nito.

"Cute kaya. Saka ganitong mag-ayos si Mommy noong buhay pa siya. I told you, I idolized my parents. Kaya nga ikaw ang gusto kong mapangasawa, eh,"

"So 'yun talaga ang dahilan kung bakit lumalapit ka sa akin?"

"Oo. Pero alam mo na hindi lang 'yun. I love you not only for what you are but what I am when I am with you. Kaya please, 'wag mo na akong tawagin na Baby. Hindi na ako baby! At papatunayan ko 'yan sa 'yo ngayon,"

Napakunot noo si Phillip nang lumayo sa kanya si Aurora at dumiretso sa isang kotse. May inilabas itong susi at binuksan ang kotse. Sumakay ito sa driver's seat. Sa pagkakataong iyon ay nanlaki ang mga mata ni Phillip.

"You will drive a car?!"

Ngumiti ito sa kanya. "Oo. Tanggap ko na sa inyong mga prinsipe lang puwede mangabayo kaya magpapaka-modern na lang ako. Tsaran! I drove one of my aunt cars today to school!"

"Damn, Aurora! Seryoso ba 'yan? Nag-take ka ba ng driving lessons? You are underage! Wala kang driver's license! Paano mo nadala 'yan rito? Paano kung nahuli ka?" punong-puno ng pag-aalala na wika ni Phillip.

Naggawa pang tumawa ni Aurora sa kabila ng pag-aalala ni Phillip. "Relax. Kaninang umaga ay hindi ako hinatid nina Tita dahil nagmamadali silang umalis. 'Yung driver naman namin, madaling mauto kaya pinayagan akong dalhin ang sasakyan. Isa pa, alam noon na late palagi umuuwi sila Tita kaya malakas rin ang loob na hindi mahuhuli ang kalokohang gusto kong mangyari. At marunong ako mag-drive. Tinuturuan ako ng mga pasaway na kaibigan ko sa America noon. Isa pa, madali lang naman itong i-drive dahil automatic. Parang bump car lang. Saka walang manghuhuli sa akin dahil nasa subdivision lang tayo. Wala tayo sa highway!"

"Kahit na! God, you are such a brat. Puro sakit ng ulo ang dala mo sa akin!"

"Pero kahit ganoon, hindi mo pa rin ako maiwas-iwasan," tatawa-tawang wika nito. "Sakay na. Promise, safe ka. Safe nga ako nakarating sa school at maayos pa ang parking ko dito sa labas. 'Di ko kasi puwedeng ipasok ito doon dahil baka makita ako ng mga teacher ko at isumbong pa ako kayna Tita. Gusto ko lang naman ipa-experience sa 'yo kung paano ako mag-drive para magtiwala ka sa akin. Iwan mo na lang ang kotse mo diyan at ihahatid kita pabalik," akmang uupo na ito sa driver's seat nang lumapit siya roon at pigilan ito.

"No! Ako na ang magda-drive. Mahirap na," kinuha niya ang susi rito pero hindi nito ibinigay iyon.

"No, too! Hindi na ako bata, Phillip. Hayaan mong patunayan ko 'yan sa 'yo,"

"Aurora---"

"Please? Kaggaya ka rin nina Tita. Overprotective. Alam mo bang dati ay may bodyguard pa ako? Mabuti na nga lang at wala na ngayon. But still, hindi pa rin nila ako pinapabayaan. Kahit kaya ko namang lakarin ang school, pinapahatid pa nila ako sa driver o sila mismo ang naghahatid sa akin. Ayaw ko nang ganoon. Nakakaasar kayo!" tumayo ito at nakatalikod na humalukipkip sa kanya.

"Aurora, pinoprotektahan ka lang namin dahil ayaw ka naming mapasama,"

"Ang sabihin mo, wala kang tiwala sa akin dahil ang tingin mo sa akin ay mahina ako. 'Yun naman ang tingin niyong mga prinsipe sa aming mga prinsesa 'di ba? Na palagi kaming paligtas. Puwes, nasa modern word na tayo. Hindi na uso ang mga paligtas na prinsesa. Isa pa, kung ayaw mong sumabay sa akin, 'di 'wag. 'Di kita pinipilit. 'Di na rin kita pinipilit na sunduin ako araw-araw sa school. 'Di na kita kailangan..."

Naramdaman ni Phillip na sa huling salita nito ay parang nasasaktan ito. Ganoon rin si Phillip. Ang isipin na hindi na niya makikita si Aurora ay parang pinupunit ang puso niya. "Y-you don't mean that,"

Hindi ito nagsalita at sumakay na muli sa kotse. Nang simulan nitong i-start ang kotse ay hinarang niya ito pero sa pagkakataong iyon ay sumakay na siya sa passenger seat. Bumalik ang dating Aurora na nakilala niya. Nakangiti na ulit ito.

"Pakipot ka pa. Bibigay ka rin pala,"

Ayaw ko lang na palayuin mo ako sa buhay mo, "Ayaw ko lang na mapahamak ka. Saka gagabayan na rin kita para hindi ka madisgrasya,"

"Boyfriend talaga kita. Wagas kung mag-alala ka sa akin," ngisi-ngising sabi ni Aurora saka pinatakbo ang sasakyan. Napahawak si Phillip sa upuan dahil umpisang bira pa lang nito ay mabilis na iyon.

"Mag-seatbelt ka kasi," paalala pa nito sa kanya saka pinabagal ang takbo.

Napailing-iling si Phillip. "Hindi dapat ganoon ang unang takbo. 'Di ka papasa niyan sa LTO," paalala naman niya at inumpisahang gabayan rin ito sa pagmamaneho. Natuwa naman siya nang makinig sa mga gabay niya si Aurora. Hindi kaggaya ng pagsakay sa kabayo ay mabilis na natutunan at nai-apply ni Aurora ang mga tinuturo niya.

"Ayan, liliko na tayo. Dahan-dahan ka lang kapag ganyan," pagpapaalala ulit ni Phillip rito. Sinunod naman ni Aurora ang turo niya. Nagmabilis ito nang maluwag na ang daan. Malapit na sila sa bahay ng mga ito nang biglang may tumakbong pusa sa harap nila. Napapreno nang malakas si Aurora at napindot rin ang .busina ng sasakyan dahil sa takot. Matagal nitong ginawa iyon kaya nakabulabog ito ng mga tao.

At sa kasamaang palad ay isa ang Tita nito sa nabulabog nitong tao. Madilim na madilim ang mukha nito nang lumabas ng bahay at makita sila ni Aurora.

---

MAHIGIT isang linggo nang hindi nagkikita sina Phillip at Aurora. Dalawang linggong grounded ang dalaga dahil sa pagkahuli rito ng Tita nito. Bahay-eskuwelahan lang ang puwedeng puntahan nito. Hindi ito puwedeng magpapasok ng bisita. Sinesante rin ng lawyer na Tita nitong nakahuli sa kanila ang driver na naging pabaya kay Aurora. Kahit siya ay napagalitan rin ng Tita nito pero inako ni Aurora ang lahat kaya naging mahinahon ang Tita nito. Ganoon pa man ay grounded pa rin ang dalaga.

And Phillip missed her so badly. Lumilinaw na talaga sa kanya ang lahat ngayon. Dahil kung wala siyang nararamdaman kay Aurora, bakit siya malulungkot na hindi niya ito nakakasama? Bakit niya hinahanap ang mga kakulitan nito? At dahil nami-miss na niya ito, napagpasyahan niyang pumunta sa dulo ng riding club na siyang tanaw ang likod bahay ng mga ito. Alam rin niya na kita mula roon ang terrace at kuwarto ng dalaga dahil nang minsang tinuturuan niya ito ay sinabi nito iyon sa kanya. Sa ngayon ay nagbabaka-sakali si Phillip na nandoon ito. Gusto man niyang i-text ito na lumabas ay wala siyang maggagawa dahil pati sa cellphone ay grounded rin ito.

Seems like luck is on Phillip's side. Hindi pa man siya nakakalapit nang husto sa barb wire na siyang harang ng riding club ay natanaw na niya si Aurora. Ganoon rin naman ito sa kanya. Agad na kinawayan siya nito. He waved and smiled back. Gusto sana niyang sigawan si Aurora kaya lang ay nag-aalala siya na baka may makahalata sa kakaibang pagdalaw niya. Pumasok naman sa loob si Aurora at nang bumalik ito ay may dala itong sketch pad. Nagsulat ito roon.

"Be my Romeo. Akyat ka dito sa kuwarto ko," basa niya sa sulat nito. Nasa second floor kasi ang kuwarto at terrace noon.

Umiling si Phillip. Naghanap siya ng puwede niyang pangsagot rito. Nakakita siya ng uling sa may tabihan. Kinuha niya iyon. Sinenyasan niya si Aurora na bigyan siya ng papel. Na-gets naman nito iyon. Pumilas ito ng tatlong papel sa sketch book at inihagis sa kanya. Sinambot niya iyon at nagsulat gamit ang uling.

"Ayaw ko ng Romeo and Juliet. Edi tragic ending ang nangyari sa atin?" sulat niya at ipinakita rito.

"Hmmm... How about you fight with the "dragon?" Hindi ba ganoon ang ginawa ni Prince Phillip para ma-save niya si Sleeping Beauty?"

"Dragon? You mean your Tita Neri?" mukha kasing mabait ang dalawa pang Tita nito na lumabas rin nang malaman ang ginawa ni Aurora. Nakilala niya ang ugali ng mga ito dahil ito ang nagpapakalma sa Tita Neri nitong nakahuli sa kanila. "Despite of her "dragon" attitude, I respect her. And I also agree with her. Kailangan ka rin niyang disiplinahin. You've been a very bad girl,"

Lumabi ito. "But I miss you, Phillip..."

Napangiti si Phillip sa nabasa niya. Matagal na tinitigan lang niya ang sulat nitong iyon hanggang sa makaisip si Phillip nang isasagot rito. Missed na missed na rin niya ito. Torture para sa kanya ang mga nangyayari. Nasanay na siya na nasa tabi niya si Aurora. Gusto niya palagi na kasama ito. Ito lang ang tanging babae na lumapit sa kanya ng ganoon. Parang hindi niya yata kakayanin kung mas matagal pa sa dalawang linggo na magkahiwalay sila. Kailangan niyang bumawi rito. Kailangan nilang maka-catch up sa isa't isa. Hindi niya gusto ang pakiramdam na wala ito sa tabi niya. Parang mamatay siya. Ganoon katindi ang nararamdaman niya rito kahit na sandaling panahon pa lang silang nagsasama.

"I miss you, too. Pero dahil hindi ko rin nagustuhan ang ginawa mong pagpapasaway noon, I need to discipline you, too. At ako rin dahil hinayaan kitang magloko. But what about I ask you for a date after the grounded weeks?"

Nanlaki ang mga mata nito sa nabasa. Lumaki rin ang ngiti nito. At sapat na kay Phillip ang mga ngiti na iyon para matahimik na siya dahil sa tagal na niyang hindi nakasama si Aurora. Pasasayahin na lang niya ang sarili sa kaalamang magde-date sila pagkatapos ng parusang iyon. There will be a rainbow after the rain.

---

HALOS hindi matigil sa paghalikhik si Aurora habang nagde-date sila. Transparent ito sa pagpapakita sa kanya na kinikilig ito kahit hindi pa niya binibigay ang best niya para sa date nila. Ang kaalamang magka-date sila ay masayang-masaya na si Aurora.

Ganoon rin naman si Phillip. Sa wakas ay tapos na rin ang grounded weeks ni Aurora. Ngayon ay nakakalabas na ito ng gumala kaya puwede na rin silang magdate. Dinala niya ito sa isang mall. Nanood sila ng sine at pagkatapos noon ay pinakain niya ito sa isang fine-dining restaurant. Hanggang doon ay tawa pa rin ito nang tawa. Hindi naman niya masaway ito dahil gustong-gusto niya na makitang tumatawa ito. Gusto ni Phillip ang mabilis na pagtakbo ng kabayo niya pero mas gusto niya ang mabilis na tibok ng puso niya kapag kasama si Aurora.

"This is one of my best day. But I will save my very best day ever kapag sinabihan mo na ako ng "I love you"," kinindatan pa ni Aurora si Phillip.

Sandaling natigilan si Phillip sa sinabi nito. Gusto sana niyang sagutin rin ito ng totoong nasa loob niya pero mas pinili niyang panaigin ang nararapat.

"Bata ka pa, Aurora," paalala niya rito.

Sumimangot ito. "So? Basta ako mahal kita. Sagutin mo na kasi ako,"

Nginitian niya lang ito bilang sukli. Mahal rin kita. But you need to grow up first.

Nasa ganoon silang sitwasyon nang may lumapit sa kanilang babae. Nang tiningalain niya iyon ay nakita niya ang kanyang ina. Nang-uusig ang tinging ibinigay nito sa kanya.

"Phillip, hindi ko man lang alam na may bago ka na palang babae na dine-date. Ang akala ko ba ay busy ka na trainer ng YERS?"

Hindi sila ganoong ka-close ng kanyang ina. Hindi kasi ito palakuwento at bihira lang na samahan siya. Busy ito palagi dahil nagtatrabaho ito bilang Vice President sa kompanya ng Lolo niya. Pero sa tuwina ay nalalaman nito ang mga babaeng dine-date niya dahil mahilig itong magbasa ng magazines. Minsan kasi ay napi-feature siya roon at ang ibang mga babae na madalas ay ka-fling lang niya at nahuhuli lang siya na kasama.

"Ah, Mommy, busy talaga ako sa YERS. Pero hindi naman ibig sabihin noon ay isasara ko na ang pinto para sa personal life ko," tumayo si Phillip. "Mom, I want you to meet---"

'Di pa man tapos magsalita ang Mommy niya ay matamang tinignan na nito si Aurora at nagkomento. "She looks so young. Ganyan na ba ang taste mo ngayon, Phillip?"

"Ma, this is my personal life. May karapatan naman siguro akong pumili ng makakasama ko," depensa niya rito.

Hindi ito nagkomento roon. Tumingin lang ito kay Aurora. Napansin niyang medyo na-tense yata si Aurora dahil sa kanyang ina. Ganoon pa man ay pinanatili pa rin ni Aurora ang pagiging masayahing attitude nito. Naglahad ito ng kamay sa kanyang ina.

"Hi Ma'am! Naging estudyante po ako ni Phillip sa YERS. Ako po si Aurora Parker,"

"Parker? At nag-aaral ka sa YERS? Ibig sabihin ay mahilig ka sa kabayo.... 'Wag mong sabihin na may kinalaman ka kay Daniel?" nanlaki ang mata ng kanyang ina.

Naalala ni Phillip na equestrienne nga pala ang kanyang Mommy noon. Baka kilala nito ang Daddy ni Aurora. "Kilala mo si Daniel Parker, Mommy? Daddy siya ni Aurora,"

Her mother looked horrified. "I-Ikaw ang anak nila ni Aileen?"

"Kilala niyo rin po ang Mommy ko?"

Nagbaga ang mga mata ng Mommy niya nang makumpirma ang hinala. Galit na tinitigan siya nito at sumigaw. "Hiwalayan mo ang babaeng 'yan, Phillip! Hiwalayan mo siya!"

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.