3
Nine Years Ago...
HINDI sigurado ni Phillip kung tatawa o ngingiwi na lang nang iaabot ng isang batang babae sa kanya ang isang stuff toy na kabayo. Siguro ay matutuwa at ma-a-appreciate niya pa ang bigay nito kung binili nito ang stuff toy sa toy shop. Pero sa klase ng pagkakaggawa noon, ramdam niya "specialize" ang kabayo at ang nag-"specialize" noon ay walang iba kundi ang bata sa harap niya.
Sa tantiya ni Phillip ay nasa early teenage years nito ang babae. Pero dahil nasa twenties na siya, para sa kanya ay batang maituturing ito. Isama pa na nakasuot pa ito ng pigtails. She looked cute though. Gustong-gusto rin niya ang ngiti nito at ang tingin nitong parang siya na ang pinakaguwapong nilalang sa mundo. Ilang beses na siyang nakakita ng ganoong klaseng tingin sa mga tao. Bilang isang famous international equestrian, sa murang edad ni Phillip ay hindi na bago sa kanya ang makakita ng mga matang halos lumuwa na sa paghanga. Pero kakaiba ang nararamdaman niya sa reaksyon ng batang ito. Kaya gusto man niyang matawa sa klase ng regalo na binigay nito sa kanya nang magka-"meet and greet" event siya pagkatapos ng pagkapanalo niya sa France sa isang Dressage Competition roon ay pinili na lang ni Phillip na ngumiti sa bata. Tutal ay nang mapagmasdan niya ito ay hindi niya maiwasang mapangiti. Kung lumaki-laki lang ito ng kaunti, he would have said to her she was beautiful.
"I made this horse especially for you," pagmamalaki pa ng bata. Tama nga ng hinala ni Phillip. "I am your number one fan simula nang makita ko 'yung pagkapanalo mo sa dressage competition mo sa France. Ang galing-galing mo at ang pogi-pogi pa!"
Hindi na bago kay Phillip na makarinig nang ganoong papuri. "Thank you so much for the support and the gift, kid," ginulo pa ni Phillip ang buhok nito. Mababa ang puwesto ng kinaroroonan nito sa kanya kaya naggawa niya iyon. May kaliitan rin ito.
Napataas ang kilay ni Phillip nang malukot ang mukha nito. Ayaw ba nito ng ginawa niyang paggulo ng buhok nito? Sabagay, nagulo niya ang buhok nito. Pero bago pa man makahingi nang paumanhin si Phillip ay nagsalita ito.
"You call me a kid!" nakalabing wika nito. Nagtampo pala ito dahil sa itinawag niya rito. "I am a lady now, you know. I am already a teen!"
"Talaga? Ilang taon ka na ba? Mukha kasing ang bata mo pa kumpara sa akin,"
"I'm fourteen. Seven years older ka lang sa akin kaya hindi naman ako talaga bata kung ipagkukumpara sa 'yo,"
"But your face seems like a baby. Ang cute-cute mo,"
Lalong nalukot ang mukha ng babae. "I am not cute! Pang bata lang ang adjective na 'yun. I am beautiful!"
She sounded like a brat. Natawa na lang si Phillip. Inabot niya ang pamaypay na siyang freebie ng mga pumipila sa kanya para sa meet and greet. Pinipirmahan niya ang mga iyon para ibigay naman bilang souvenir sa mga um-attend.
"What is your name?" tanong ni Phillip para maayos niya ang dedication para sa babae.
"Aurora and I am your missing princess, Prince Phillip," pangungulit pa nito.
"Seriously?" amused na sabi niya.
"Aurora nga. Ayaw mo ba akong maging princess mo?" nag-propose pa sa kanya ang bata. "Ah, alam ko na kung bakit. Hindi kasi ako natutulog kagaya ni Sleeping Beauty. Hindi mo pa rin ako nahahalikan. Pero kung 'yun lang naman ang paraa para mapalapit ako sa puso mo. I am willing to sleep a thousand years if you are the prince that will woke me up for my hundred of years sleep,"
Pilit na hindi pinansin ni Phillip ang sinasabi ng bata kahit na ba nakaramdam siya ng kakaibang taba ng puso sa pambobola nito. Inumpisahan niyang sulatan ang pamaypay ng dedication. Nang matapos siya ay saka lang siya tumingin sa babae. Lalo siyang na-amuse nang makitang nakapikit ito at nakapikit pa.
"You are really still a kid. Naniniwala ka pa sa mga fairy tales," gising niya rito. Pero sa isip-isip ni Phillip ay parang kaysarap yatang patulan ng kalokohan ng batang ito. Hindi pa man ganoong kalaki ang bata, nakikinita na niyang she would be a knock-out beauty. Tatalunin nito ang mga models na madadalas na dine-date niya. Kung hindi nga lang talaga ito bata, malamang ay kinuha na niya ang number nito at niyaya pang mag-date.
Grow up first, Baby.
Napasimangot ito. Magsasalita pa sana ang batang nagpakilalang Aurora nang sitahin na ito ng nasa likod nito. Napapatagal na raw ang pag-uusap nila at may oras ang bawat attendees na makausap at makilala siya. The maximum time is one minute. Marami kasing tao at nais ng organizers na pagbigyan ang mga ito. Nag-exceed na roon si Aurora.
"Wait lang! Wala pa akong picture kasama si Phillip," pigil naman ng bata. Para pang brat na pinahawak nito sa nagsita rito ang camera na dala nito. "Hayan, pasusunurin na kita kung kukuhanan mo kami ng picture,"
Nakasimangot na tinanggap ng kasunod nito ang camera at sinunod ang utos nito. Lumapit si Aurora sa kanya. Ang protocol ng organizers ay aakbayan niya ang lahat ng magpapa-picture sa kanya para hindi raw siya magmukhang suplado sa mga fans. Akmang aakbayan na ni Phillip si Aurora nang walang pasabing inilapit nito ang mukha sa pisngi niya at binigyan siya ng halik. Kumislap ang camera nito. Nakuhanan sila ng picture sa ganoong moment!
Hindi agad naka-react si Phillip sa ginawa nito. It was a first time that he had let a fan do that. Sisitahin niya sana ito pero nakaalis na ito sa tabi niya. Nang ilibot niya ang tingin para hanapin ito ay nakita niya ito na medyo malayo na sa kanya. Nagkatinginan sila. Binelatan pa siya nito.
---
EIGHT years old si Phillip nang una siyang dinala ng kanyang Lolo sa Manila Polo Club. Dahil sa pagdala sa kanya roon ng Lolo ay nagkainteres si Phillip sa mga kabayo. Doon nagsimula ang mga pangarap niya na maging world's famous equestrian kaggaya ng kanyang ina. Female edition nga lang ang dito.
Her mom was one of the Filipino pride when it comes to horse competition then. Ilang international competition na ang nasalihan nito at sa tuwina ay palagi itong nanalo. Sa tingin ni Phillip ay namana niya ang galing ng ina. Pero sa kabila ng mga tinamasang kasikatan nito ay hindi nito gusto ang ginagawa niya. Hindi siya suportado nito sa hindi nito masabi-sabing kadahilanan. Ganoon pa man ay hindi nagpapigil si Phillip sa gusto nito. Matigas ang ulo niya at isa pa ay suportado naman siya ng Lolo niya na siyang nagsilbi ng kanyang ama simula nang mamatay ang kanyang Papa noong three years old pa lamang siya. Sinuportahan nito ang pangarap niya at hinayaan siyang mag-compete sa iba't ibang equestrian competition hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Pinag-aral pa siya nito sa isang sikat na riding school sa France.
Ngayon ay isa na sa mga pinakasikat at pinakamagaling na equestrian si Phillip. At the age of twenty one ay hindi na mabilang-bilang ang mga awards na nakamit niya. Ganoon pa man ay hindi iyon dahilan para isara niya ang isip para matuto pa o magbahagi ng mga natutunan niya sa iba.
Sa ngayon ay nagbabakasyon si Phillip sa Pilipinas. May limang buwan siyang bakasyon bago magsimula ang mga horses competition na sasalihan niya sa Spain. Sa pagbabakasyon niya ay naisipan niyang magturo sa Young Equestrian Riding School na siyang pinakamalapit na horse riding school sa bahay nila. Isa iyon sa mga pinakasikat na riding school sa Pilipinas dahil madalas na kumukuha ito ng mga sikat na equestrian o equestrienne bilang trainer ng mga batang gustong matuto ng iba't ibang horsing sports. Pero hindi dahil sa "Young" na pangalan ng mga ito ay hindi na iyon open sa mga adult. May mga adult rin na nangangabayo roon pero karamihan ay mga kabataan na gustong matutong mangabayo. Bakasyon ngayon kaya maraming kabataan ang nag-enroll.
Pinakiusapan rin siya ng may-ari noon na naging kaibigan niya dahil isa rin itong equestrian. Dahil hindi naman siya madamot para magbahagi ng mga natutunan niya ay pumayag siya sa gusto nito. Sa ngayon ay mag-iisang buwan na siyang trainer sa YERS. Madalas ay show jumping o pleasure riding ang tinuturo niya.
Ngayong araw ay naka-schedule siya na magturo ng show jumping sa mga bata. Nasa edad walo hanggang labing-anim na taon ang range ng edad ng mga estudyante niya. Halos lahat ng mga ito ay magagaling kaya hindi siya nahirapan na turuan ang mga ito. May background na rin kasi ang mga ito sa iba pang horsing sports. Bago isabak ang mga ito sa ganoong klaseng sports ay matinding training rin ang pinagdaraanan ng mga ito sa pleasure riding pa lang. Lahat ay nakatalon sa one feet fence na siyang starting nila para sa practice. Matapos iyon ay inihabilin na niya ang mga ito kay Cindy na siyang magbibigay ng room lecture sa mga ito tungkol sa show jumping. Nauuna ang field lecture dahil gusto ng may-ari na magka-experience muna ang mga bata para lalong makinig ang mga ito sa lessons. Madalas daw kasing inaantok ang mga ito sa room lecture kapag iyon ang nauuna at ihuhuli pa ang actual experience.
Si Cindy Soriano ay isang sikat na female equestrian. Kagaya niya ay nagko-compete rin ito internationally. Ito ang nakatoka sa mga room lecture sa mga bata. Napatigil siya nang makita ang nasa table ni Cindy ng lapitan niya ito. Mayroong stuff toy roon na kagayang-kagaya ng ibinigay sa kanya ng batang na-meet niya sa meet and greet niya dalawang araw na ang nakalilipas.
"Kanino galing 'yan?" hindi napigilang magtanong ni Phillip.
"Ah, doon sa bagong enrollee. Fan ko raw siya. Dinalaw niya ako kanina rito sa classroom," parang balewala lang na sagot nito. "Bakit, gusto mo ba?"
Kumunot ang noo niya. "Anong itsura noong bata? Yun ba 'yung batang babae na makulit na naka-pig tails?"
"Naka-pig tails nga siya pero hindi naman siya mukhang bata talaga. Baby face lang. At oo, mukhang makulit siya. Fourteen na raw siya ayon sa kuwento niya. Bakit, kilala mo ba si Aurora?"
Aurora. So totoo nga na iyon ang pangalan nito. Napailing-iling si Phillip. Kahit ilang araw na ang nakalilipas simula nang magkita sila ay sariwa pa rin sa alaala ni Phillip ang pagkikita nila at paghalik nito sa kanya. Halik lang iyon sa pisngi pero ginulo ng bata ang damdamin niya. Hindi niya alam kung bakit ganoon pero may naramdaman siyang kakaiba.
At ngayon ay mukhang delikado yata siya sa YERS. Kung enrollee ito roon, siguradong magiging estudyante niya ito. Lahat ng mga estudyante roon ay nahahawakan niya. Karamihan sa mga teenager na estudyante niya ay may crush sa kanya pero hindi ganoon ka-wild kagaya ni Aurora. Hindi tuloy maiwasang maisip ni Phillip na puwede rin gawin nito ang ginawa sa kanya noong meet and greet. Nagustuhan niya ang pakiramdam ng halikan ito pero ayaw niyang mang-abuso. Masyado pa itong bata.
That little kid would be a distraction. Napatiim-bagang si Phillip sa naisip.
Lumabas na siya ng classroom pagkatapos sagutin ang tanong ni Cindy. Saktong paglabas niya ay may isang babaeng tumatakbo sa corridor at nabangga siya. Na-out of balance si Phillip dahil sa pagsugod nito sa kanya dahilan para matumba siya at mapahiga sa corridor. Damn it! He was hurt. Lalo pa siyang nasaktan nang dumiin sa kanya ang katawan ng babaeng bumangga sa kanya. Kagaya niya ay natumba rin ito at napapatong sa kanya.
"Oh my God! Nandito rin ang prinsipe ko! Alam mo siguro na mag-e-enroll ako rito kaya nandito ka rin 'no? Na-miss mo siguro ako," sunod-sunod na patutsada sa kanya ng nakabangga sa kanya na nakilala niyang si Aurora.
---
TAMA si Phillip nang isipin niya na magiging delikado ang lagay niya ngayong estudyante na ng YERS si Aurora. Hindi lang kasi ang riding school ang ginugulo nito kundi pati na rin siya. Bilang isang trainer ay naging under niya ito. Sa ngayon ay isa ito sa mga tinuturuan niya ng pleasure riding. Bago i-endorse sa kanya nang unang naging trainer ng klaseng kinabibilangan nito ay binantaan na siya noon. Sinabi nitong ingatan niyang mabuti si Aurora dahil may pagka-clumsy raw ito. Sa lahat daw ng estudyante sa klaseng iyon ay ito ang accident prone. Ilang beses na raw itong muntik na mahulog sa pag-akyat pa lang sa kabayo na siyang unang lessons na ginagawa sa YERS.
Limang bata ang batch na kasali si Aurora. Nang i-endorse sa kanya ang lima ay dinala niya ang mga ito sa stable para ipakita rito ang mga kabayong gagamitin ng mga ito para sa lessons nila ngayon.
"This is an Arabian horse," turo ni Phillip sa mga estudyante niya. "Ang mga ito ang gagamitin niyo para sa pleasure riding na lesson natin today,"
"Sabi po ng Daddy ko, matapang daw po ang mga Arabian breed horse. Beginners pa lang po kami. Safe po ba kami diyan?" tanong ng lalaking estudyante na si Albert. Sa pagkakatanda niya ay kaedad rin ito ni Aurora.
"Ang pagiging mabait ng isang kabayo ay wala sa pagiging lahi nito. If that horse is given enough training and treated well, the horse will be great to everyone even beginners. Halos lahat ng kabayo rito sa YERS ay ganoon kaya wala kayong dapat ipag-alala. Isa pa, alalayan ko pa rin naman kayo at ng ilan pang junior trainer para maging safe kayo sa field lesson natin for today,"
"Pero bakit may pony rito saka apat lang 'yung mga mukhang Arabian Horse? Ibig sabihin ba noon ay hindi kami lahat makakasakay sa Arabian horse? Hindi kami makakapag-pleasure riding lahat o kailangang may isang sumakay sa pony?" curious na tanong ni Aurora.
I made this set-up especially for you, gusto sanang isantinig na agad ni Phillip. Pero hinayaan muna niyang paalisin ang apat na kaklase nito kasama ang mga junior trainer nan aka-assign sa mga ito. Naglibot ang mga ito sa open field ng YERS. Kapag bago pa lang ang mga estudyante ay nagtatalaga sila ng iba pang tao para umalalay sa mga bata. Madalas na nangyayari iyon sa pleasure riding. Sinadya ni Phillip na siya ang maging trainer ni Aurora dahil na rin sa pagbabanta ng unang trainer nito. Pinasadya niya rin ang pagpapalabas sa pony para hindi ito mahirapan sa activity.
"Ikaw ang magiging personal trainer ko? Ang lucky ko naman. Talagang 'yung head trainer pa ang napunta sa akin. Pero siguro nga tama ako. Na-miss mo ako kaya sinadya mo na maging ikaw," nakangising komento nito.
"Tama ka, sinadya ko na maging ikaw pero mali ka sa dahilan. I have heard about your failures, kid. Hindi kita puwedeng pabayaan na lang sa mga less experienced na trainer. Hindi rin kita kayang pabayaan na sumakay sa Arabian Horse kaya ipinahanda ko ang pony,"
Nanlaki ang mga mata nito. "What? No! You can't do that to me!"
"I already do. See? Naka-ready na rin ang saddle ng pony,"
"I didn't enrol to this riding club just to ride a freaking pony!" matigas na sabi nito.
"But we usually do this for the beginners na hindi ganoon kabilis matuto. Maaring nakapasa ka sa trainer mo sa first step pero hindi ko hahayaang basta-basta ka na lang makapasa sa akin. Kaya sa ngayon, we will take it one step at a time. Ang pony na 'yan ang sasakyan mo,"
Nakitaan ni Phillip nang galit ang mukha ni Aurora. Ganoon pa man ay hindi nagpaapekto roon si Phillip. Hindi siya puwedeng maging malambot dahil lang sa ayaw nito. Hindi dapat niya pinapairal ang katigasan ng ulo nito.
"Mabait naman ang pony na ito at cute pa. Siguradong magugustuhan mo---"
Hindi na pinatapos ni Aurora na magsalita si Phillip. Mabilis na sumampa ito sa pony at sa gulat ni Phillip ay pinatakbo nito iyon nang mabilis. Ilang beses nitong pinalo ang pony para tumakbo ito nang mabilis.
Mabilis na nagahanap ng kabayo si Phillip para sundan ito. Mabuti na lang at may isang nakatali 'di kalayuan sa stable. Kinalas niya agad ang pagkakatali at sinundan si Aurora. Natawag na yata niya ang lahat ng santo sa sobrang pag-aalala. Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Aurora. At bago niya pa masabayan ang takbo nito ay inihagis na si Aurora ng pony nito. Hindi ito nakontrol ang pony dahil sa bilis ng pagpapatakbo. Tumalon agad sa kabayo si Phillip para daluhan ito. Napagulong si Aurora sa damuhan.
"Goddamn it! Bakit mo pinatakbo nang mabilis ang pony?! Kahit na maliit 'yun, kayang-kaya na ihagis pa rin noon." pangaral niya agad rito. "Anong nararamdaman mo? May sakit ba sa 'yo?"
Phillip checked out on her. Naramdaman niyang humikbi si Aurora. God, she was hurt! Kinagat ng maraming langgam ang puso ni Phillip. Ang kataka-taka nga lang ay walang narinig na kahit anong reklamo si Phillip kay Aurora tungkol sa pagkahulog nito.
"Wala akong sugat at bali dahil hindi nasambot naman ako ng mga damo at ilang beses na rin akong naitaboy ng kabayo kaya sanay na ako at alam ko na ang mga gagawin kapag ganoon ang nangyari. Isama pa na hindi naman 'yun mataas dahil isang pony,"
"Kung ganoon, bakit ka naiyak?"
"Kasi nakakainis ka! Pinaramdam mo lang lalo sa akin na I am a failure! Na kahit anong gawin ko, I would never be like Daniel Parker..."
"Daniel Parker? Idol mo rin siya?"
Bilang equestrian ay may hinahangaan rin siyang mga equestrian. Daniel Paker was his first idol. He was a world's famous American equestrian. Fan siya nito. Pero matagal na itong patay dahil sa car accident kasama ang asawa nito ilang taon na ang nakalilipas. Batang-bata pa siguro si Aurora nang mamatay ito. Nakakapagtaka naman kung idol rin nito ang lalaki. Isa pa, napakarami yatang idol nito?
"I looked up to him because he is my Dad..."
---
"I AM hopeless. I really suck at horses. I can never be like my Dad!" ngawa ni Aurora sa kanya nang sa hindi niya mabilang na pagkakataon ay nahulog na naman ito mula sa kabayo. Mahigit isang linggo na itong uma-attend ng lessons pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito mahalin ng buhay kabayo.
"Maybe there are things in life that aren't just meant for us," pagpapaluwag loob ni Phillip nang maramdaman na naman niya ang kalungkutan nito. As a teacher, he knew he should encourage his students to learn. Pero nararamdaman niyang may mali sa pagsubok ni Aurora. The world of horses doesn't really for her. Gusto lang nitong makapasok roon dahil sa gusto nitong maging kagaya ng ama. Hindi nito ginagawa iyon dahil gusto nito at may passion ito para sa kabayo.
Naniniwala si Phillip sa katagang "Without passion, you can't succeed,". Nakikita niyang wala noon si Aurora. All she care about is to be like on a shadow of his Dad and not because she loved horses and equestrian sports. Walang patutunguhan ang isang bagay kung hindi mo talaga mahal ang ginagawa mo.
"I give up. Ayaw ko na talaga. 'Di na ako aasa na maging kagaya ni Daddy. Dapat matagal ko ng itinigil ito, eh. Ilang beses na kaya akong na-kick out sa mga riding school sa America. Ang akala ko noon, kaya palagi akong natatanggal dahil malaki ang expectations nila sa akin. Marami kasi ang may alam roon na anak ako ni Daniel Parker. Ngayong nakauwi na ako sa Pilipinas at marami rito ang walang alam tungkol sa totoong pagkatao ko, sinubukan ko. Feeling ko noon, binigyan ako ng pag-asa muling matuto dahil coincidence na talagang sa likod lang ng bahay namin ay makikita na ang dulo ng riding school, na mayroon pa talagang ganito sa loob ng subdivision na tinitirihan ko. But I saw that people are still not convinced that I can do it. Gusto ko na naman talagang sumuko kaya lang..." tumingin si Aurora sa kanya at natuluyan ng umiyak. "Wala na akong dahilan para magpa-cute sa 'yo. Baka 'di na kita makikitang muli..."
Amused na tumingin si Phillip kay Aurora. "Gusto mo talaga ako?"
"Hindi ako masasaktan ng ganito kung hindi kita gusto. Hindi mo pa ba nararamdaman 'yun? Bihira lang ako magbigay ng regalo sa iba pero pinaggawa pa kita!"
"Pero binigyan mo rin ng ganoon si Cindy Soriano, 'di ba?"
Tumango ito. "Bukod sa 'yo, idol ko rin siya. Ang ganda-ganda kaya niya saka ang galing-galing pa. Kung lalaki lang ako, matagal ko na siyang niligawan. Pero bakit ba natin pinag-uusapan 'yan? I should said my feelings for you. Alam mo ba na first time ko na makahalik sa lalaki? I gave my first kiss to you willingly because I just don't like you. I think I love you. And someday, I'm gonna marry you,"
Kung kumakain lang si Phillip ng oras na iyon ay malamang nabilaukan na siya. "You really do? Paano naman nasabi? Hindi pa tayo ganoong close,"
"I know. Pero nang makita ko ang mga maneuvers na ginawa mo noong lumaban ka sa France, I admired you. Noon lang ako unang natulala dahil sa angking galing at guwapo ng lalaki. Nang makita kita, I think my heart stops beating for a while and when it recovers again, it races as fast as you run with your horse. At napatunayan ko na in love ako sa 'yo nang mahalikan at makatabi kita. Sa cheeks lang 'yun but it felt so magical. Isa pa, pangarap ko rin na magkaroon ng asawa na equestrian dahil nga idol ko si Daddy. For me, he is the best man ever kahit sandali lang kami nagkasama," tumingin si Aurora kay Phillip. "Ikaw ba naramdaman mo rin ang mga iyon?"
Natulala siya sa sinabi ni Aurora. Seryoso ba ito sa mga sinasabi nito? Mukhang determinadong-determinado ito. Naiisip ni Phillip ang mga iyon hindi dahil sa natatawa siya sa pagko-confess nito. Iyon ay dahil kaggaya ng nararamdaman nito ang siyang naramdaman rin niya nang unang magkita sila. Pati na rin nang maramdaman niya ang halik na iginawad nito.
Ganoon ba talaga ang feeling ng in love? Tama rin ba na maisip niyang parang nahuhulog rin nga siya rito?
"Hindi? I hate you!" parang bata na maktol nito. Akmang ngangawa na naman ito nang may bigla itong maisip. "Aha! Siguro ay dahil hindi pa tayo sa lips nagki-kiss. Siguradong kapag nangyari iyon, masasabi mo rin ang mga sinasabi ko sa 'yo,"
Lumapit ang mukha ni Aurora sa mukha niya. Napalunok si Phillip dahil sa ginagawa nito. Would she really have the courage to kiss her? Pero nang makita niyang malapit na malapit na ang mukha ni Aurora ay napapikit siya sabay taas ng kamay niya para hindi nito matuloy ang gagawin.
Dahil nasa kamay ni Phillip ang force ng pagpipigil niya ay hindi sinasadyang napalakas ang pagpapatigil ng kamay niya sa mukha nito. Nagulat na lang si Phillip na makitang sa pagpipigil niya ay dumugo ang ilong nito.
Isang malakas na iyak ang sumunod na narinig ni Phillip.