2
"SEVEN years had pass and hope is still alive in your heart,"
Nakakunot ang noong napalingon si Phillip nang marinig na may nagsalita sa likod niya. Hindi niya agad nakilala kung sino ang babae pero nang ngumiti ito ay saka lang tumatak sa isip niya kung sino ito. Ito ang palaging bukang bibig ni Aurora noon na crush nitong babae. It was Cindy Soriano, ang dating sikat na commercial model at international Filipino Equestrian. Colleague niya ito noong active pa siya sa mundo ng mga kabayo.
"Today is her twenty-third birthday, right?" wika pa nito at dumampot ng isang long-stemmed pink rose na nasa harapan niya. "And this is her favorite flower that is why I assumed you still remember her,"
"And you still remember, too,"
"Well, hindi man ganoon kalaki ang pinagsamahan namin kagaya niyo, still, I consider Aurora as a friend. She was a very nice and sweet kid. Minsan ay pinapadalhan niya pa ako ng ganitong klaseng bulaklak kapag nanalo ako sa isang competition. We have the same taste in flower kaya alam ko rin ang paborito niya. Can you give me this stem for her as my birthday gift? Matagal ko na rin siyang hindi nabibisita,"
"Sure. Siguradong matutuwa 'yun," kinuha ni Phillip ang bulaklak mula rito.
"And wish me a happy birthday for her, too," dagdag pa ni Cindy.
"No problem," sagot naman ni Phillip. Akmang tatalikod na si Phillip nang magsalita muli si Cindy.
"Kahanga-hanga ang pagmamahal mo sa kanya, Phillip. Kahit pitong taon na ang nakalilipas simula nang ma-comatose si Aurora ay naghihintay ka pa rin sa kanya kahit walang kasiguarduhan ang pagbalik niya..."
Ngumiti nang mapait si Phillip. Hindi iilang beses na may nagsabi sa kanya nang ganoon. Pero hindi kagaya ng nararamdaman ni Cindy tungkol sa ginagawa niya kay Aurora ang nararamdaman ng iba. Most people thought that he was so stupid to wait and still love a girl who is just alive with the help of machines. May mga tao pa nga na nagsasabi na nababaliw na siya.
Minsan ay gustong maniwala ni Phillip sa mga ito. He was stupid and crazy. But with the past seven years, no one replaces Aurora in his heart. Mahirap man iyon na paniwalaan dahil mas matagal pa ang itinulog nito sa ospital kaysa ang kasama niya ito ng buhay pero ito pa rin ang natatanging babae sa puso niya sa kabila ng kondisyon nito. Kahit na subukan man niyang ibaling ang puso niya sa iba, palaging si Aurora pa rin ang nakikita niya. At magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na darating ang araw na maggising ito at mapagpatuloy nila ang relasyon na naudlot dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito pitong taon na ang nakalilipas.
"I wish I could find a man like you," mahina lang ang boses ni Cindy pero umabot iyon sa tainga niya. Napakunot ng noo si Phillip sa sinabi nito.
"Wala ka pa rin bang boyfriend hanggang ngayon?" hindi naiwasang tanong niya. Sa pagkakatanda niya ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni Cindy. Ibig sabihin lang noon ay nasa late twenties na ito. Maganda at matagumpay na babae si Cindy. Ang balita niya ay pagkatapos nitong tapusin ang career bilang equestrian ng mag-beinte singko anyos ito ay nagtrabaho ito sa advertising agency na pagmamay-ari ng Lolo nito.
"My name might be Cinderella but unfortunately, my prince charming is still missing in action," nilangkapan nito iyon ng tawa pero ramdam ni Phillip na may lungkot mula sa mga iyon. "But anyway, it was nice bumping you, Phillip,"
Pagkatapos ay iniwan na siya ni Cindy. Binayaran naman ni Phillip ang mga kinuhang bulaklak. Pina-arrange niya pa iyon pero ang pinapakuha sa kanya ni Cindy ay hindi niya isinama. Lalagyan na lang niya iyon ng note na galing iyon sa paborito at hinahangaan nitong babaeng equestrian. Hindi tuloy niya maiwasang maisip kung ano ang magiging reaksyon ni Aurora kapag nalaman nitong pinadalhan ito ng regalo ni Cindy. Noon kasi ay nagtatalon ito sa tuwa kapag napapansin man lang ng idol. Ilang tili rin ang naririnig niya rito kapag kinukuwento nito sa kanya ang idolo. Siguro ay magiging ganoon rin ang reaksyon ni Aurora ngayon kung malalaman nito iyon. Kaya lang ay mukhang malabo na makita niya ang ngiti ni Aurora na iyon ngayon. Kaka-report lang sa kanya ng nurse nito na ganoon pa rin ang lagay ni Aurora kaninang umaga. Araw-araw ay tinatawagan ni Phillip ang nurse nito tungkol sa lagay ng dalaga at araw-araw rin na binibigo nito ang puso niya.
"We had done everything. Naoperahan na natin siya sa utak para matanggal ang mga blod clots na namuo roon pero hanggang ngayon ay ayaw pa rin magrespond ni Aurora. Sa tingin namin ay nasa subconscious niya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya maggising. In that case, ang pasyente lang ang makakapag-decide kung hanggang kailan siya tutulog. May mga therapies tayong puwedeng gawin sa kanya. Puwede niyo rin siyang kausapin. Iyon na lang ang mga pag-asa natin para mag-respond ang katawan niya. If it fails, then I guess milagro na lang ang pag-asa natin para maggising siya,"
Aurora's doctor said those words. Ilang buwan rin ang inantay nila bago ito naoperahan pero kahit gumaling na ang mga sugat nito pati na rin ang damage na nangyari sa utak nito ay hindi pa rin ito gumagaling. Ilang therapies na rin ang ginawa rito pero hindi pa rin ito naggigising. Halos araw-araw rin niya itong dinadalaw pero walang makapagpagising rito.
When there is light, there is hope... iyon na lang ang palaging iniisip ni Phillip kapag dumadating ang mga oras na nawawalan na siya ng pag-asa na babalik pa si Aurora. She had been in a vegetative state for seven years. Himala na lang yata ang makakapagpagaling rito.
Sumakay siya sa kotse at pumunta na sa ospital kung saan naka-admit si Aurora. Pero bago niya puntahan ang dalaga ay dumaan muna siya sa chapel ng ospital. Kapag binibisita niya si Aurora ay una niyang pinupuntahan iyon para ipagdasal ang lagay nito. Sa paglapit rin niya sa Diyos ay siya rin na paghingi ng pag-asa na mabubuhay pa ito. Para sa kanya, kapag nawala si Aurora ay parang inalisan na rin siya ng buhay. His life had never been the same since that accident seven years ago. Nang makatulog si Aurora ay parang nakatulog na rin ang puso niya na dating buhay na buhay kapag kasama at nakikita niya ito.
Kaya lang ay kaiba sa mga araw na pumupunta si Phillip roon ang araw na iyon. Sa chapel ng ospital ay may nakita siyang dalawang pamilyar na tao na umiiyak habang nagdarasal. Nang dumating siya ay napatingin sa kanya ang mga ito. Kinabahan si Phillip sa reaksyon ng mukha ng dalawa.
"Tita Adel, Tita Tina..." hindi kagaya ng Tita Neri ni Aurora ay mabilis siyang napatawad ng dalawang tiyahin ni Aurora. Pareho kasing malambot ang puso ng mga ito at hindi nabulag sa galit, hindi kagaya ni Tita Neri na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang galit sa kanya at sa hindi sinasadyang aksidente.
Lumapit sa kanya si Tita Adel at niyakap siya. Nakaramdam lalo siya ng kaba sa ginawa nito.
"Ito na ang huling araw ni Aurora, Phillip..." mahinang bigkas nito sa pagitan ng pag-iyak.
Nabitawan ni Phillip ang mga dalang bulaklak.
---
"HINDI po ako papayag, Tita Neri!" dumagundong ang boses ni Phillip sa waiting ng lounge ng intensive care unit. Nalaman niyang napagpasyahan na pala ng tatlong tiyahin ni Aurora sa pangunguna ni Tita Neri ang pagtanggal ng life support nito. Dahil hindi nagre-respond ang katawan ni Aurora ay nilagyan ito ng life support para makahinga pa rin ito. Galit na galit na sinugod niya si Tita Neri na nasa waiting lounge ng ospital.
"Puwede ba, Phillip, 'wag ka ng makialam! Ilang beses ko bang sinabi sa 'yo na lumayo ka na sa pamangkin ko? Pinagbibigyan lang kita na makalapit kay Aurora sa kabila ng ginawa ng pamilya mo sa pamangkin ko dahil sa pakiusap sa akin nina Adel at Tina. Pero hanggang ngayon ay hindi na ako papayag na pati ito ay pakikialamanan mo,"
"Hindi! Bakit niyo hahayaang mangyari ito? Pitong taon tayong naghintay na magigising siya. Sasayangin niyo na lang ba ang tagal ng inantay natin? Isa pa, makakaya niyo bang patayin na ng tuluyan ang pamangkin niyo?"
"Pero papatayin niya rin kami, Phillip. Bilyon na yata ang naggastos namin para lang i-maintain ang lagay niya. Para buhayin siya kahit matagal na tayong tinapat ng doctor na himala na lang ang makakapagpagaling sa kanya. Ubos na lahat ng perang iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Isama pang pati ang sa aming tatlo ay malapit na rin na masaid,"
"'Yun lang po ba, Tita? Ako ang gagastos sa mga susunod na bayarin niya. Ipinapangako ko na I will still give her the best care," malakas ang loob na sabi ni Phillip. Simula nang tumigil siya sa pagiging equestrian ay siya na ang namahala ng distillery company na pagmamay-ari ng kanyang Lolo. Isa iyon sa pinakamalaki sa bansa at kita noon ay kayang-kayang suportahan ni Phillip ang pagpapagamot ni Aurora kahit habang buhay pa. Bukod roon ay may ilan pa siyang investment.
"That is not an option. Hindi ako papayag na tumanggap ng kahit singkong kusing mula sa taong isa sa mga dahilan kung bakit nagkaganyan ang pamangkin ko," tiim-bagang na sabi nito. "Akala ko ba ay malinaw na para sa atin 'yan? Hinayaan kitang lumapit sa pamangkin ko. Hayaan mong hanggang doon na lang ang karapatan na ibibigay namin sa 'yo. Matuto kang makontento,"
Parang tinusok ang dibdib niya sa narinig. Ilang beses pa bang aakuin ni Phillip ang kasalanang nangyari noon? Ilang beses pa ba siya noong pasasakitan? Ilang beses pa ba siyang magagalit at kukutyain? Kahit ang totoo ay hindi naman ganoong intentionally iyon...
"Akala mo ba madali sa amin ito, Phillip? Nag-iisang pamangkin namin si Aurora. Siya lang ang naging alaala ng namayapa naming kapatid. Bilang mga matatandang dalaga ay siya rin ang tinuturing namin na anak. Mahirap sa amin ang mga ito. Pero hindi mo ba naiisip ang kalagayan ni Aurora? Pitong taon na siyang nakahiga riyan at sinusuportahan na lang ng makina. Hindi siya makapagpahinga ng tuluyan dahil sa patuloy na pag-asa natin na magigising pa rin siya. Baka kaya ayaw magrespond ng katawan niya sa lahat ng therapies ay dahil ayaw na naman talaga niyang mabuhay pa," malamig na patuloy ni Tita Neri.
Tumingin si Phillip sa dalawa pang tiyahin ni Aurora. Pero kapwa nakayuko ang mga ito at umiiyak. Mukhang nakumbinsi na rin ni Tita Neri ang mga ito sa plano. Isama pang alam rin niya na madaling makontrol ng Tita Neri nito ang dalawa. They were like sheeps and Tita Neri were they shepherd. Kahit kanya-kanyang magaganda ang career ng mga ito bilang manager ng mga bangko, minsan lang niya nakitang lumaban ang mga ito sa abogadong kapatid at iyon ay noong hayaan siyang pagbigyang makalapit kay Aurora pagkatapos malaman ang dahilan kung bakit naaksidente si Aurora.
Hirap na hirap ang kalooban ni Phillip. Naiintindihan niya si Tita Neri. Tama naman ito. Ilang taon ng nahihirapan si Aurora. Baka nga kaya hindi ito gumising ay dahil ayaw na talaga nitong mabuhay. She needs peace. Matatahimik lang ito ng tuluyan kung ititigil na rin nila ang pag-asa na mabubuhay pa ito. Matatapos na rin ang paghihirap nito. They needed to have compassion to her situation, too. Hindi lang sarili nila ang iniisip nila.
Sa huli ay napasuko rin si Phillip. Masakit man na tanggapin, kailangan rin niyang i-let go si Aurora. After the seven years of hoping, for the next hours... she would be totally gone.
His life would be emptier.
Pumirma na ng mga ito ng waiver pero hindi agad-agad na pinaalis ang life support ni Aurora. Pagkatapos na lang daw ng kaarawan nito. Pagkatapos ng pirmahan ay umalis na ang tatlong babae. Hindi raw kaya ng mga itong makita ang tuluyang pagkawala ng pamangkin. Si Phillip naman ay nanatili sa tabi ni Aurora. Hinawakan niya ang kamay nito at kinakausap. Ganoon ang ginagawa niya kapag dinadalaw niya si Aurora. Pero hindi kagaya nang mga dating sinasabi niya kay Aurora ang sinasabi niya ngayon.
"Alam ko na mahihirapan ako lalo sa buhay dahil sa mga nangyayari. Kailangan ko na namang mag-move on. Daraan na naman ako sa maraming stages. Ang pag-aalala sa 'yo ang pinakamadali sa lahat. Palagi ko kasing ginagawa 'yun. Ang pangungulila sa mga tawa, ngiti, hawak at mga kuwento mo, 'yun yung mga sakit na hindi nawawala sa puso ko. Pero alam mo 'yung pinakamahirap na stage? 'Yun yung kailangan mo ng umalis at wala na akong maggawa kundi ang tanggapin na lang iyon.
"I can wait for you until death, Aurora. Because death in hope is better than death with a broken heart. Ngayon ay tuluyan ka ng aalis at mawawala na ang lahat ng pag-asang iyon. Gusto kitang antayin pero tama ang Tita mo, nahihirapan ka na. Baka kaya dahil ayaw mong gumising ay dahil gusto mo rin naman talagang umalis na. And I care for you so much. I don't want to hurt you even more. Sana ay maintindihan mo ako..."
Sa pagitan ng pagsasalita ay pinagmasdan ni Phillip si Aurora. Matagal ng gumaling ang mga sugat na natamo nito sa mga aksidente kaya makinis na ang balat nito. Iba na rin ang mukha nito kaysa sa dati. Nagbabago iyon taon-taon. She became more beautiful even with her eyes close. She was a sight to behold despite of her condition. She was the modern sleeping beauty. At kung hindi nga lang makakaapekto nang husto ang pagtanggal ng oxygen mask na siyang insturmento para magkaroon ito ng oxygen sa katawan ay matagal na niyang hinalikan ito na parang prinsipe lang sa fairy tale kung saan puwedeng-puwede bumida si Aurora dahil sa angkin nitong ganda. Kung sana nga lang ay isang fairy tale rin ang buhay na sa isang halik lang ay magigising na ang kanyang prinsesa. Pero kahit kailan ay wala pang nakahanap ng kahariang "far far away" at wala rin sila sa panahon ng "once upon a time". Hindi magkakatotoo ang fairy tale sa modernong panahon. Hanggang ngayon ay isa pa rin iyong produkto ng imahinasyon, ng isang ilusyon.
Nakaramdam na naman ng kakaibang sakit sa puso si Phillip nang maisip niya iyon. He doesn't want Aurora to leave...but she must.
Nakahawak si Phillip sa kamay ni Aurora nang dumating ang Doctor at Nurse na magtatanggal ng life support nito. Kahit ilang oras ng alam ni Phillip ang mangyayari ay natuliro pa rin siya nang dumating ang mga ito. May malaking kamay na dumakot sa puso niya. Napansin niyang pati ang Doctor at Nurse nito na siyang palagi niyang tinatawagan para i-update ang lagay ni Aurora ay naiiyak rin. Matagal rin inalagaan ng mga ito ang babae.
"Its time to let go, Phillip..." tinapik-tapik pa ng Doctor ang braso niya. Lumapit ito kay Aurora at ch-in-eck ang lagay nito. Umiling-iling at pagkatapos ay lumapit sa machine na nagbibigay buhay para kay Aurora. Akmang may pipindutin ito nang pigilan niya ito.
"Doc... I can't---wait!" lumuhod siya sa harap ng Doctor. "W-wala na po ba kayong maggagawa para maging maayos siya? Please, I will do everything. I will pay you with all my treasures just make her live again..." gumagaragal na pati ang boses ni Phillip. He felt so ridiculous still, he is still aiming for hope even its too impossible.
"It had been seven years. Ganoon kalaki ang span na binigay natin sa kanya para mabuhay siya. Ganoon tayo katagal umasa. Dahil sa malakas na pagkakabagok ng ulo niya ay nawalan siya ng malay na naging dahilan ng pagiging unconscious niya at pagkakaroon ng blood clots sa utak. Kahit na inopera na natin siya sa utak, wala pa rin nangyari 'di ba? The family have spent a lot, research a lot for all the alternatives, yet, she was still like that. I am really sorry. I know it would be painful for you and her family but we have to accept and learn that letting go is part of life..."
Tumingin siya kay Dylan---ang nurse na kasama ng Doctor. Kagaya niya ay nahihirapan rin ang lalaki. Mukhang gustong-gusto rin ng nurse na pigilan ang Doctor. Hindi niya ito masisisi dahil simula nang maaksidente si Aurora ay nagtatrabaho na ito sa ospital. Ito rin ang madalas na ma-assign ni Aurora. Napalapit ito nang husto sa pasyente. Pero kagaya ni Phillip ay walang maggawa si Dylan. Napayuko na lang ito pagkatapos ay inalalayan ang Doctor. Tuluyan ng tinanggal ng Doctor ang tubo na nagko-connect sa life support ni Aurora. Tinanggal na rin ng Doctor at ni Dylan ang mga nakakabit na tubo sa katawan ni Aurora.
Lalong napiga ang puso ni Phillip nang makita ang anyo ni Aurora. Nawawalan na ng kulay ang mga balat nito at isama pang galaw ng galaw ang dibdib nito. Hinahanap ng katawan nito ang mga nakakabit na tubo. Hindi ito makahinga ng wala ang life support. At ganoon rin si Phillip. Hindi siya makahinga ngayong tuluyang mawawala na ito.
"It will take some minutes until she would be totally gone. Ganyan ang madalas na nangyayari sa mga coma patients kapag tinatanggalan na ng life support. Ikaw ang bahala kung gusto mong tignan at makasama pa rin siya hanggang sa huli," iyon lang at tuluyan ng umalis ang Doctor. Si Dylan naman ay nanatili lang sa tabi.
Nanlalambot si Phillip sa nasaksihan. This was the moment he was dreading not to happen. Pero wala na siyang maggagawa. He had to let go.
Nag-umpisang pumatak ang luha ni Phillip nang lapitan niya muli si Aurora. It would be the last time she will saw her. The thought makes Phillip's heart ache more. Ginagap niya ang kamay nito na para bang sa pamamagitan noon ay mata-transfer niya ang kaluluwa niya o lakas man lang para mabuhay muli ito. He would give everything to have her back again. Even his life, even his soul.
"Ang mga susunod na araw ang magiging pinakamahirap na bahagi ng buhay ko. Ang isiping wala ka na talaga, ang hindi ko na makikita ang mukha mo o mahahawakan ka man lang, iyon ang pinakamahirap sa lahat. Days will pass, months will pass without you. Sisikapin kong mabuhay dahil kapag nabuhay ako, puwede pa rin naman kitang masama. Sa mga alaala nga lang. I will live for you because I know you will be living inside me. You are living inside my heart. Another day, another month, another year will pass. There would be another experience, another seasons, another heartbreaks but one thing is for sure, Aurora. There can never be another you. Never. I love you so much to even gave my heart to someone again. You will always have my heart..." pagkasabi noon ay hinalikan niya ito sa mga labi nito.
Ito ang pinakaunang beses na ginawa iyon ni Phillip kay Aurora. Kahit noong buhay na buhay pa ito ay hindi niya tinangka iyon sa kabila ng pagpupumilit nito. But despite of her condition, Phillip had felt something magical when his lips finally touched her. Hindi nga lang niya masabi na masaya ang pakiramdam na iyon dahil wala iyong magiging tugon. At iyon na rin ang magiging huli.
Phillip's pain is so unbearable that after the kiss, he left and never looked back again.