1
NAKA-ILANG tingin na si Phillip sa kanyang wristwatch. Mag-iisang oras ng late si Aurora sa usapan nila. Hindi ito karaniwang ganoon. She was always excited to meet him so she always come on time or even few minutes before their said meet-up. Pero ngayon ay wala pa ito. Sa kabila ng pagka-inip ay hindi maiwasang mag-alala ni Phillip.
Aurora turned sixteen today and he wants to surprise her for a very special dinner. Inutusan niya pa si Mang Densho---ang family driver nila para sunduin ito. Kahit kasi nagmamatigas ito palagi sa kanya na hindi nito kailangan noon dahil malaki na raw ito ay hindi niya hinahayaang magbiyahe ito. Para sa kanya ay bata pa ito at kailangan nang matinding pag-aalaga. 'Yun nga lang ay hindi nito matanggap na dahil lang sa numero ng edad nito ay gusto niya itong tratuhin ng ganoon. Asar na asar ito kapag ipinagkukumpara niya ang edad nito sa kanyang edad.
Ganoon rin naman si Phillip. Naiinis siya kapag naiisip niya kung gaano kalaki ang agwat ng edad nila ni Aurora. Pitong taon ang tanda ni Phillip rito. Una silang nagtagpo noong fourteen years old pa lamang ito at twenty-one naman siya. Napakabata pa ni Aurora kung ipagkukumpara sa kanya. Ganoon pa man ay hindi naging hadlang ang agwat ng edad nila para hindi siya makaramdam ng kakaiba rito. He knew he was out of his league but Aurora is persistent to find her way to his heart. At gaano man pigilin ni Phillip ang nararamdaman niya para sa dalaga ay nanaig ang persistence nito. He had found a way to his heart. Kaya lang ay sa kabila noon ay hindi maggawang masabi ni Phillip rito ang nararamdaman.
Until now.
Sixteen years old na si Aurora at sa tingin ni Phillip ay tamang edad na iyon para aminin niya ang nararamdaman rito. She was already blooming as a lady. Palagi nitong sinasabi sa kanya na matagal na dapat itong may boyfriend. Paano kasi ay lumaki talaga ito sa America hanggang lumipat ang mga ito sa Pilipinas noong fourteen years old ito. Liberated na maituturing ang mga tao roon. Minsan nga ay niloloko siya ni Aurora kung bakit ba daw niya sinasabing hindi pa dapat siya nagkakanobyo samantalang ang mga kaklase nga raw nito sa America ay nakikipag-sex na sa edad na eleven. Bakit daw sa kanya ay kahit halik sa pisngi ay hindi niya maggawa?
Sa tuwina ay tinatawanan lang ni Phillip ang mga patutsada nito. Of course, kakaiba ang kultura ng Pilipinas kaysa sa kinalakihan nito. Isama pang nirerespeto niya ito. He wouldn't do any harm to her. For him, he was sweet and fragile. Ito ang isang babae na dapat iniingatan. Noong una nga ay ayaw niyang patulan ang mga pangungulit nito dahil natatakot siya na bumigay siya sa mga "panliligaw" nito. Masasabi niya kasing playboy siya. Naka-ilang palit na siya ng girlfriend nang dumating ito sa buhay niya. Pero sa pagdating ni Aurora ay natutunan niya ang self-control sa babae at ang mga tamang trato sa mga ito. Kay Aurora niya kasi unang naramdaman ang sinasabi nilang pag-ibig.
At sa gabing ito niya sisimulang iparamdam sa dalaga ang pag-ibig na iyon. Mukha nga lang mapupurnada ang plano niya.
Naka-ilang tawag na si Phillip kay Aurora pati na rin kay Mang Densho pero hanggang ngayon ay wala pa rin siyang naririnig mula sa mga ito. Nakapatay ang kay Mang Densho pero ang kay Aurora ay nagri-ring. Hindi niya alam kung bakit hindi masagot-sagot nito ang tawag niya samantalang noon ay isang ring pa lamang ay sagot na nito agad iyon. Ganoon kalala ang pagkaloka sa kanya ng dalagita.
Nagsisimula nang mag-init ang ulo ni Phillip nang tumunog ang cellphone niya. The call was from Aurora. Mabilis na sinagot niya ang tawag. Pero hindi ang malambing na boses ni Aurora ang narinig niya. It was from an unknown person informing him that Aurora was rushed to the hospital due to a car accident.
Hindi na natapos ni Phillip ang tawag nang sabihin ng tao ang pangalan ng ospital kung saan dinala si Aurora. Pinatakbo niya nang mabilis ang kotse papunta roon. Kaya pala hindi sinasagot ni Aurora ang tawag niya at pati na rin ang sa driver. Naaksidente ang mga ito.
Hindi mapapatawad ni Phillip ang sarili kung may nangyaring masama rito. Dapat ay siya ang personal na sumundo rito at hindi na lang inabala ang sarili sa pagsu-surprise rito. Hindi dapat nangyari ito kay Aurora. The worst painful thing in losing someone is when you know you could have prevented it to happen.
Nang dumating siya sa ospital ay nandoon na ang tatlong Tita ni Aurora na kapwa mga matatandang dalaga. Nagbabaga ang tingin ng mga ito. Sinampal pa siya ng Tita Neri nitong isa sa mga pinakamagaling na abogado sa Pilipinas. "Pinagkatiwalaan ka naming lalaki ka pero pinabayaan mo ang pamangkin namin!"
"I'm sorry, Tita Neri. I know I should have been with Aurora. Dapat ay hindi ko siya pinasundo sa driver---"
"Pinasundo sa driver? Aurora was driving your family's car! Pinabayaan mo siya! Kinunsinti mo ang katigasan ng ulo niya. Kinunsinti mo ang kagustuhan niyang makapag-drive kahit wala pa siya sa tamang edad!"
"What?" nanlaki ang mga mata ni Phillip. "Wala po akong ginagawang ganoon. Sinubukan ko po siyang turuan noon pero hindi ibig sabihin ay hahayaan ko po siyang mag-isa. Mahal ko po si Aurora at hindi ako makakapayag na may mangyari masama sa kanya. Aksidente lang po ang lahat,"
"Pero iyon ang kuwento sa amin ng mga taong nagdala rito sa kanya sa ospital. Si Aurora ang nagda-drive ng kotse at nawalan ng preno ang sasakyang iyon!"
Gulat na gulat si Phillip sa nalaman. Ilang beses niya pang tinawagan si Mang Densho pero naubos na ang battery ng cellphone niya sa kakasubok na tumawag rito ay narindi lang siya sa answering machine na patuloy na sumasagot sa kanya. Out of coverage area ang cellphone nito.
Alas dos ng madaling araw nang labasin sila Phillip at mga Tita ni Aurora ng Doctor galing sa operating room kung saan dinala si Aurora pagkatapos ng aksidente. Malungkot na tumingin ito sa kanilang apat. Halos panawan rin sila nang malay ng magsalita ito.
"Matindi ang naging aksidente. Marami siyang natamong sugat na nakaapekto nang malaki sa katawan niya. Isama pang nadali rin ang utak niya. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin pero ayaw mag-respond ng katawan niya. I am very afraid to say that her body is in the state of unconsciousness. The patient is in coma at hindi ko sigurado kung hanggang kailan siya mananatiling ganoon.,"