Library
English
Chapters
Settings

9

Flashback...

"HANGGANG ngayon ba ay hindi ka pa rin titigil sa pakikipagkita sa babaeng 'yun?"

Mula sa pagkakangiti dahil sa pagkakasama nila ni Aurora ngayong araw ay napasimangot si Phillip nang marinig ang sinabi ng kanya. Its been more than a year since he was seeing Aurora and bitter was still on his Mom's voice. Patuloy pa rin itong nagiging kontrabida sa buhay pag-ibig niya. Mabuti sana kung ang mga pinagsasabi nito ay ang mga hinaing niya noon kung bakit nilalayuan niya si Aurora. Pero hindi ang future ang iniisip nito kundi ang nakaraan.

Ang nakaraan na sa totoo lang ay wala naman dapat pakialam sa relasyon nila dahil ngayon ay nasa kasalukuyan sila. Wala rin iyong magiging epekto sa nakaraan kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi pa rin maka-move-on move on ang kanyang ina roon.

"At hanggang ngayon po ba ay ipagpuputok pa rin ng butse niyo 'yan? Ma, I'm tired. Ayaw ko ng pag-usapan pa ulit ito," pinagsasabay niya ang pag-aaral, ang pagiging trainer sa YERS at magbigay ng oras para kay Aurora. Marami na siyang ginagawa para intindihin pa ang pag-iinarte ng kanyang ina.

"Dahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nilalayuan ang babaeng 'yun! Tandaan mo ito, Phillip. Hanggang nabubuhay ako, hinding-hindi ko magugustuhan si Aurora. Hinding-hindi ko magugustuhan ang nag-iisang alaala ni Daniel. Ang bunga ng pagmamahalan nila ng Aileen na iyon!"

"Ma, matagal na silang patay. Hanggang ngayon ba ay hindi niyo pa rin napapatawad si Daniel Parker sa pagtataksil niya sa inyo? Nagmamahalan lang sila ng ina ni Aurora at---"

Sinampal siya nito. "Inagaw sa akin ng Aileen na 'yan si Daniel. Ako ang mahal niya at mahal na mahal ko rin siya! Pero nang makilala niya si Aileen ay bigla na lang nag-iba ang pagtingin niya sa akin. He broke up with me because of that bitch! Siya rin ang dahilan kung bakit itinigil ko na ang pagiging equestrienne. Kung bakit ako naggalit sa mundo ng kabayo dahil doon kami nagkakilala. Alam ko na kaggaya ng paglimot ko sa pagiging equestrienne ay limutin ko na rin ang galit. But no! Nasaktan ako nang husto sa mga nangyari at hindi ako papayag na pati ang nag-iisang anak ko ay makuha rin ng lahi ni Aileen. I want that girl out of your life!"

Hindi iilang beses na narinig ni Phillip ang mga salitang iyon. Ang tagal na niyang ipinaintindi sa Mommy niya na hindi na dapat nito problemahin ang tungkol sa kanila ni Aurora dahil sa kabila ng pag-iinarte nito, hindi pa rin niya paalisin sa puso niya si Aurora. Mahal niya ito at kaya niyang ipaglaban ito sa Mommy niya. Kahit mahigit isang taon na niyang ipinaglalaban si Aurora sa ina, hindi pa rin siya sumusuko na balang araw ay mawawala rin ang galit nito. Pero sa tuwina ay hinahayaan na lang muna niya ang lahat. Hindi pa kasi niya lubos na mapakilala si Aurora sa kanyang ina dahil hindi pa naman talaga sila. They were just dating. Ganoon pa man ay mahal na mahal niya ito. Kung dati ay laruan lang ang mga babae sa kanya at sa kabayo lang umiikot ang mundo niya, ngayon ay kay Aurora na. Hindi lang ito isang prinsesa. Isa rin itong witch na nag-cast ng spell para mahulog siya nang husto rito. He bewitched him and he doesn't really care at all. Kung ganoon lang din naman kasi ng witch ay kasing ganda nito, magpapasumpa na lang siya sa bawat lifetime niya. Masaya siya na kasama ito sa kabila ng immaturity nito. Napapatawa kasi siya nito at ito ang nagbigay ng liwanag sa buhay niya.

Sa kabila ng nararamdaman niya ay hindi pa niya nasasabi ang totoong damdamin niya rito. Pinaparamdam lang niya. Wala pang opisyal na namamagitan tungkol sa kanila. Saka na lang niya siguro poproblemahin ang lahat kapag dumating na sila roon.

Hindi siya takot sa kanyang ina sa kabila ng galit nito. May pagkamatigas rin ang ulo niya lalo na kapag gusto niya ang isang bagay. Para sa kanya naman ay nagmahal lang siya. Alam niyang mahirap ipaglaban si Aurora pero naniniwala siyang mali ang dahilan ng kanyang ina. Hindi rin siya magiging isa sa mga cliché na lalaki na porke't ayaw lang ng magulang sa babae ay aayawan na rin ito. May nararamdaman siya kay Aurora. Mahal niya ito. Eh ano naman kung "you against the world" ang drama nila? Ang mahalaga sa kanya ay ang nararamdaman niya.

Damn all the people who think he was a cradle snatcher. Damn her Mom, too, for her unforgettable hate. She should move on now. Naging masaya rin naman ito sa piling ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito.

Sa maraming pagkakataon ay hindi na lang niya muling pinansin ang kanyang ina. Paakyat na siya sa kuwarto niya nang makita niya ang family driver nila na si Mang Densho na mukhang nakikinig sa usapan nila ng ina. Napansin rin niyang madilim ang mukha nito. Gustong mapataas kilay ni Phillip dahil hindi iyon ang unang beses na nakita niya si Mang Densho na nakikinig. Sa tuwina ay ganoon rin ang reaksyon nito. Gusto niyang magtaka kung bakit pero kaggaya nang ginawa niya sa maraming pagkakataon sa ina, hindi rin niya pinansin ito. Nagpatuloy siya sa pag-akyat sa kuwarto.

Well, damn everything. Damn Mang Densho, too. For being an eavesdropper.

Download the app now to receive the reward
Scan the QR code to download Hinovel App.