Chapter 3
(Jordan)
Kumunot ang noo niya..
"But you have to be there baby. My parents want to meet you!" Shiela said with a hint of irritation.
Mabuti na lang sa telepono lang sila nag-uusap. Wala na siyang balak na makipagkita dito. He started his mission: Ghosting.
" I can't. " maiksing sagot niya.
"Iniiwasan mo ba ako Jordan?! I hardly see you and kulang na lang hindi mo sagutin ang mga tawag ko! "
Inilayo niya ang telepono sa tenga. The shrill voice of Shiela is really annoying. Maybe he should just be straightforward. Ano ba naman ang pwedeng gawin nito dahil sa galit? Ang magwala at mageskandalo? He feels that he is ready for all those things. Anyway, 2 weeks lang naman ang challenge niya. It is the last day today.
"Answer me!" Shiela nagged.
He stood up from his chair and brushed his hair with his fingers. "Yes because I don't think it's working Shiela." he said coldy.
He almost released a heavy sigh when she said an obscene word.
"No Jordan! I won't let you do this to me!!"
"May meeting pa ako. Bye Shiela and thanks for eveyrthing. Sorry too." malumanay na sabi niya bago ibinaba ang cp. He turned it off dahil alam niya tatawag ulit ito.
He walked to the door to tell his secretary na in case tumawag or sumulpot ang babae sa opisina, sabihin na wala siya. He heaved a heavy sigh bago naupo ulit sa swivel chair niya.
This is all his fault. Kung hindi siya nagpakalasing sa birthday party ni Harold, hindi sana siya nauto to accept their challenge. Ang patulan si Shiela and takasan ito after two weeks. Alam kasi ng mga kaibigan niya na baliw na baliw sa kanya ang babae and if he will do her, that would be his end. Si Shiela ang tipo ng babae na super clingy. May nangyari sa kanila ng ilang beses simply because the woman is really great in bed and has a body to die for. Kaso for him, it was all sex at hinamon siya ng mga kaibigan so might as well enjoyin na din niya. Kabaligtaran siyempre ng iniisip ni Shiela. Akala nito seryoso siya. Hindi naman siya intresado sa ipinusta ni Harold na BMW R 1200 GS dahil meron naman siyang BMW R Nine T at Ducati 1299 Panigale S. He just wants to prove to them that Jordan Trace Dominguez doesn't say no to a challenge and he always wins. He admits that he is an asshole most of the time. Pero even assholes deserve a quiet life. Finally, the 2 weeks are over. Magpapahinga muna siya sa mga babae pansamantala. It could get tiring especially after Shiela. Ramdam niya nasagad siya.
***
(Mary)
"Ready na ba ako talaga?" tanong niya kay Jho.
Nakaharap siya sa malaking salamin ng beauty salon na kung saan suki ito.
Nakita naman niya na medyo kinagat nito ang ibabang labi pero ilang segundo lang, sumagot naman ito na may ngiti na.
"Honestly, no one can change overnight..." kumunot ang noo niya sa sinabi nito kaya mabilis na nagtagalog ito, " I mean, mahirap na baguhin ang lahat kaagad. Pero at least may improvements naman. Inaaral mo ba ang mga tinuturo namin sayo ni Gie?"
Tumango naman siya. May ari ng isang preschool si Gie na bff ni Jho. Teacher din ito kaya tinuturuan siya ng basic English lessons.May crash course din siya ng personality development program. Lahat-lahat, nakaka-dalawang linggo na sila. Kahit naman sa sarili niya nabilib naman din siya kahit papaano. Sa tiyaga , galing at syempre sa laki ng ginagastos sa kanya ni Jho, imposible na hindi naman siya nag-level up. Para din sa pangarap niyang lalake lahat ito kaya dapat double time ang pagsisikap niya na maayos ang sarili. Pinatigil muna siya ni Jho sa secretarial course niya . After daw ng misyon niya, ito na ang bahala if gusto niya talagang mag-aral. Kahit anong kurso daw pwede. Nakatira din siya sa isang paupahang unit ni Gie na bakante. Libre siya dun. Suportado naman kasi nito ang kaibigan.
"I think pwede na nga Jho. She looks different. Even her manners seem to be more refined compared to two weeks ago." sabi ni Gie habang sa reflection niya sa salamin ito nakatingin.
Ang ganda kaya niya! Mukha na siyang sosyal at mas lalong lumabas ang pagka-mestisa niya dahil sa buhok niya. Kinulayan ito na kagaya ng mga artistang napapanood niya. At may ikikinis pa pala ang balat niya. Iba pala talaga kapag alaga ang kutis. Napaka-light lang naman ang make-up niya. Natural naman kasi na maganda siya .
"She is stunning!" komento naman ni Heidi na nag-ayos sa kanya.
"Well... I have to agree. Mary, handa ka na for my brother ." tumangong sabi ni Jho.
"Just remember na pwede ka namang mag-Tagalog lang. Baste be sure that you speak at a moderate speed and isiipin mo ang itinuro lahat sayo ni Alexa. If you can't understand something, ano ang sasabihin mo?" asked Gie.
Binasa niya ang mga labi bago sumagot. " Pardon me, I beg your pardon o pardon?"
Sabay-sabay na tumango ang mga ito and she smiled at her reflection. Ngumiti siya ng malapad pero may poise pa din.
Abot kamay na talaga ang pangarap niya!
(Jordan)
He seldom cancels his appointments but today he had to. Anyway dalawa na lang naman. Fortunately, it's almost lunch time and at least productive naman ang umaga niya. He met two clients already. Yung tatlo after lunch, re-re-schedule na lang ng sekretarya niya. Alam niya na susugod sa opisina niya si Shiela kaya nagdesisyon siya na umalis na. He can't handle her today. Bukas naman, he has a domestic business trip for three days, so safe siya. Hopefully, pagbalik niya, Shiela had simmered down.
He came out of his car and locked it. He checked his watch.
"Jordan?"
He turned to his left and saw his sister...with a very pretty female.
***
He can't help knitting his brows . Nasa loob sila ng opisina ni Jho pero ang mata niya nasa labas. He can see the outside pero hindi sila nakikita sa loob. One way mirror kasi ang malaking bintana .Hindi niya nakita ang pagkislap ng mga mata ni Jho habang nakangiti ng tipid and is checking her email.
"Are you sure that you can wait for me? I can only have lunch after 30 minutes. I am really surprised that you came unannounced. May problema sa office mo?" she asked him.
"What happened to Susan?" tanong niya na hindi sinagot ang tanong nito pero nakatingin pa din sa nangyayari sa labas.
"She caught the flu. I told her to rest for 2 weeks or more. We don't want her to pass on her flu virus to every body, you know."
"And why are you letting Peralta train your substitute secretary? " kunot pa din ang noong tanong niya sa kapatid.
" And why not? Ken is my assistant remember? I am too busy to train her myself. And why all these questions huh? Might as well umalis na nga tayo. Kung ano-ano ang napapansin mo. Let's go."
(Mary)
Kundi lang niya kinokontrol ang sarili, mamimilipit na siya sa kilig. Nasa opisina na nga si Jordan my love niya, idagdag pa ang guwapo ding assistant ni Jho na nag-tuturo sa kanya ng mga gagawin. At ang maganda , hindi ito Inglisero masyado kaya malayo siyang mag-nose bleed.
"Madali lang naman hindi ba?" tanong nito sa kanya. Medyo naka bend forward ang katawan nito sa lamesa habang nag-eexplain sa kanya.
May ilang pulgada naman ang layo ng mukha nito sa kanya. Mabuti na lang wala siyang bulok na ngipin kaya wala siyang bad breath. Swerte siya at hindi siya nahawaan ng pinsan na si Bebang sa katamaran nito pagdating sa personal hygiene. Kahit hindi branded ang mga damit niya, at least alam niya sa sarili niya na mabango siya palagi. Pero siyempre ngayon sosyal na ng slight dahil binili lahat ni Jho ang mga isusuot niya kasama ng iba pang gamit gaya ng bag at sapatos.
Tumango siya. Hindi naman nga mahirap ang trabaho niya. Nahasa din kasi ng bahagya ang utak niya kaya hindi naman siya nalilito pa. Wish niya lang magtuloy-tuloy na.
"Eh sir Ken..."
"Ken na lang kaya? Parang nakakatanda ang sir Ken. " biro nito na nakangiti kaya labas ang malalim na dimples.
"Peralta!!!"
Napadiretso ng tayo si Ken at nakagat naman niya ang ibabang labi ng dumagundong ang boses ni Jordan.
"What is it?" tanong ni Ken matapos lingunin ito.
Tumayo na din siya at tumingin sa my loves niya. Mas napadiin ang kagat niya sa labi nang makita ang galit na mukha nito. Nasa tabi nito si Jho na kunot ang noo na nakatingin sa kapatid.
"You don't need to train her!" sabi nito kay Ken sa matigas na boses.
"Of course I have to.."
"I want her!" Jordan said and napa- what si Jho at siya naman napaawang ang bibig. " You can have my secretary! " malamig na sabi pa nito sa kapatid.
"Y-You can't do that! This is all so unexpected! " angal ni Jho.
"I will send Maya here tomorrow. I want Miss Dimagiba with me on my business trip and that's final!" sabi ni Jordan sa matigas na boses.
Napalunok siya at napahawak ang kamay sa dibdib niya. Hindi niya alam ang mararamdaman. Iba kasi ang titig ng my loves niya sa kanya.
"Get ready for me ....." sabi nito sa kanya.