Library
English

My Clueless Enchantress (Filipino)

31.0K · Completed
Gracia Bonifacio
15
Chapters
5.0K
Views
8.0
Ratings

Summary

*This story is written in Filipino language mixed with a little English. Shelly Fernandez is not really into good-looking men. Mas guwapo mas delikado dahil saksakan ng babaero. Jake Herrera is not only gorgeous but is also rich and powerful. He made it clear na gusto siya nitong maging girlfriend. What Jake wants, Jake gets..ito ang motto ng lalake. Can she say no to him lalo na if he'll even resort to blackmail just to make her his? Will she just be one of his conquests or will she be different? *NOT SUITABLE FOR MINORS* 2020 © All rights reserved

Romance18+MatureTrue LoveFemale leadDominant

Chapter 1

"Saan mo gustong kumain babe?" tanong ng super hot at sosyal na nobyo niya habang hawak-hawak ang mga kamay niya. Nasa loob sila ng mabangong kotse nito.

Nakasuot ito ng amerikana na kulay grey dahil galing ito sa trabaho. Manager ito ng isang malaking kumpanya.

"Kahit saan. Hindi naman ako maarte sa pagkain." nakangiting sagot niya.

Mas pumogi ang bf niya dahil lalong lumapad ang ngiti nito.

"Yan ang gusto ko sayo babe. Napakaganda mo pero napasimple ng mga gusto mo. Ang hirap maghanap ng kagaya mo. Ako na yata ang pinaka-maswerteng lalake sa mundo. Hinding-hindi na kita talaga papakawalan. Akin ka forever at sayo din ako sayo habambuhay. I love you very much." bulong nito habang dahan-dahang lumalapit ang mukha nito sa kanya.

Ipinikit niya ang mga mata para hintayin ang pagdapo ng labi nito sa mga labi niya. Nalalasahan na niya ang tamis ng halik nito.

Pero bigla na lang kumunot ang noo niya. "Babe? Nag sepilyo ka ba?" tanong niya and napamulagat siya nang nakarinig siya ng malakas na tawa. Pamilyar na tawa .

"Sabi ko na nga ba tulog ka at nananaginip na naman! Kanina ka pa tinatawag ng nanay! Lagot ka na naman! Parang armalite ang bibig dahil sayo ate! Nakakahiya pa din sa mga kapitbahay an gaga-aga kasi…"

Naningkit ang mga mata na padabog siyang umupo mula sa pagkakahiga sa papag. "Kahit kailan talaga panira ka! Masama bang magpahinga sa bahay na to?" inis na tanong niya sa pinsang si Bebang.

Bata ito ng limang taon sa kanya. Kaka- 16 lang nito nung isang buwan.

" Pupusta ako yung prince charming mo na naman na matangkad, guwapo, malaki ang katawan at sosyal ang nasa panaginip mo no? Nagsasalita ka pa nga! Tsk..tsk! Ma-dedepress ka lang niyan at ang masaklap pa ay mapapagalitan ka pa ni nanay! Paano magiging makatotohanan yang panaginip mo eh ni hindi ka nga marunong mag -English! Kaya pati nga yang pagsasalita mo habang tulog ka, Tagalog pa din! May sosyal at mayaman ba na hindi Inglisero o Inglisera? Napakalayo sa katotohanan! Utang na loob lang ate Mary! Tigilan mo na yan! Mabuti pa lumabas ka na dun bago magalit ang mga kapitbahay sa pagbubunganga na naman ng nanay! Alarm clock lang ang peg eh! Isampay mo na daw yung mga damit now na! " litanya nito bago nagsuot ng medyas na may malaking butas sa may parteng hinlalaki nito.

"Kung makapagsalita ka naman Bebang parang ang tali-talino mo! At isa pa, FYI..O hayan! Ingles yun! FYI! " nakataas ang kilay na sabi niya sa pinsan bago tumayo at umpisahang ligpitin ang pinagtulugan niya. ".. marunong naman akong mag Ingles! Kaso masdyo matagal lang bago ko mabuo pero marunong kaya ako. Hello?! Nag-aaral kaya ako ng secretarial! Nakalimutan mo na?"

"Hala ate?! Kakaumpisa mo pa nga lang kagabi di ba? Para namang gagradweyt ka na eh! At hello lang ate Mary! Matalino naman talaga ako no? Sus ako pa ba pagsasabihan mo ng ganyan? "sabi nito na nakairap bago tumayo at humarap sa salamin para magsuklay.

"Saang banda ka matalino? Hindi ba naka-dalawang taon ka sa grade 6? Ganun ba ang matalino? Naiba na? Mas mainam pa nga ako sayo eh! At least ako pasang-awa at hindi repeater!"

"Hay naku ate! Paulit-ulit? Ilang beses ko ba na sasabihin sayo na nag-wawarm up lang ako nun! Tsaka crush ko kaya yung teacher namin sa PE kaya gusto kong umulit! "

"Tigilan mo nga ako Bebang! Kung makapanira ka ng pangarap wagas! Mas may pag-asa akong mahanap ang prince charming ko kesa sayo! Sige nga! Paano ka magugustuhan ng mga crush mo kundi ka naliligo at nagsesepilyo? Kadiri ka!" nakangiwing sabi niya sa pinsan.

Ni hindi siya nilingon nito. Nag pulbos ito. "Tumutulong na nga ako sa inyo ni nanay tapos ganyan ka pang magsalita!" may himig tampong sabi nito.

"At paano ka naman nakakatulong niyan? " nakapamewang na tanong niya.

"Tipid sa tubig, sabon at colgate!" pilosopong sabi nito.

Babatuhin sana niya ito ng unan pero umiwas agad ito.

"Eh ikaw maganda ka nga kaso...hanggang dun lang...waley na!" pang-aalaska pa nito.

Susugurin sana niya ito pero dumagundong na ang boses ng tiyahin niya.

"MARY MARR!!!" galit na tawag ng tita Jackie niya.

***

"Ewan ko ba sayo na bata ka! Nagsasayang ka lang ng pera sa kurso na yan eh! Malamang naman wala ding mangyayari sayo! Kita mo nga ang mga grades mo nung nag-aaral ka? Grabe!Katakot-takot na dasal ang ginawa ko para lang makatapos ka ng hayskul! Hindi pwedeng maging sekretarya ang tatanga -tanga! Kung yang kinikita mo sana diyan sa karinderya ni Akong nilalaan mo na lang lahat sa gastusin natin dito sa bahay eh di hindi na ako nagkakadakubang mamasukan diyan kay Esperanza na saksakan ng kuripot! Nagtitiis na nga ako sa maliit na sahod, halos himatayin pa kami sa init sa loob ng tindahan niya! Mas matanda pa yata sa akin ang kaisa-isang electric fan dun eh ayaw pang papag-retiruhin! Mas malakas pa ang hangin na lumalabas sa bibig ko eh! Kung may mahahanap lang akong iba, lilipat ako ora mismo!" litanya ng tiya Jackie niya.

Kapatid ito ng tatay niya. Namatay ang tatay niya nung bata siya at naglaho na lang na parang bula ang nanay niya kaya ang tita Jackie na niya ang kumupkop sa kanya . Mabait naman ito pero bungangera at numero unong reklamador.

"Mas masarap naman ang tsisimisan dun kaya paano ka aalis dun?" bulong niya sa hangin.

"Ano kamo? May sinasabi ka ba ha?!" pagalit na tanong ng kapatid ng tatay niya.

"Wala po tiyang! Sabi ko po lalabas na ako para masampay ko na yung mga damit na nasa timba! Sayang naman po ang init ng araw." sagot niya na may maasim na ngiti.

"Dapat lang! Mary Mar makinig kang mabuti ha? Baka kasi pumalpak ka na naman! Yung nasa pulang timba ang babanlawan! Yung mga puti na nasa itim na palanggana, ikula mo! At yung nasa asul na balde.. yun ang isasampay! Nakuha mo?!"

"Opo!" sagot niya bago pumunta sa harapan ng bahay nila kung nasaan ang mga balde.

"Umayos ka Mary Mar ha?! Tandaan mo walang ospital sa mga tanga! Kahit may hitsura ka walang mayamang magkakagusto sayo kapag hindi mo hinasa yang utak mo! Kataas ng pangarap eh hindi naman abot ng utak!" sabi pa nito bago dumaan sa likod bahay nila kung saan may short cut papunta sa trabaho nito.

***

"Bawal na ngang magpahinga sa bahay na to pati ba naman mangarap bawal din? Kahit kailan grabe talagang magsalita si tiyang. Akala mo naman hindi ako marunong masaktan. Hindi naman ako tanga! Hirap lang akong mag-isip ng sabay-sabay. Ang sakit kaya sa ulo. " sabi niya sa sarili habang nagsasampay ng mga damit.

Nang matapos, padabog siyang umupo para umpisahang banlawan ang mga nasa pulang timba. Pabulong-bulong siya habang nagkukusot.

"Hay naku Mary! Wag kang mawawalan ng pag-asa ! Somewhere over the rainbow may prince charming na naghihintay sayo! Wag kang papadala sa sinasabi ng tiya mo! Hindi pwede na habambuhay ka na lang lalait-laitin at aapi-apihin. Para lang yang sa pelikula. Yung mga magagandang bida, aalipustahin tapos sa huli magiging mayaman at sosyal! Ako yun! Ang ganda ganda ko kaya!"sabi niya sa sarili bago tumayo at kinuha ang timba.

"The hell..?!"

Napamulagat siya at nabitawan ang balde nang nagmura ang lalake. Nabasa ito ng basta niya lang itinapon ang pinagbanlawang tubig.

"What where you thinking?!" galit na tanong nito at nagmura na naman ito dahil nakatanga lang siya na nakatingin dito.

Hinawakan niya ang dibdib.

Asa harapan niya ang lalakeng pinapangarap niya!

Malaki ang pagkakahawig nito sa jowa niya sa panaginip. Mas guwapo pa nga ito lalo at maliwanag kaya kitang kita ang nakakatakam na anyo nito. At kahit na galit na galit ito, hindi nakabawas sa kaguwapuhan nito. Mas lumakas pa ang dating ng future jowa niya!

Nakulitan na yata sa kanya kaya dininig na din ang mga panalangin niya. Epektib ang binili niyang bertud sa Quiapo!

Sa wakas! Nagkatawang tao na ang jowa niyang ubod ng gwapo at yaman!

Kitang-kita na niya ang magagandang mga mata nito na tila palaging nangungusap..ang medyo mapulang labi nito na parang ang sarap humalik. Ang manipis na balbas at bigote nito na tila nakakakiliti. At ang katawan nito na kahit nakadamit, mukhang namumutok sa muscle.

"Thank you...!" mahinang pasalamat niya na nakangiti pa ng bahagya habang lalo namang kumunot ang noo nito habang nakatitig lang sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito .

"Oh Gosh! What happened to you?!" tanong ng babae na lumapit bigla sa jowa niya.

Sosyal na sosyal ang hitsura at boses nito...kabaligtaran niya. Tila nabagsakan siya ng langit.

Nganga kang Mary Mar ka! Naisip niya.