Chapter 2
(Jordan)
Unang beses niyang pumunta sa ganitong lugar. Ang ina niya ang nag-utos sa kanya para iabot sa pamilya ng driver nila na si mang Emong ang pera. Hindi siya matapobre pero hindi lang niya makita ang logic why he has to go there in person. Marami namang pwedeng utusan at hindi na kailangang siya mismo ang mag-aabot ng pera. Take one of their helps for example. Mas madali na isa sa mga ito ang magpunta dito dahil alam nila ang bahay ng driver.
(Flashback)
"That is absolutely such a snobbish attitude Jordan! You really disappoint me! Kundi din naman sa bagong babae mo na inani na lahat ng kaartehan sa mundo hindi magkakasakit si Emong! " galit na sabi ng mama niya kagabi.
"And why on earth did you do what she wanted? She is so ..so....I don't even want to use the word. .." naiiling na sabi ng kapatid na si Jhoanna or Jho .
Tumingin siya dito with narrowed eyes to warn her not to fuel their mother's anger .
"I mean, can't she afford to have her personal driver? Look at her! She likes everything fancy! One of her bags is basically kuya Emong's one year salary. " dagdag pa nito.
"Oh just stop Jho! You are making matters worse!" saway niya dito nang sumegunda ang mama nila. "It was just one time.." naputol ang sasabihin niya ng nagsalita ulit ang mama nila.
"Isang beses nga but look what happened?! Nagkasakit si Emong dahil sa kapritso ng babae mo!" his mother accused.
Naisuklay na lang niya ang buhok ng kamay. He may be a dickhead most of the time but he will never tell his family that he is just trying to avoid being with his part-time girlfriend (gf lang niya si Shiela kapag mag-kasama sila) kaya inoffer na lang niya na si mang Emong ang magdrive para dito two days ago imbes na siya. Shiela can be very demanding. Naghihintay lang siya ng tamang tiyempo para totally iwasan ito. He discovered na may pagka-baliw ito kaya mahirap na basta na lang iwanan. He knows that it won't be easy. Nasa huli naman talaga ang pagsisisi.
"Alam na niyang malakas ang ulan kung ano-ano pa ang iniutos kay Emong? Tinrangkaso tuloy! Daig pa ako ng Shiela na yan! Tayo! We are never inconsiderate! Kung alam mo what's good for you, iwanan mo na ang babaeng yan! Now go! Kahapon mo pa dapat inihatid yan eh! You have been stalling! Jhoana! Go with your brother just to be sure na pupunta na yan ngayon kina Emong! They need the money!!"
He sighed heavily and once again ran his fingers through his hair.
"Heard that kuya? Let's go!" sabi ng kapatid na may kislap pa sa mata.
(ATM)
"Why are you wet?!" dinig niyang tanong ulit ng kapatid.
He can't take his eyes off the woman in front of him. She is staring back at him. Her natural pink lips are slightly separated. He is used to getting this kind of reaction pero iba ang babaeng ito.Kumunot ang noo niya bago naglandas ang mga mata niya sa suot nito.She is in a white sleeveless shirt and her blue bra straps are visible. He hid his disappointment. Maganda ito pero she doesn't have big boobs.
May kaunti pang hiya na nagbaba ito finally ng tingin.
"Jordan?!"
Nilingon niya panandalian ang kapatid bago hinubad ang jacket niya.
"Forget it! Let's go! " sabi niya sa kapatid before ibinalik ulit ang mata sa babae. " Next time be careful!" may inis na sabi niya dito.
"S-Sorry po.. " the woman said na nag-angat ng mukha and tumingin sa kapatid niya imbes sa kanya.
He released an exasperated sigh and raked his hand through his hair. This woman doesn't even know that what he is wearing is as usual very expensive. Kung pwede nga lang ipamukha niya dito that her sorry is not enough.
(Mary)
Parang gusto niyang ngumiti ng malapad kundi lang mukhang bad trip pa din sa kanya ang prince charming niya. Ang ganda pati ng pangalan nito. Pang- mayaman talaga!
Jordan.. my love... She thought.
Ang bait pa din kasi ng tadhana sa kanya dahil hindi pala nito jowa ang sosyal na babae. Ito pala ang future sister-in-law niya.
"Come on kuya Jordan! It's just a jacket okay?" sabi ng hipag niya sa prince charming niya bago lumipat ang mga mata nito sa kanya. " Hello. I am Jho and this is my brother Jordan."
May hiya na ngumiti siya dito ng bahagya. Sakto lang para lumitaw ang maputi niyang ngipin. Napansin niya na grabeng makatitig sa kanya si Jordan kaya kailangan niyang magpa-cute ng todo.
"It's our first time here . We didn't know that the roads are narrow so we had no choice but to leave the car in front of the convenience store one block away from here. We are looking for kuya Emong's house. Do you know him? Could you give us directions to his place? "
Bzzzttt.... (sound of no signal)
"H-Ha?" tanong niya.
Ang bilis nitong magsalita at slang pa. Ang masama pa Ingles! Nakagat niya ang ibabang labi nang lalong kumunot ang noo ni Jordan habang naghihintay ito at ang kapatid ng sagot niya. Naitindihan naman niya ng slight. Lalo yung parte na nabanggit ang pangalan ni kuya Emong. Hinahanap nila ang bahay nito. Kaso ang problema.. paano niya sasagutin? Dapat Ingles din sana para ma-impress si Jordan. Pero paano nga?
"It's around here right?" tanong ulit ni Jho.
"Mary!" Tawag ni Rhomz, ang best friend niya.
Lumingon siya dito pero sa magkapatid nakatingin ito. Nakabuntot dito ang pinsan nito na si Ruffa na bekimon.
"You're looking for kuya Emong? I can take you there." sabi ni Rhomz sa dalawa na ikinahinga niya ng maluwag. Naisalba na naman siya nito sa malaking kahihiyan.
"That would be great. Thanks." sagot ni Jho ." Alis na kami Mary." tumingin muna ito sa kanya bago tumango kay Rhomz.
Naisip niya na marunong naman pala itong mag-Tagalog pinahirapan pa siya.
Si Jordan naman mabilis na lang na tumalikod na mukhang hindi na nabura ang lukot sa noo.
***
"Tumigil ka na nga sa kakatawa! Nakita mo na ngang napahiya ako sa prince charming ko dadagdag ka pa!" bwisit na bwisit na sabi niya kay Ruffa.
Tumawa na naman ito ng malakas kaya hinampas niya ito ng sando ni Bebang na may sabon-sabon pa kaya nagtitili ito at lumayo ng bahagya sa kanya.
"Rarampa pa ako malandi ka! Nabasa tuloy ang damit ko! Kahit kailan bayolente ka sa akin! Imbey ka talaga! Eh sino ba naman ang hindi matatawa sayo? TH ka 'te! As in! Na-feel ko na to eh! Tong moment na may magbabara ang utak. Nakita kasi namin ang have na have (functions like an adjective which is used for a really good-looking person) na mukhang yamanechi (rich) na lalaking yun kasama ang sosyalerang girlash na dadaan dito. Natanaw din namin ang mga pangyayari mula sa pagkakatapon mo ng nangigitatang tubig sa kanya! At yun na nga! Yang pagka starstruck mo 'te! At ang finale... ang pag-loloading ng utak mo ng magsalita na si ganda babae! Hindi ba naman nakakatawa talaga? Umamin kang bakla ka! Gusto mong magpa-impress kaya nagbuffering na naman yang brain cells mo! At balak pang makipagtagisan ng Ingles? UTANG NA LAMANG LOOB MARIA! " OA na sabi nito.
"Ikaw ang tumigil RUPERTO!" galit na sabi niya dito.
Matinis na tumili ulit ito at pinanlakihan siya ng mata.
"Nagulat lang ako kaya wala akong nasabi. Ano..kasi...."
"HEH! Magdadahilan ka pa! Alam ko naman yun ang pinapangarap mong lalake..kaso 'te.. hindi kayo bagay kaya tanggapin mo na! Andito siya 'te o.." itinaas pa nito lampas ulo ang kamay, " at eto ka!" sabay baba ng kamay , " So paano kayo pwede? Sa tingin ko kay papa pogi allergic sa mga aanga-anga. Di mo napansin yun 'te? "
"Grabe ka talagang bakla ka! Lahat naman mapag-aaralan eh!"
"So ngayon sinabinan ka ni Jose Rizal? Gusto mo na biglang maging genius? Maawa ka sa utak mo 'te! Hindi kakayanin pramis!"
Naningkit ang mga mata niya, " Hinahamon mo talaga ako? Akala mo hindi ko keri? Tandaan mo itong bakla ka! Magiging kami ni Jordan itaga mo sa mga bakokang mo sa binti na tinatakpan mo ng katakot-takot na concealer!"
Naningkit din ang mga mata ni Ruffa at akmang kukuha ng isang damit na nakasampay para hampasin siya kaya nagready naman siya. Super sensitive ito sa mga bakokang nito kaya alam na niya ang susunod na eksena.
"Giyera na to shonga kang babae ka! Sabihin mo ng lahat wag lang yun! Halikaaaa!"
"Tumigil na nga kayong dalawa!" awat ni Rhomz.
Sabay na umayos naman sila. Sa kanilang magkakaibigan, si Rhomz ang pinaka-matino. Dito lahat sila nanghihingi ng payo dahil ito ang pinaka-matalino sa kanila. Teacher ito sa day care malapit sa kanila. Tiklop lahat sila kahit ang tiya Jackie niya kapag nagsalita na ito dahil madalas naman makabuluhan palagi ang lumabalas sa bibig nito.
"Para kayong mga bata! Ikaw naman Ruffa ang may diprensiya madalas eh! Palagi mong pinagtitripan si Mary! Ikaw naman Mary, hindi ka na nasanay sa pinsan ko! Hindi mo na dapat pinapatulan! Nga pala! Dumaan kami dito kasi magpapatulong sana ako sa makalawa. May event sa day care. Hindi ba day off mo yun sa trabaho di ba? Sa hapon pa naman ang pasok mo sa TESDA di ba?"
Tumango siya. Madalang itong manghingi ng pabor sa kanya kaya hindi siya maka-hindi dito. Tutal mas okay na ang sumama siya dito kesa ulanin siya ng utos ng tiyahin sa off niya.
"Andun na kina mang Emong ang magkapatid?" tanong niya dito.
"Oo, okay na. Mabuti nga hindi umulan kagabi kundi katakot-takot na putik ang dadaanan papunta dun. Yun pala ang mga amo ni kuya Emong."
"In perness hindi naman mukhang matapobre yung babae pero yung pinagpapantasyahan ng isa diyan mukhang suplado at matalino. Turn off sa mga shunga.."
Sinamaan niya ng tingin ito at sinaway naman ito agad ng pinsan.
"Oh maguumpisa ka na naman! " sabi ni Rhomz. " Hindi naman tanga si Mary.. slow lang at mareremdyuhan naman yun. "
"May remedyo pa ba yun kung nagkulang sa sustansiya ang utak mula pagkabata?!" pang-aasar na naman ni Ruffa.
Binato niya ng hanger ito pero nakaiwas. Susugod sana ito sa kanya pero pumagitna si Rhomz.
"Mary? Pwede kang makausap?"
Natigilan silang lahat sa boses ni Jho.
"A-ako?" tanong niya.
"Siya?" tanong naman ni Ruffa habang nakaturo sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito na mukhang hindi makapaniwala sa pagbabalik ng hipag niya.
Tumango si Jho. "Pwede?" may ngiti na tanong ulit nito.
Bago siya tumango sumabat si Ruffa. " Galing ng bertud mo 'te. Si mam Jho pa ang nag-adjust. Nag-Tagalog na! Alam na niya! Iba na ang brainy! Mabilis maka-pick up hindi kagaya ng iba..." pang-aasar nito kaya sabay sila ni Rhomz na tumingin ng masama dito.
Mabilis din naman siyang tumingin ulit kay Jho. "S-Sige.." sabi niya.
"Mauuna na kami . Yung usapan natin Mary ha?"paalam naman ni Rhomz pero tumango lang siya dito habang nag thank you ulit si Jho dito.
"Kukunin ko sana ang number mo." sabi ng kapatid ni Jordan pag-alis ng mag-pinsan.
"H-Ha? B-Bakit?" tila nag buffering na naman ang utak niya but sa pagkakataong ito dahil hindi niya ineexpect ito.
"I will be honest. Gusto kita and I think ikaw ang makakatulong sa amin."
"A-Ako?" Gusto na niyang batukan ang sarili kasi wala siyang ibang masabi.
"Yes. Ikaw." sagot nito na nakangiti pa din. Mukha namang mahaba ang pasensiya nito sa kanya na ipinagpasalamat niya.
"Anong tulong?" medyo kunot ang noong tanong niya.
"Ibigay mo sa akin ang number mo and tatawagan kita mamaya. It's about Jordan . Gusto mo bang maging girlfriend niya?"
Napaawang ang bibig niya.